Mga Pang-abay - mga bahagi ng pananalita na nagbibigay-turing sa pandiwa, sa pang-uri o sa kapwa pang-abay.
1. Pamanahon - ito ay karaniwang nagbibigay-turing sa pandiwa at nagsasabi ng panahong ikinaganap. Sumasagot sa tanong na kailan.
Halimbawa : Sa Lunes darating ang amain kong galing sa Amerika.
2. Panlunan - ito ang nagbibigay - turing sa isang pandiwa o pang-uri. Sumasagot sa tanong na saan.
Halimbawa : Sa bukid namasyal ang mga bisita.
3. Pamaraan - sinasabi sa pang-abay na ito kung paano ang pagkaganap sa kilos ng pandiwa.
Halimbawa : Malungkot na tinanaw ni Lucy ang lumayong kaibigan.
4. Panggaano - sinasabi ng pang-abay na ito ang dami na binabanggit ng pandiwa.
Halimbawa : Maraming kinanta ang panauhing mang-aawit.
5. Pang-agam - nagpapakilala ng pag-aalinlangan o kawalan ng katiyakan.
Halimbawa : Tila iiyak si Maria.
6. Pananggi - nagsasaad ng pagsalungat at di-pagsang-ayon.
Halimbawa : Hindi matutuloy ngayon ang ating palabas.
7. Panang-ayon - nagsasaad ng pagpayag o pagkatig.
Halimbawa : Tiyak na magagalit ang Tatay mo sa ginawa mo.
8. Panulad - ginagamit sa paghahambing ng kilos o galaw ng pandiwa o kaya'y paghahambing ng mga pang-uri.
Halimbawa : Di-hamak na masipag si Ana kaysa kay Trining.
Chat with our AI personalities
Mga Pang-abay - mga bahagi ng pananalita na nagbibigay-turing sa pandiwa, sa pang-uri o sa kapwa pang-abay. 1. Pamanahon - ito ay karaniwang nagbibigay-turing sa pandiwa at nagsasabi ng panahong ikinaganap. Sumasagot sa tanong na kailan. Halimbawa : Sa Lunes darating ang amain kong galing sa Amerika. 2. Panlunan - ito ang nagbibigay - turing sa isang pandiwa o pang-uri. Sumasagot sa tanong na saan. Halimbawa : Sa bukid namasyal ang mga bisita. 3. Pamaraan - sinasabi sa pang-abay na ito kung paano ang pagkaganap sa kilos ng pandiwa. Halimbawa : Malungkot na tinanaw ni Lucy ang lumayong kaibigan. 4. Panggaano - sinasabi ng pang-abay na ito ang dami na binabanggit ng pandiwa. Halimbawa : Maraming kinanta ang panauhing mang-aawit. 5. Pang-agam - nagpapakilala ng pag-aalinlangan o kawalan ng katiyakan. Halimbawa : Tila iiyak si Maria. 6. Pananggi - nagsasaad ng pagsalungat at di-pagsang-ayon. Halimbawa : Hindi matutuloy ngayon ang ating palabas. 7. Panang-ayon - nagsasaad ng pagpayag o pagkatig. Halimbawa : Tiyak na magagalit ang Tatay mo sa ginawa mo. 8. Panulad - ginagamit sa paghahambing ng kilos o galaw ng pandiwa o kaya'y paghahambing ng mga pang-uri. Halimbawa : Di-hamak na masipag si Ana kaysa kay Trining. Read more: Ibat-ibang_uri_ng_pang-abay