answersLogoWhite

0


Best Answer

PAGHAHANDA SA PAGSULAT. Ang hakbang na ito ay sumasaklaw sa pangongolekta ng mga impormasyon at ideya para sa sulatin. Dito isinasagawa ang pagpaplano na binubuo ng paglikha, pagtuklas, pagdebelop, pagsasaayos at pagsubok sa mga ideya. Ito ang hakbang na maghahanda sa manunulat bago niya buuin ang kanyang burador.

AKTWAL NA PAGSULAT. Sa hakbang na ito isinasalin na ng manunulat ang kanyang mga ideya sa mga pangungusap at talata. Nag-eeksperimento na ang manunulat sa pagbuo ng kanyang sulatin. Malaya siyang gumamit ng iba't ibang pamamaraan o istilo sa paglalahad ng kanyang mga ideya. Sa hakbang na ito, malaya niyang inaalis, dinadagdagan o isinasaayos muli ang mga detalye. Gayun paman, hindi parin niya binibigyan ng gaanong pansin ang pagwawasto sa mga kamalian sa gramatika, sa gamit ng wika at sa mekaniks.

PAGREREBISA AT PAG-EEDIT. Ang pagrerebisa na tinatawag ding pag-eedit ay nangangahulugan ng muling pagtingin, muling pagbasa, muling pag-iisip, muling pagbubuo ng mga kaisipang NASA sulatin upang tumugma sa iniisip ng manunulat. ang hakbang na ito ay nasasangkot sa maraming pagbabago sa nilalaman, sa organisasyon ng mga ideya at sa istraktura ng mga pangungusap at talata. Maaari pa ring baguhin sa hakbang na ito ang paksa, magdagdag g mga detalye at muling isaayos ang buong sulatin.

User Avatar

Wiki User

โˆ™ 2011-08-01 05:41:05
This answer is:
User Avatar
Study guides

Biodiversity of gobi desert

Anim na uri ng pamahalaan sa Greece

Meaning of wika in tagalog

Meaning of Pag-IBIG Fund

โžก๏ธ
See all cards
4.16
โ˜†โ˜…โ˜†โ˜…โ˜†โ˜…โ˜†โ˜…โ˜†โ˜…
158 Reviews

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Ano ang paraan ng paggawa ng talumpati?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
People also asked