answersLogoWhite

0

From : Juster Ballesteros Of Asingan, Pangasinan ..

" PANAHON NG KOMONWELT "

Ang Komonwelt ng Pilipinas (Ingles: Commonwealth of the Philippines;Kastila: Mancomunidad de Filipinas) ay ang tawag pampulitika sa Pilipinas noong 1935 hanggang 1946 kung kailan komonwelt ng Estados Unidos ang bansa. Bago ng 1935, isang pook-insular na di-komonwelt ang Pilipinas, at bago pa doon, teritoryo lamang ito ng Estados Unidos..

Si Manuel L. Quezon ang unang pangulo ng komonwelt. Si Sergio Osmeña ang ikalawang pangulo ng komonwelt. Si Manuel Roxas ang naging huling pangulo nito. Tuluyan nang ibinuwag ang Komonwelt noong 1946 at naging republikaang Pilipinas.

Mga Naging Batas Noong Panahon Ng Komonwelt :

Philippine Bill ng 1902

Isinulat ni Kongresista Henry Copper ang Philippine Bill ng 1902 o Copper Act. Ang batas na ito ay nagpahintulot sa pagbuo ng isang lehislatura ng bansa na may dalawang kapulungan. Ang mataas na kapulungan ay ang Philippine Commission na binuo ng mga Amerikano.Ang mababang kapulungan ay binubuo naman ng nga Pilipinong inihalal ng bansa noong Hulyo, 1907. Ang mga batas na nalikha ng mga unang Pilipinong mambabatas ay ang nagtadhana ng sumusunod:

1. Pagtatayo ng mga paaralan

2. Pagtatatag sa Unibersidad ng Pilipinas

3. Pagbuo ng isang bangko ng pamahalaan (Philippine National Bank)

4. Pagpapadala ng mga Pilipinong komisyoner sa Kongreso ng Estados Unidos

Jones Law

Noong Agosto 29,1916, nilagdaan ni Pangulong Woodrow Wilson ang batas na nakilala sa tawag na Jones Law o Philippine Autonomy Act. Ito ay isinulat ni William Jones. Halos lahat ng mga posisyon sa pamahalaan ay hinawakan ng mga Pilipino.

Ang dalawang kapulungan ng Kongreso ay binuo na ng mga Pilipino. Si Manuel Quezon ang unang Pangulo ng Senado, samantalang si Sergio Osmena, Sr. ang unang naging Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan. Tanging ang gobernador heneral sa Malacanang ang Amerikano.

Misyong OsRox (1931-1933)

Pinamumunuan ang ikasiyam na misyong pangkalayaan nina Sergio Osmena, Sr. at Manuel Roxas, kaya tinagurian itong Misyong OsRox. Sa tulong ng Senador na si Henry Hawes at mga Kongresistang sina Butler Hare at Bronson Cutting, isinulat ang Hare-Hawes-Cutting Act (H-H-C) noong Disyembre, 1932. Itinadhana nito ang pagkakaloob ng Estados Unidos ng Kalayaan sa Pilipinas pagkaraan ng sampung taon. Sinikap nina Roxas at Osmena na maaprobahan ang batas ng Kongreso ng Pilipinas, ngunit nabigo ito dahil sa pangangampanya ni Quezon laban dito. Tumutol ito dahil walang maliwanag na probisyon ng base militar.

Batas Tydings-McDuffie (1934).

Ang Batas Tydings-McDuffie (opisyal na pangalan: Batas sa Kalayaan ng Pilipinas; Pampublikong Batas Blg. 73-127) na inaprubahan noong Marso 24, 1934 ay isang pederal na batas ng Estados Unidos na nagkaloob ng nagsasariling pamahalaan ng Pilipinas at ng kalayaan nito (mula sa Estados Unidos) matapos ang sampung taon.

Noong 1934, pinamunuan ng Pilipinong pulitikong si Manuel L. Quezon ang "misyong pang-kalayaan ng Pilipinas" sa Washington, DCna nagtagumpay sa pagpapatibay ng Kongreso sa batas na ito.

MGA PAGBABAGONG NAGANAP NOONG PANAHON NG KOMONWELT :1.Pagbabago Sa MindanaoKahit Sino Ay Pwedeng Nang Pumunta Sa Mindanao. Nabuksan Ang Mga Valley Katulad Ng Korodonal Valley, Mallig Plain At Allah Valley. Binuksan Ang Mindanao Sa Mga Pilipinong Nais Mandayuhan.2.Karapatan Ng KababaihanNakaboto At Naihalal Ang Mga Kababaihan Sa Panahon Ng Pamahalaang Commonwealth. Naihalal Si Carmen Planas Bilang Kaunaunahang Babaeng Konsehal Ng Maynila . Nahalal Naman Bilang Kaunaunahang Babaeng Kongresista Si Elisa Ochoa. May 24 Na Babae Pa Na Naihalal .3.Pagbabago Sa Edukasyon At Relihiyon.Edukasyon: Nagkaroon Ng Dalawang Pangkat Sa Umaga At Sa Hapon. Ang Bawat Klase Ay Nagtatagal Ng 160 Minuto. Ang Edukasyong Primarya Ay Sapilitan At Libre. Pagbawas Ng 1 Taon Sa Elementarya Mula 7 Naging 6.Nagsisimula Ang Klase Sa Hulyo Hanggang Abril.Relihiyon: Ang Karapatan Sa Relihiyon Ay Kinilala Sa Panahon Ng Commonwealth, Kaya Lumawig Ang Ibat' Ibang Relihiyon.Sa Panahong Ito Nanatiling Magkahiwalay Ang Simbahan At Estado.Nakabuti Ang Paghihiwalay Ng Pamahalaan At Simbahan.
User Avatar

Wiki User

11y ago

What else can I help you with?