answersLogoWhite

0


Best Answer

DAPAT BA O HINDI DAPAT SUMUKO SA PROBLEMA



Lakambini:
Mainit na umaga sa inyo bayan!
Tao! makinig at inyong tutunghayan
Isang napakainit na talakayan,
Ang inyong makikita at hahangaan.

Dapat:
Magandang umaga mga kababayan
Ako'y mag-aaral sa karatig bayan,
Pilit ko sanang lumahok sa usapan,
Panig sa dapat ang aking tatayuan.

Hindi Dapat:
Merong lumalaban munting kaisipan,
Panig ako sa hindi dapat lumaban
Sana babae ako iyong unlakan,
Dahil ako'y nananabik sa tanghalan.

Lakambini:
Tao'y may problemang pinagdadaanan,
May sumusuko at hindi lumalaban,
Sino ang dapat nating papalakpakan,
Ang sumusuko o itong lumalaban?

Dapat:
Kapartedo, wag takasan problema mo,
Magpatawad ka at wag maging magarbo,
Kung hindi ika'y maging katalo-talo
Dapat isipin lahat ng positibo.

Hindi Dapat:
Ako'y tanungin, problema'y susukuan,
Sapagkat lahat kami ay nahirapan.
Ang hindi pagsuko, aking sinubukan,
Subalit, hindi pagsuko ay biguan.


Dapat:
Ang problema'y hindi dapat katakutan,
Wag kang magpatalo at ika'y lumaban,
Lahat ng iyong problema'y malampasan
Kapag ang Diyos ay di kakalimutan.

Hindi Dapat:
Sa pamilya di mawala ang problema
Pinilit labanan bigo pa rin sila,
Walang problema, pamumuhay masaya,
Kaya sumuko na at may payapa pa.

Dapat:
Ang problema ay wag itong tatakasan
Dahil minsan bunga nito'y kasamaan,
Kaya harapin ito ng dahan-dahan,
Para makaiwas sa kapahamakan.

Hindi Dapat:
Problema ay sagabal sa ating buhay
Gagayahin mo ako ng matiwasay
Mas gusto ko pa ang maging isang tambay,
Kaysa haharap sa mukha mong kalansay.

Dapat:
Noon at ngayon, hanggang kasalukuyan,
Karamihan ng tao ay lumalaban
Sa bawat problemang pinagdadaanan
Lutasin ito upang di mahirapan.


Hindi Dapat:
Mas masaya kung ang tao ay susuko,
Kaysa ika'y nakadena at bilanggo,
Aanhin mo ang iyong maraming ginto,
Kung palaging labanan ang kumukulo?


Dapat:
Problema ay naglalaro sa isipin
Dapat kang hindi umiyak at lumaban,
Dahil kapag ika'y naging talonan
Magdiriwang ang kampon ng kadiliman.

Hindi Dapat:
Problemang dinaanan, dapat wakasan!
Ito'y nakasisira sa pamayanan
Dapat hindi na ito binabalikan,
Kaya kami ngayo'y may katahimikan.

Dapat:
Ang problema natin ay dapat tutukan
Huwag sana itong subukang takbuhan.
Harapin mo kahit kailan, kahit saan,
Dahil may oras pa tayong nakalaan.

Hindi Dapat:
Itong problema ay sakit lang sa ulo,
Kaya kinalimutan ko nalang ito,
Sana'y matanggap n'yo, susuko na ako,
Malugod kong tinaggap ang pagkatalo.

Lakambini:
At dito nagtatapos ang tatanghalin,
Mahusay kayo hindi nagpapabitin,
Kaya kayo ay dapat naming purihin,
Pero isa sa inyo ang lilisanin.

Dapat problema natin ay haharapin,
At ito'y itapon at wag ng lunukin,
Kaya manalig sa Diyos at lampasin,
Wala tayong sagabal na susubukin.




by: II-Adelfa nxtgurls...

User Avatar

Wiki User

βˆ™ 8y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Wiki User

βˆ™ 11y ago

ngunit,pero,at,upang,dahil,o,ni

Hindi nga ako makakanta ni makasunod sa tiyempo

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

βˆ™ 14y ago

Pantangi - tiyak na ngalan ng tao

Pambalana - tumutukoy sa pangkalahatang tawag sa ngalan ng tao

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

βˆ™ 9y ago

balbal ng kaibigan

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Magbigay ng tigdadalawang halimbawa ng salitang diptonggo at gamitin sa pangungusap?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp