answersLogoWhite

0

Proyekto sa Filipino 1
"suring basa''
ipinasa ni:
(panagalan ng nagpasa)
(seksyon)
ipinasa kay:
(pangalan ng guro) (titulo ng akda)
ni:
(may akda)
* Pagkilala sa may akda
* Uri ng panitikan
* Layunin ng may akda
* Tema o paksa ng may akda
* Mga tauhan o karakter
sa akda
* Tagpuan o panahon
* Nilalaman/balangkas
ng mga pangyayari
* mga kaisipan/ideyang
taglay ng akda
* istilo ng pagkakasulat
ng akda
* buod
1) Pagkilala sa may Akda

Isinulat ni Arceli Salayon ang "Ang kalupi" upang ipahiwatig sa mambabasa ang kanyang nais o reaksyon sa isang pangyayari. Nais niyang ipamulat sa mga mambabasa ang kahulugan ng kanyang saloobin.

2) Uri ng Panitikan
Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na nagsasalaysay nang tuloy-tuloy ng isang pangyayaring hango sa tunay na buhay. Ito'y may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may isang kasukdulan at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa. Ang kasukdulan ang bahagi ng kwento na nagbibigay ng pinakamasidhi o pinakamataas na kapananabikan o interes sa mambabasa. Ang kakintalan o impresyon naman ang kaisipang naiiwan sa isipan ng mga mambabasa. Ito ay matatapos sa isang upuan lamang, maari itong magpakita ng iba't ibang damdamin at bumabase sa buhay ng isang tao, mayroon namang kathang isip lamang.Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikan na ang mga pangyayari ay umiinog sa buhay na mga pangunahing tauhan.

3) Layunin ng may Akda

Ang layunin ng Akda ay upang imulat ang mga mata ng mga mambabasa sa mga maaring kalabasan o kahantungan ng panghuhusga ng kapwa.

4) Tema o Paksa ng Akda
"Huwag mong huhusgahan ang panlabas na kaanyuan kundi ang busilak na kalooban."
5) Mga Tauhan o karakter sa akda

Aling Marta- pumunta sa palengke para mamili ng saangkap sa lulutuing sangkap
dahil yun ang araw ng pagtatapos ng kanyang anak
- pinag-bintangan niya ang bata
- siya ang dahilan ng pagkamatay nito
Bata- batang anak-mahirap
- naka-bangga kay AlingMarta
- Ang pinag-bintangan ni Aling Marta sa palengke


6) Tagpuan o Panahon

bahay- tinitirhan ni Aling Marta
palengke- doon niya nakabangga ang bata
pulisya-doon sila iniwan ng pulis para mag-usap
maaliwalas-ang panahon nung namamalengke si aling Marta

7) Nilalaman/Balangkas ng mga pangyayari

Ang pangayayari ay nagpapahayag ng pananawa ng may akda. Ang mga pagkapit ng mga pangayayari ay may kaisahan mula umpisa hanggang wakas.

8) Mga kaisipan/Ideyang taglay ng akda

Ang Akda ay nagtataglay at nagpapahiwatig ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan. And akda ay isang paniniwalang kumokontrol sa buhay.
9) Istilo ng Pagkakasulat ng Akda

Ang istilo ng pagkakasulat ng akda ay binase sa isang sitwasyon ,pangyayari o karanasan sa buhay. Ito ay angkop sa antas ng pag-unawa ng mga mambabasa.
10) Buod
"Ang Kalupi''

Isang maaliwalas na umaga nang naghahanda si Aling Marta para sa kanyang pamamalengke. Araw ngayon ng pagtatapos ng kanyang anak. Nais niyang makapaghanda ng masarap na putahe para sa tanghalian.
NASA palengke na si Aling Marta. Naririnig niya ang ingay mula sa labas habang iniisip ang mga bibilhing sangkap para sa lulutuing ulam. Nasa loob pa ang bilihan ng manok kaya pumasok siya sa loob.
"Mag-iingat ka naman sa dinaraanan mo!" ang sabi ni Aling Marta
"Pasensya na po." Sabi ng Bata.
Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na sa kahabaan ay pinag-ilang lilis ang laylayan. Nakasuot ito ng libaging kamiseta, punit mula sa balikat hangang pusod, na ikinalitaw ng kanyang butuhan at maruming dibdib. Natiyak ni Aling Marta na ang bata ay anak-mahirap.
"Pasensiya!" sabi ni Aling Marta. "Kung lahat ng kawalang-ingat mo ay pagpapasensiyahan nang pagpapasensiyahan ay makakapatay ka ng tao."
Pagdaan niya sa bilihan ng mga tuyong paninda ay bumili na rin siya ng mantika. Nang mangyaring kukunin na niya ang kanyang pitaka wala na ito sa kanyang bulsa.
"Bakit ho?" anito.
"E ... e, nawawala ho ang aking pitaka," wala sa loob na sagot ni Aling Marta.
"Ku, e, magkano ho naman ang laman?" ang tanong ng babae.
"Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay pitumpong piso na siyang bigay na sahod ng kanyang asawa nang sinundang gabi, Sabado. Ngunit ewan ba niya kung bakit ang di pa ma'y nakikiramay nang tono ng nagtatanong ay nakapagpalaki ng kanyang loob upang sabihin, "E, sandaan at sampung piso."
Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, wari'y tinakasan ng lakas, nag-iisip ng mga nakaraang pangyayari. Maya-maya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Hinanap niya ito at nakita malapit sa tindahan ng kangkong.
"Nakita rin kita!" ang sabi niyang humihingal. "Ikaw ang dumukot ng pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!"
Tiyakin ang kanyang pagsasalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa pag-iisip ng isasagot ay masukol niyang buung-buo. Ngunit ang bata ay mahinahong sumagot:
"Ano hong pitaka?" ang sabi ng bata. "Wala ho akong kinukuhang pitaka sa ninyo."
"Anong wala!" pasinghal na sabi ni Aling Marta. "Ikaw nga ang dumukot ng pitaka ko at wala nang iba. Kunwari pa'y binangga mo ako, ano, ha? Magaling, magaling ang sistema ninyong iyan. Kikita nga kayo rito sa palengke."
Maya-maya ay may dumating na pulis at kinausap sila. Nagtanong ang pulis ng kaunting impormasyon tungkol sa bata.
"Kung maari ay sumama kayo sa amin sa pulisya upang pag-usapan ang tungkol sa bagay na ito.
Sumama ang dalawa sa pulisya.Nang makarating sila roon ay iniwan muna sila ng pulis. Hindi na nakapagtimpi si Aling Marta at hinablot ang bata. Sinaktan niya ito.
"Kahit kapkapan niyo pa ako ay wala kayong makikita sa akin!" Sabi ng bata sabay takbo ng walang lingun-lingun kasabay nito ang harurot ng isang sasakyan na siya namang dahilan ng pagkaaksidente ng bata.
"Kahit na kapkapan niyo pa ako. Wala kayong makikita sa akin" Ang Mga huling Salita na nasambit ng bata kasabay ng pagkawala nito.
Namutla si Aling Marta. Tila sinisisi ang sarili sa mga pangyayari. Sa kabilang banda ay naisip niya ang asawa at anak na kanina pa ay naghihintay sa kanya. Inisip niya kung paano makapag-uuwi ng ulam samantalang wala na siyang pera.
Nangutang siya sa tindahan.
Nang siya ay makauwi sinalubong siya ng kanyang asawa at anak.
"Saan po kayo kumuha ng pambili, inay?" tanong ng anak"
"Saan pa, e di sa pitaka."
"Ngunit naiwan niyo ho ang inyong pitaka."
Noon rin ay naalala ni Aling Marta ang mga katagang sinabi ng bata na kanyang pinagbintangan.
"Kahit na kapkapan niyo pa ako. Wala kayong makikita sa akin."

User Avatar

Wiki User

9y ago

What else can I help you with?

Related Questions

Suring basa ng Gapo?

"Gapo" o "Suring Basa ng Gapo" ay isang nobela na isinulat ni A.G. Villanueva. Ang kwento ay umiikot sa buhay ng mga tao sa Gapo, isang bayan sa tabi ng dagat, at ang kanilang mga karanasan, pakikipagsapalaran, at relasyon sa isa't isa. Itinatampok nito ang mga temang pagmamahal, pagkakaibigan, at ang mga pagsubok sa buhay. Sa kabuuan, ang nobela ay isang salamin ng kulturang Pilipino at ang mga hamon na hinaharap ng mga tao sa kanilang pang-araw-araw na buhay.


Mga salita na magkapareho ang baybay ngunit magkaiba ang ibig sabihin?

Ang mga salita na magkapareho ang baybay ngunit magkaiba ang ibig sabihin ay tinatawag na "homograpo." Halimbawa, ang salitang "bata" ay maaaring tumukoy sa isang maliit na tao o sa isang bagay na hindi pa matanda. Isa pang halimbawa ay "basa," na maaaring mangahulugang basa sa tubig o isang dokumento. Ang mga salitang ito ay nagiging malikhain sa konteksto ng pangungusap.


What are the 2 uri ng pasukdol?

ang dalawang uri ng panguri ay Magkatulad- naghahambing ng parehong bagay.At walang mas lumalamang halimbawa: Sina Kate at Faye ay magaling maglaro ng volleyball. Di-magkatulad- naghahambing ngunit mas lumalamang an isa. halimbawa: Si kate ay mas magaling maglaro ng volleyball kasya kay Sam.


Maraming halimbawa na idyoma?

Ang mga idyoma ay mga pahayag na may kahulugan na hindi maaaring unawain sa literal na paraan. Halimbawa nito ay "nasa hulog ng langit," na nangangahulugang nasa tamang pagkakataon o suwerte. Isa pang halimbawa ay "buhat sa likod," na tumutukoy sa pagkakaroon ng suporta mula sa iba. Ang mga idyoma ay karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw na usapan para sa mas makulay at masining na pagpapahayag.


Ibat-bang uri ng pang-uri?

ang pang-uri ay naglalarawan sa isa o mahigit pang PANGNGALAN.


Anong ibig sa bihin ng greater than at less than?

Ang "greater than" ay nangangahulugang mas mataas o mas malaki ang isang halaga kumpara sa isa pang halaga, at ito ay karaniwang tinutukoy na gamit ang simbolong ">" (halimbawa, 5 > 3). Samantalang ang "less than" ay nangangahulugang mas mababa o mas maliit ang isang halaga kumpara sa isa pang halaga, at ito ay ginagamit sa simbolong "<" (halimbawa, 3 < 5). Sa madaling salita, ginagamit ang mga terminong ito upang ihambing ang mga numero o halaga.


Maraming Halimbawa ng palaisipang tagalog?

Maraming halimbawa ng palaisipang Tagalog na nagpapakita ng mga kasabihan at salawikain. Halimbawa, ang "Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan," na nagtuturo ng kahalagahan ng pagpapahalaga sa nakaraan. Isa pang halimbawa ay "Sa bawat patak ng pawis, may tagumpay na kasunod," na nag-uudyok sa mga tao na magsikap at magpursige. Ang mga palaisipan na ito ay karaniwang naglalaman ng mga aral na mahalaga sa kulturang Pilipino.


Ng halimbawa ng tulang pilipino?

Isang halimbawa ng tulang Pilipino ay ang "Florante at Laura" na isinulat ni Francisco Balagtas. Ito ay isang awit na puno ng tema ng pag-ibig, pagsasakripisyo, at pakikibaka. Ang tula ay naglalarawan ng mga suliranin ng mga tauhan sa ilalim ng pamahalaan at lipunan ng kanilang panahon, at itinuturing itong isa sa mga pinakamahalagang akda sa panitikan ng Pilipinas. Ang "Bahay kubo" naman ay isa pang halimbawa ng tulang nagpapakita ng simpleng pamumuhay ng mga Pilipino at ang kanilang koneksyon sa kalikasan.


Ibang pang halimbawa ng paglilipat diin?

Ang paglilipat-diin ay isang proseso sa wikang Filipino kung saan nagbabago ang kahulugan ng salita batay sa diin na ibinibigay. Halimbawa, ang salitang "bata" ay nangangahulugang "child" kapag ang diin ay nasa unang silabato, ngunit kapag ang diin ay nasa pangalawang silabato ("ba-ta"), ito ay tumutukoy sa "young." Isa pang halimbawa ay ang salitang "tala," na nagiging "talá" kapag ang diin ay nasa ikalawang silabato, na nangangahulugang "star" at "to tell" naman kapag ang diin ay nasa unang silabato.


Mga halimbawa ng teoryang realismo?

Ang teoryang realismo ay naniniwala na ang mga bagay ay mayroong pisikal na kasalukuyan at hindi lamang likas na konsepto. Halimbawa ng teoryang realismo ay ang mga pag-aaral sa agham at matematika na nagbibigay-diin sa katotohanan at obhetibong realidad ng mga bagay. Isa pang halimbawa ay ang pagtingin sa politika kung saan pinaniniwalaan na ang mga bansa ay mayroong sariling interes at layunin na dapat mapangalagaan.


Magbigay ng halimbawa tungkol sa pasukdol?

Ang pasukdol ay ginagamit upang ipahayag ang pinakamataas na antas ng katangian. Halimbawa, sa pangungusap na "Si Maria ang pinakamatalino sa kanilang klase," ang salitang "pinakamatalino" ay nagpapakita ng pasukdol na antas ng katalinuhan ni Maria kumpara sa iba. Isa pang halimbawa ay "Ang bundok na ito ang pinakamataas sa bansa," kung saan ang "pinakamataas" ay naglalarawan ng pinakamataas na antas ng taas ng bundok.


Halimbawa ng intermedyang produkto?

Ang halimbawa ng intermedyang produkto ay ang kahoy na ginagawang cabinet upang mai-konsumo. Isa pa rito ay ang saging na niluluto upang maging bananacue.