answersLogoWhite

0


Best Answer

Ang mga unang Pilipino ay pagala-gala dahil wala silang permanenteng tahanan. Wala silang mga pananinm kaya nabubuhay sila sa pamamagitan ng pagkuha ng pagkain sa paligid at sa pangaganso ng mga hayop. Nanatili sila sa isang lugar hanggang may makakain sila rito. Ang mga kuwebang tinirhan ng mga unang Pilipino ay napagkunan ng mga nahukay na kagamitan nila. Ilan sa mga kuwebang ito ay ang Tabon Cave sa Palawan at Bolobok Cave sa Tawi-Tawi.

Nanatili lamang silang manirahan sa isang lugar hanggang matuto na silang magtanim. Kinailangan nilang alagaan ang kanilang mga pananim at mga alagang hayop. Nagtayo na rin sila ng mga permanenteng tirahan na yari sa kawayan at nipa o kogon.

Ang mga nanirahan sa malapit sa mga anyong tubig ay mabilis na lumaki ang bilang at unang nakilala bilang unang mga pamayanan. Ang tubig ay hindi lamang mahalaga para sa mga personal nilang pangangailangan. Ito ay nagamit nila sa kanilang mga pananim, sa paglalakbay, at pakikipagkalakalan.

User Avatar

Wiki User

11y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Wiki User

14y ago

Sa may baybayin naninirahan ang mga sinaunang tao.

Sa pamamagitan ng pangangaso, pagtatanim at pangingisda.

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Halimbawa ng tirahan ng mga sinaunang pilipino?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp