Yamang Lupa
Ito ay tulad ng mga bulkan, bundok, gubat, burol, talampas, malawak na kapatagan at lambak. Karamihan ng mga lupa sa pilipinas ay ginagamit sa agrikultura. Karaniwang itinatanim dito ay palay, mais, prutas, gulay, kape, at kakaw. Malaking bahagi ng ani sa mga lupain ang tinatawag na aning pangkomersyal tulad ng niyog, tubo, abaka, tabako, goma, kapok at iba pa.
Yamang gubat
Sa mga pinagkukunang yaman ng bansa…ang mga kagubatan ang may pinakamalaking sukat. Maraming nakukuhang tabla at langis, aromatiko mula sa mga punong diptercarp. Mga pula at puting lawan at tangili na itinuturing na pinakamahalagang supply ng tabla sa bansa. Makukuha rin sa mga troso, tabla, plywood, tropal o veneer at dagta at resin.
Yamang Tubig
Malawak ang karagatan ng Pilipinas na umaabot sa baybayin ng 17,640 kilometro at 266 milyong ektaryang coastal waters at 193.4 ng karagdagang bahagi na nagmumula sa karagatan. Tinatayang umaabot ng 18.46 milyong ektarya ang kabuuang lawak ng karagatan kabilang ang 338,393 ektarya ng latian at mga ilog imbakan na matatagpuan sa bansa.
Yamang Mineral
Isa sa mga pangunahing industriya na nagpapataas ng reserbang dolyar ng bansa ay ang ating mga mineral na yaman.
♣Metalikong Mineral- binubuo ng mga metalikong mineral tulad ng ginto, bakal, nickel, tanso, uranium, cadmium, chromite, manganese at zinc.
♣Di-Metalikong Mineral- binubuo naman ito ng mga merkuryo, flourine at iba pang di metalikong mineral
Yamang Tao
Ang dami ng tao sa isang bansa ay nagpapakita ng lawak ng potensyal na yamang tao.Ito ang mga taong nagtatrabaho sa isang bansa at may kakayahang magpaunlad sa layuning mapaunlad ang isang bansa. Tinatawag din silang likas dahil sila ang nangangasiwa ng mga ibang likas na yaman at utak sa interaksyon sa pamilihan.
Chat with our AI personalities
huag gumamit ng mga bawal na gamit sa paghuli ng mga isda at mga hayop.
tulad ng dinamita.. upang hin masira ang lkas na yman....
at huag magputol ng mga puno upang di mag sanhi ng mataas na bha..