answersLogoWhite

0


Best Answer

1. Haba

* ito ay ang pagbigkas nang mahaba sa patinig (a, e, i, o, u ) ng bawat

pantig.

* maaaring gumamit ng simbolong tuldok (. ) para sa pagkilala sa haba.

* mga halimbawa ng salita:

bu.kas = nangangahulugang susunod na araw

bukas = hindi sarado

2. Diin

*tumutukoy ito sa lakas ng pagbigkas s isangpantig ng salitng

binibigkas.

*maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.

*Mga halimbawa ng salita:

BU:hay = kapalaran ng tao

bu:HAY = humihinga pa

LA:mang = natatangi

la:MANG = nakahihigit; nangunguna

3. Tono

* nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap

* Tulad ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at

mataas na tono.

* maaaring gamitin ang blg. 1 sa mababa, blg. 2 sa katamtaman at blg.

3 sa mataas.

* halimbawa ng salita:

Kahapon = 213, pag-aalinlangan

Kahapon = 231, pagpapatibay

talaga = 213, pag-aalinlangan

talaga = 231, pagpapatibay

4. Hinto

*ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging

malinaw ang mensahe.

*maaring gumamit ng simbolo kuwit( , ), dalawang guhit na pahilis ( // )

o gitling ( - )

* mga halimbawa ng salita:

Hindi, siya ang kababata ko.

Hindi siya ang kababata ko.

User Avatar

Wiki User

13y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Wiki User

8y ago

Ponema-ang pinaka maliit na unit ng makabuluhang tunog.Ang pag-aaral ng ponema ay bibubou ng segmental at suprasegmental.

PONEMANG SUPRASEGMENTAL ito ay makahulugang tunog. a. tono (pitch) b. haba (length) c. diin (stress) d. antala (juncture) a. TONO (pitch) - tumutukoy sa taas- haba ng tono ng pagsasalita. b & c. HABA AT DIIN (stress) - ay lakas ng bigas ng pantig at ang haba ay ang haba ng pagbigkas ng pantig. d. ANTALA -saglit na pagtigil ng ating ginagawa sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensahe ng ibig ipahatid sa kausap.

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

11y ago

Pag-aaral sa diin, tono, haba, at hinto sa pagsasalita.

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Mga halimbawa ng ponemang suprasegmental
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp