Karaniwang hindi totoo ang mga nobela at nagmula sa haraya o imahinasyon ng manunulat, ngunit maaaring may pinagbatayan itong totoong pangyayari o may kahawig sa mga totoong pangyayari.
• May balangkas ng kuwento ang isang nobela. Karaniwang sinusunod nito ang balangkas ng isang maikling kuwento ngunit mas marami lamang detalye o pangyayari.
• May tagpuan at mga tauhan din ang nobela. Ang tagpuan ay maaaring sa isang maituturing na totoong lugar o isang likhang-isip sa ngayon o hinaharap. Madalas na umiikot sa isa o ilang pangunahing tauhan ang nobela. Ang gawain at reaksiyon ng pangunahing tauhan sa mga pangyayari ay mahalaga sa nobela.
• Karaniwang detalyado ang paglalarawan ng mga tauhan, tagpuan, at pangyayari.
• Maraming bahagi o mas maliit na kuwentong tinatawag na kabanata ang isang nobela.
Chat with our AI personalities