Tunay na anak ng Hispaniko Pilipinas at dalubhasa sa Tagalog at Español, pinunan ni Baltazar ang kanyang panulaang Tagalog ng mga katutubo, Kastila, at iba pang mga banyagang panitikan at inspirasyon. Ayon kina Francis at Priscilla Macasantos ng Unibersidad ng Pilipinas, si Baltazar ay isang henyo dahil sa pagiging produkto niya ng pinagsanib na kulturang Pilipino - katutubo at kolonyal/klasikal. Sa angkin niyang kahusayan, nagawa niyang ipaalam sa kanyang mga kababayang api ang kanyang kaalaman gamit ang istilo at tradisyon ipinagkaloob sa kanya ng banyagang (at mapaniil) kultura. Ang kanyang akda ay tungkol sa kalupitan sa Albania, ngunit ito ay tungkol talaga sa kalupitan sa Pilipinas. Di mapapasubalian na siya ay naging tapat sa kanyang katutubong tradisyon. Kaiba sa mga kanyang mga kakontemporaryo, si Baltazar ay nagawang lumaya sa kolonyal at mapaniil na tradisyong pampanitikan. Ginamit niya ang kanyang mga akda upang labanan ang kalupitan at kaliluan sa kolonyal na Pilipinas at upang turuan ang kanyang mga kababayan. Siya ay lumikha ng bagong tradisyong pampanitikan sa Pilipinas, na nagsasaad ng damdamin at aspirasyon ng mga Pilipino.
Narito ang ilan sa mga akda ni Francisco Baltazar:
Chat with our AI personalities
Natutong Sumulat at Bumigkas ng Tula
Hope it helps.

Mahomet at Constanza (1841)
Almanzor y Rosalina (1841)
Orosman at Zafira (1860) (komedya na may apat na bahagi)
Don Nuño at Zelinda (komedya na may tatlong bahagi)
La India Elegante y el Negrito Amante: sayneteng may isang yugto Hatol Hari Kaya (kundiman)
Parangal sa Isang Binibining Ikakasal (tula)
Paalam sa Iyo (awit)
Rodolfo at Rosamunda (komedya)
Pagpupuri kay Isabel II, Reyna sa España (tula)
Auredato y Astrone (komedya)
Bayaseto at Dorlisca (komedya 1857)
Nudo Gordiano (komedya)
Abdol y Miserena (1859) (komedya)
Clara Belmori (komedya)."
El Ensayo de Gramatica Hispano-Tagala
Claus (isinalin sa Tagalog mula Latin)