answersLogoWhite

0


Best Answer

Madalas na ang mga unang pumapasok sa ating isipan kapag naririnig ang salitang Dula ay ang entablado at mga aktor na umaarte rito. Ito ay nahahati sa ilang yugto at ang bawat yugto'y maraming tagpo.

Ang dula ay mayroon ding sangkap. Ito ay ang simula, gitna at wakas. Ang mga sangkap nitong tagpuan, tauhan at sulyap sa suliranin ay mamamalas na sa simula. Ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan ay matatagpuan sa gitna. Ang kakalasan at ang kalutasan naman ay matatagpuan sa wakas.

Ngunit ang Dula ay Hindi lamang sa entablado makikita. Ito ay hango sa diwa ng mimesis o ang panggagagad o panggagaya sa mga nagaganap sa totoong buhay. Ang isang bata na ginagaya ang paraan ng pagkilos at pagsasalita ng isang matanda ay matatawag nang pagsasadula.

Bago pa ang konsepto ng entablado sa Pilipinas, ginagawa na ng mga katutubo ang panggagagad sa pamamagitan ng mga ritwal, sayaw, at awit na may diwa ng iba't-ibang mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang Tao o tribo. Sa pamamagitan ng mga Dula, naipapaniwala sa isang lipi ang kultura at naipapasa ang tradisyon sa susunod na saling lahi.

User Avatar

Wiki User

βˆ™ 13y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Anonymous

Lvl 1
βˆ™ 4y ago

di ko rin alam eh

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Ibig sabihin ng salingin
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp