answersLogoWhite

0


Best Answer

Ang mga iba't-ibang uri ng bantas at mga gamit nito.

  1. Tuldok (.) - ginagamit sa katapusan ng pangungusap na paturol at pautos, sa mga salitang dinadaglat at pagkatapos ng mga tambilang at titik.
  2. Tandang Pananong (?) - ginagamit sa katapusan ng mga pangungusap na patanong at sa bahaging pag-aalinlangan at ito'y inilalagay sa panaklong.
  3. Tandang Padamdam (!) - ginagamit sa katapusan ng mga salita o pangungusap na pandamdam o nagpapahayag ng matindi o masidhing damdamin.
  4. Panipi (" ") - ginagamit sa mga tuwirang sinsabi ng nagsasalita at sa mga pamagat o pangalan ng mga paksa.
  5. Kudlit (') - ginagamit na pananda ng nawawalang letra o mga letra sa dalawa o mahigit pang salitang magkasunod.
  6. Kuwit (,) - ginagamit pagkatapos ng panawag at sa magkasunod na mga salita o parirala na NASA loob ng pangungusap.
  7. Tutuldok (:) - ginagamit matapos maipauna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na paliwanag, halimbawa, katuturan, banggit o talaan.
  8. Tulduk-tuldok (...) - ginagamit kung may salita o mga salitang iniwawaglit sa pangungusap.
  9. Tuldukuwit (;) - ginagamit sa pagitan ng magkakaugnay na mga mahahalagang sangkap ng isang mahabang pangungusap. Karaniwang ginagamit pagkatapos ng mga sugnay na ang kasunod ay ang mga salitang kaya, samakatuwid, gayon din, gayon man, anupa't, bukod
User Avatar

Wiki User

βˆ™ 14y ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Anu ang mga bantas at gamit nito?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp