answersLogoWhite

0


Best Answer


KAUGALIAN NG MGA PILIPINO



PAGTITIWALA SA MAYKAPAL

Malaki an gating tiwala sa Poong Maykapal. Naniniwala tayo sa mga biyaya at patnubay ng ating Panginoon. Nagpapasalamat tayo sa mga ibinigay Niyang biyaya sa atin. Nagdarasal tayo na pangalagaan Niya tayo.

Nakita ang ating pagtitiwala sa Maykapal sa oras ng kagipitan o problema. Nang magkaroon ng rebolusyon sa EDSA, nagdasal ang mga tao.

PAGBUBUKLOD NG MAG-ANAK

Malapit sa isa't isa ang bawat kasapi ng mag-anak na Pilipino. Matibay ang pagbubuklod-buklod ng ating pamilya. Madalas dumalaw ang mga anak sa mga magulang kahit na nag-asawa na sila.

PAGKAMATULUNGIN

Ang bayanihan o palusong ang tawag na iba rito. Ang pagtutulungang ito ay isang katangi-tanging ugali natin. Nakatutulong ito sa pag-unlad ng ating pamumuhay. Sama-sama tayong nagtutulungan sa pagtatanim upang maging masagana ang ating ani. Nagtutulungan din ang mga kasapi ng barangay na mapaayos at mapaganda ang kanilang lugar. Nagtutulungan din tayo sa panahon ng sakuna at kalamidad.

PAGGALANG

Ang pagpapahalaga natin sa ating kapwa ay nakikita sa paggalang sa kanila, lalo na sa matatanda. Iba't iba ang paraan ng paggalang natin. Nagmamano tayo sa mga nakatatanda. Gumagamit tayo ng mga magagalang na salita gaya ng po at opo. Gumagamit tayo ng mga magagalang na pantawag tulad ng ate, kuya, manong o manang. Ang iba ay tinatawag naman natin ng Ma'am o Sir, Aling o Mamang kasunod ang kanilang pangalan.

Ipinakikita rin natin ang ating paggalang kung tayo ay paalis o dumating. Nagpapaalam tayo kung aalis. Bumabati naman tayo kapag dumating. Ang pagmamano o paghalik sa kamay ng matatanda ay isa sa pinakamagandang kaugalian ng mga Pilipino.

Sa ating mga Pilipino, mahalaga ang paggalang sa kapwa. Ang bawat tao ay ating iginagalang anuman ang katayuan niya sa buhay. Siya ay ating pinakikitunguhang mabuti.

Lahat ng tao ay pantay pantay, bata man o matanda, mahirap man o mayaman. Bawat isa sa atin ay dapat nagpapahalaga sa ating kapwa. Ito ang dahilan kung bakit dapat igalang natin ang bawat isa. Ang paggalang ay naipakikita natin sa iba't ibang pagkakataon. Ito ay nakatutulong upang bumuti ang ating pagsasamahan. Nakatutulong ito upang tayo ay magkabuklod-buklod.


MALUGOD NA PAGTANGGAP NG BISITA

Ang ating pagpapahalaga sa ating kapwa ay nakikita rin sa ating mabuting pagtanggap sa mga bisita. Ibig nating masiyahan sila.

Pinapakain natin sila ng meryenda o anumang pagkaing ating naihahanda. Kung sila'y galing sa malayong lugar, inaanyayahan natin silang matulog sa ating tahanan. Minsan, nagpapadala pa tayo ng mga regalo o pabaon bago sila umalis.


PAMANHIKAN

Pamanhikan, ang paghingi sa kamay ng nobya sa kanyang mga magulang ay isa ring nakaugalian ng mga Pilipino.


PAG-ALALA SA MGA YUMAO

Ang pag-alala sa mga yumao na mahal sa buhay sa pamamagitan ng pagpapadasal sa kanila ay nakaugalian na rin at marami pang iba.

User Avatar

Nedra O'Kon

Lvl 10
βˆ™ 2y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

AnswerBot

βˆ™ 6mo ago

Ilan sa mga kaugalian ng mga Pilipino ay ang pagmamano sa mga nakatatanda bilang respeto, pagdiriwang ng mga tradisyonal na okasyon at pagkain ng handa sa mga bisita, at pagtulong sa mga kapitbahay at kamag-anak sa oras ng pangangailangan.

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Kaugalian ng mga pilipino
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Continue Learning about Linguistics

Salik sa panitikang filipino?

Ang panitikang Filipino ay naglalarawan ng kultura at kasaysayan ng mga Pilipino. Ito ay isang mahalagang bahagi ng identidad at pagkakakilanlan ng bansa. Sa pamamagitan ng panitikang Filipino, masasalamin ang mga halaga, pananaw, at damdamin ng mga Pilipino.


Ang pinagmulan ng pilipino?

ayon sa teorya ng bansa ang pinagmulan daw ng mga pilipino ay mula sa abo... dahil nakikit naman natin ito sa ating pagkamatay.. kapag nasunog tau ay magiging abo maging sa kalansay natin ay nagtataka tayo kung bkit ilang taon ay nawawala ang ating mga bangkay... ang nakikita na lng natin d2 ay mga abo..


Ano ba ang tradisyonal ng filipino?

Ang tradisyonal na kultura ng mga Pilipino ay matatagpuan sa kanilang mga paniniwala, pagkakaisa sa pamilya, at pagpapahalaga sa mga tradisyon at folk arts tulad ng pagtatahi, pagsayaw, at pagninilay-nilay sa kasaysayan ng bansa. Mahalaga rin ang mga pagdiriwang at ritwal sa buhay ng mga Pilipino gaya ng Pasko, Semana Santa, at Flores de Mayo.


Material na naiambag ng arabo sa Filipino?

Ang mga Arabo ay nagdala ng mga salitang Arabiko na bumuo ng bahagi ng bokabularyo ng Filipino, tulad ng mga salitang "kapatid" at "kamusta." Bukod dito, ang mga Arabo ay nagbahagi rin ng kanilang mga kaugalian at tradisyon sa relihiyon, lalo na sa Islam, na naging bahagi ng kultura ng mga Muslim sa Pilipinas.


Unang Kabihasnang Pilipino sa aspetong Pang-ekonomiya?

Ang unang kabihasnang Pilipino sa aspetong pang-ekonomiya ay nagtatampok sa mga pamayanan na may mga sistemang pang-agrikultura at pangangalakal. Ang pamayanan sa baybayin at ilog ay nagtataguyod ng kalakal at pakikipagkalakalan sa ibang bansa, habang ang mga pamayanan sa kabundukan ay mas yumaman sa pamamagitan ng pagsasaka at pagtatanim ng mga produkto.

Related questions

Mga larawan ng magagandang kaugalian ng mga Filipino?

mga pasyalan sa kapatagan


Mga paraan ng paglilibing ng mga Filipino noon?

larawan ng mga huwarang Pilipino


Mga paniniwala noon ng mga sinaunang pilipino?

paniniwala ng mga sinaunang panahonsa paglilibing ng mga patay


Larawan ng impluwensya ng mga hapones sa mga pilipino?

mga larawan ng impluwensiya ng mga hapon sa pilipinas


Pagbabago ng kultura ng mga pilipino sa panahon ng hapon?

paano naimpluwensyahan ng mga hapon ang pilipino sa pamamagitan ng pagkaing noodles


Tagalog ng family values?

Tagalog translation of FAMILY VALUES: Mga Kaugalian ng Pamilya


Mga kaugalian at tradisyon ng maranao?

ang maranao ay hugis cross ng simbahan.


Mga impluwensya ng espanyol sa pilipinas?

impluwesiya ng espanyol sa mga pilipino


Mga hiram na salita sa espanyol ng mga pilipino?

?


Filipino at ang mga wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng mga Pag-iisip ng mga Pilipino’’?

Furthermore


'Pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino panahon ng kastila?

Noong panahon ng Kastila, ang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino ay nagbago dahil sa pagdating ng mga Espanyol. Sila ay pina-convert sa Kristiyanismo, nagkaroon ng bagong sistema ng pamahalaan, at dala ang kanilang kultura at wika. Naranasan din ng mga Pilipino ang pang-aabuso, pagsasamantala, at mga pakikibaka laban sa kolonyalismo ng mga Kastila.


Ano ang kabuhayan ng mga Pilipino noong panahon ng Hapones?

Ano ang kabuhayan ng mga sinaunang Pilipino? Pagsasaka at pangingisda ang ikinabubuhay ng mga unang Pilipino. Ang mga nasa malapit sa ilog at dagat ay naging mga mangingisda. Sa mga anyong tubig nagmumula ang kanilang ikinabubuhay.