Chat with our AI personalities
Salawikain: Gawa ng pagkabata,
dala hanggang pagtanda.
Paliwanag: Dapat tayong maging mabait lagi lalo na kapag tayo'y bata pa dahil itong asal ay madadala natin kapag tumanda na tayo.
Salawikain: Malapit ma't 'di lalakarin,
Kailan ma'y 'di mararating.
Paliwanag: Kung malapit na lang ang natitira para ika'y makarating sa gusto mo, 'di ka makararating doon kung hindi ka magsisikap nang mabuti.
Salawikain: NASA Diyos ang awa,
nasa tao ang gawa.
Paliwanag: Kung dasal ka nga nang dasal, pero 'di ka naman magsisikap, hindi mo makakamtan ang inaasam-asam mo sa buhay.
Salawikain: Mahirap man o mayaman,
pantay-pantay sa libingan.
Paliwanag: Kung mayaman ka noong nabubuhay ka, hindi mo iyon madadala kapag namatay ka na.
Salawikain: Gumagapang ang kalabasa,
naiiwan ang bunga
Paliwanag: Ginagawa mo nga, pero kung 'di mo naman pinagsisikapan nang mabuti, wala rin iyon.
Hope this ill help. :)
D. Suriin ang mga pangungusap. Isulat sa patlang ang 1 kung payak, 2 kung tambalan at 3 kung hugnayan.
____1. Matutuwa ang mga magulang mo kapag nakakuha ka ng mataas na marka.
____2. Sina Ramon at Arlene ay naglinis ng bahay at nagdilig ng mga halaman.
____3. Maagang umalis si Dindo at nagtungo siya sa bukid.
____4. Maglalaba ka na ba o mamalantsa ka muna?
____5. Mahimbing na natutulog ang sanggol habang naglalaba ang nanay.
____6. Kung gusto mong tumaas ang marka mo, mag-aral kang mabuti.
____7. Matalino, masipag at mabait si Bernadette.
____8. Nagkasakit si Armand dahil hindi siya kumakian sa tamang oras.
____9. Sina Sarah at Josh ay palaging sabay pumapasok sa paaralan.
____10. Namalengke si Aling Susan at nagluto ng masarap na tanghalian.