answersLogoWhite

0


Best Answer

From : Juster Ballesteros Of Asingan, Pangasinan ..

" PANAHON NG KOMONWELT "

Ang Komonwelt ng Pilipinas (Ingles: Commonwealth of the Philippines;Kastila: Mancomunidad de Filipinas) ay ang tawag pampulitika sa Pilipinas noong 1935 hanggang 1946 kung kailan komonwelt ng Estados Unidos ang bansa. Bago ng 1935, isang pook-insular na di-komonwelt ang Pilipinas, at bago pa doon, teritoryo lamang ito ng Estados Unidos..

Si Manuel L. Quezon ang unang pangulo ng komonwelt. Si Sergio Osmeña ang ikalawang pangulo ng komonwelt. Si Manuel Roxas ang naging huling pangulo nito. Tuluyan nang ibinuwag ang Komonwelt noong 1946 at naging republikaang Pilipinas.

Mga Naging Batas Noong Panahon Ng Komonwelt :

Philippine Bill ng 1902

Isinulat ni Kongresista Henry Copper ang Philippine Bill ng 1902 o Copper Act. Ang batas na ito ay nagpahintulot sa pagbuo ng isang lehislatura ng bansa na may dalawang kapulungan. Ang mataas na kapulungan ay ang Philippine Commission na binuo ng mga Amerikano.Ang mababang kapulungan ay binubuo naman ng nga Pilipinong inihalal ng bansa noong Hulyo, 1907. Ang mga batas na nalikha ng mga unang Pilipinong mambabatas ay ang nagtadhana ng sumusunod:

1. Pagtatayo ng mga paaralan

2. Pagtatatag sa Unibersidad ng Pilipinas

3. Pagbuo ng isang bangko ng pamahalaan (Philippine National Bank)

4. Pagpapadala ng mga Pilipinong komisyoner sa Kongreso ng Estados Unidos

Jones Law

Noong Agosto 29,1916, nilagdaan ni Pangulong Woodrow Wilson ang batas na nakilala sa tawag na Jones Law o Philippine Autonomy Act. Ito ay isinulat ni William Jones. Halos lahat ng mga posisyon sa pamahalaan ay hinawakan ng mga Pilipino.

Ang dalawang kapulungan ng Kongreso ay binuo na ng mga Pilipino. Si Manuel Quezon ang unang Pangulo ng Senado, samantalang si Sergio Osmena, Sr. ang unang naging Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan. Tanging ang gobernador heneral sa Malacanang ang Amerikano.

Misyong OsRox (1931-1933)

Pinamumunuan ang ikasiyam na misyong pangkalayaan nina Sergio Osmena, Sr. at Manuel Roxas, kaya tinagurian itong Misyong OsRox. Sa tulong ng Senador na si Henry Hawes at mga Kongresistang sina Butler Hare at Bronson Cutting, isinulat ang Hare-Hawes-Cutting Act (H-H-C) noong Disyembre, 1932. Itinadhana nito ang pagkakaloob ng Estados Unidos ng Kalayaan sa Pilipinas pagkaraan ng sampung taon. Sinikap nina Roxas at Osmena na maaprobahan ang batas ng Kongreso ng Pilipinas, ngunit nabigo ito dahil sa pangangampanya ni Quezon laban dito. Tumutol ito dahil walang maliwanag na probisyon ng base militar.

Batas Tydings-McDuffie (1934).

Ang Batas Tydings-McDuffie (opisyal na pangalan: Batas sa Kalayaan ng Pilipinas; Pampublikong Batas Blg. 73-127) na inaprubahan noong Marso 24, 1934 ay isang pederal na batas ng Estados Unidos na nagkaloob ng nagsasariling pamahalaan ng Pilipinas at ng kalayaan nito (mula sa Estados Unidos) matapos ang sampung taon.

Noong 1934, pinamunuan ng Pilipinong pulitikong si Manuel L. Quezon ang "misyong pang-kalayaan ng Pilipinas" sa Washington, DCna nagtagumpay sa pagpapatibay ng Kongreso sa batas na ito.

MGA PAGBABAGONG NAGANAP NOONG PANAHON NG KOMONWELT :1.Pagbabago Sa MindanaoKahit Sino Ay Pwedeng Nang Pumunta Sa Mindanao. Nabuksan Ang Mga Valley Katulad Ng Korodonal Valley, Mallig Plain At Allah Valley. Binuksan Ang Mindanao Sa Mga Pilipinong Nais Mandayuhan.2.Karapatan Ng KababaihanNakaboto At Naihalal Ang Mga Kababaihan Sa Panahon Ng Pamahalaang Commonwealth. Naihalal Si Carmen Planas Bilang Kaunaunahang Babaeng Konsehal Ng Maynila . Nahalal Naman Bilang Kaunaunahang Babaeng Kongresista Si Elisa Ochoa. May 24 Na Babae Pa Na Naihalal .3.Pagbabago Sa Edukasyon At Relihiyon.Edukasyon: Nagkaroon Ng Dalawang Pangkat Sa Umaga At Sa Hapon. Ang Bawat Klase Ay Nagtatagal Ng 160 Minuto. Ang Edukasyong Primarya Ay Sapilitan At Libre. Pagbawas Ng 1 Taon Sa Elementarya Mula 7 Naging 6.Nagsisimula Ang Klase Sa Hulyo Hanggang Abril.Relihiyon: Ang Karapatan Sa Relihiyon Ay Kinilala Sa Panahon Ng Commonwealth, Kaya Lumawig Ang Ibat' Ibang Relihiyon.Sa Panahong Ito Nanatiling Magkahiwalay Ang Simbahan At Estado.Nakabuti Ang Paghihiwalay Ng Pamahalaan At Simbahan.
User Avatar

Wiki User

11y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Wiki User

14y ago

Nitong nakaraang Marso 8, 2006 ay ginunita natin ang ika-96

Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan. Kung babalikan, ang ideya ng

pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan ay umusbong sa

pagpapalit daang-taon tungong 1900s. Ayon sa Wikipedia

(http://en.wikipedia.org), kabilang dito ang inilunsad ng mga

kababaihang manggagawa mula sa iba't ibang pabrika ng kasuotan at

tela (garments & textile) sa New York City noong 8 Marso 1857 na kilos

protesta kaugnay ng isyu ng mababang sahod, mahabang oras ng trabaho at

karapatan sa paghahanap-buhay at makataong kondisyon sa loob ng

pabrika.

Dito sa Pilipinas, kalahati ng sambayanang Pilipino ay kababaihan at

kalakhan ng mga manggagawa sa ating bansa ay kababaihan. Sa CEPZ ay

mahigit 65% porsyento ng manggagawa ay mga kababaihan. Kung gayon, ang

malaking bilang na ito ay nagpapakita ng signipikanteng papel na

ginagampanan ng sektor ng kababaihan sa pagpapakilos ng ekonomiya ng

Pilipinas gayundin sa pagpapalaya ng mga aping uri sa lipunan.

Subalit sa kasalukuyan ay nananatiling walang lakas at malayang

napagsasamantalahan ang mga kababaihan, lalo't higit ang mga

di-organisadong manggagawa sa loob ng pabrika, sa kabila ng pag-iral ng

mga batas ng Republika na gumagarantiya sa kanilang mga karapatan.

Kung susuriin ang kasalukuyang kondisyon ng paggawa sa ating bansa,

kapansin-pansin na maraming mga kumpanya at kapitalista ang mas

nagnanais na babae ang magtatrabaho para sa kanila. Kinakailangan pa

iyong mga bata at dalaga pa. Ito ay dahil na rin sa paniniwalang

katangian na ng kababihan ang pagiging masunurin, masinop at kimi. Sa

paggawaan ng damit, pagkain, at maging sa elektroniks makikita ang mga

kababaihang manggagawa. Doon, sila ay nakararanas ng matinding

diskriminasyon at pagsasamantala tulad ng mababang pasahod, sobrang

pagpapatrabaho, kontakwalisasyon, pagkakait sa kanila ng mga benepisyo,

maging sa pagbibigay ng promosyon at mga kasanayan. Karaniwan nang

apektado ang kanilang kaseguruhan sa hanapbuhay.

Sa kasaysayan makikita ang pag-iral ng pagsasamantala sa kababaihan, sa

pangkalahatan, at sa mga kababaihang manggagawa sa partikular. Ito ay

bunga ng sistemeng pyudal-patriarkal na umiiral noon pa mang unang

panahon. Ito ay isang sistema kung saan tinitingnan na ang kalalakihan

ay mas mahusay at makapangayarihan kaysa sa mga kababaihan. Katulad ng

isang ama na siyang nagdedesisyon sa pamilya. Ipinapakita din nito na

ang papel lamang ng babae ay gumawa ng gawaing-bahay, mag-alaga ng anak

at asawa, at ang lalaki ang siyang magtatrabaho para sa kanila. Isang

mahina at pambahay na katangian ang tinataglay ng isang babae.

Kung tutuusin, kayang ipagtangol ng mga kababaihang manggagawa ang

kanilang karapatan at uri sa pamamagitan ng pag-alam sa kanilang

pangunahing karapatan at sa sama-samang pagkilos at pakikibaka laban sa

mga mapagsamantalang kapitalista. Kaugnay nito, may mga batas na

maaaring gamitin laban sa naghaharing-uri upang kahit papaano ay

masalag ang tuluyang pagsasawalang-bahala at pagsupil sa karapatan ng

mga kababaihang manggagawa.

anndecey delrosario

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Mga larawan ng layunin at balangkas ng komonwelt?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp