answersLogoWhite

0


Best Answer

Ang Desaparesidos ay tungkol kay Anna o Ka Leila para sa mga kasama nya sa NPA. Isang babae na nawalan ng Asawa dahil pinatay ng mga sundalo. May anak silang dalawa ni Nonong na si Malaya ngunit dahil hindi ligtas ipinaubaya ni Anna si Malaya sa pamilya ni Roy. Tinggap ito ng pamilya ni Roy at si Karla na isang buntis at mahilig sa bata ang nag alaga kay Malaya. Di nag tagal ay dumating na ang mga sundalo tatlong baryo bago pa dumating sa baryo kung saan namamahay ang pamilya ni Roy. Pinaalis na ni Mang Manuel sila Karla at Malaya bago pa man dumating ang mga sundalo sa kanilang baryo. Isinama ni Tatay Manuel sila Karla sa lupok ng mga tao na pinu-prusisyon ang block rosary para makatakas sila at di mapansin ng mga sundalo. Ayon sa narinig na kwento ni Roy, tungkol sa pagkamatay ng buong pamilya nya, Hinahanap ng mga sundalo ang tao na may Pangalan na Ronildo Ibanag at nag sabi si Tatay Manuel na anak nya ito. Tinanong ng mga sundalo kung nasaan si Ronildo pero ayaw mag salita ni Tatay Manuel kaya binugbog nila ito hanggan sa huli ay di parin nag sasalita si Tatay Manuel kaya umalis na ang mga sundalo, nagpaputok sila ng armalite sa tapat ng bahay nila Roy biglang sumigaw ang nanay ni Roy na "Nene!!!!" natamaan ng bala si Nene. At pagkatapos pagpuputukan ang bahay nila Roy ay kumuha pa sila ng sulo at sinunog ang bahay kasama na ang mga tao sa loob ng bahay. Hindi lang naman daw si Roy ang nawalan ng mahal sa buhay, kaya sa tuwing may namanatay sa kanilang pamilya sinasabi nalang nila na "kasama, iyon sa pakikibaka" at idadag pa nila na "Gaganti tayo, Kasama".

Nahuli ng mga sundalo si Anna at Jinky dahil lumabas sila para hanapin sila Karla at Malaya, sa bahay kung saan dapat sila ay makikitulog. Nakita nila na may mga taong NASA owner at naka helmet. Pinatakbo kaagad ni Jinky si Anna ngunit nahuli parin sila. Pinagsamantalahan ng mgasundalo si Anna at pinahirapan naman nila si Jinky, dahilan para magsalita siya kung nasan na ang mga kasamahan nya.Dahil alam na ng mga sundalo kung saan namumugad ang mga NPA, halos lahat kasama ni Roy ay nahuli. Sa bilangguan na niya nakilala si Sgt. Reyes na mabait at matanda na. Kapag wala ang boy na tagatapon ng basura, madalas ay si Sgt. Reyes pa ang kumukuha neto at pagkatapos ay nakikipag kwentuhan pa siya sa mga bilanggo. At dahil pinagkakatiwalaan na si Roy ng ibang mga sundalo doon kasama si Sgt. Reyes, pinayagan nila itong magtapon ng basura kasama ang boy, at doon sya nag karoon ng pag kakataon makatakas.Ngunit nanatili naman sa kulungan si Anna . Kahit nasa kulungan si Anna ,sinusubukan niya pa ring hanapin si Karla at ang kanyang anak na si Malaya .Hanggang sa kalaunan ay nakalaya din siya at tinulungan siya ni Roy sa paghahanap kay Karla at ng kanyang anak . Dun nabuo ang malalim na pagtinginan ng dalawa at sa kalaunan ay nag desisyon din silang mag pakasal.Nagkaroon sila ng anak ito ay si Lorena, na sa kanyang pagkabata ay naguguluhan sa lagi pag alis ng kanyang mga magulang at madalas ay iniwan sa mga bahay ng kanilang mga di-kilalang mga kamag-anak at mga kaibigan.

Kahit na may iba ng pamilya si Anna ay hindi niya parin nakalimutan ang anak at umaasa pa rin siyang makikita at makakasama niya pa rin ang anak.Sa kalaunan nakita na rin ang kanyang anak na si Malaya. Nung una nag panggap pa si Karla na namatay na ang anak ni Anna at ang Dalagang kasama niya na malapit ng ikasal ay anak niya ngunit nakonsensya si Karla at sinabi niya rin ang totoo sa anak niya ,na hindi siya ang tunay na ina nito kundi si Anna .Agad namang pinuntahan ni Malaya si Anna at sa wakas nagkasama na rin ang mag ina . Hindi naman nagalit si Anna o si Malaya kay Karla dahil ipinaliwanag naman ni Karla ang lahat sa kanila.

Naging maganda ang pagtatapos ng kwento, nahirapan man ang mga pangunahing tauhan na si Anna at Roy, nakayanan naman nila ang mga pagsubok na dumaan sa kanila.

User Avatar

Wiki User

7y ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Mga maikling kwento ni lualhati bautista?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Mga maikling kwento na ginagamitan ng teoryang romantisismo?

magsaliksik tungkol sa teorya ng panitikan


Ano ang pagkakaiba ng maikling kwento noon at maikling kwento ngayon?

Matalinhaga noon ngayon may nauuso ng mga makabagong salita mga jejemon at bekimon na hindi maganda para sa mga pilipino.


Ano-ano ang mga uri ng maikling kwento?

" pakikipagsapalarang maromansa madulang pangyayarikwentong Nagsasalaysaykwentong pangkatauhan kwentong katutubong kulaykwentong sikolohikokwentong talinokwentong katatawanankwentong katatakutan" " kababalaghan" " pakikipagsapalarang maromansa madulang pangyayari


Ano ang mga kayarian ng maikling kwento?

Ang mga pangunahing kayarian ng maikling kwento ay ang pagkakaroon ng isang maikling plot o kuwento, limitadong bilang ng mga tauhan, tiyak na tema o mensahe, at maikling haba o lapad ng kuwento. Karaniwang mayroon itong mahigpit na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari hanggang sa pagtatapos.


Paano lumaganap ang maikling kwento pilipinas?

Sa pagdami ng mga tao, paglaki ng populasyon ng Pilipinas, dumami na rin an mga tsismosa. Sila ang nagpapalaganap ng kung anu-anong kwento o maikling kwento. Pati kweto tungkol sa nanay mo ay maaari nilang malaman gamit lamang ang "adcanced observation Haki" di na kailangan ng private investigator.


Pinagmulan ng maikling kuwento?

walang opisyal na pinagmulan ang maikling kwento, bago pa man dumating ang mga dalubhasa dito sa mundo, ay iba't ibang maiikling kwento ang dumadaloy sa ugat ng mundo, sa pangalan ng kwento, literal na ito ay ikinukwento, at nadugtungan lamang ng maikli, na ang ibig sabihin ay short story, o maliit lamang ang takbo ng kwento.


Halimbawa ng maikling kwento tunkol sa kahirapan?

Sinu sino ang mga tauhan sa


Buod ng bata-bata ka ginawa by Lualhati Bautista?

(What did the judgment of lualhati bautista) Sinabi mo lang sa akin sa Tagalog - What did the judgement of lualhati bautista - (Ingles) Im paumanhin hindi ko alam. (im sorry i don't know) - Ingles.


May buod ba kayo sa maikling kwento na aloha saang website?

Wala po akong maisusugest na website kung saan maaaring makita ang maikling kwento na "Aloha". Subalit, maaari po kayong maghanap sa mga websites ng mga literary journals o online literature platforms para hanapin ang kwento na iyon.


Ang 11 akdang tuluyan?

"Noli Me Tangere" ni Jose Rizal "El Filibusterismo" ni Jose Rizal "Ibong Adarna" ni Jose de la Cruz "Florante at Laura" ni Francisco Balagtas "Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tábon" ni Edgar Calabia Samar "Luha ng Buwaya" ni Amado V. Hernandez "Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?" ni Lualhati Bautista "Mga Ibong Mandaragit" ni Amado V. Hernandez "Dekada '70" ni Lualhati Bautista "Mga Anak ng Dagat" ni Al Perez Jr.


What is the English word for saglit ng kasiglahan sa maikling kwento?

mga bobo tanga pa LOL sino ba to...sama? Ano climax...


Maikling talambuhay ni lualhati bautista?

Si Lualhati Bautista ay isang bantog na babaeng Pilipinong manunulat. Kadalasan, ang mga akda niya ay nasa anyong nobela o maikling kwento, pero nakalikha na rin siya ng ilang akdang-pampelikula.Pinanganak si Lualhati Bautista sa Tondo, Manila noong Disyembre 2, 1945. Nagtapos siya sa Emilio Jacinto Elementary School noong 1958, at sa Torres High School noong 1962. Naging journalism major siya sa Lyceum of the Philippines, ngunit nag-drop out bago man niya matapos ang kanyang unang taon.Ilan sa mga nobela niya ang: Gapo, Dekada '70, at Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa? na nakapagpanalo sa kanya ng Palanca Award ng tatlong beses: noong 1980, 1983, at 1984. Nakatanggap din siya ng dalawang Palanca Award para sa dalawa sa kanyang mga maikling kwento: Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra (unang gantimpala, 1982) at Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang (pangatlong gantimpala, 1983). Noong 1984, ang kanyang script para sa Bulaklak ng City Jail ay nagwagi bilang Best Story-Best Screenplay sa Metro Manila Film Festival, Film Academy Awards, at Star Awards.(c) WIKIPEDIAI do not own anything written