answersLogoWhite

0


Best Answer

Nagsimulang maglayag si Magellan patungo sa Spice Islands noong ika-20 ng Setyembre 1519. NASA ilalim ng kanyang pangangalaga at responsibilidad ang limang barko at dalawang daan at animnapu't limang mga tao. May dala siyang ilang mga bagay na maaaring gamitin upang ipagpalit sa mga sangkap na makikita nila sa Spice Islands at mga pagkain na kanilang makokonsumo sa loob ng dalawang taon. Nagkaroon naman ng Hindi pagkakaunawan sa pagitan ni Magellan at ng ilang mga tauhan dahil naging masikreto ang una sa kanyang mga plano sa paglalayag.

Noong ika-15 ng Disyembre 1519 ay dumaong ang mga barko ni Magellan sa Brazil. Naging maganda ang pagtanggap ng mga mamamayang naninirahan dito sa grupo ni Magellan. Makaraang makipagpalitan ng mga gamit at pagkain sa mga naninirahan sa Brazil ay nagpatuloy ang kanilang paglalayag upang hanapin ang Spice Islands. Noong ika-10 ng Enero 1520 ay may natagpuan siyang isang malawak na bahagi ng karagatan. Inutusan niya ang kanyang mga kasama na tingnan kung mayroon silang makikitang lagusan patungo sa Spice Islands ngunit bigo ang mga ito sa paghahanap. Nagpatuloy sila sa paglalayag hanggang sa makarating sa lugar na ngayon ay kilala bilang Port San Julian, kung saan matagumpay na natigil ang hidwaan sa pagitan ni Magellan at ng kanyang mga kasamahan. Noong ika-20 ng Oktubre 1520 ay nakakita sila ng isa pang parte ng karagatan, ngunit itinuring nila itong katulad ng mga nakaraan nilang nakita. Siniguro ni Magellan na tama ang kanilang mga ideya sa pamamagitan ng pagpapadala ng ilan pang mga tauhan upang tingnan ang nasabing lugar at bumalik sa mga barko pagkalipas ng limang araw. Habang wala ang ilan sa kanyang mga tauhan, nagkaroon ng isang malakas na pagbagyo at inisip niMagellan na Hindi malayong namatay na ang mga ito dahil sa hagupit ng bagyo. Ngunit pagkaraan ng limang araw ay bumalik ang kanyang mga tauhan, dala ang balita ng pagkakadiskubre sa isang lagusan. Lahat ng mga barko ay nagpatuloy sa paglalayag sa loob ng tatlumpu't walong araw ng may layong tatlong daan at apatnapu't apat na milya hanggang sa marating ang bagong dagat. Noong ika-28 ng Nobyembre ay nagsimulang maglayag si Magellan at kanyang mga kasamahan sa karagatang walang pangalan na kanyang tinawag na "Pacific" dahil sa mapayapang anyo nito. Noong ika-16 ng Marso 1521, dumaong ang grupo niya sa islang inaakala niyang ang Spice Islands, ngunit angnasabing lugar ay ang Pilipinas. Naging maganda angpagtanggap sa kanya at sa kanyang mga tauhan hanggang sa lumipat sila at naglayag patungo sa isa pang isla. Hindi naging maganda ang pagtanggap ng mga katutubo sa isla na ngayon ay kilala bilang Cebu sa pangkat ni Magellan at inatake sila ng may isang libo at limang daang mga katutubo. Nagkaroon ng paglalaban sa pagitan ni Magellan at pangkat ng mga katutubo at nauwi ito sa kanyang kamatayan noong ika-26 ng Abril 1521.

User Avatar

wellylequin

Lvl 4
3y ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Ilarawan ang naging suliranin sa paglalakbay ni magellan?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Naging suliraning sa paglalakbay ni magellan?

Jumak*l s'ya


Mga suliranin nin manuel roxas?

mga naging suliranin ni manuel roxas


Naging sultan si pilandok in comics?

ilarawan ang mga tauhan. ano -ano ang naging motibasyon nila?


Ano ang naging bunga ng ekspedisyon ni Ferdinand Magellan?

naging matagumpay siya naging tagumpay siya sa kanyang ekspidisyon ngunit namatay sya sa laban sa Mactan


Ano ang naging bunga ng ekspedisyon ni magellan?

naging matagumpay siya naging tagumpay siya sa kanyang ekspidisyon ngunit namatay sya sa laban sa Mactan


Ang pangunahing kaisipan ng expedisyon ni Magellan?

marami ang naging ekspidisyon ni maggelan ng nakita niya ang pilipinas


Anu anu ang mga suliranin ng yamang lupa?

Maraming suliranin sa yamang lupa tulad ng polusyon, ilegal na pagtotroso at marami pang iba.


Kailan natuklasan ni Magellan ang Pilipinas?

Si Ferdinand Magellan at ang kanyang ekspedisyon ay natuklasan ang Pilipinas noong Marso 16, 1521. Dumating sila sa pulo ng Homonhon sa Eastern Visayas at muling tumulak patungo sa Cebu kung saan sila unang nagkaroon ng pakikipag-ugnayan sa mga katutubo. Ang pagtuklas ni Magellan sa Pilipinas ay naging simula ng kolonisasyon at Kristiyanismo sa bansa.


Ikalawang paglalakbay ni rizal?

Ang ikalawang paglalakbay ni Jose Rizal sa Europa ay noong 1888 hanggang 1889. Sa paglalakbay na ito, bumisita siya sa mga bansa tulad ng Italya, Pransya, at Alemanya upang magpatuloy sa kanyang mga pagsasaliksik at pakikipag-ugnayan sa iba't ibang kilalang tao sa Europa. Isa sa mga naging kaganapan ng paglalakbay na ito ay ang pagkakaroon niya ng panibagong mga kaibigan at kaalyado sa kanyang mga adhikain.


Bakit naging inspirasyon ni rizal si francisco balagtas?

bakit naging bayani si balagtas?


When was Una Kang Naging Akin created?

Una Kang Naging Akin was created on 2008-09-01.


When did Una Kang Naging Akin end?

Una Kang Naging Akin ended on 2008-12-19.