Nagtataka ako kung paano at saan nagsimula lahat ng sari-saring paraan ng pagsusulat ng mga taga iba't ibang bansa. Dito kasi sa paaralan na aming pinagtuturuan, 3 ang ginagamit na salita at paraan ng pagsulat; "English alphabet", "Thai characters" at "Chinese characters". San kaya nagmula ang mga yun? Bakit tayong mag Filipino ay nakabase lang din sa "English alphabet" ang salita. Bakit kaya wala tayong sariling alpabeto.
Naalala ko nung nasa sekondarya palang ako aytinuruan kami ng unang alpabetong Filipino. Ginagamit pa namin ito pag may sikreto kaming sasabihin sa aming mga kaklase o may sikretong mga salita kami na isusulat sa aming kwaderno patungkol sa aming nagugustuhan na lalaki noon.
Nakakatuwang isipin na meron din nga pala tayong sariling paraan ng pagsulat. Nakakalungkot nga lang dahil parang konti na lang ang nakakaalam nito. Kung Hindi pa nga siguro ako napunta dito sa lugar ng mga dayuhan ay Hindi ko pa siguro magagawang alalahanin at isaliksik ang alibata na kasingkahulugan din ng baybayin.
Chat with our AI personalities