Ang balangkas ay maayos na paghahanda ng ulat sa pamamagitan ng pagsulat ng mga mahahalagang punto hingil sa paksa.
Mga Uri:
1. Balangkas sa pangungusap - gumagamit ng buong pangungusap sa pagpapahayag ng pangunahing kaisipan.
2. Balangkas sa paksa - mga parirala ang ginagamit o pangunahing mga salita lamang
Mga mahahalagang hakbang sa pagbabalangkas
1. Basahin ang buong materyal
2. Piliin ang pantulong na kaisipan na bumubuo sa bawat pangunahing kaisipan
3. Huwag isama ang mga impormasyong hindi saklaw sa paksa
4. Gamitin ang balangkas na ninanais para sa paksa