Pitong Kontinente ng Mundo:
~ asya
~ europa
~hilagang amerika
~timog amerika
~ aprika
~ australia
~antartika
Mga Katangian nito:
ASYA
Ang Asya ang pinakamalaking kontinente.Ito ang bumubuo sa 33% ng
kabuuang lupa sa mundo. Ito rin ang tahanan ng 60% ng populasyon ng mundo. Ito
ay katumbas ng mahigit sa tatlong bilyong tao na nagsasalo sa mga kagubatan,
bulubundukin, mga dagat, kapatagan, at disyerto. Binubuo ng 40 bansa ang Asya
kabilang na ang mga pulo at arkipelago. Ito ay nakadugtong sa Europa at Africa.
Kabilang sa mga malalaking bansa sa Asya ang Tsina at India.
Ang Pilipinas ay matatagpuan rin sa Asya
EUROPA
Ang Europa ang pang-anim na pinakamalaking kontinente sa mundo.
Bagamat
isa sa pinakamaliit, matatagpuan sa Europa ang mga bansang
pinakaindustriyalisado
at mayaman. May 32 bansa sa Europa at humigit-kumulang sa 700 milyon
lamang ang mga tao. Ang Espanya at Italya ay halimbawa ng bansang matatagpuan
sa Europa.
HILAGANG AMERIKA
Ang Hilagang Amerika ang higit na malaki sa dalawang kontinente ng Amerika.
Humahaba ito sa sa mahigit 24 milyong kilometro. Itinuturing ng mga nandayuhang
mula sa Europa ang Hilagang Amerika na "bagong mundo" noong mga unang
panahon. Ang Amerika ay ipinangalan kay Amerigo Vespucci, isang Europeong
eksplorador. Binubuo ng 23 nagsasariling bansa ang Hilagang Amerika. Ang United
States of America o Estados Unidos, marahil ang pinakamakapangyarihang bansa sa
mundo, ay matatagpuan sa kontinenteng ito.
TIMOG AMERIKA
Ang Timog Amerika ay karaniwang tinatawag na "Latin America". Karamihan
sa mga bansang matatagpuan sa kontinenteng ito ay nagsasalita ng Espanyol na
direktang nagmula sa Latin. Ang Timog Amerika ang pang-apat na pinakamalaking
kontinente. Mayroong itong 12 nagsasariling mga bansa. Matatgapuan sa Timog
Amerika ang pinakamalawak na ekosistem ng kagubatan sa buong mundo, ang
Amazon. Ang ilang bahagi ng pinakatimog na hanggahan ng kontinenteng ito ay
karugtong ng Hilagang Amerika. Ang Brazil at Argentina ay ilan sa mga bansang
matatagpuan sa Timog Amerika.
APRIKA
Ang Africa ang pangalawang pinakamalaking kontinente. Ang mga tuyong
lupain at disyerto ay matatagpuan sa pinakahilagang bahagi samantalang
ang mayayabong na kagubatan ay makikita sa sentro at pinakatimog na
bahagi. Dating itinuturing ng mga Europeo na "madilim na kontinente" ang
Africa dahil wala silang alam hinggil dito noong mga unang panahon.
Naniniwala ang mga siyentipiko na ang mga unang tao ay mula sa
kontinenteng ito at kalaunan ay nagtungo sa ibang kontinente. Ang Egypt at
Nigeria ay ilan sa mga bansang matatagpuan sa Africa.
AUSTARLIA
Itong malawak na lupain ay talagang kakaiba. Ito ay isang kontinente, bansa,
at estado. Matatagpuan ito sa timog silangan ng Asia at malapit sa
Antarctica. Ang pangalan ng Australia ay mula sa Latin na tierra australis
incognito, na nangangahulugang "hindi kilalang lupain sa timog" para sa
mga sinaunang Europeong manlalakbay. Karaniwang tinutukoy itong "land
down under" (lupain sa may ilalim). Bakit kaya sa tingin mo? Tinatawag na
ganoon ang Australia dahil sa lokasyon nito sa ibabang bahagi ng globo.
ANTARTIKA
Ang Antarctica ay kilalang "frozen continent." Itinuturing ito na isa sa
iilangpook sa Lupa na hindi naiistorbo ng mga tao. Matatagpuan ito sa
Polong Timog, ang pinakaibabang bahagi ng mundo. Dahil dito, napakahirap
itong marating. Nais mo bang manirahan doon? Sa katunayan, walang
nakatira sa Antarctica dahil napakalamig nito upang mabuhay ang tao
answered by:
Mariel Princess Alcantara. algh
Sana nakatulong po ako ^.^
Email me @
fashionprincess.alcantara@yahoo.com
Kamsahamnida :*
gaano kalawak ang mundo
tinatanong ko nga sa inyo d ba..b8 sa akin new itatanong..:(
kasi ang earth ay perpektong gawa ng diyos na si jehovah at tayo ay dapat mangalaga nito
south america North America Africa asia Europe atbp
amo ang mga katangian at pamantayan sa paglinang ng potensyal ng tao?
gago cla at wlang alam sa daigdig
Ang larawan ng globo ay isang visual na maaaring magpakita ng buong mundo o ilang bahagi lamang nito. Karaniwang makikita sa larawan ang mga bansa, kontinente, dagat, at iba pang geographical features ng planeta. Ang pagkuha ng litrato ng globo ay isang paraan upang maipakita ang kabuuan at kagandahan ng mundo.
ang asya ay matatagpuan malapit sa europa at Alaska usa.
Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng mga katangiang pisikal ng daigdig, ang pinagkukunang yaman at klima nito, at ang aspetong pisikal ng populasyon nito. Literal translation per Google Translate: The geography is the study of the physical characteristics of the planet, its resources and climate, and the physical aspect of its population. Geography is the study of the earth and its features and of the distribution of life on the earth.
ano ang pagkakaiba ng globo at mapa? ang pinagkaiba nito ang globo ay isang bagay na hugis pabilog na ginagamit upang gawing modelo na ating mundo. Samantalang ang mapa ay patag na larawan na ginagamit upang isalarawan ang isang bansa, kontinente, o ng kahit anong lugar sa isang pinaliit na sukat ayon sa paglalarawan ng nasabing lugar.
wala makaka sukat ng bigat ng mundo. sa pagkat walang sino man tao ang kayang tumimbang nito at walang aparato ang ma kakagawa nito!
Pag-ibig sa tinubuang lupa ni Andres Bonifacio