· Tuldok (.) - ginagamit sa katapusan ng pangungusap na paturol at pautos, sa mga salitang dinadaglat at pagkatapos ng mga tambilang at titik.
· Tandang Pananong (?) - ginagamit sa katapusan ng mga pangungusap na patanong at sa bahaging pag-aalinlangan at ito'y inilalagay sa panaklong.
· Tandang Padamdam (!) - ginagamit sa katapusan ng mga salita o pangungusap na pandamdam o nagpapahayag ng matindi o masidhing damdamin.
· Panipi (" ") - ginagamit sa mga tuwirang sinsabi ng nagsasalita at sa mga pamagat o pangalan ng mga paksa.
· Kudlit (') - ginagamit na pananda ng nawawalang letra o mga letra sa dalawa o mahigit pang salitang magkasunod.
· Kuwit (,) - ginagamit pagkatapos ng panawag at sa magkasunod na mga salita o parirala na NASA loob ng pangungusap.
· Tutuldok (:) - ginagamit matapos maipauna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na paliwanag, halimbawa, katuturan, banggit o talaan.
· Tulduk-tuldok (...) - ginagamit kung may salita o mga salitang iniwawaglit sa pangungusap.
· Tuldukuwit (;) - ginagamit sa pagitan ng magkakaugnay na mga mahahalagang sangkap ng isang mahabang pangungusap.
· Panaklong ( ) Ang mga panaklong ay ginagamit na pambukod sa salita o mga salitang Hindi direktang kaugnay ng diwa ng pangungusap, gaya ng mga ginamit sa pangu-ngusap na ito.
Chat with our AI personalities
Ang BURADOR ay kilala sa tawag na "Draft" kung sa wikang Ingles. Ito ay panimulang sinulat mo ukol sa isang paksa. Hindi pa ito ang pinal na bersyon ng iyong sinulat at maaari mo pa itong mabago.