answersLogoWhite

0


Best Answer

Ang Alamat ng Sampaguita

Bantog ang nayon ng Sto. Cristo dahil sa magaganda nitong tanawin. Ang magkabilang kalsada nito na patungong bayan ay may nakahilerang puno. Malalabay ang mga sanga nito kaya nag-aabot sa gitna ng kalsada. Nagbibigay iyon ng malamig na lilim kaya gustong-gusto itong daanan ng mga manlalakbay.

Bukod sa malalim na kalsada ng Sto. Cristo at magagandang mga tanawin, isa pa sa mga ipinagmamalaki nito ay ang magaganda nitong dalaga. Namumukod sa mga dalagang ito si Elena. Tulad sa pangalan ay laging naiimbitahan bilang Maria Elena ang dalaga.Halos hindi na mabilang ang mga paanyayang tinatanggap ng dalaga upang maging tampok na kagandahan ng anumang pagtitipon. Ano pa at hindi rin mabilang ang mga. binatang naghahangad ng pag-ibig niya.

Sa kabila ng lahat, tila sarado ang pihikang puso ni Elena. Wala isa man siyang magustuhan sa rami ng mga manliligaw.Ang ibang mga binata ay nagpatulong sa kanilang mga magulang ang niligawan ang mga ito ay ang ama at ina ni Elena gayundin ang mga kapatid ng babae. Subalit bigo parin sila.

Kinausap ni Mang Anton at Aling Nina ang anak.

"Hindi sa ako ay nakikialam," ani ni Mang Anton,"pero napansin kong hindi ka na bumabata.Wala ka pa rin bang napupusuan sa mga manliligaw mo?"

"Hayaan mo na lamang ako, ama.Kapag dumating ang sadyang lalaki para sa akin ay hindi ko pakakawalan," pabirong sagot ni Elena.

Waring sinadya ng pagkakataon isang mangangaso ang napadpad sa Sto. Cristo. Naligaw ito at kina Elena nakapagtanong. Ang mangangaso ay si Roberto, isang taga-lungsod.

Niligawan ni Roberto si Elena. Tulad ng ipinangako sa ama, nang dumating ang lalaking iibigin ay hindi na nagpakipot si Elena. Sinagot agad niya si Roberto. Nang yayain siya ng kasal ng binata ay mabilis niyang tinanggap ang alok nito.

Maligayang-maligaya si Elena. Hindi niya inakala na saglit lang pala ang ligayang iyon. Dahil bago sumapit ang pag-iisang dibdib nila ni Roberto ay dumating ang isang babae at sinabing may pananagutan rito ang binata.Hindi nakapagkaila si Roberto ng kumprontahin ni Elena. Kahit ng humingi ito ng tawad ay naging matigas ang loob ng dalaga

"Isinusumpa kita!" ani Elena kay Roberto.

Mula noon ay nawalan ng kulay ang buhay ni Elena. Napuno siya ng hinagpis. Namatay siya sa lungkot na tanging inuusal ay ang salitang…"sumpa kita…sumpa kita…"

Kaya nang may tumubong halaman sa kanyang libingan ay namulaklak iyon ng ubod bango, hindi na rin nagdalawang isip ang ama't ina niya na sumpa kita ang bulaklak, ang mga huling salitang binigkas ng anak bago sumakabilang buhay.

Lumipas ang panahon at ang mabangong bulaklak ay kinatuwaan ng marami. Ang salitang sumpa kita ay napalitan na rin at nang magtagal ay naging sampaguita. Dahil sa katangian nito at iwing kariktan, ang sampaguita ang naging pambansang bulaklak ng Pilipinas.

User Avatar

Wiki User

12y ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Gintong aral sa alamat ng sampaguita?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Ano ang gintong aral ng alamat ni tungkung langit?

Ang mga gintong aral na mapupulot sa kwento ay kung paano mo pinapahalagahan Ang iyung kaibigan,kapwa at Yung minamahal at handang tumulong Ng Hindi humihingi Ng kapalit.


Ano ang gintong aral ng alamat ng makahiya?

Dapat marunong ka din makihalubilo sa ibang tao para pag kailangan mo ng tulong may matatakbuhan ka


Aral mula sa alamat ng ampalaya?

sino ang may akda ng alamt ng pinya?


Ano ang pagkakaiba ng pabula sa alamat?

ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay bagay sa daigdig samantalang ang pabula ay kuwento na ginagampanan ng mga hayop na may asal ng tao at may gintong aral sa bawat wakas ng estorya


What are examples of a alamat?

Alamat ng Pinya, Alamat ng Bayabas, Alamat ng Mangga, Alamat ng Lanzones, Alamat ni Maria Makiling, Alamat ng Baka at Kalabaw, Alamat ng Saging, Alamat ng Sampalok


Ano ang mga elemento ng alamat?

aral,tema,banghay,filipino,english at iba pang subject at meter.


Anu-ano ang mga halimbawa ng karagatan sa panitikang pilipino?

Alamat ng singsing.


Alamat ng pinagmulan ng tao sa India?

alamat ng mestiso,alamat ng mundo.


Ano ang katangian ng alamat?

Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga Tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan.[1] Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang "legend" ng ingles. p "leendus"


Ano ang kasaysayan ng alamat?

ano ntga ba talaga ang kasaysayan ng mga alamat ? i-research nyu kaya ALAMAT NG MGA ALAMAT ?


When was Alamat ng Gubat created?

Alamat ng Gubat was created in 2003.


Bakit mahalagang pag aralan ang alamat ng ating bayan?

Mahalagang pag-aralan ang mga alamat, lalo na para sa mga batang nasa mura pang edad dahil ang bawat alamat ang isinulat upang kapulutan ng iba't-ibang aral na maaaring humubog sa magandang asal ng isang bata.