answersLogoWhite

0


Best Answer

Sagot:

Mga Karapatan ng Mamamayang Pilipino:

A. Makatarungang Pagpapairal ng mga batas

Ang makatarungang pagpapairal ng batas ay nangangahulugan ng pantay na pagsunod sa itinakda ng batas. Ito ay isang katiyakang ang batas ay makatwiran at makatarungan. Ito ay paraan din upang maunawaan ng pamahalaan ang di tumpak na pagkumpiska, pag-agaw at pag-ilit ng mga ari-aian nang walang paglilitis.

B. Pantay - pantay na proteksyon sa batas

Ang lahat ng taong naninirahan sa bansa ay may karapatan sa pantay-pantay na proteksyon sa batas. Nangangahulugan ito na Hindi dapat gumawa ang pamahalaan ng di-makatwirang pagtatangi o pagtingin sa mga taong nabibilang sa magkakatulad o iba't ibang pangkat.

C. Karapatan sa buhay, kalayaan at pagmamay - ari

Ang buhay ay Hindi nangangahulugan ng pisikal na katauhan lamang. Kasama rito ang proteksyon ng lahat ng bahagi ng katawan at ng mga Hindi pa isinilang. Gayundin ang pagpapalalag sa batang nasa sinapupunan.

May mga limitasyon din ang kalayaan sa demkrasya. Hind ka maaaring gumalaw ng naaayon lamang sa ityong kagustuhan. Sa paggamit ng karapatang ito, dapat isaalang-alang ang kapakanan ng pambayangkalusuga, kaayusan, kaligtasan at pangkalahatang kagalingan.

Ang karapatan sa pagmamay-ari pinanagutan ng konstitusyon. Karapatan ng taong magmay-ari, mag angkin, mamahala, gumamit at isaayos ang mga mahalagang bagay tulad ng lupa, gusali, sasakyan at iba pang bagay na makabuluhan.

D. Kaligtasan ng mga Tao, tirahan, papeles at iba pang bagay

Hindi maaring dakpin ang Tao kung walang warrant of arrest. Ang di makatwirang paghalughog o pagsamsam sa pamamahay, papeles at mga bagay - bagay ng walang search warrant ay di dapat isagawa.

E. Pagiging Lihim ng Komunikasyon at Korespondensiya

Walang sinumang Tao ang may karapatan magbukas ng liham ng iba maliban sa utos ng hukuman o kapag hinihingi ang kaligtasang pambayan.

F. Kalayaan sa pananalita, pamamahayag, asambleya at petisyon

Ang pagpapahayag ng iniisip, nilalayon at mga puna tungkol sa mga palakad ng mga pinunong bayan ay mga instrumento ng pambayang saloobin.

G.Kalayaan sa pananampalataya

Intinakda ng saligang batas ang pagkakaroon ng kalayaan sa pananampalataya. Ang mga gawain sa pananampalatay na nakakasakit o nakasisira sa katahimikan ng bayan ay Hindi pinahihintulutan.

H.Kalayan sa paninirahan

Ang pagtira saan mang naisin ng Hindi lumalabag sa batas ay karapatan ng bawat isa. Ang pagtatayo ng mga bahay sa mga lansangan, liwasan, lupang pambayan at sa pribadong lupa ng walang pahintulot ng mayari ay ipinagbabawal.

User Avatar

Wiki User

13y ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Iba't-ibang karapatan ng mamamayan
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Ano ang karapatan ng mamamayan sa demokrasyang pulitical?

ang karapatan ay para sa lahat ng Tao


Ano ang tungkulin ko bilang isang mamamayan?

karapatan ng bata ang mag-aral


Ibig sabihin ng karapatan?

ito`y ang mga bagay na dapat nating madama o maranasanITO ANG KAKAYAHAN NG ISANG MAMAMAYAN SA ISANG BANSA NA GUMAWA NG BAGAY NA MAY KALAYAAN GAWIN ITO....karapatan nang babaeng bumoto sa halalan.....


Ano ba ng ang kahulugan karapatan na maisilang at magkaroon ng pangalan at nasyunalidad?

Ang karapatang magkaroon ng pangalan at nasyonalidad ay tumutukoy sa karapatan ng bawat tao na ituring bilang mamamayan ng isang bansa at magkaroon ng legal na pagkakakilanlan. Kasama rin dito ang karapatan ng isang indibidwal na maitalaga ng tamang pangalan at rekognisyon ng kanilang pagkakakilanlan sa lipunan.


Karapatan ng kabataan sa ililim ng 1987?

ano ang mga karapatan ng kabataan


Iba't-ibang uri ng karapatan?

Karapatan sa buhay - karapatan ng bawat tao na mabuhay ng ligtas at mapayapa. Karapatan sa edukasyon - karapatan ng bawat indibidwal na magkaroon ng access sa edukasyon at pagpapaunlad ng kanilang kasanayan. Karapatan sa kalusugan - karapatan ng bawat isa na magkaroon ng mahusay na serbisyong pangkalusugan at pangangalaga ng kalusugan. Karapatan sa pantay na pagtrato - karapatan ng lahat ng tao na tratuhin ng patas at walang diskriminasyon batay sa lahi, kasarian, relihiyon, at iba pa.


Ano ang tungkulin ng pamahalaan sa pagkilala nito ng mga karapatang pantao ng mamamayan?

Ang tungkulin ng pamahalaan sa pagkilala ng mga karapatan ng mamamayan ay siguraduhin na ito'y naipatutupad at napoprotektahan sa lahat ng oras. Dapat itong magtaguyod ng mga mekanismo at ahensya na tutugon sa mga paglabag sa karapatang pantao at magbigay ng tamang proteksyon at katarungan sa biktima ng mga ito.


Ibat ibang karapatan ng manggagawa?

Answersa lipunan dahil sa dakilang ginawa.10. Karapatan ng isang manggagawa na magpahinga.9. Karapatan ng isang manggagawa na makilala sa sariling paggawa.8. Karapatan ng isang manggagawa na makilala sa maayus na gawain.7. Karapatan ng isang manggagawa na mabigyan ng puri.6. Karapatan ng isang manggagawa na mabigyan ng dangal.5. Karapatan ng isang manggagawa na mabigyan ng kasarinlan sa paggawa.4. Karapatan ng isang manggagawa na magkaroon ng isang maayos na pakakilala3. Karapatan ng isang manggagawa na magkaroon ng magbuting pagkilala2. Karapatan ng isang manggagawa na sang-ayunan ang isang magandang plano niya.1. Karapatan ng isang manggagawa na magkaroon ng kagila-gilalas na pagtangap


Bakit tinatawag na kapuluan ang pilipinas?

-ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga mamamayan dahil sila ang pinuno ng bansa. -ang batas ay para sa lahat ng mamamayan. -naipapahayag ng mga Tao nang malaya ang kanilang opinyon. -ang bawat mamamayan ay may tinatamasang karapatan. -kinikilala ang pasya ng marami.


Anu ano ang karapatan ng bansang malaya?

Ang mga karapatan ng isang bansang malaya ay ang mga sumusunod:a.) Karapatan sa Kalayaanb.) Karapatan sa Pantay na Pribilehiyoc.) Karapatan sa Saklaw na Kapangyarihand.) Karapatan sa Pagmamay-arie.) Karapatan sa Pakikipag-ugnayan


Ano ang tatlong uri ng karapatan?

Karapatan sa pampulitika, o ang karapatan ng isang indibidwal sa demokrasya at paglahok sa pamahalaan. Karapatan sa pang-ekonomiya, o ang karapatan ng isang indibidwal sa trabaho, edukasyon, at pantustos sa kanyang pangangailangan. Karapatan sa panlipunan, o ang karapatan ng isang indibidwal sa kalusugan, proteksyon sa abuso, at pagkakapantay-pantay sa lipunan.


Kasing kahulugan ng kaloob ng langit?

mga mamamayan o tao