answersLogoWhite

0


Best Answer

Ang Repormasyon ay isang kilusang naglalayong baguhin ang pamamalakad ng Simbahang Romano Katoliko.

Ang Repormasyon laban sa Simbahang Romano Katoliko ay nagsimula sa Yuropa noong ika 16 na siglo na pinamunuan ni Martin Luther sa Alemanya at ni Juan Calvin sa Geneva, Switzerland.
Ang sigaw ng repormasyon ay binubuo ng 5 bahagi. Ito ay ang mga sumusunod;

SOLA SCRIPTURA (Tanging Kasulatan Lamang)
Ang walang kamaliang Kasulatan ay ang tanging pinagmumulan ng nasusulat na banal na kapahayagan, na siyang tanging makagagapos ng konsiyensya. Ang Biblia lamang ang nagtuturo ng lahat na kinakailangan para sa ating kaligtasan mula sa kasalanan at ang pamantayan ng sukatan ng pag-uugali ng lahat ng kristiano.

Aming itinatanggi na anumang paniniwala, kapulungan o indibiduwal ay maaaring makagapos sa konsiyensya ng kristiano, na ang Espiritu Santo lamang ang maaaring mangusap ng ukol o kaya'y salungat sa itinakda ng Biblia, o ang personal na karanasang espirituwal ay maaring maging daan para sa isang kapahayagan.

SOLA GRATIA (Biyaya Lamang)
Sa kaligtasan, tayo ay nasagip mula sa galit ng Dios sa pamamagitan lamang ng Kanyang biyaya. Ito ay ang di pangkaraniwang gawa ng Espiritu Santo na nagdadala sa atin kay Cristo sa pamamagitan ng pagpapalaya sa atin mula sa pagkagapos sa kasalanan at pagbuhay sa atin mula sa kamatayang espirituwal tungo sa espirituwal na buhay.

Aming itinatanggi na ang kaligtasan sa anumang paraan ay gawa ng tao. Ang mga makataong pamamaraan o sistema lamang ay hindi maisasakatuparan ang ganitong pagbabago. Ang pananampalataya ay hindi bunga ng patay pa nating likas na pagkatao.

SOLA FIDE (Pananampalataya Lamang)
Ang pagpapawalang-wala ay sa biyaya lamang sa pamamagitan ng pananampalataya lamang ng dahil kay Cristo lamang. Sa pagpapawalang-sala, ang katuwiran ni Cristo ay inilagay o ikinabit sa atin bilang tanging kasiyahan ng ganap na katarungan ng Dios.

Aming itinatanggi na ang pagpapawalang-sala ay batay sa ating kagalingan o kahusayan o sa pagkakakintal ng katuwiran ni Cristo sa atin, na ang isang samahan na nagsasabing isang iglesia ngunit itinatanggi o tinututulan ang sola fide o pananampalataya lamang, ay maaaring kilalanin bilang tunay na iglesia.

SOLUS CHRISTUS (Kay Cristo Lamang)
Ang kaligtasan ay makakamit sa pamamagitan ng gampanin ni Cristo bilang Tagapamagitan ayon sa kasulatan. Ang walang-sala Niyang pamumuhay at ang kamatayan Niyang nagtakip sa mga kasalanan ng mga hinirang lamang ay sapat sa pagpapawalang-sala at pakikipag-kaisa ng mga pinili sa Dios Ama.

Aming itinatanggi na ang ebanghelyo ay tunay ngang naipangaral kung ang gampanin ni Cristo naman bilang Kahalili at Tagapagpalubag-loob sa galit ng Dios ay hindi ipinahahayag at ang pananampalataya kay Cristo at sa Kanyang ginawa ay hindi hiningi.

SOLI DEO GLORIA (Kaluwalhatian ng Dios Lamang)
Ang kaligtasan ay sa Dios at natapos na ng Dios, ito ay para sa Kanyang kaluwalhatian at dapat natin Siyang laging luwalhatiin. Ang ating buong buhay ay dapat nating isapamuhay sa harapan ng Dios, sa ilalim ng Kanyang pamamahala at kaluwalhatian lamang.

Aming itinatanggi na maluluwalhati natin ng tama ang Dios kung ang ating pagsamba ay mapagkamalian nating pang-aaliw, kung ating balewalain ang mga Utos at Ebanghelyo sa ating pangangaral, o kung hinahayaan natin ang pagpapaunlad sa sarili, pagpapahalaga sa sarili, o ang pansariling kasiyahan ay gawing pamalit sa ebanghelyo ng Dios.

Ang Repormasyon ay nabuo at naitatag dahil sa paglaganap ng mga bibliyang naisalin sa wikang katutubo. Ang Bibliya noon ay ipinagbabawal basahin at ipalaganap ng simbahang Romano Katoliko, at ito ay nakasulat sa wikang latin na kung saan ay ang mga mayayaman lamang at may pinag aralan noong panahong yaon ang nakaka intindi.

Sa mas malawak pong pag-aaral ng ukol sa Repormasyon, aking inirerekomenda na basahin ang mga artikulo sa mga pahinang ito sa wikang Engles.

http://en.wikipedia.org/wiki/Protestant_Reformation
http://www.bbc.co.uk/history/british/tudors/reformation_overview_01.shtml
http://en.wikipedia.org/wiki/English_Reformation

User Avatar

Wiki User

8y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Wiki User

11y ago

sila ay kadalasang tinatawag na mga erehe ng simbahan dahil sa kanilang mga tutol ay humahamon sa kapangyarihan ng simbahan.

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Ano ang repormasyon
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp