answersLogoWhite

0


Want this question answered?

Be notified when an answer is posted

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Bakit napili niya ang kursong optalmolohiya at maging doctor sa mata?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

How do you pronouse napili?

Naa- pee-lee...


What is the air mileage distance from Seattle Washington and Maui Hawaii?

The air distance from Seattle, Washington, to Napili-Honokowai, Maui, Hawaii, is 2,650 miles. That equals 4,265 kilometers or 2,303 nautical miles.


How many miles is it to Hawaii from Virginia?

The air distance from Napili-Honokowai, Maui, Hawaii, to Charlottesville, Virginia, is 4,722 miles. That equals 7,599 kilometers or 4,103 nautical miles.


What is imbentaryo ng sariling interes at potensyal?

ito ay kung ano ang nais mo o gustong makuha para sa iyong kagustuhan na walang humadlang dahil sa ito ang napili mong interes at sa iyong potensyal para sa kagustuhan ng bawat tao.


What has the author Juan Al Asuncion written?

Juan Al Asuncion is known for his book "Los amantes de Hiroshima", a collection of short stories that explore themes of love, loss, and memory against the backdrop of historical events such as the Hiroshima bombing.


What is the pointers for the exam?

To prepare for an exam, make a study schedule, review course materials, practice with past papers or sample questions, and ensure you understand key concepts. Stay organized, get enough rest, and eat well before the exam to enhance your performance. Remember to manage your time effectively during the exam and stay calm and focused.


What are the lyrics to ''Porque'' by Maldita?

Porque chords by Maldita Maldita by Porque "Currently working on the intro" Standard tuning but on the 2nd capo VERSE 1: D G Tulala lang sa'king kwarto Em A At nagmu-muni-muni D G Ang tanong sa'king sarili Em A Sa'n ako nagkamali Refrain: Bm A G Bakit sa'yo pa nagkagusto Em F#m G Parang bula ika'y naglaho Chorus1: D Em Porque contigo yo ya eskuhi? F#m G Ahora mi corazon ta supri D Em Bien simple lang iyo ta pidi F#m G Era cinti tu el cosa yo ya cinti D Em F#m Ta pidi milagro bira'l chempo G D El mali ase derecho Em F#m Na dimio reso ta pidi yo G D G Bm A Era ulvida yo contigo VERSE 2: D G Ang lahat ay binigay ko Em A Ngayon ay sising-sisi D G Sobra sobra ang parusa Em A Di alam kung kaya pa (Repeat Refrain) Bridge: Em F#m Wag nang lumapit G A Em At tumawag pa at baka masampal lang kita F#m Di babalikan G Magsisi ka man A Ako ay lisanin Chorus2: D Em Porque contigo yo ya iskuji F#m G Aura mi corazon ta supri D Em Bien simple lang iyo ta pidi F#m G B F#m Era cinti tu el cosa yo ya cinti Repeat Chorus (2nd fret higher E-F#m-G#m-A) Chorus3: E F#m Bakit ikaw pa ang napili Abm A Ngayon ang puso ko ay sawi E F#m Kay simple lang ng aking hiling Abm A Na madama mo rin ang pait at pighati E F#m Sana'y magmilagro Abm Mabalik ko A Mali ay maiderecho E F#m Abm Pinagdarasal ko sa'king puso A Na mabura na sa isip ko


What is the area code for Hawaii?

The entire state of Hawaii uses area code +1 808.(The plus sign means "insert your international access prefix here." From a GSM mobile phone, you can enter the number in full international format, starting with the plus sign. The most common prefix is 00, but Japan uses 010, Australia uses 0011, and many other countries use different prefixes.).


Ano ang buod ng dulang walang sugat ni Severino Reyes?

Sa baryo ng Pulong-gubat, nais ni Matandang Tikong na maikasal na ang anak niyangsiyang si Loleng. Nararamdaman ng matanda na malapit na siyang mamatay at mapapalagay lamang siya kung mayroong lalaking makakasama ang kanyang anak habangbuhay. Napili niTandang Tikong si Ikeng na dating tenyente at ngayon ay wala pang trabaho. Wala namangmagawa si Loleng dahil iyon ang kagustuhan ng kanyang ama. Bagama't napupusuan niya siTone na lagi niyang nakakaulayaw ay may nasisintahan nang iba. Dumating isang gabi si Ikeng at nakipagkasundo na nga kay Matandang Tikong at nangakong babalik para matupad ang pangako ngunit naisip ni Ikeng na tila napasubo na naman siya sa hindi niya gusto dahil may mga dalaga pa siyang sinusuyo tulad nina Isiang, Beheng at Gunday. Nagkausap-usap ang mga binata ng Pulong-gubat at kung bakit daw nila hinahayaan na ang isang dayo ang siya pangmanliligaw sa dalagang katutubo sa kanilang nayon? Dahil dito ay kinausap ni Aling Buro si Loleng at kung bakit sa isang dayo pa siya magpapakasal. Sinabi naman ni Loleng na walasiyang magagawa dahil ama niya naman talaga ang nasusunod. Nabigo si Ikeng sa panunuyo kay Isiang, Gunday at Beheng. Idinemanda pa siya ni Kabesang Tiago dahil sa pagtangay sa kanyanganak na si Isiang matapos tangkaing itanan ni Ikeng sa tulong ni Tomas. Pati si Tomas ay nadamay sa demandahan at kung hindi kadikit ni Ikeng ang direktor ay malamang na ikinulong sila. Ngunit hindi sumusuko si Kabesang Tiago dahil kung walang magagawa ang kinauukulanay siya mismo ang gagawa ng hakbang para maparusahan si Ikeng. Para makaiwas sa gulo aynaisipan nina Mang Simon at ni Aling Tolang na suyuin sa tulong ni Tenyente Pedro ang mag-amang taga-Pulong-gubat para ikasal na sina Ikeng at Loleng. Pumayag si Ikeng sa mungkahing iyon dahil wala na talagang ibang paraan bagama't dalawang buwan na ang lumipas. Natuloyang kasal at nangako si Ikeng kay Loleng na hindi mauubos ang kanyang pag-ibig. Naging maganda sa umpisa ang pagsasama ng bagong kasal ngunit hindi nagtagal ay nagbalik na namansi Ikeng sa dati niyang gawi. Namatay na nagsisisi si Matandang Tikong kung bakit si Enrique ang napili niya para sa anak ngunit hindi ni Loleng sinisi ang kanyang ama. Naging palasugal na ngayon si Ikeng hanngang sa manganak si Loleng na wala siya sa kaniyang tabi. Babae ang naging anak nila at pinangalanang "Elisa", at "Nene" ang naging palayaw. Unti-unting naubos ang pamana ni Matandang Tikong para kay Loleng dahil sa pagsusugal ni Ikeng. Kahit damit ay hindi ni Loleng maibili si Nene at minsan ay wala man lang bigas na maisasaing kaya naging kaawaawa ang mag-ina. Pinayuhan ni Aling Buro si Loleng na huwag nang hayaan si Ikeng sa pagsusugal kung ayaw nilang mamatay sa gutom. Nagkaroon ng mga usap-usap tungkol sa isang himagsikan at umabot iyon sa Pulong-gubat. Maraming lalaki ang nais sumali sa Rebolusyon kaya sila ay pumunta sa bundok. Isa si Ikeng sa mga sumanib ngunit hindi naman talaga iyon ang kanyang layon kundi ang maiwan ang kanyang asawa't anak. Natapos ang himagsikan at tinalo ng mga Amerikano ang mga Kastila. Sa halip na magsarili na ang Pilipinas ay inako lamang ng mga Amerikano sa Kastila ang kapangyarihan. Isang kaguluhan ang nangyari at nagtakbuhanang mga tao. Nahiwalay si Loleng kay Nene kaya't siya'y muntikan nang mabaliw sa kakahanap samantalang inagaw pala ni Ikeng si Beheng mula sa kanyang ama na si Kabesang Bino at itinago sa Tarlac. Masalimuot ang naging kalagayan ni Loleng habang hinahanap si Nene saMaynila. Hindi inakala ni Loleng na may magnanakaw na pumasok sa kaniyang tahanan habang abala sa paghahanap. Mabuti na lamang dahil pinabaunan siya ng pera ni Aling Buro dahil baka sa kalye siya matulog. Maging si Nene ay hinahanap na rin ang kanyang ina. Habang tila mababaliw na sa kakahanap ay napagtanungan ni Loleng si G. Ricardo sa daang Villalobos. Napagkamalan nga ng ginoo na si Loleng ay matanda na dahil sa itsura nito. Nalaman ni Loleng na kinupkop ni G. Ricardo at ng kaniyang asawang si Aling Nitang ang anak niyang si Neneng. Sa wakas ay nagkita na muli ang mag-ina! Hindi ibang tao ang turing nina G.Ricardo at Aling Nitang sa mag-ina. Ibig ni Loleng na makapag-aral si Nene dahil iba na ang panahon. Pumayag pa nga sila na mag-aral si Nene at binigyan ng puhunan si Loleng para makapagbenta ng bibingka. Unti-unting guminhawa ang buhay ng mag-ina. Biglaang sumulpot si Ikeng sa barberya ni Tomas dahil magpapagupit. Nakilala ni Tomas at Ikeng ang isa't isa. Nalaman ni Tomas na nakulong ng apat na taon si Ikeng dahil sa pagtatanan kay Beheng. Nais ni Ikeng na makita ang mag-ina ngunit hindi nito alam kung saan sila hahanapin. Siya namang itinuro ni Tomas ang lugar nina Loleng at Nene ngunit sa kasamaang palad ay nabangga ng isang humaharurot na awtomobil si Ikeng at isinugod sa Hospital San Pablo. Naghihingalo na si Ikeng ngunit nagawa pa rin niyang humingi ng kapatawaran at inamin na napakalaki ng pagkukulangniya sa kaniyang mag-ina. Oras na talaga ni Ikeng at siya'y tuluyan nang namatay. Dito nagtatapos ang kuwento ni Ikeng, ang "pusong walang pag-ibig".


Theory of Lemurian Origin of the Philippines?

Ang Alamat ni Bernardo CarpioA Philippine Legendary HeroA Filipino folklore by KATIG.COMNuong panahon nang ang Pilipinas ay nasasakop pa ng mga Kastila aymayruong mag-asawang naninirahan sa paanan ng bundok ng San Mateo,Rizal. Ang mag-asawa ay mahirap lang subali't sila ay mabait, masipag,matulungin, at makadiyos. Sa mahabang panahon nang kanilangpagsasama ay hindi sila agad nagkaanak. Ganun pa man sila aymasaya sa kanilang buhay at matulungin sa kapwa lalu na tulad nilangnaghihirap, at sa mga may sakit. Ang mga bata sa kanilang pook ayinaaruga nilang parang mga tunay na anak habang patuloy silangumaasa na balang araw ay magkakaruon din sila ng sariling anak.Dahil sa kanilang ipinamalas na kabutihan, pagtitiis, at pananalig aykinaawaan din sila ni Bathala at dininig ang kanilang panalangin namagkaruon ng sariling anak. Sa wakas ay biniyayaan sila ng isangmalusog na sanggol na lalaki. Bukod duon, biniyayaan din ni Bathala angsanggol ng pambihirang lakas at kisig simbolo ng lakas ng pananalig atkagandahang loob na ipinamalas ng kanyang mga magulang.Maliit pa lang ay kinakitaan na si Bernardo ng pambihirang lakas at kisig.Ilang linggo pa lang mula nang siya'y ipinapanganak ay nagagawa naniyang dumapa at gumapang mag-isa kaya minsan ay muntik na siyangmahulog sa hagdanan ng kanilang munting kubo kundi naagapan ngisang kastilang pari na nuon ay dumadalaw sa kanilang pook upangmagturo ng Kristiyanismo.Sa suhestiyon ng kastilang pari na humanga sa lakas at kisig ng sanggol,siya ay pinangalanang Bernardo Carpio ng kanyang mga magulang.Hinango ang kanyang pangalan kay Bernardo de Carpio, isangmatapang, bantog, makisig, at maalamat na mandirigma sa bansangEspanya. Eto ay parang nagbabadya sa magiging maalamat ding buhayni Bernardo Carpio sa Pilipinas.Habang lumalaki ay lalung nagiging kagila-gilalas ang pambihiranglakas ni Bernardo. Mahigit isang taon pa lang ay nagagawa niyangbunutin ang mga pako sa kanilang sahig sa kanyang paglalaro. At kapagisinasama siya ng ama sa pangangaso ay parang walang anuman nabinubunot ni Bernardo ang ilang mga puno upang makagawa ng daanansa masukal na kagubatan ng San Mateo.Tulad ng kanyang mga magulang si Bernardo ay lumaking mabait,matulungin, at matatag ang loob. Minsan sa kanyang pamamasyal sagubat, ay may natanaw siyang kabayo na nahulog sa bangin at napilay.Agad na nilusong ni Bernardo ang bangin upang sagipin at tulungan angkabayo. Parang walang anuman na pinasan at iniahon niya ang kabayosa bangin at dinala sa kanilang bahay upang gamutin at alagaan.Sa kanyang pag-aalaga, ang bahagi ng enerhiya ni Bernardo ay dumaloymula sa kanyang mga kamay at bumahagi sa kabayo na naging dahilanupang mabilis etong gumaling at nagsimulang nagpamalas din ngpambihirang lakas at bilis. Dahil sa tanglay na lakas at bilis ang kabayoay tinawag niyang si Hagibis at mula nuon si Bernardo at si Hagibis aylaging magkasama sa pamamasyal sa kabundukan ng San Mateo.Samantala, ang pagmamalupit at paninikil ng mga Kastila sa mgakarapatan at kalayaan ng mga Pilipino ay lalung nag-ibayo. Mapagtiisman ang mga Pilipino ay dumating din ang panahon na hindi na nilamatanggap ang pang-aapi ng mga dayuhan. Ang mga kalalakihan aynagsimulang magpulong-pulong at bumuo ng mga pangkat sahangaring ipaglaban ang karapatan at kalayaan ng mga Pilipino. Dahil sakanyang taglay na pambihirang lakas at pagiging makabayan ay napili siBernardo na namuno sa namimintong himagsikan laban sa mga Kastila.Nang makarating sa kanilang kaalaman ang nagbabantang himaksikanng mga Pilipino, lalu na nang mapag-alaman nilang si Bernardo angnapipisil na mamuno, ay labis na ikinabahala eto g mga Kastila. Dahil sapambihirang lakas at tapang na taglay nito ay alam nilang mahihirapansilang igupo ang anumang himagsikan at malamang na magtagumpaypa eto.Dahil sa kanyang matatag na pamumuno at pambihirang lakas aynabahala ang mga kastila sa magagawa ni Bernardo upang magingmatagumpay ang himaksikan laban sa mga mananakop. Dahil dito aygumawa ng patibong ang mga kastila. Diumano ay inanyayahan nila siBernardo sa isang pagpupulong upang diumano ay dinggin angkaraingan ng mga Pilipino subalit eto ay bitag lamang upang sa tulongng isang engkanto ay maipit sa nag-uuntugang bato at hindi namakapamuno sa himagsikan.Lihim sa mga mamamayan, nuong panahon na iyon, ang mga Kastila aymay nahuling isang engkantado na kasalukuyan nilang isinasailalim saeksorsismo (exorcism), isang pamamaraan ng simbahan upangsugpuin ang masamang ispiritu na sumapi sa katawan ng engkantado.Dahil sa takot na magtagumpay ang himagsikan sa pamumuno niBernardo ay nakipagkasundo ang mga paring Kastila sa ispiritu nasumapi sa engkantado na ititigil nila ang eksorsismo (exorcism) kungtutulungan sila nito na masupil si Bernardo. Sa paniniwala ng mgaKastila, ang pambihirang lakas ni Bernardo ay matatapatan lamang ngagimat na taglay ng engkantado.Hindi nag-aksaya nang panahon ang mga Kastila. Agad nilanginanyayahan si Bernardo sa isang pagpupulong upang diumano aydinggin ang karaingan ng mga Pilipino. Subali't sila ay may nakahandangbitag kay Bernardo. Sa pagdaraanan patungo sa isang yungib aynaghihintay ang engkantado na nagtatago sa likuran ng magkaparis nanaglalakihang bato. Pagdaan ni Bernardo ay ginamit ng engkantado angkanyang agimat upang pag-umpugin nito ang naglalakihang bato sapagnanais na ipitin at patayin si Bernardo.Dahil sa pagkabigla ni Bernardo ay hindi siya nakaiwas at unti-untingsiyang naipit ng nag-uuntugang bato. Ginamit niya ang kanyang lakasupang pigilan ang mga bato subalit ang kanyang lakas ay may katapat nalakas na nagmumula sa agimat ng engkantado.Nang hindi bumalik si Bernardo kay Hagibis na naghihintay sa maypaanan ng yungib ay naramdaman nitong may masamang nangyayarikay Bernardo. Mabilis na bumalik si Hagibis sa kapatagan upanghumingi ng tulong sa mga mamamayan subali't natagalan bagonaunawaan ng mga tao ang ibig sabihin ng mga halinghing at pag-aalma ng kabayo. Sa bandang huli nang mapansin nila ang pagkawalani Bernardo ay naisipan ng ilang kalalakihan na sundan si Hagibis dahillagi silang magkasama.Dinala ni Hagibis ang mga kalalakihan sa paanan ng yungib at tinangkanila etong pasukin. Subalit nang sila ay papalapit na ay sinalubong silang nagbabagsakang mga bato na ikinasugat at ikinapilay ng ilangkalalakihan. Natanaw nila ang malalaking nag-uumpugang mga bato atnuon ay napagtanto nila na ang yungib ay pinagpupugaran ngengkantado. Sila ay nangatakot at bumalik sa kapatagan ng hindi nakitasi Bernardo.Mabilis na kumalat ang haka-haka na si Bernardo ay naiipit ng nag-uumpugang bato at tuwing nagpipilit siyang kumawala ay nagiging sanhieto ng paglindol sa kabundukan ng San Mateo.Ang pagkawala ni Bernardo ay naging malaking dagok sa namumuonghimagsikan ng mga Pilipino dahil sa pagkawala ng isang malakas atmatapang na pinuno. Lumipas pa ang ilang taon bago muling nabuo angloob ng mga Pilipino na ituloy ang pakikipaglaban sa mga Kastila.Taung 1895 nang muling magpulong ang mga kalalakihan sa yungib ngPamitinan at duon, sa karangalan ni Bernardo Carpio, ay ginawa nila angunang sigaw ng himagsikan laban sa mga Kastila


Ang Brilyanteng kwintas ni Guy De Maupassant?

ANG KWINTASIsa siya sa mga pinaka-marikit at kahali-halinang babae na isinilang, at para bang nagkamali ang tadhana dahil isang pamilya ng mga manggagawa ang kanyang pinagmulan. Hindi siya itinakda na ikasal kaninoman, walang umaasa na aangat siya, at wala rin siyang paraan para makilala, maunawaan, mahalin, at makapangasawa ng isang marangya at marangal na lalaki. Bagkus, isang hamak na kawani ng Kagawaran ng Edukasyon ang pinakasalan niya. Simple lang ang kanyang panlasa dahil hindi naman niya kaya ang mga mamahaling bagay. Hindi siya masaya dahil sa pakiwari niya, nagpakasal siya sa isang lalaking mas mababa pa sa kanyang uri. Pero ang mga babae naman talaga ay hindi nabibilang sa kahit anumang uri. Ang kanilang kagandahan, kahinhinan, at alindog ay nagagamit nila para magkaroon ng asawa at pamilya. Ang natural na pagkahilig nila sa karangyaan, ang kanilang angking karingalan, at matalisik na isip ay nagsisilbing mga palatandaan ng kanilang ranggo. At sa mga bagay na ito, ang babaeng tinutukoy natin na nagmula sa kahirapan ay maituturing na kapantay ng pinakamataas na babae sa balat ng lupa.Hindi matapus-tapos ang kanyang pagdurusa, dahil pakiramdam niya'y ipinanganak siya para matikman ang lahat ng karangyaan at kaginhawahan. Pinagdurusahan niya ang kanyang hamak na tirahan, ang mga nanlilimahid na dingding nito, ang mga gapok na silya, at marurungis na kurtina. Lahat ng ito-na maaaring hindi alam ng mga babaeng kauri niya-ay nagdudulot sa kanya ng pasakit at insulto. Nang makita niyang pumasok ang batang babae na Breton sa kanyang hamak na tirahan para magtrabaho, nabagbag ang kanyang damdamin at natigatig ang kanyang mga walang kapararakang pangarap. Umandar ang kanyang imahinasyon at naisip niya ang mga tahimik na silid, na natatakpan ng mabibigat na kurtinang Oryental, naiilawan ng mga nagtataasang sulo na yari sa tanso, at binabantayan ng mga nagtatangkarang lalaki na may suot na mahahabang medyas na umaabot hanggang sa tuhod at nahihimbing sa malalaking sopa, dahil sa nakalilipos na init na nagmumula sa kalan. Naisip niya rin ang malalawak na silid na napapalamutian ng antigong telang sutla, at maliliit ngunit kaaya-aya at mababangong silid na nilikha para sa mga munting salusalo kasama ang mga pinakamalapit na kaibigan, at mga lalaking pamoso at inaasam-asam, na ang pamimitagan ay nakatitigatig ng inggit at pagnanasa sa kababaihan.Nang dumulog siya para sa hapunan sa hapag na natatakpan ng mantel na kalalagay lang tatlong araw na ang nakararaan, katapat ng kanyang asawa na nag-alis ng takip ng lalagyan ng sopas at napabulalas nang buong saya: "Aha! Scotch broth! May hihigit pa ba rito?", muli na namang lumipad ang imahinasyon ng babae at naisip niya ang mga pagkasarap-sarap na pagkain, mga kumikinang na kubyertos, mga tapiseriya na tumatakip sa mga dingding at naglalarawan sa mga sinaunang tao at mga kakatwang ibon mula sa mga kagubatang pinamamahayan ng mga diwata; naisip niya ang mga kasiya-siyang pagkain na nakalatag sa mga kamangha-manghang bandehado, mga pabulong na panunuyo, na pinakikinggan nang may di mawaring ngiti habang ngumangasab ng mamula-mulang laman ng isda o pakpak ng manok na may halong asparago.Wala siyang magagandang damit at alahas. At ito ang mga bagay na iniibig niya. Pakiramdam niya'y nilikha siya para sa mga bagay na ito. Matagal na niyang inaasam na makapang-akit, na mapagnasaan, na kahumalingan, at maging kaasam-asam.Nagkaroon siya ng isang mayamang kaibigan, isang dating kaklase na ayaw niyang bisitahin, dahil nakararamdam siya ng matinding pagkasawi habang papauwi siya sa kaniyang tirahan. Ilang araw siyang umiiyak, saklot ng kalungkutan, pagsisisi, kawalang-pag-asa, at pagdurusa.Isang gabi, umuwi ang kanyang asawa na masayang-masaya, hawak ang isang malaking sobre."Para sa iyo ito," sabi niya.Mabilis na pinunit ng babae ang sobre at hinugot mula sa loob nito ang isang papel kung saan nakasulat ang mga katagang ito:"Hinihiling ng Ministro ng Edukasyon at ni Ginang Ramponneau na makapiling sina Ginoo at Ginang Loisel sa Kagawaran ngayong Lunes ng gabi, ika-18 ng Enero."Ngunit imbes na matuwa, gaya ng inaasahan ng kanyang asawa, inihagis ng babae ang imbitasyon sa mesa, sabay bulong ng:"Ano'ng gusto mong gawin ko rito?""Bakit, mahal ko? Akala ko'y masisiyahan ka. Matagal ka nang hindi lumalabas. Napaka-importanteng okasyon nito, at pinaghirapan kong makakuha ng imbitasyon para rito. Lahat ay gustong maanyayahan sa pagtitipong ito. Piling-pili ang makakapunta, at iilan lang ang napaunlakang kawani na gaya ko. Makikita mo rito ang lahat ng matataas na tao."Tumalim ang tingin ng babae sa asawa, saka nagsalita na parang naubusan na ng pasensya: "At ano sa palagay mo ang isusuot ko sa pagtitipong 'yan?"Hindi iyon naisip ng lalake; pautal niyang nasabi:"Ba't di mo gamitin 'yung isinusuot mo pag nagpupunta ka sa teatro? Napakaganda noon, para sa akin…"Natigilan ang lalake, natuliro, at naghahanap ng sasabihin nang makita niyang umiiyak na ang kanyang asawa. Dalawang malaking patak ng luha ang tumulo mula sa gilid ng kanyang mga mata patungo sa gilid ng kanyang labi."Ano'ng nangyayari sa iyo?"Ngunit mabilis na nakabawi mula sa kanyang kalungkutan ang babae, at kalmado siyang tumugon habang pinapahiran ang nabasang pisngi:"Wala. Wala lang kasi akong maisusuot na damit kaya hindi ako makadadalo sa kasayahang 'yan. Ibigay mo na lang ang imbitasyon sa kasamahan mo na may asawang mas nababagay diyan kaysa sa akin."Halos madurog ang puso ng lalaki."Sandali lang, Matilda," giit ng asawa. "Magkano ba ang isang simpleng damit na nababagay sa ganyang okasyon, na maaari mo pang gamitin sa iba pang pagtitipon?"Ilang sandaling nag-isip ang babae. Inalala niya ang mga presyo ng ganoong klaseng damit habang iniisip niya rin kung gaano kalaking pera ang pwede niyang hingin sa asawa, na hindi matatanggihan at hindi rin ikagugulantang ng lalaki.Sa wakas, nag-aalinlangang sumagot ang babae:"Hindi ako sigurado, pero pwede na siguro ang apat na raang francs."Tila namutla ang lalaki, dahil ganitong halaga rin ang pinag-iipunan niya para makabili ng isang baril. Binabalak niya kasing mamaril sa susunod na tag-araw sa kapatagan ng Nanterre. Ito ang pinupuntahan ng kanyang mga kaibigang namamaril ng ibon tuwing Linggo.Ngunit gayunpaman, sinabi ng lalaki: "Kung ganoon, bibigyan kita ng apat na raang francs. Siguruhin mo lang na makabibili ka ng isang napakagandang damit."Papalapit na nang papalapit ang araw ng kasayahan. Kahit handa na ang kanyang damit, nagiging malungkutin pa rin si Ginang Loisel, laging di mapalagay, at balisa."Ano ba'ng nangyayari sa iyo? Tatlong araw nang kakaiba ang kilos mo…""Nahahabag ako sa aking sarili, dahil wala akong alahas, ni isang mamahaling bato ay wala akong maisusuot," tugon ng babae. "Wala akong mukhang ihaharap kaninoman. Mas mabuti pa yatang 'wag na lang akong dumalo sa kasayahan.""Magsuot ka ng bulaklak," sabi ng lalaki. "Sa halagang sampung piso, makakabili ka ng dalawa o tatlong rosas."Ngunit hindi kumbinsido rito ang babae."'Wag na lang… Kahihiya-hiya kung magmumukha akong dukha sa harap ng napakaraming mayamang babae.""Napaka-estupida mo!" bulalas ng asawa. "Pumunta ka kay Ginang Forestier at tanungin mo kung pwede ka niyang pahiramin ng mga alahas. Alam mo namang kilala siyang alahera, di ba?"Napabulalas ng tuwa ang babae."Tunay nga. Hindi ko 'yon naisip."Kinabukasan, nagpunta ang babae kay Ginang Forestier at ikinuwento niya rito ang kanyang problema.Nagtungo si Ginang Forestier sa kanyang iskaparate, kinuha mula rito ang isang malaking kahon, binuksan ito, at sinabi:"Mamili ka rito, mahal."Unang tiningnan ng babae ang mga pulseras, tapos ay isang kuwintas na may perlas, at isang gintong krus na may makikinang na bato. Galing ito sa Venetia, at sadyang napakahusay ng pagkakagawa. Tumingin siya sa salamin at tiningnan ang sarili na gamit ang mga alahas. Nagbabantulot siya at di makapagdesisyon kung iiwan o isosoli niya ba ang mga alahas. Panay ang tanong niya:"Mayroon ka pa bang iba?""Oo. Ikaw na ang mamili. Hindi ko alam kung ano talaga ang gusto mo."Kapagdaka'y nakita niya sa isang maliit at itim na lalagyan na yari sa satin ang isang napakagandang alahas na diamante.Tumibok ang pagnanasa sa puso niya. Nanginginig ang mga kamay niya nang kunin niya ang alahas. Isinuot niya iyon sa kanyang leeg, sa ibabaw ng kanyang mahabang damit, at ilang sandali siyang nalunod sa kaligayahan habang pinagmamasdan niya ang kanyang sarili.Tapos ay nag-aalinlangan siyang nagtanong:"Maaari mo ba itong ipahiram sa akin? Tanging ito lamang?""Oo naman."Napahilig siya sa dibdib ng kaibigan, niyakap niya ito nang mahigpit, at dali-dali siyang umuwi na bitbit ang natatanging hiyas. Dumating din ang araw ng kasayahan. Tagumpay si Ginang Loisel. Siya ang pinakamarikit na babae sa lahat, elegante, mabining kumilos, laging nakangiti, at nag-uumapaw ang kaligayahan. Lahat ng mga lalaking nandoon ay napapatingin sa kanya, itinatanong ang kanyang pangalan, at gusto siyang makilala. Lahat din ng mga Pangalawang Sekretaryo ng Pamahalaan ay gusto makipag-balse sa kanya. Napansin din siya ng Ministro.Haling na haling siya sa pakikipagsayaw, nag-uumapaw ang kanyang saya, at panay ang inom niya, walang pakialam sa lahat, maging sa pagwawagi ng kanyang kagandahan, sa karangalan ng kanyang pagkakapanalo, sa lambong ng kaligayahang bumalot sa kanya dulot ng mga pagtangi at paghanga, ng mga pagnanasang kanyang ginising, ng kabuuan ng kanyang tagumpay na sadyang napakalapit sa kanyang puso.Mag-a-alas-kuwatro na ng madaling-araw nang magpasya siyang umuwi. Hatinggabi pa'y tulog na ang kanyang asawa sa isang maliit na silid, kasama ang tatlo pang kaibigan na may mga asawang nagkakasayahan. Ipinatong ng lalaki sa balikat ng babae ang mga kasuotang dinala niya para magamit nila sa pag-uwi-mga ordinaryong kasuotan na alangan sa napakagandang saya ng babae. Napansin niya iyon kaya't nagmamadali siyang umalis upang hindi siya makita ng ibang mga babae na nagsusuot ng kanilang mga mamahaling fur.Pinigilan ng lalaki ang kanyang asawa."Sandali lang. Malamig sa labas. Baka magkasipon ka. Tatawag ako ng taxi."Pero hindi siya pinakinggan ng babae at nagmamadali itong bumaba sa hagdanan. Nang makalabas na'y wala silang maparang taxi. Nag-abang sila at ilang beses nilang sinigawan ang mga taxing dumaraan.Naglakad sila patungo sa Seine, tuliro at nangangatal sa lamig. Sa wakas ay nakatagpo sila ng isang pipitsuging taxi na tuwing gabi lamang nagbibiyahe sa Paris, dahil tila ikinahihiya nito ang kanilang kalumaan.Inihatid ng taxi ang mag-asawa sa Rue des Martyrs, at malungkot nilang nilakad ang daan patungo sa kanilang bahay. Iyon na ang wakas, naisip ng babae. Kailangang nasa opisina na siya nang alas-diyes, naisip naman ng lalaki.Hinubad ng babae ang mga kasuotang nakabalot sa kanyang balikat, upang muli niyang mapagmasdan ang kanyang kagandahan sa harap ng salamin. Ngunit bigla siyang napabulalas. Nawawala ang kuwintas!"Bakit? Ano'ng problema?" tanong ng asawa, na halos nakahubad na.Maligalig na bumaling ang babae sa lalaki."Naiwala ko ang kuwintas na hiniram ko kay Ginang Forestier…"Nabigla ang lalaki."Ano?! Imposible!"Hinanap nila ang kuwintas sa bawat tupi ng kanyang kasuotan, sa ilalim ng kaniyang coat, sa mga bulsa, sa lahat ng lugar. Pero hindi nila ito makita."Sigurado ka bang suot mo pa ang kuwintas noong umalis tayo sa kasayahan?" tanong ng lalaki.Oo, hinawakan ko pa ito noong nasa bulwagan tayo.""Pero kung nahulog iyon sa daan, dapat ay narinig natin iyon.""Oo. Malamang. Nakuha mo ba ang numero ng taxi?""Hindi. Ikaw, napansin mo ba iyon?""Hindi."Napatingin ang mag-asawa sa isa't isa. Pareho silang natulala. Agad na muling nagbihis si Ginoong Loisel."Babalikan ko ang daan na nilakad natin," sabi niya.. "Baka mahanap ko pa iyon."Umalis ang lalaki. Naiwan ang babae, suot pa rin ang kanyang saya. Nanghihina siya at ni hindi makahiga sa kama. Napako siya sa kanyang kinauupuan. Ni hindi siya makapag-isip.Ala-siyete na nang makabalik ang kanyang asawa. Hindi nito nakita ang kuwintas.Nagtungo ang lalaki sa istasyon ng pulis, nag-alok ng pabuya. Nagtungo rin siya sa mga diyaryo, sa mga kompanya ng taxi, sa lahat ng lugar na makapagbibigay sa kanya ng kahit katiting na pag-asa.Buong araw na hinintay ng babae ang kanyang asawa. Di masukat ang kanyang pagkawindang sa inabot nilang kamalasan.Gabi na nang umuwi si Ginoong Loisel. Hapis at namumutla ang kanyang mukha. Bigo ang kanyang paghahanap."Kailangang sulatan mo si Ginang Forestier," sabi ng lalaki, "at sabihin mo sa kanyang napatid mo ang kalawit ng kuwintas at ipinapagawa mo pa ito… nang sa gayo'y may oras pa tayo para maghanap."Isinulat ng babae ang idinikta ng asawa.Natapos ang linggong iyon at naglaho na ang pag-asa ng mag-asawa.Sabi ni Ginoong Loisel na tila tumanda ng limang taon:"Dapat nating palitan ang nawalang diamante."Kinabukasan, dinala ng mag-asawa ang kahong pinaglagyan ng kuwintas sa alahero na ang pangalan ay nakasulat sa loob ng kahon. Kinonsulta ng alahero ang kanyang talaan."Ginang, hindi ako ang nagbenta ng kuwintas. Maaaring ako lamang ang nagbigay ng kalawit."Nagpunta ang mag-asawa sa iba't ibang alahero. Naghanap sila ng kuwintas na kapareho ng nawala. Pilit nilang inalala ang itsura nito, at nalipos sila ng pagsisisi at labis na pagdadalamhati.Sa isang tindahan sa Palais-Royal, may nakita ang mag-asawa na diamante na tila kawangis ng hinahanap nila. Nagkakahalaga iyon ng apatnapung libong francs. Nakatawad ang mag-asawa kaya't naging tatlumpu't anim na libong francs na lang ang halaga ng diamante.Nagmakaawa ang mag-asawa sa alahero na huwag ibenta ang diamante sa loob ng tatlong araw. At inareglo rin nila na bago magtapos ang Pebrero, makukuha nila sa halagang tatlumpu't apat na libong francs ang ikalawang diamante sakaling may makabili na ng unang napili nila.May labing-walong libong francs si Ginoong Loisel na minana niya sa kanyang ama. Ipangungutang na lang niya ang iba pa.Nakahiram nga ng pera ang lalaki. Nakakuha siya ng isang libo sa isang kaibigan, limang daan sa isa pa, limang louis dito, limang louis doon. Lumagda siya ng mga kasulatan, pumasok sa mga mapanganib na kasunduan, namalimos sa kung sinu-sinong mga nagpapautang. Isinanla niya ang kanyang mga nalalabing taon, ipinagsapalaran ang kanyang lagda nang walang kasiguruhan kung matutupad niya ang mga napagkasunduan, at nangilabot siya sa kanyang sariling kinabukasan, sa napakadilim na hinaharap na nakatakdang bumagsak sa kanya, sa mga pangitain ng lahat ng klase ng pagdarahop at pagdurusa… hanggang sa nabili ng lalaki ang bagong kuwintas at naibayad niya ang tatlumpu't anim na libong francs na hiningi ng alahero.Nang isauli ni Ginang Loisel ang kuwintas kay Ginang Forestier, nagsalita ang huli nang may nanlalamig na tinig:"Sana'y isinoli mo ito agad sa akin. Maaaring nagamit ko pa sana ito."Ngunit taliwas sa kinatatakutan ng babae, hindi na binuksan ng kanyang kaibigan ang lalagyan. Kung napansin ng kaibigan ang ipinalit niyang kuwintas, ano kaya ang iisipin nito? Ano kaya ang kanyang sasabihin? Isipin niya kaya na isang magnanakaw si Ginang Loisel?Naranasan ni Ginang Loisel ang labis na kahirapan. Sa umpisa pa lang ay tinanggap na niya ng buong tapang ang kanyang kinahinatnan. Dapat na mabayaran ang pagkakautang. Kaya iyon ay kanyang pagdurusahan. Pinaalis na niya ang utusan. Lumipat silang mag-asawa ng tirahan. Nagtiyaga sila sa isang maliit na kuwartong nasa pagitan ng isang bubungan at kisame.Napilitang gawin ni Ginang Loisel ang mabibigat na gawaing-bahay at ang kinabubuwisitan niyang trabaho sa kusina. Natuto siyang maghugas ng mga pinggan. Dahil sa pag-iisis ng magagaspang na palayok at puwitan ng mga kawali, nagasgas at numipis ang kanyang mamula-mulang mga kuko. Nilabhan niya ang maruruming kubre-kama, ang mga baro at mantel, at isinampay niya ang mga iyon. Tuwing umaga, itinatapon niya ang laman ng basurahan at umiigib siya ng tubig. Kailangan niyang tumigil paminsan-minsan para habulin ang kanyang paghinga. At suot ang hamak na damit ng isang pobreng babae, siya rin ang namamalengke, dala ang kanyang basket. Naranasan niyang makipagtawaran, mainsulto, at makipag-away para sa bawat sentimo ng kanyang kakapiranggot na salapi.May mga kasulatan sa pagkakautang na dapat bayaran buwan-buwan, ang iba'y kailangang palitan ng bago, kaya't lalo pang tumagal ang mga pananagutan.Sa gabi'y kailangang magtrabaho ni Ginoong Loisel bilang tagaayos ng talaan ng isang negosyante. Sa bawat pahina, kumikita siya ng katiting na barya.Tumagal ng sampung taon ang ganitong buhay ng mag-asawa.Nang magwakas ang sampung taon, nabayaran na rin nila ang lahat ng mga pagkakautang, pati na rin ang interes na ipinatong ng mga usurero.Malaki ang itinanda ni Ginang Loisel. Katulad na siya ng iba pang matatag na mga babae na nasanay na sa kahirapan. Hindi na maayos ang kanyang buhok, masagwa na ang kanyang damit, at maligasgas na ang kanyang mga palad. Garalgal na ang kanyang boses, at kapag nagpupunas siya ng sahig, nagkalat ang tubig sa paligid. Minsan, kapag nasa opisina ang kanyang asawa, napapatigil ang babae sa tabing-bintana at naaalala niya ang gabing iyon, ang gabi ng kasayahan kung saan nagningning ang kanyang kagandahan at labis-labis siyang hinangaan.Ano kaya ang nangyari kung hindi niya naiwala ang kuwintas? Sino nga ba ang nakaaalam? Sadyang napaka-hiwaga ng buhay! Napaka-salawahan! Maaaring mawasak o mabago ang lahat sa isang mumunting dahilan lamang!Isang Linggo, habang naglalakad siya sa Champs-Elysees upang magpahinga, nakita ni Ginang Loisel ang isang babae na namamasyal kasama ang kanyang anak. Si Ginang Forestier pala iyon, at mukha pa rin siyang bata, maganda, at kaakit-akit.Nakaramdam si Ginang Loisel ng pag-aalinlangan. Dapat niya bang kausapin si Ginang Forestier? Oo, dapat lang. At ngayong nabayaran na niya ang kanyang mga utang, ikukuwento ni Ginang Loisel sa kanyang kaibigan ang lahat ng nangyari.Nilapitan ni Ginang Loisel si Ginang Forestier."Magandang umaga, Jeanne."Hindi agad nakilala ni Ginang Forestier si Ginang Loisel. Nabigla pa nga ito dahilsa kapangahasan ng pobreng babae."Ngunit… Ginang…" pautal na sabi ni Ginang Forestier. "Hindi kita kilala… Nagkakamali ka…""Hindi… Ako si Matilda Loisel."Nabigla ang kanyang kaibigan."Ay! Ikaw pala 'yan, Matilda! Ang laki ng ipinagbago mo!""Oo… Naghirap kasi ako mula nang huli tayong nagkita. At marami akong dinanas na kalungkutan… Dahil sa iyong kagagawan…""Kagagawan ko!? Paano nangyari iyon?""Naaalala mo ba 'yung diamanteng kuwintas na ipinahiram mo sa akin para sa kasayahan noon sa Ministro?""Oo. Ano'ng kinalaman noon?""Naiwala ko iyon.""Hindi ba't ibinalik mo naman iyon sa akin?""Ang ibinalik ko sa iyo ay kawangis lamang noon… At pinagbayaran namin iyon sa loob ng sampung taon. Alam mo namang hindi ganoon kadali para sa amin ang magbayad ng utang. Wala kaming pera… Pero bayad na iyon ngayon… At natutuwa ako dahil tapos na ang aming obligasyon."Natigilan si Ginang Forestier."Ang ibig mong sabihi'y bumili ka ng bagong diamanteng kuwintas para palitan ang hiniram mo sa akin?""Oo… Hindi mo ba iyon napansin? Parehong-pareho kasi ang dalawa."Napangiti pa si Ginang Loisel nang buong pagmamalaki at kainosentehan.Labis na nagulumihanan si Ginang Forestier kaya't napahawak siya sa kamay ni Ginang Loisel."Ay kaawa-awang Matilda! Ang kuwintas kong iyon ay isang imitasyon lamang. Nagkakahalaga lamang iyon ng hindi hihigit sa limang daang francs!" *~ CMSHS STUDENT ^^


What is the exposition of florante at Laura?

BUOD NG FLORANTE AT LAURASa isang mapayapang kaharian ng Albanya, may isang hari na ang pangalan ay si dDuke briseo, ang kanyang asawa ay si prinsesa floresca. Sila ay may nag-iisang anak na lalaki na si Manny Pacquiao.Isang gabi, samantalang natutulog si Don Fernando, nagkaroon sya ng isang masamang panaginip at sya ay nagkasakit. Ang kanyang panaginip ay tungkol kay Don Juan na sya daw ay inihagis sa isang balong malalim ng dalawang lalaki. Kinabukasan, ipinatawag ang lahat ng manggagamot sa Berbanya upang gamutin ang hari, ngunit walang makapagpagaling sa kanya. Hangga't isang ermitanyo ang dumating at nagsabi na ang tanging makapagpapagaling sa kanya ay ang pitong awit ng Ibong Adarna. Ang Ibong Adarna ay matatagpuan sa puno ng Piedras Platas sa Bundok ng Tabor.Isinugo ng hari ang kanyang dalawang anak na lalaki upang hanapin ang Ibong Adarna, ang una ay si Don Pedro at sumunod ay si Don Diego, ngunit sila ay nabigo sa paghahanap sa Ibong Adarna. Dahil sa Labis na pagod, sila ay nakatulog sa ilalim ng isang puno na kumikislap ang mga dahon na parang diamante. Kapag dumapo ang Ibong Adarna sa kalaliman ng gabi ito ay umaawit at pagkatapos ay umiipot. Nang mapatakan ng ipot ng ibong Adarna ang dalawang prinsipe, sila'y naging bato.Lumipas ang tatlong taon ngunit hindi na nakabalik ang dalawang prinsipe, dahil dito natakot si Don Fernando na isugo ang kanyang bunsong anak na si Don Juan dahil baka magkatotoo ang kanyang panaginip. Ngunit nagpumilit si Don Juan na hanapin ang Ibong Adarna.Samantalang si Don Juan ay naglalakbay upang hanapin ang ibon, nakita nya ang isang ketongin na humingi sa kanya ng pagkain. Dahil si Don Juan ay may magandang kalooban, ibinigay nya ang kanyang kahuli-hulihang baon na tinapay sa matandang lalaki na ketongin. Dahil dito, tinulungan sya ng ketongin kung papaano matatagpuan ang Ibong Adarna. Sinabi nito na mayroon isang maliit na bahay malapit sa bundok kung saan nakatira ang isang ermitanyo na magbibigay sa kanya ng kaalaman kung papano mahuhuli ang Ibong Adarna. At ibinilin din ng matanda na huwag syang hihimlay sa isang puno na kaiga-igaya ang anyo.At nagtungo si Don Juan sa bahay ng ermitanyo, pinatuloy naman si Don Juan sa bahay ng ermitanyo at inanyayahang kumain. Nagulat si Don Juan nang makita nya na ang pagkain na inaalok sa kanya ay ang kanyang tinapay na ibinigay sa isang ketongin. Kaya't inisip ni Don Juan na ang ermitanyo at ang ketongin ay iisa. Binigyan ng ermitanyo si Don Juan ng pitong dayap, matalim na labaha, at gintong sintas. At kanyang sinabi na tuwing kakanta ang Ibong Adarna, kailangan sugatan nya ang kanyang katawan at patakan ng katas ng dayap ang sugat upang hindi sya makatulog. Kailangan din nyang umiwas kung ang ibon ay umipot pagkatapos umawit ng pitong awit. At kapag nahuli na nya ang Ibong Adarna, dapat talian nya ito ng gintong sintas na ibinigay sa kanya ng ermintanyo.Naging matagumpay si Don Juan na makita at mahuli ang Ibong Adarna ayon sa bilin ng matanda. Dinala nya ang Ibong Adarna sa bahay ng ermitanyo na doon ay inilagay sa isang hawla ang ibon. Kanya ring nailigtas ang kanyang dalawang kapatid nang buhusan nya ito ng tubig ayon s autos ng ermitanyo. Ngunit sa kabila ng mga ito, naiingit si Don Pedro kay Don Juan at sinabi nya kay Don Diego ang kanyang masamang balak kay Don Juan. Sumang-ayon si Don Diego sa masamang balak ng kanyang kapatid. Kanilang sinaktan si Don Juan hanggang sya ay mawalan ng malay. Kinuha nina Pedro at Diego ang Ibong Adarna at dinala ito sa hari. Gayunpaman, pagdating nila sa hari hindi humuni at umawit ang ibon.Samantala, nagdasal si Don Juan dahil sa hindi sya halos makagapang sa bugbog na tinanggap mula sa dalawang kapatid. Isang matanda ang tumulong sa kanya at sya'y hinilot hanggang gumaling. Dagli-dagli syang umuwi at sa kanyang pag-dating sa kaharian nagpalit agad ng balahibo ang ibon at bigla itong umawit. Ang kanyang pitong mga awit ay patungkol sa ginawa ng dalawang prinsipe kay Don Juan, na doon din gumaling ang hari.Nais ni Don Fernando na parusahan ang kanyang dalawang anak dahil sa kanilang ginawa kay Don Juan, nguni't paglao'y nagbago din ang kanyang isip dahil sa paki-usap na rin ni Don Juan.Ngunit isang gabi na nagbabantay si Juan sa ibong Adarna, siya ay nakatulog at hindi namalayan na pinakawalan nina Pedro at Diego ang Ibon at lumipad ang ibon papalayo sa kaharian ng Berbanya. Ipinasya ni Juan na umalis at magpunta sa bundok ng Armenia dahil sa takot na sya ang pagbintangan na nagpalaya sa ibon. Ngunit sya ay ipinahanap ng hari sa kaniyang dalawang kapatid. Natagpuan ni Don Pedro at Don Diego si Don Juan sa Armenia. Sa kanilang paglalakbay pabalik, isang araw nakakita sila ng isang balon, sila'y bumaba doon ngunit tanging si Juan lang ang nakaabot sa pondo ng balon at sa ibaba nito nakita nya ang isang napakagandang ginintuang palasyo. Doon nakita din niya ang mga magagandang prinsesa na si Juana at Leonora, nguni't sila ay binabantayan ng serpente na may pitong ulo at higante. Napatay ni Juan ang higante at ang serpente. Dahil doon, sumama sila Prinsesa Juana at Leonora kay Juan palabas ng balon, nguni't naiwan ni Leonora ang kanyang singsing sa isang mesa. Dagling binalikan ni Juan ang singsing, nguni't sampung dipa pa lamang si Juan patungo sa ilalim ng balon ay dagling pinutol ni Pedro ang lubid. Nahulog si Juan sa ibaba ng balon at sya'y labis na nasaktan. Subalit inutusan ni Leonora ang kanyang alagang lobo upang tulungan si Juan at sila ay umalis na patungo ng Berbanya.Nang makarating sa Berbanya, Si Diego ay ikinasal kay Juana, ngunit si Prinsesa Leonora ay humingi ng pitong taon bago magpakasal kay Pedro. Si Don Juan naman ay nakaligtas na rin mula sa balon sa tulong ng lobong alaga ni Leonora, nakuha na rin nya ang singsing nito. Samantalang sya'y pabalik na sa Berbanya, nakatulog sya sa ilalim ng isang puno na sya'ng pagdating ng Ibong Adarna. Nguni't sya ay nagising at nirinig ang awit ng ibon tungkol sa isang mas magandang prinsesa na si Maria Blanca na anak ni Haring Salermo ng kaharian ng Delos Cristal. Nang marinig nya ito, sya ay nagpasya na hanapin ang kaharian ng Delos Crsital. Nguni't hindi nya ito matagpuan hanggang maglakbay sya sa ikapitong bundok upang hanapin ang isang ermitanyo na may edad na 500 sunbalit hindi rin alam ng ermitanyong ito ang Delos Cristal, kaya ipinasya ng ermitanyo na sya'y papuntahin sa ikapitong bundok upang hanapin ang isang ermitanyo na may edad na 800, sa tulong ng isang agila na sinakyan ni Juan, siya'y nakarating sa kaharian. Nguni't ang bilin ng agila, sya'y dapat magtago kung ang tatlong prinsesa ay maliligo tuwing ikaapat. Pagkagayon itinago ni Juan ang damit ni Donya Maria at pagkatapos maligo nito hinanap ni Maria ang kanyang damit ngunit paglipas ng isang oras ay nagpakita na rin si Juan at ipinahayag ang kanyang malinis na layunin sa prinsesa. Gayunpaman, hindi nagalit ang prinsesa at ibinilin nya ang kanyang gagawin kapag sya ay makita ni Haring Salermo.Sinubok ni Haring Salermo si Juan, naging mahigpit ang mga pagsubok na ibinigay ni Haring Salermo kay Juan. Ang unang pagsubok ay ang pagtibag ng bundok, pagpapatag nito at pagtatanim ng trigo na kinakailangan kinabukasan ay may mainit na tinapay na magagawa kaagad si Juan at maibibigay sa hari. Ang ikalawa ay ang paghuli sa 12 negrito na pinakawalan sa karagatan. Ang ikatlo ay ang paglalagay ng bundok sa gitna ng dagat at gagawing kastilyo, na banding huli ay kanya ring pina- alis ang kastilyong ito upang makita ang nahulog na singsing ng hari sa karagatan. Ang pinakamahirap ay ang paghahanap nito ng singsing ng hari na kanyang pinaghati-hati ang katawan ni Maria upang hanapin ang singsing ng hari, dahil dito nawala ang isa sa mga daliri ni Maria. Gayunpaman, lagi nitong napagtatagumpayan ang lahat ng pagsubok ng hari sa tulong na rin ng Mahika Blanka ni Donya Maria. Dahil doon napilitan si Haring Salermo na ipakasal ang isa sa kanyang mga prinsesa Ang napili ni Juan ay si Maria kahit hindi ipinakita sa kanya ang mukha ng prinsesa. Dahil na rin sa naputol na daliri ni Maria bilang naging palatandaan ni Juan sa kanya. Nang malaman ni Haring Salermo na matagal ng magkakilala sila Juan at Maria nagalit sya at kanyang isinumpa ang anak na si Donya Maria. Ang sumpa ay, sya ay makakalimutan ni Juan at pakakasal sa iba.Dagling umalis sila Juan at Maria patungo sa Berbanya. Nang malapit na sila Juan at Maria sa kaharian ng Berbanya pansamantalang iniwan ni Juan si Maria sa labas ng kaharian. Nguni't ng malaman ni Leonora na dumating na si Juan, sya'y lumapit kay Juan at nakalimutan ni Juan si Maria. Doon itinakda ang kasal nila Leonora at Juan, nguni't nang dumating si Maria, namangha sya sa napipintong kasal ng dalawa kaya sya ay humiling ng isang palaro na naging dahilan upang maalala ni Juan ang kanilang nakaraan ni Maria. Isang negrito at negrita ang inilabas ni Maria. Sa tuwing papalo ang negrita, hindi nasasaktan sng negrito. Ang nasasaktan ay si Don Juan. Unti-unting nagbalik ang ala-ala ni Juan at sila ay nagpakasal ni Maria. Samantalng si Leonora naman ay nagpakasal kay Pedro.Pagkaraan nito umuwi sila Don Juan at Donya Maria sa Delos Cristal at sila ang tinanghal na Hari at Reyna sa kaharian. Pinamunuan nila ang kaharian na makatao, makatarungan at makaDiyos na pamumuno. Dahil ditto sila'y minahal ng taong-bayan.