answersLogoWhite

0


Best Answer

Ang mga bansang sumakop sa Pilipinas ay ang mga sumusunod:

Espanya Hapon Amerika
Ang bansang Espanya ang sumakop sa Pilipinas sa napakahabang panahon. Katunayan, sinkop nito ang Pilipinas sa loob ng 333 taon. Kaya naman, hindi maipagkakaila na napakaraming impluwensya ang iniwan ng mga Kastila sa mga Pilipino. Ang ilan sa mga ito ay may kaugnayan sa edukasyon, kristiyanismo, pananamit, musika, sining, tahanan, pagbabasa, at pagkain. Ang pagkakaroon ng pormal na sistema ng edukasyon at pagtatayo ng mga unibersidad ay nagmula sa mga Kastila. Sila ang nagsilbing unang guro sa labas ng tahanan. Katunayan, ang mga paring Kastila ang mga naging guro ng ilan sa ating mga ninuno. Ang Kristiyanismo ay ang relihiyon na nagdala sa mga kastila sa Pilipinas. Ang paniniwala natin sa Diyos ang ginamit na behikulo ng mga Kastila upang tuluyan tayong mapasailalim sa kanilang kapangyarihan. Ang mga simbahang ipinatayo ng mga panahong ito ay kadalasang pinamumunuan ng mga prayleng Kastila. Ang malaking pagbabago sa pananamit ng mga Pilipino ay bunga rin ng impluwensyang Kastila. Ang mga pagkaing tulad ng paella, spaghetti, Pizza, at tacos ay ilan lamang sa mga pagkaing ibinahagi sa atin ng mga Espanyol.

Ang bansang Hapon ay sinakop din ang Pilipinas sa loob ng tatlong taon. Sa panahong ito maraming Pilipina ang pinagsamantalahan. Sila rin ay nag iwan ng mga impluwensiya sa musika, pananamit, pagkain, at kultura. Ang mga pagkaing tulad ng siomai, siopao, ramen, at soba ay ilan lamang sa mga sikat na pagkaing Hapon na tinangkilik ng mga Pilipino. Ang pagyuko bilang pagbati ay nagmula din sa kanila bilang tanda ng paggalang.

Ang bansang Amerika tulad din ng Espanyol ay nag – iwan ng magandang impluwensya sa edukasyon ng mga Pilipino. Katunayan, ang pinakaunang Unibersidad para sa mga guro ay itinatag sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Maging sa pagkain ay nagkaroon ng malaking impluwensya ang mga Amerikano. Katunayan ang mga fast food chains dito sa Pilipinas ay nagmula sa impluwensya ng mga Amerikano. Ang mga pagkaing tulad ng burger, fries, cake, at sundae ay pangkaraniwan sa mga Amerikano na ginaya naman ng mga Pilipino.

Keywords: Hapones, Amerikano, Espanyol

Mga Bansang Sumakop sa Pilipinas

User Avatar

Nel UF

Lvl 7
3y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Wiki User

13y ago

China

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Anu anong bansa ang gustong sumakop sa pilipinas?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp