Ang panghalip ng pananong ay ginagamit sa pagtatanong. Ito ay maaaring kumakatawan sa tao, hayop, bagay o gawaing itinatanong. May isahan at maramihan ang panghalip na pananong.
1. Isahan: ano, sino, nino, alin, magkano at kanino.
halimbawa:
1. Ano ang bibilhin mo?
2. Sino ang kasama mo?
3. Bibisitahin nino ang mga bata sa ampunan?
4. Magkano ang bili sa bago mong PSP?
5. Kanino mo hiniram ang aklat na iyan?
2. Maramihan: anu-ano, sinu-sino, ninu-nino, alin-alin, magka-magkano, kani-kanino.
halimbawa:
1. Anu-ano ang pinamili mo sa palengke?
2. Sinu-sino ang kasama mo sa pamamasyal?
3. Pupuntahan ninu-nino ang mag-aaral na may sakit?
4. Alin-alin ang dapat ipunin?
5. Magka-magkano ang ibinigay niyang aguinaldo sa mga bata?
6. Kani-kanino ipinamigay ang mga relief goods?
Chat with our AI personalities
Bilang isang indibidwal na may malaking gampanin sa lipunan, kailangang lagi nating kinikilatis ang anumang ideya o pananaw ng ating mambabasa ay dapat tanggapin agad.
May ilang batayan upang masuri natin ang validity ng mga ideya o pananaw. Narito ang ilang mga katanungang dapat na masagot upang masuri kung valid o Hindi ang isang partikular na ideya o pananaw.
1. Sino ang nagsabi ng ideya o pananaw?
2. Masasabi bang siya ay awtoridad sa kanyang paksang tinalakay?
3. Ano ang kanyang naging batayan sa pagsasabi ng ideya o pananaw?
4. Gaano katotoo ang ginamit niyang batayan? Mapananaligan ba iyon?