answersLogoWhite

0


Want this question answered?

Be notified when an answer is posted

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Ano ang maaaring mangyari kung Hindi gagamit ng globo sa pagtukoy ng lokasyon ng isang bansa?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Mga hakbang para sa paglalaba ng mga kasuotan?

1. Paghiwalayin ang mga puti at mga de kolor. 2. Unang basain ang mga puti bago ang mga de kolor. Kung Hindi ka gagamit ng washing machine, ibabad nang magkahiwalay ang mga damit sa detergent powder sa loob ng 30 minuto. 3. Pagkatapos, isa-isang kusutin ang mga damit. Banlawan ng tatlong beses. Unahin ang mga panloob, tapos ang mga puti, at huli ang mga maong at de kolor. 4. Isampay na! Maaaring ibabad muna sa fabric conditioner ang iyong mga damit bilang huling banlaw kung nais mong ito ay mabango kapag natuyo. ^^ Kung gagamit ka naman ng washing machine, Hindi mo na kailangan ibabad sa detergent powder. Ibuhos ang detergent sa washing machine (na may tubig haha), haluin at saka unahing isalang o paikutin ang mga puti. Sumunod ang mga de kolor, at huli ang mga maong. Tapos, balawan na! :) Hindi dapat winawashing machine ang mga undies, okay? I enjoyed answering this question. Lol. :) Most importantly, sing while doing the laundry! Enjoy!


Ano ang kasingkahulugan ng simboryo?

1. bawat wika ay nakaugat sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito. 2. bawat wika ay may kanya-kanyang natatanging kakayahan 3. hindi kailangang ilipat sa pinagsasalinang-wika ang kakayahan ng wikang isinasalin 4. ang isang salin upang maituring na mabuting salin ay kailangang tanggapin ng pinaguukulang pangkat na gagamit nito. 5. ang mga daglat, akronim, pormula na masasabing establisado o unibersal na ang ginagamit ay hindi na isinasalin. 6. laging isaisip ang pagbabatid ng mga salita. 7. nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan ang isang salita kapag ito'y nagiging bahagi ng parirata o pangungusap. 8. isaalang-alang ang kaisahan ng mga magkakaugnay na salitang hiram sa imgles. 9. mahalaga ang diksyunaryo sa pagsasaling-wika ngunit huwag paalipin dito.


Ano ang ekonomiks?

Ang sumusunod ay ilan sa mga kahulugang ibinagay ng ilang mga libro para sa asignaturang ekonomiks. Bagamat tama ang lahat, iba-iba ang pananaw ng bawat isa ukol sa asignatura. Maari nating kunin ang mahahalagang puntos ng bawat isa sa pagbuo ng sarili nating kahuluguhan. Heto ang ilan sa mga kahulugan ng ekonomiks:Ang ekonomiks ay isang agham-panlipunan na tumatalakay sa limitadong yaman, mga pangangailangan at walang katapusang luho ng tao, at sa lubusang paggamit ng mga yaman ng mundo.Ang ekonomiks ay agham na tumatalakay sa produksyon at distribusyon ng yaman ng bansa.Ang ekonomiks ay agham-panlipunang tumatalakay sa kung paano maaaring maimpluwensyiyahan ang isang tao dahil sa sistema ng ekonomiya.Ang ekonomiks ay agham-panlipunang tumatalakay sa pagpili ng likas na yaman kung saaan sagana ang isang pamahalaan.Ang ekonomiks ay isang agham na nag-aaral sa gawi ng taong may kinalaman sa ugnayan ng pangangailangan at kakapusang may alternatibong gamit.Ang ekonomiks ay pag-aaral ng sangkatauhan sa pangkakaraniwang pang-araw-araw na buhay. Sinusuri nito ang bahagi ng kilos ng tao at pangkahalatang iniuugnay sa pagkakamit at paggamit ng pangunahing pangangailangang materyal ng tao.Ang ekonomiks ay ang pag-aaral kung paano tinustustusan ng tao o lipunan ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mahusay na alokasyon o pagbabaha-bahagi ng pinagkukunang-yaman.Ang isang makabuluhang kahulugan ng ekonomiks ay maaring hatiin sa apat na mahahalagang bahagi:Isang agham-panlipunanLimitadong yamanMga pangangailangan at walang katapusang hilig at luho ng taoLubusang paggamit.Ang ekonomiks ay isang agham dahil ginagamitan ito ng mga tsart, grap, at matematika sa mga pagsusuring ukol dito. Higit pa rito ay sinusunod nito ang mga pamamaraan ng paglulutas sa mga suliraning iginawad sa sangkatauhan ni Sir Francis Bacon, ang scientific method. Gaya ng ibang mga agham, naniniwala ang ekonomiks sa kalipunan ng mga hakbang na dapat isagawa upang malutas ang mga suliranin sa asignaturang ito. Kinakailangan muna tukuyin ang problema, gumawa ng hypotheses, mag-obserba at kumalap ng mga datos, bago guamawa ng konklusyon. Sa tulong ng pamamaraang ito lamang, ayon kay Bacon, maari nating masiguro ang mga konklusyong ating binubuo bilang kalutasan sa mga suliranin.Ayon kay Paul Wonnacott Ang ekonomiks ay isang pag-aaral kung paano ang tao naghahanap-buhay, naghahanap ng pagkain at iba pa ng pangangailangang materyal. Binibigyang pansin ang mga suliraning pangkabuhayan sa pamamagitan ng pamamaraan kung paano malulunasan o mababawasan ang mga ito.Ayon kay Roger Le Roy Miller Ang mga kalagayan na nangangailangan ng kapasayahan kung paano, kailan, at saan gagamit ang sapat na pinagkukunang yaman.Ayon kay Lloyd Reynolds Ito ay ang pag-aaral na may kinalaman sa produksyon, pamamahagi at paggamit ng pinagkukunang yaman.Ayon kay Gerardo Sicat Ayon sa kanya ang ekonomiks ay isang makaagham na pag-aaral na tumutukoy kung paano gumagawa ng pasya ang isang tao o lipunan. Maraming pangangailangan ang mga tao at pangkat ng lipunan at upang matugunan ito, may pinagkukunang yaman na dapat gamitin subalit hindi ito makasasapat sa pangangailangan at ang paggamit ay maaaring sa ngayon at bukas. Kaya naman ang tamang pagpapasya o pagpili ay isinasaalang- alang ang ngayon at bukas. Bukod dito ang paggamit ng likas na yaman ay may kakulangan ngunit may kaukulan na halaga at pakinabang na nangangailangan ng wastong kapasyahan.Ayon kay Clifford James Kabuuan ng nalalaman, bunga ng pakikipag-ugnayan ng tao sa pagnanais na magkakita sa kabuhayan.^^


Anu ang kahulugan ng ekonomiks?

Ang sumusunod ay ilan sa mga kahulugang ibinagay ng ilang mga libro para sa asignaturang ekonomiks. Bagamat tama ang lahat, iba-iba ang pananaw ng bawat isa ukol sa asignatura. Maari nating kunin ang mahahalagang puntos ng bawat isa sa pagbuo ng sarili nating kahuluguhan. Heto ang ilan sa mga kahulugan ng ekonomiks:Ang ekonomiks ay isang agham-panlipunan na tumatalakay sa limitadong yaman, mga pangangailangan at walang katapusang luho ng tao, at sa lubusang paggamit ng mga yaman ng mundo.Ang ekonomiks ay agham na tumatalakay sa produksyon at distribusyon ng yaman ng bansa.Ang ekonomiks ay agham-panlipunang tumatalakay sa kung paano maaaring maimpluwensyiyahan ang isang tao dahil sa sistema ng ekonomiya.Ang ekonomiks ay agham-panlipunang tumatalakay sa pagpili ng likas na yaman kung saaan sagana ang isang pamahalaan.Ang ekonomiks ay isang agham na nag-aaral sa gawi ng taong may kinalaman sa ugnayan ng pangangailangan at kakapusang may alternatibong gamit.Ang ekonomiks ay pag-aaral ng sangkatauhan sa pangkakaraniwang pang-araw-araw na buhay. Sinusuri nito ang bahagi ng kilos ng tao at pangkahalatang iniuugnay sa pagkakamit at paggamit ng pangunahing pangangailangang materyal ng tao.Ang ekonomiks ay ang pag-aaral kung paano tinustustusan ng tao o lipunan ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mahusay na alokasyon o pagbabaha-bahagi ng pinagkukunang-yaman.Ang isang makabuluhang kahulugan ng ekonomiks ay maaring hatiin sa apat na mahahalagang bahagi:Isang agham-panlipunanLimitadong yamanMga pangangailangan at walang katapusang hilig at luho ng taoLubusang paggamit.Ang ekonomiks ay isang agham dahil ginagamitan ito ng mga tsart, grap, at matematika sa mga pagsusuring ukol dito. Higit pa rito ay sinusunod nito ang mga pamamaraan ng paglulutas sa mga suliraning iginawad sa sangkatauhan ni Sir Francis Bacon, ang scientific method. Gaya ng ibang mga agham, naniniwala ang ekonomiks sa kalipunan ng mga hakbang na dapat isagawa upang malutas ang mga suliranin sa asignaturang ito. Kinakailangan muna tukuyin ang problema, gumawa ng hypotheses, mag-obserba at kumalap ng mga datos, bago guamawa ng konklusyon. Sa tulong ng pamamaraang ito lamang, ayon kay Bacon, maari nating masiguro ang mga konklusyong ating binubuo bilang kalutasan sa mga suliranin.Ayon kay Paul Wonnacott Ang ekonomiks ay isang pag-aaral kung paano ang tao naghahanap-buhay, naghahanap ng pagkain at iba pa ng pangangailangang materyal. Binibigyang pansin ang mga suliraning pangkabuhayan sa pamamagitan ng pamamaraan kung paano malulunasan o mababawasan ang mga ito.Ayon kay Roger Le Roy Miller Ang mga kalagayan na nangangailangan ng kapasayahan kung paano, kailan, at saan gagamit ang sapat na pinagkukunang yaman.Ayon kay Lloyd Reynolds Ito ay ang pag-aaral na may kinalaman sa produksyon, pamamahagi at paggamit ng pinagkukunang yaman.Ayon kay Gerardo Sicat Ayon sa kanya ang ekonomiks ay isang makaagham na pag-aaral na tumutukoy kung paano gumagawa ng pasya ang isang tao o lipunan. Maraming pangangailangan ang mga tao at pangkat ng lipunan at upang matugunan ito, may pinagkukunang yaman na dapat gamitin subalit hindi ito makasasapat sa pangangailangan at ang paggamit ay maaaring sa ngayon at bukas. Kaya naman ang tamang pagpapasya o pagpili ay isinasaalang- alang ang ngayon at bukas. Bukod dito ang paggamit ng likas na yaman ay may kakulangan ngunit may kaukulan na halaga at pakinabang na nangangailangan ng wastong kapasyahan.Ayon kay Clifford James Kabuuan ng nalalaman, bunga ng pakikipag-ugnayan ng tao sa pagnanais na magkakita sa kabuhayan.


Ibat-ibang halimbawa ng kwentong bayan?

Halimbawa ng kuwentong bayan: ANG DIWATA NG KARAGATAN Ito ay isang Kuwentong Bayan ng Ilocos:Sa isang nayon, ang mga tao ay masaya at masaganang namumuhay. Mapagpala ang kalikasan sa kanila. Ang pangunahing hanapbuhay nilay ay ang pangingisda. Sagana sa maraming isda ang karagata. May isang diwatang nagbabantay at nag-aalaga sa mga isda at ito'y nalalaman ng mga taganayon. Ngunit may mga taong sakim, ibig nilang makahuli ng maraming-maraming isda upang magkamal ng maraming salapi. Gumamit sila ng dinamita kaya't labis na napinsala ang mga isda, pati ang maliliit ay namatay.Nagalit ang diwata sa kasakiman ng mga tao kaya't mula noon ay wala nang mahuli kahit na isda ang mga tao. Naghirap at nagutom ang mga tao at naging pangit na rin ang karagatan na dati'y sakdal ganda. Nagpulong ang mga taganayon at napagpasyahan nilang humingi ng tawad sa diwatang nangangalaga sa karagatan. Nakiusap din silang ibalik na ang dating ganda ng karagatan at gayundin ang mga isda. Nangako sila na hindi na gagamit ng anumang makasisira sa kalikasan.Mula nang sila'y humingi ng tawad sa diwata ay bumalik na ang ganda ng karagatan at muling dumami ang mga isda. Nanaganang muli ang kabuhayan ng mga tao. Like my answer :))))


Intelektwalisado na ba ang wikang filipino?

ANG INTELEKTWALISASYON NG WIKANG FILIPINOChristian George C. FranciscoKagawaran ng Filipino at Panitikanccfrancisco@mail.dasma.dlsu.edu.phLayunin ng papel na ito na ipakita ang proseso ng pagpaplanong pangwika, paraan ng pag-iistandardays, pagmomodernays, mga salik sa pag-iintelektwalays ng wika gayundin ang gamit ng wikang Filipino sa edukasyong Pilipino sa kasalukuyang panahon.Ayon kay Constantino (1996), ang wika ang siyang pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan. Bilang instrumento, maaaring matamo sa pamamagitan nito ang mga instrumental at sentimental na pangangailangan ng tao. Ang wika ay behikulo para makisangkot at makibahagi ang tao sa mga gawain ng lipunan upang matamo ang mga pangangailangang ito. Samakatuwid, ang pahayag na ito ni Constantino ay nagpapatunay lamang na napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika sa pang-araw-araw na buhay ng tao. Gamit ang wika, nagagawa ng tao na masatisfay ang kanyang mga pangangailangan maging ito man ay pansosyal o pampersonal. Nagiging instrumento ang wika upang makisangkot ang tao sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Dahil dito, mahalaga para sa isang tao na maging maalam siya sa kanyang wikang ginagamit upang ito ay magamit niya sa paraang tiyak at planado.Para sa mga taong aral sa wika, hindi na bago ang katawagang pagpaplanong pangwika o language planning. Sa larangang ito, tinatanaw ang mga maaaring pagpiliang wika mula sa isang komunidad para gawing estandardisado. Sentro rin ng pag-aaral ng PP ang konsyus na paggamit ng isang wika sa isang lipunan, kung saan, ito ay kinapapalooban ng pagkalap ng mga datos o informasyon upang bumuo ng desisyon kaugnay sa kung anong wika ang pinakaangkop na gagamitin sa isang lipunan (Eastman, 1982).Ang PP ay binubuo rin ng dalawang mahalagang meyjor komponent. Sa komponent na ito mahihinuha natin ang mga konkretong batayan sa maayos na pagpili ng isang wikang sasailalim sa estandardisasyon. Una, ang patakarang dapat sundin; ikalawa, pagpili ng wika kaugnay sa napagkasunduang patakaran. Ang una ay binubuo ng apat na mahahalagang salik. Ang mga ito ay ang sumusunod:FORMULASYON - Ito ang yugto ng deliberasyon at/o pagdedesisyon kaugnay sa wikang pipiliin. Mahalagang isaalang-alang dito ang layunin ng mga gagamit nito.KODIFIKASYON - Ito ang yugto kung saan nagkakaroon ng teknikal na preparasyon ang mga language academies ng napagkasunduang patakaran. Mahalaga namang tingnan dito ang pananaw, paniniwala, saloobin ng kapwa magpapatupad at tatanggap ng napagkasunduang patakaran.ELABORASYON - Ito ay pinaiiral ng ahensyang pangwika na kung saan inihahanda na ang mga materyal na kakailanganin sa pagpapalawak ng gamit ng piniling wika.IMPLEMENTASYON - Ito naman ang yugto ng pagtanaw sa epekto ng plinanong pagbabago sa wikang pinili.May inilahad pa rin si Eastman (1982) kaugnay sa paraan ng pagpili ng wika. Sa katunayan, may sampung kategorya kung saan maaaring makapamili ng isang wika na sasailalim sa estandardisasyon:1. Indigeneous Language - Wikang sinasalita ng mga sinaunang tao na nakapanirahan sa isang lugar.2. Lingua Franca - Wikang gamitin ng mga taong may magkaibang unang wika na may tiyak na layunin sa paggamit.3. Mother Tongue - Wikang naakwayr mula sa pagkabata.4. National Language - Wikang ginagamit sa politika, sosyal at kultural na pagkakakilanlan.5. Official language - Wikang ginagamit sa transaksyong pampamahalaan.6. Pidgin - (Nabuo sa pamamagitan ng paghahalu-halo ng wika) Wikang kadalasang ginagamit ng mga taong may magkaibang pinagmulang wika.7. Regional Language - Komong wika na ginagamit ng mga taong may magkaibang wikang pinagmulan na naninirahan sa isang partikular na lugar.8. Second Language - Wikang natutunan bilang karagdagan sa unang wika.9. Vernacular Language - Wika ng isang sosyal na grupo na nadomina ng ibang wika.10. World Language - Wikang ginagamit sa malawak na saklaw ng mundo.Alinman sa mga nailahad na ito ay maaaring mapagpilian o maging batayan tungo sa pag-iistandardays ng wikang napagkasunduan.Samantala, ang estandardisasyon ng wika naman o language standardization ay isang sangay ng pagpaplanong pangwika na konsern sa kaisahan sa likod ng linggwistikong pagkakaiba-iba ng mga wika. Ayon kay Eastman (1982) mula kay Haugen (1966), may proseso ang pag-iistandardays ng wika.Tungo sa pag-iistandardays ng wika, mahalagang makapamili muna ng wika, makodifay ito sa pamamagitan ng paghahanda ng teknikal na preparasyon o ng mga kagamitan (libro, ensaklopidya at iba pang mga nasusulat na materyal). Matapos nito, kinakailangan na maging malawakan ang pagpapagamit nito sa iba't ibang domeyn tulad ng: simbahan, paaralan, pamahalaan, midya at iba pa. Malaki ang papel ng domeyn sa estandardisasyon dahil ito ang susukat sa lawak ng gamit ng wika.Sa kaso naman ng modernisasyon, binigyang paliwanag ni Eastman (1982) na ito ay ang paglago ng popular na pagkakakilanlan ng isang estandardisadong pambansang wika mula sa mga gumagamit nito. Sa kabilang banda, inilahad naman sa jornal ng Komisyon ng Wikang Filipino ang dalawang yugto para masabing modernisado ang isang wika. Ang una ay tinawag na Popularly Modernized Language o PML at ang pangalawa ay ang Intellectually Modernized Language o IML. Ayon dito, ang wika ay maaaring maging moderno subalit hindi intelektwalisado. Ang wika na ginagamit sa enterteynment ay pwedeng tawaging moderno subalit hindi ito masasabing intelektwalisado, gayundin naman ang wikang ginagamit sa tabloyd ay hindi rin maaaring iklasipika na intelektwalisado. Sa kabilang banda, masasabi nating intellectually modernize ang isang wika kung ito ay nagagamit sa mga matataas na karunungan gaya ng agham, teknolohiya, negosyo, kalakalan, industriya, medisina at iba pa. Tunguhin ng dalawang yugtong ito na maintelektwalays ang wikang ginagamit ng isang partikular na lipunan.Malaki rin ang magiging ambag ng mga larangang pangwika tungo sa pagpapalakas ng intelektwalisasyon. Maaaring sumailalim ang isang wika sa mga sumusunod na larangan:Larangang pangwika na nagkokontrol (Controlling domains of language) - Ang wika at varayti ng wikang ginagamit dito ay dinidikta kapwa pasulat at pasalita. Nangangahulugan ito ng katiyakan at wastong gamit ng mga salita. Kadalasan itong ginagawa sa matataas na antas ng karunungan gaya ng: simabahan, batas, midya, paaralan, pamahalaan, industriya, negosyo, komersiyo at iba pa. Dahil nga nagiging diktador kung ano ang wikang gagamitin, nadedevelop ang isang wika tungo sa tinatatawag na estandardisado at intelektwalisado.Nagkokontrol nang bahagya sa larangang pangwika(Semi-controlling domains of language) - Ang wika at ang mga varayting ginagamit naman dito ay pasulat subalit tanging tagapakinig lamang ang mga gumagamit nito. Di-tulad ng nauna, hindi kasinghigpit ang paggamit ng wika rito. Ipinahihintulot rin nito ang pakikibahagi ng tao sa iba't ibang gawain subalit hindi kinakailangan na maging dalubhasa ang isang tao sa paggamit ng wika. Halimbawa nito ay sa relihiyon at enterteynment.Di-nagkokontrol na mga larangan ng wika(Non-controlling domains of language) - Ang wikang gamit dito ay pasalita lamang na kadalasang makikita sa tahanan at lingua franca ng isang bansa.Gayumpaman, ang salitang intelektwalisasyon ay nagdudulot pa rin ng pagkalito mula sa iba't ibang taong sangkot sa paggamit ng wika. Sa paliwanag ni Sibayan (1999), ang wika ay intelektwalisado kung ito ay nasusulat. Hindi sapat ang pasalitang paraan para masabing intelektwalisado ang isang wika. Kinakailangang ang wika ay nakapagpapalimbag ng iba't ibang balon ng karunungan (libro, ensaklopidya at iba pa) na magagamit ng tao tungo sa paglago ng kanyang kaalaman. Sa kaso ng Filipino, ani Sibayan, ang pag-iintelektwalays dito ay nararapat ifokus sa mga lawak na kumokontrol na wika o controlling domains of language, mga lawak na ayon sa kanya ay nagdidikta ng wikang inaasam at pinapaboran ng mga taong gumagamit ng wikang iyan. Halimbawa nito ay ang gamit ng wika sa mahahalagang larangan tulad sa edukasyon, pamahalaan, batas, hukuman, agham at teknolohiya, negosyo, pangkalakalan, industriya, mga propesyon na may bahaging larangan (sub domains) tulad ng medisina at abogasya, masmidya at literatura.Sa paliwanag naman nina Espiritu at Catacataca (2005), nakaankla sa pagpaplanong pangwika ang salitang intelektwalisasyon. Ito ay pumapaloob sa apat na dimensyon: seleksyon, estandardisasyon, diseminasyon at kultibasyon. Sa kultibasyon papasok ang konsepto ng intelektwalisasyon. Ani Neustupny (1970), ang kultibasyon ay isang proseso na nagmumula sa kodifikasyon ng wika tungo sa kultibasyon at elaborasyon nito. Sa kabuuan, nangangahulugan lamang na ang tanging layunin ng intelektwalisasyon ay upang magampanan ng wika ang kanyang mga tungkulin sa mga gumagamit nito.Samantala, inilahad ni Acuna (1994) na ang mga pambansang wika sa buong mundo ay maaaring iuri sa tatlo: Intellectualized languages of wider communication; confined, independent and intellectualized national languages; and developing national languages. Ang unang uri ay tumutukoy sa popular na mga internasyunal na wika gaya ng: Ingles, Pranses, Aleman at Espanyol. Ang mga wikang ito ay ginagamit bilang mga kontroling na domeyn sa paggawa (work) at iba pa. Samantala, ang ikalawang uri naman ay tumutukoy sa mga intelektwalisadong wika na saklaw lamang ang bansang pinaggagamitan nito. Ang wikang ito ay sapat na upang magamit sa lahat ng domeyn ng isang bansa. Halimbawa ng mga bansang ito ay ang Korea at Japan. At ang panghuling uri naman ay tumutukoy sa mga bansang nasa proseso pa lamang ang intelektwalisasyon ng wika gaya ng Indonesia, Malaysia at Pilipinas. Sa mga bansa kasing ito ay patuloy pa rin ang pagdevelop sa tinawag ni Sibayan na idyomang pedagojikal.Ngayon, ano naman ang hinaharap ng wikang Filipino kaugnay sa isyu ng estandardisasyon at intelektwalisasyon? Ang tanong na ito ay nagdulot ng mga kalituhan sa maraming Pilipino, kahit mga dalubwika ay patuloy na nagdedebate kung estandardisado o intelektwalisado ba ang Filipino. Kadalasang sagot na maririnig sa kanila ay ganito: Ang Filipino ay patuloy pa sa pagdevelop tungo sa estandardisasyon at intelektwalisasyon nito. Ang pahayag na ito ay totoo. Sapagkat ayon na rin sa Konstitusyon sa ilalim ng Artikulo XIV ng Seksyon 6:"Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa batay sa iba pang mga wika sa Pilipinas."Nangangahulugan lamang ito na ang Filipino ay kailangang umasa sa mga intelektwalisadong wika hindi lamang sa mga wika sa Pilipinas. Isang magandang halimbawa na nito ay ang wikang Ingles. Ang Ingles man ay umasa rin sa mga intelektwalisadong wika tulad ng Griyego, Latin at Pranses. Sa kabilang banda, tinukoy sa jornal ng KWF ang mga kadahilanan kung bakit kailangan ng Filipino na umasa sa Ingles. Narito ang mga kadahilanan:1. Halos lahat ng nakasulat na bersyon ng makabagong Filipino kabilang na iyong sa mga paaralan ay puno ng hiram na salita sa Ingles, may mga binaybay ng tulad ng sa mga orihinal at karamihan naman ay isina-Filipino ang pagbabaybay.2. Malinaw na ipinakikita sa mga pag-aaral tungkol sa mga intelektwalisadong varayti ng sinasalitang Filipino ng mga mag-aaral sa anim na pamantasan sa Metro Manila (UP, DLSU, Araneta U, PNU, PUP at PLM) na kayang talakayin ng mga mag-aaral ang kanilang mga takdang aralin sa matematika, biyolohiya at iba pa sa pamamagitan ng maramihang panghihiram sa Ingles.Sa madaling salita, para masabing intelektwalisado ang wikang Filipino, kinakailangan na magamit ito sa pagtuturo sa mga Pilipino sa halos lahat ng larangan o antas.Kung kaya, ani Espiritu at Catacataca (2005) mula kay Sibayan (1988), para maisakatuparan ito, pangunahing pangangailangan sa intelektwalisasyon ang manunulat sa kurikulum at mga teksbuk at isang idyomang pedagojikal sa Filipino. Ang idyomang pedagojikal ay ang kabuuan ng mga ginradong teksto, mga sanggunian, patnubay at iba pang mga kagamitang panturo na magagamit mula sa unang baytang sa elementarya hanggang antas tersyarya isinulat ng mga ekspertong manunulat ng mga teksbuk at kagamitang pangkurikulum at mga iskolar at mga eksperto sa pamamaraan ng pagtuturo. Kung babalikan natin ang unang pahayag ni Sibayan, ang wika ay kailangang NASUSULAT para masabing intelektwalisado ito.Gayumpaman, may apat na katangian ang isang intelektwalisadong wika. Una, aktibo, marami at malawak ang gumagamit ng wika partikular na ang pasulat na anyo kaysa pasalita. Pangalawa, ang wika ay estandardisado. Ibig sabihin, walang kalituhan kaugnay sa palabaybayan nito, nararapat na ito ay kodipikado sa mga diksyonaryo at iba pang referensiya. Pangatlo, ang wika ay nararapat na may kakayahan na maisalin sa iba pang intelektwalisadong wika. At panghuli, ang wika ay nararapat na maunlad at tanggap sa iba't ibang rejister na ang ibig sabihin ay nagagamit ito sa iba't ibang larangan o bahaging-larangan. Mahalaga ito sa konsepto ng intelektwalisasyon dahil tumutukoy ito sa lawak ng gamit ng wika.Samantala, iminungkahi naman ni Sibayan ang mga tiyak na referensiya upang masubok kung intelektwalisado ba talaga ang wikang Filipino.Nagagamit ba ang Filipino bilang pangunahing wika ng instruksyon mula sa kindergarten hanggang level pampamantasan?Ang Filipino ba ay ang pangunahing wika sa trabaho kung saan Ingles ang kasalukuyang gamit?Ang Filipino ba ay ang nais at mithiing wika ng mga Pilipino upang magamit sa kanilang sosyo-ekonomiko at intelektwal na pag-unlad?Ani Sibayan, mahirap makamit ito subalit ito ang mga katangian ng isang intelektwalisadong wika na maaring magamit bilang kontroling na domeyn ng isang bansa. Sa kasalukuyan, ang Filipino ay kinakaharap ang napakaraming problema, kung kaya, hindi maiiwasang maging mabagal ang tinatahak nitong landas tungo sa intelektwalisasyon. Ilan sa mga problema ay ang mga sumusunod:1. Kulang ang "political will" sa pag-iintelektwalays nito.2. Kulang ang suportang ibinibigay ng mga nasa industriya, komersyo, negosyo at iba pa. Ingles pa rin ang ginagamit sa mga larangang ito bilang pangunahing midyum ng komunikasyon.3. Kulang sa pondo mula sa pamahalaan kaugnay sa pagpapalawak ng gamit ng Filipino sa iba't ibang ahensiya nito gayundin ang mga sapat na treyning.4. Mismong ang akademiya ay may kakulangan tungo sa intelektwalisasyon ng Filipino. Ito ay sa apektong pagdevelop ng mga libro na naka-Filipino.5. Dagdag pa ang mismong Pangulo ng bansa na nagnanais na ibalik ang Ingles bilang pangunahing midyum ng pagtuturo. Mula ito sa kanyang EO 210 na pagpapalakas sa gamit ng Ingles.Ang mga ito ay refleksyon ng realidad na kasalukuyang kinakaharap ng wikang Filipino. Isang nakakalungkot na pangyayari dahil hindi masalamin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang pambansang wika na siyang makapagbubuklod at magbibigkis sa isang kulturang maka-Pilipino na kakikitaan sana ng ating identidad.Isang hamon sa kasalukuyan sa mga Pilipino partikular na sa mga akademisyan kung paano ba maiintelektwalays ang wikang Filipino? May iminungkahi kaugnay rito si Sibayan.Kinakailangan ng mga tagatangkilik at tagapagpaunlad nito.Kinakailangan ng mga praktisyuner at employer na naniniwala sa epektibong gamit ng Filipino sa anyong pasulat hindi lamang sa pagtuturo gayundin sa pagkatuto.Hindi lamang sa mga disiplinang teknikal gamitin ang Filipino, bagkus, magamit ito sa iba pang disiplina.Kinakailangan ng mga pablisher na handang maglathala ng mga publikasyon sa Filipino.Kinakailangan din ng mga taong handang ponduhan ang programang pang-intelektwalisasyon.Ang Filipino ay kailangang tanggap ng nakararaming bilang ng mga Pilipino lalo na sa erya ng kontroling na domeyn ng wika.Pagkamahinahon ay higit na kailangan din. Ang Filipino ang hindi magiging ganap na intelektwalisado sa madaling panahon.Huwag magturo ng Filipino kung walang libro o materyal na nakasulat sa Filipino.Ang mga mungkahing ito na inilahad ni Sibayan ay ang mga maaaring mapagnilayan ng bawat Pilipino habang patuloy na dinidivelop ang wikang Filipino. Magsilbi sana ito gabay nating lahat tungo sa mabilis at malawakang estandardisasyon at intelektwalisasyon ng ating wika - ang wikang magsisilbing tagapagbuklod sa lahat ng mamamayan ng bansang ito tungo sa iisang mithiin makabansa.


Sa Bayang Filipino by Apolinario Mabini?

SA BAYANG FILIPINASBaga mat mahina at akoy may saquit kinusa ng loob, bayang inibig na ipagparali ang laman ng dibdib di na alintana ang madlang ligalig.Sa panahong itong kahigpitang sakdal ay dapat itaya ang layaw at buhay, sa pagka't di natin dapat pabayaan iba ang kumabig ating kapalaran.Tingni't nagdadaang halos magpangabot mga kababalaghang pakita ng Dios, tingni yaong bayang palalo at hambog dahil sa ugaling ipinagbabantog.Sapagkat ng una'y kaniyang nasasakupan malalaking bayang nadaya't nalalang, kaya naman ngayo'y pinagbabayaran ang nagawang sala sa sangkatauhan.Talastas ko't walang kamahalang sadya sino mang magsaya sa ibang sakuna; nguni't lalong talos na di naaakma na sa bayang iya'y makisalamuha.Pinaghihimas ka at kinakapatid kapag sa sakuna siya'y napipiit; nguni't kung ang baya'y payapa't tahimik aliping busabos na pinaglalait.Ah! pag nakipag-isa sa naturang bayan gagamit ka ng di munting kaul-ulan o kun dili kaya'y magpapakamatay, pag hindi sa utos ng Dios sumuay.At kung ang balang na ay waling bahala at ipatuloy mo kaul-ulang nasa, haharanging pilit ng dugong naglawa ng mga anak mong lubos na naaba.Sasabihin niya'y, tigil at huag ka na magpapatibulid sa ikamumura pagka't ng ikaw lama'y guminhawa kaya ibinuhos ang madlang parusa.Di ko hinahangad na ikaw'y lumabas sa kampo ng walang kahusaya't sangkap, pagka't talastas kong matuid ang landas at mahahatid ka sa pagkapahamak.Ang inoola ko'y dili iba't ito mag-isa ang loob ng lahat ng tawo, sa loob ng bayan at sa bawa't barrio ay biglang maghalal ng isang Pangulo.Ang mga Pangulo ay mangag-uusap Pipili ng Punong lalong nararapat Humusay ng gulo, magtuto sa lahat At tumayo naman sa bayang nag-atas.Ang mga Pangulo habang naghuhusay ng sa isa't isang mga kaibigan, hinahanap naman nitong Punong bayan ang Punong nahalal sa mga kahangan.At kung matuklasa'y biglang pupulungin pagkakaisahin ang Punong susundin at sa kabayana'y lalong tatanghalin sampong tagatayo na kikilalanin.Ytong tagatayo'y kusang maglalakbay, tutunguhin niya ibang kabayanan at kung matagpuan mga kababaya'y ipakikita na dalang kasulatan.Sa sulat na ito nanga kapirma ang mga Pinunong nagsugo sa kanya, upang mapagnuynoy yaong Ordenanza pati ng programa niyaong Republica.Tuloy kilalanin niyaong kapisanan ang kapangyarihan niyang tinataglay at siya ay isa sa mangaghahalal doon sa Presidenteng kapunupunuan.At siya'y magtungkol na makapaghanap ng ikagagaling nitong Filipinas at ng kabayanang sa kaniya'y nag-atas ayon sa tadhana niyong Ordenanzas.At ang mga salin na nagpapatunay sa mga Pinuno na pagkakahalal ay sa Presidente kusang ibibigay upang pagtibayin yaong katungkulan.Ito nga't di iba aking pinipita sa iyo, oh bayang inoola kun ito ang gawi'y magkakaroon ka boong kailangan at ikaka-kaya. Kahusaya't lakas, boong kasangkapan pawang hahakutin sa iyong kandungan at may mananagot, kun ang ibang bayan ang ibig maglutas iyong kabuhayan.Sa tawong marami walang iluluhog, kundi mangag-bait ng di mabalatong huag mabalisa ng di maparool at di nababakla loob na hinahonSa mayama't pantas ay ipatalos sa kanilang kamay tinipon ng Dios ang yaman at dunong na gagawing tungcod upang masapit mo ang ikababantog.Kahima't talikdan ang ingat na dangal at ikakait nila ang na kakayanan, hindi rin uurong ang balisang bayan, galit palibhasa'y siyang umaakay.Lahat na madana'y kun maigiba na sa tinakbotakbo walang pinupunta tambing babalikan ang di nabalisa sa galit ng Dios siya'y isasanga.Nguni't hindi ito ang pinaglalagiyan ng boong pag asang laon ng sinimpan ang pananalig ko ay buhay na buhay sa mga anak mong katutubong damdam.Bayang sakdal tapang at dati sa tiis pinangingilagan ng dusa't panganib himala ng sipag kun natatahimik sa pagka alipin ay lihis na lihis.Sa pagkadakila tungo iyang bayan at natatalagang malakas na kamay na ipaghuhusay sa sangdaigdigan pinilis hinirap ng Poong may kapal.Ang bayang ito'y may tinagong lakas na ikaaahon sa pagka pahamak, at makahihingi ng luklukang dapat sa apkikiulong sa ibang Potencias.Tantong manalig ka't ikaw'y tutulungan kanilang inanak hindi babayaan pagka't pawang hirap siyang maaayunan nguni't kun tumulong ay kaginhawahan.Mga binibini siyang magyayakag upang maitunghay noong maliwanag na pinaglahoan ng pula't paghamak at pakundanganan ang puring iningat. Yaring salita ko'y kusang ititigil taluktok ng bundok siyang tutunguhin dito ihahagis, bayang ginigiliw ang magbati sa iyong luningning.Kapag nabalita sa huning mapanglaw niyaong mga ibon aking pagkamatay, pakatantoin mong huling binitiwan ng mga bibig ko ang iyong pangalan.At siya rin naming marahil tawagin sa mga sala ko'y upang patawarin ibukas ang pinto't tuloy papasukin sa piling tahanan ng payapa't aliw.


What is the summary of ang mangingisda?

Ang Mangingisda<br />ni Ponciano Pineda<br />Maging nang sumabog sa kanyang kamay ang dinamita'y nagsasayaw pa rin sa kanyang isip ang lantsa ni Don Cesar na hindi man lamang natitigatig sa hampas ng daluyong. Ang ugong ng kanyang motor,sa pandinig niya, ay tila tugtuging nagbubuhat sa radyong nasa nagliliwanag na punduhan nina Fides.Ito ang kanyang malakas na pag-asa: ang lantsa ni Don Cesar at ang punduhan nina Fides. Ang mga bagay na ito and nagsilang ng kanynag mithiin. Hindi nawawaglit sa kanyang diwa saglit man. Ang kanyang mithiing binuo ng mga lantsa at ng punduhan ay lalong kinulayan ng mga panyayaring lumiligid sa kanyang buhay. Katulad ng pangyayaring nakaraan. Kangina, nang pakargahan niya ng gasolina ang kanyang motor sa punduhan nina Fides, ay naulit na naman ang kanyang pinakaiiwasan: Ang pangungutang kina Fides."Kung maari sana'y idagdag mo muna sa dati kong utang, ha, Fides?"Tiningnan lamang siya ni Fides. Ni hindi kumibo. Ngunit sumulat sa talaan ng mga utang. Nauunawaan niya ang katotohanang ibinabadha ng naniningkit ng mga matang iyon: pag-aalinlangan sa katuparan ng kanyang mga pangako. Nahuli niya ang buntot ng sulyap na iyon. Nang lumabas siya kahapon, kaparis din ng dalawang araw na nagagdaan, ay hindi siya nanghuli ng sapat na makatutugon sa pangangailangan nila ng kanyang ina at sa kanyang utang kina Fides. Kanginang umaga'y humihingi na naman siya ng paumanhin sa ina ni Fides."E ano and magagawa natin kung di ka makahuli," ang wikang payamot ng ina ni Fides. "Minalas ho ako," nasabi na lamang niya. "Baka sakaling s'wertihin ako mamayang gabi."Sinabi niya ito upang mapaliwanag: upang humingi ng muling kaluwagan;upang kahit paano'y hugasan ng kanyang pakiusap ang kanyang kahihiyan. Hindi niya nagawang isipin and pagbabayad kina Fides. Inunahan siya ng pagsasabi ng kanyang ina kanginang umaga ng "Magdiskargo ka muna sa punduhan anak." Nababatid niyang wala siyang ibabayad kung sa bagay. Nalaman niyang sinundan siya ng tingin ni Fides at ng ina nito nang siya'y magpaalam. Hindi niya narinig na sinabi sa kanya ang katulad ng narinig niya sa ina ni Fides kapag hindi nakakabayad ang mga mangingisdang nangungutang sa punduhan: "Aba, e pa'no naman kaya kami kapag ganyan ng ganyan? Pare-pareho tayong nakukumpromiso... " "Bukas ho'y tinitiyak kong makakabayad na ako."Gabi ng nga umalis siya sa Tangos. Nakagapis siya sa dagat. Nguni't kailanma'y hindi sumagi sa kanyang muni ang umalpas ang lumaya. Ipinasya lamang niya ang mabuhay sa dagat, ang maging makapangyarihan sa dagat, kagaya ng lantsang pamalakaya sa tabi ng punduhan. Sapul ng pag-ukulan niya ng pansin ang unang lantsa ni Don Cesar ay nakadaman siya ng kakaibang pintig sa kanyang dibdib: ibig niyang magkaroon ng lantsa - balang araw. Pagkakaroon niya ng lantsa'y hindi siya gagamit ng maliit na motor; hindi na siya sasagihan ng munti mang pangamba, magngitngit man ang habagat magngalit man ang sigwa sa laot. Hindi na pansumandaliang lalabas siya sa karagatan. Maari na niyang marating ang inaabot ng mga lantsa ni Don Cesar. Makalalabas na siya ng lingguhan. At pagbabalik niya'y daan-daang tiklis ng isda ang kanyang iaahon. Hindi na rin mangangamba ang kanyang ina kapag hindi siya nakababayad ng gasolina at langis. <br />Matititigan na niya ang naniningkit na mata ni Fides. Makakapagkarga na siya ng kung ilang litrong gasolina sa kanyang barko. Kung makakatabi ang kanyang barko ang kay Don Cesar ay maabutan na lamang sila ng mga mangingisda ni Don Cesar. "Ilang araw kayo sa laot, ha?" itatanong niya. Siya'y sasagutin. At "ako'y tatlumpong araw,"sasabihin niya pagkatapos.<br />Ang hangaring iyon ay tila malusog na halaman: payabong ng payabong, paganda ng paganda sa lakad ng mga araw. Sa pagkakahiga niya sa kung gabi'y tila kinikiliti siya ng ugong ng mga motor at makina ng mga pangisdang humahaginit tungo sa kalautan. Ang huni ng mga lantsa'y kapangyarihang manding nagbubuhos ng lakas sa kanyang katawan. "Balang araw, Inang." Ang pagtatapat niya isang gabi, "bibili ako ng lantsa." Pinagsabihan siya ng kanyang ina na hindi siya dapat mangarap ng gayon. "Masiyahan na tayo sa isang bangkang nakapagtatawid sa atin araw-araw." "Magsasampa tayo ng maraming salapi, Inang. Di na tayo kukulangin. Giginhawa ka na. Sa pagkakaupo nila sa tabi ng durungawang nakaharap sa ibayo'y kanilang natanaw and nagliliwanag na punduhan nina Fides at ang nangakadaong na mga lantsa ni Don Cesar. Naririnig hanggang sa kanilang madilim na tahanan and alingawngaw ng halakhakan ng mga taong nagpapalipas ng mga sandali sa punduhan. Nagniningning ang kanyang mga mata. Ang kanyang puso'y punung-puno ng makulay na pag-asa."Talagang bibili ako ng lantsa, Inang."<br />Ipinaggiitan ng kanyang ina ang pagkakasiya sa Bangka na lamang.<br />"Ang kaligayahan na tao anak…."<br />Hindi nya nauunawaan ang buntot ng pangungusap ng kanyang ina. Ang diwa nya'y nasa malayo. Nasa dagat, nasa laot…<br />Isang mahabang kawil ng mga taon ang dumaan sa buhay nya niya bilang mangingisda, bago siya nakapagtipon ng sapat na salaping ibinili ng motor. Iyon ay isang makasaysayang pangyayari, isang makabuluhang pangyayari sa kanyang buhay. Inari niyang isa nang tagumpay na walng pangalawa. Iyon ay ipinagparangalan sa kanyang sarili't sa kanyang ina. <br />"Di na ako ga'nong mahihirapan sa pagsagwan kapag ako'y napapalaot. Ito na ang simula, Inang…"<br />Naunawaan ng ina ang katuwaang nag-uumapaw sa puso ng anak.<br />"Huwag mong kakalimutanang Maykapal, anak," ang sabi ng kanyang ina.<br />Maykapal ang lagging ipinag-aaliw sa kanya. Maykapal sa gitna ng pagdarahop, ng sakit, ng sangkisap-matang katuwaan. Nawawalan siya ng pananalig kung minsan. Kagaya ng kung siya'y hindi pimapalad. Kagaya nitong tatling araw na nangagdaan.<br />Nakbili na rin siya ng bagong bangkang pinaglipatan ng motor. Gayon na rin marahil ang damdamin ni Don Cesar nang siya'y unang nagkaroon ng lantsang pamalakaya-ito ang wika niya sa sarili.<br />Higit na nag-ulol ang kanyang mithiin na maging dalawa mga lantsa sa tabi ng punduhan.<br />Ang kanyang sarili'y malimit niyang tinatanong kung bakit dalawa na ang lantsa sa ibayo; samantalang siay'y hindi nagkakaroon hanggang ngayon ng kahit isa man lamang. Ito'y katanungang sumasaklaw nang malaki kapag napag-uukulan niya ng pagmumunimuni. At lalo itong hindi nya matugon kung sasaklawin niya ng tit gang gawing hilG ng ilog; doonay may punduhan, may mga apugan, may mga pagawaan, mga bangkang malalaki , may mga bagay na nagandahan, may mga lantsa,may mga barko, ngunit sa gawing tomog-sa kanilang pook- ay mga bahy-pawid na naglalawit sa ilog, bangkang maliliit,mga manggagawa; mga mangingisdang porsiyen-tuhan lamang. <br />Ang kanyang mga pagtatanong ay tinugon ng marilag na alaalang kakambal ng mga lantsang pamalakaya ni Don Cesar at ng pagkaliwa-liwanag ng punduhan nina Fides!<br />Nagging tatlo ang lantsa ni Don Cesar. Palaki nang palki ang punduhan nina Fides. At siya nagtutumibay naman ang kanyang pagmimithi sa lantsa; higit pang nagkakulay ang kanyang paghanga sa punduhan.<br />Minsan narinig niyang pag-uusapan ng kapwa niya mangingisda ang dami ng salaping ipinapanhik ng mga lantsang pamalakaya ni Don Cesar.<br />'Isang Labas lang pala ng bagong lantsa ni Don Cesar ay halos bawi na ang puhunan," ang pagbabalita ng isa.<br />"At ang pakinabang sa isang labas, kung sinusurwte'y santaaonna nating kikitain ," naganyakang kanyang kalooban. Inapuhap ang nakabalot ng mga dinamita. Binulatlat ang baluatan. Kay gaganda ng dalawang bagay na iyon sa kanyang paningin. Makakauwi na siya nang ,ay dalang isda, maraming isda. Makababayad na siya kay Fides. Sandali lamang ang pagsabog iyon. Pupupugin na lamang niya ang lambat na napunit. Mapupuno niya ang Bangka bago dumating ang patrulya sa mga baybayin.saglit nyang piñata ang kanyang motor at mga lantsang pamalakaya. Nakikilala niya ang ugong ng mga sasakyang ng patrulya. At pinaugong uli ang kanyang motor. Hindi na sya nayayamot. Naliligayahan na siya. Tila tugtuging kumikiliti sa kanyang ang ugong ng kanyang motor. Kumilos ang kanyang lantsa. Pinahinto uli ang kanyang lantsa. Mapuputi ang maiikling mitsa ng dinamita. Maiging pinagdikit ang mitsa niyon,at kinambal ng dalawang bagay. Masisiyahan ang kanyang ina paggising nito kinaumagahan."Sinuwerte ako, Inang ," sasabihin niya. "Ay! Salamt sa Diyos!" sasabihin nasman ng kanyang ina. Hindi niya ipagtatapat na gumagamit siya ng dinamita. Malulungkot ang kanyang ina. "Sinuwerte ako, Inang…… Sinuwerte ako…." Kiniskisan ang pospor. Tumilamsik ang ga-buhangung baga. Ayaw magdingas ng palito. Idinikit sa kanyang kilikiliang gilid ng posporo. Nag-init . ikiniskis uli. Hinipan ang hangi. Inilapit, idinikit na maduti sa dulo ng malaking mitsa ng mga dinamitang mahigpit na kamal sa kanyang kanang kamay, sumagitsit - parang kidlat na sumibad sa kalangitan at kaalinsabayhalos ng siklab na sumugat sa gabi'y isang nakabibinging dagundong ang bumingaw sa buong kalawakan.<br />


Urbana and Feliza translate in English?

URBANA AT FELIZASi Feliza kay Urbana - Paumbong, Mayo 10, 185. . .Urbana: Ngayong a-las-seis ng hapon na pinagugulong ng hari ng mga astro ang karosang apoy at itinatago sa bundok at kagubatan, ipinagkakait sa sangkapuluan ang kaliwanagan, at sa alapaap ay nagsasambulat ng ginto ' t purpura; ang mundo ' y tahimik, sampo ng amiha ' y hindi nagtutulin, nagbibigay-aliw ang mga bulaklak at nangagsasabog ng bangong iningat sa doradong caliz ; ang lila ' t adelpa na itinanim mo sa ating pintuan; ang lirio ' t asusena; ang sinamomo ' t kampupot na inihanay mo ' t pinagtapat-tapat sa daang landas na ang tinutungo ' y ating hagdanan; oras na piniling ipinagsasaya, nangagsisingiti ' t ang balsamong ingat ay ipinadadala sa hihip ng hangin; mapalad na oras na ipinaglilibanga ng kamusmusan at, ipinagpapasiyal sa ating halamanan.Marahil Urbana ' y di mamakailang pagdating sa iyo ng oras na ito, ang alaala mo ' t buong katauhan ay nagsasauli sa ating halamanan, iyong sinasagap ang balsamong alay ng mga bulaklak na anaki ' y pamuti sa parang linalik naSi Urbana kay Feliza -MaynilaFELIZA: Tinanggap ko ang sulat mo nang malaking tuwa, nguni ' t nang binabasa ko na ' y napintasan kita ' t dinggin ko ang kadahilaran. Ang una ' y nabanggit mo si ama ' t si ina, ay di mo nasabi kung sila ' y may sakit o wala; nguni ' t pinararaan ko ang kakulangan mong ito, atdi kataka-taka sa gulang mo sa labindalawang taon; ang ikalawa ' y hindi ang buhay ko kung di ang buhay mo ang itinatanong ko, ang isinagot mo ' y ang pinagdaanan ng kamusmusan ta, at madlang matataas na puri sa akin, na di mo sinabi na yao ' y utang ko sa mabait na magulang natin at sa Maestrang nagturo sa akin. Nguni ' t pagdating sa sabing nagkukunot ang noo ko, at sa mga kasunod na talata, ay nangiti ang puso ko, nagpuri ' t nagpasalamat sa Diyos, at pinagkalooban ka ng masunuring loob.Ngayo ' y dinggin mo namana t aking sasaysayin yamang hinihingi mo ang magandang aral na tinaggap ko, kay Doña Prudencia na aking Maestra. Natatanto mo, na ako ' y marunong nang bumasa ng sulat nang taong 185 . . . na kata ' y magkahiwalay. Pagdating ko rini, ang una-unang ipinakilala sa akin, ay ang katungkulan nating kumilala, mamintuho, maglingkod at umibig sa Diyos; ang ikalawa ' y ang kautangan natin sa ganang ating sarili; at ang ikatlo ' ySi Urbana kay Feliza -MaynilaFELIZA: Ngayon ko tutupdin ang kahingian mo, na ipinangako ko sa iyo sa hulang sulat, noong ika. . .Sa mga panahong itong itinira ko sa Siyudad, ay marami ang dumarating na bata, na ipinagkakatiwala ng magulang sa aking maestra, at ipinagbibilin na pagpilitang makatalastas ng tatlong dakilang katungkulan ng bata na sinaysay ko sa iyo. Sa mga batanga ito, na ang iba ' y kasing-gulang mo, at ang iba ' y humigit-kumulang diyan, ay napagkikilala ang magulang na pinagmulan, sa kani-kanilang kabaitan o kabuhalhalan ng asal. Sa karunungang kumilala sa Diyos o sa karangalan, ay nahahayag ang kasipagan ng marunong na magulang na magturo sa anak, o ang kapabayaan. Sa mga batang ito, ang iba ' y hindi marunong ng ano mang dasal na nalalaman sa doktrina kristiyana, na para baga ng Ama namin, sumasampalataya, punong sinasampalatayanan , na sa kanilang edad disin, ay dapat nang maalaman ng bata, kaya hindi makasagot sa aming pagdarasal o makasagot man ang iba ' y hindi magawing lumuhod, o di matutong umanyo, ng nauukol bagang gawin sa harapan ng Diyos. Sa pagdarasal namin, ay naglulupagi, sa pagsimba ' y nagpapalinga-linga, sa pagkain ay nagsasalaula, sa paglalaro ' y nanampalasan sa kapwa-bata,Si Urbana kay Feliza - MaynilaFELIZA: Napatid ang huli kong sulat sa pagsasaysay ng tapat na kaasalan, na sukat sundin sa loob ng simbahan: ngayo ' y ipatutuloy ko. Marami ang nakikita, sa mga babaeng nagsisipasok sa simbahan, na lumalakad na di nagdarahan, nagpapakagaslaw, at kung marikit ang kagayakan, ay nagpapalingap-lingap, na aki ' y tinitingnan kung may nararahuyo sa kaniya. Marami ang namamanyo nang nanganganinag, nakabingit lamang sa ulo at ang modang ito ' y dala hanggang sa pakikinabang at pagkukumpisal. Oh Felisa! Napasaan kaya ang galang sa santong lugar: napasan kaya ang kanilang kahinhinan! Diyata ' t lilimutin na ng mga babaeng kristiyano yaong utos ng simbahan, pakundangan sa mga angheles? Diyata ' t hanggang sa kumpisala ' y dadalhin ang kapangahasang di nagpipitagang itanyag ang mukha sa Sacerdote? May nakikita at makikipag-ngitian sa lalaking nanasok, ano pa nga ' t sampo ng bahay ng Diyos ay ginagawang pook ng pagkakasala.Itong mga biling huli na ukol sa lalaki, ay ipahayag mo kay Honesto, na bunso tang kapatid. pagbilinan mo siya, na pagpasok sa simbahan, ay huwag makipag-umpukan sa kapwa-bata nang huwag mabighani sa pagtatawanan.Si Urbana kay Feliza -MaynilaFELIZA: Sa alas-siete ' t kami ' y makasimba na, ay kakain kami ng agahan pagkatapos ay maglilibang-libang o maghuhusay kaya ng kani-kaniyang kasangkapan, sapagka ' t ang kalinisan at kahusayan, ay hinahanap ng mata ng taong nagising at namulat sa kahusayan at kalinisan. A-las-ocho, gagamit ang isa ' t isa ng aklat na pinag-aaralan; ang iba ' y darampot ng pluma, tintero ' t ibang kasangkapang ukol sa pagsulat, magdarasal na sumandai bago umupo sa pag-aaral, hihinging-tulong sa Diyos at kay Ginoong Santa Maria, at nang matutuhan ang pinag-aaralan: mag-aaral hanggang alas-diez, oras nang pagleleksyon sa amin ng Maestra; pagkatapos, magdarasal na ng rosario ni Ginoong Stanta Maria. Pag nakadasal na ng rosario, ako ' y nananahi o naglilinis kaya ng damit, at pag kumain ay iginagayak ko ang serbilyeta, linilinis ko ang tenedor, kutsara at kutsilyo, na ginagamit sa lamesa. Ang lahat nang ito ' y kung makita ng Maestrang marumi, kami ' y pinarurusahan. Pagtugtog nang a-las-doce, oras nang aming pagkain ay pasasa-mesa kami, lalapit ang isa ' t isa sa kani-kaniyang luklukan, magbebendisyon ang Maestra sa kakanin, kaming mga bata ' y sumasagot na nakatindig na lahat, ang katawa ' y matuwid at iniaanyo sa lugal. Pagkarinig namin ng ngalang Jesus at Glora Patri , ay itinutungo namin angSi Feliza kay Urbana -PaumbongURBANA: Si Honesto ' t ako ' y nagpapasalamat sa iyo, sa matataas na hatol na inilalaman mo sa iyong mga sulat. Kung ang batang ito ' y makita mo disin, ay malulugod kang di-hamak at mawiwika mo, na ang kanyang mahinhing asal ay kabati ng Honesto niyang pangalan. Masunurin sa ating magulang, mapagtiis sa kapwa-bata, hindi mabuyo sa pakikipag-away, at mga pangungusap na di-katuwiran. Mawilihin sa pag-aaral at sa pananalangin; pagka-umaga ' y mananaog sa halamanan, pipitas ng sangang may mga bulaklak, pinagsasalit-salit ang iba ' t ibang kulay, pinag-aayos, ginagawang ramilyete , inilalagay sa harap ng larawan ni Ginoong Santa Maria; isang asusena ang iniuukol sa iyo, isang liryo ang sa akin at paghahayin sa Reyna ng mga Virgenes, a y linalangkapan ng tatlong Aba Ginoong Maria. Kung makapagkumpisal na at saka makikinabang ang isip ko ' y angelito , na kumakain ng tinapay ng mga angheles, at nakita ko, na ang pag-ibig at puring sinasambitla ng kanyang inosenteng labi, ay kinalulugdan ng Diyos na Sanggol, na hari ng mga inosentes. Ipatuloy mo, Urbana, ang iyong pagsulat, at nang pakinabangan namin: Adyos, Urbana- Felisa .Si Urbana kay Feliza -MaynilaFELIZA: Naisulat na sa iyo, ang madlang kahatulang ukol sa paglilingkod sa Diyos, ngayo ' y isusunod ko ang nauukol sa sarili nating katawan. Sabihin mo kay Honesto, na bago masok sa eskuwela ay maghihilamos muna, suklaying maayos ang buhok, at ang baro ' t salawal na gagamitin ay malins; nguni ' t ang kanilinisa ' y huwag iuukol sa pagpapalalo. Huwag pahabaing lubha ang buhok na parang tulisan, sapagka ' t ito ang kinagagawian ng masasamang-tao. Ang kuko ay huwag pahahabain, sapagka ' t kung mahaba ay pinagkakahiratilang ikamot sa sugat, sa ano mang dumi ng katawan, nadurumhan ang kuko, at nakaririmarim, lalung-lalo na sa pagkain. Bago mag-almusal, ay magbigay muna ng magandang araw sa magulang, maestro o sa iba kayang pinaka-matanda sa bahay. Sa pagkain, ay papamihasahin mo sa pagbebendisyon muna, at pagkatapos, ay magpapasalamat sa Diyos. Kung madurumhan ang kamay, mukha o damit, ay maglinis muna bago pasa-eskuwela. Huwag mong pababayaan, na ang plana, materia, farsilla o regla, papel, aklat at lahat ng gagamitin sa paaralan ay maging dungis-dungisan. Kung makikipag-usap sa kapwa-tao ay huwag magpapakita ng kadunguan, ang pangungusap ay tutuwirin, huwag hahaluan ng lamyos o lambing, huwag kakamutkamotaSi Urbana kay Feliza -MaynilaFELIZA: Itong mga huling sulat ko sa iyo, na may nauukol sa kalagayan mo, at ang iba ' y aral kay Honesto, ay ipinauunawa ko, na di sa sariling isip hinango, kundi may sinipi sa mga kasulatan, at ang karamihan ay aral na tinanggap ko kay Doña Prudencia, na aking Maestra: at siyang sinusunod sa eskuwela namin aya ibig ko disin, na sa ating mga kamag-anak, sa mga paaralan sa bayan at mga bario, * ay magkaroon ng mga salin nito at pag-aralan ng mga bata. Ipatutuloy ko ang pagsasaysay ng mga kahatulan.Bottom of FormSi Honesto, bago pasa-eskuwela, ay pabebendisyon muna kay ama ' t kay ina; sa lansangan ay huwag makikialam sa mga pulong at away na madaraanan, matuwid ang lakad, huwag ngingisi-ngisi, manglilibak sa kapwa-bata, o lalapastangan sa matanda, at nang huwag masabi ng tao na walang pinag-aralan sa mga magulang. Kung magdaraan sa harap ng simbahan, ay magpugay, at kung nalalapit sa pintuan ay yuyukid. Pagdating sa bahay ng maestra ay magpupugay, magbibigay ng magandang araw, o magandang hapon, magdasal na saglit; sa harap ng mga santongSi Urbana kay Felisa -MaynilaFELIZA: Sa malabis na kadunguan ng mga bata kung kinakausap ng matanda o mahal kayang tao, ang marami ay kikimi-kimi at kikiling-kiling, hindi mabuksan ang bibig, turuan mo, Felisa, si Honesto, na huwag susundin ang ganong asal, ilagay ang loob sa kumakausap, sagutin nang mahusay at madali ang tanong, at nang huwag kayamutan.Kung mangungusap ay tuwirin ang katawan, ayusin ang lagay. Ang pagsasalita naman ay susukatain, huwag magpapalampas ng sabi, humimpil kung kapanahunan, at nang huwag pagsawaan. Kung nakikipag-usap sa matanda ma ' t sa bata, ay huwag magsabi ng hindi katotohanan, sapagka ' t ang kabulaanan ay kapit sa taong taksil o mapaglilo.Ang pagsasalita ay sasayahan, ilagay sa ugali, ituntong sa guhit, huwag hahaluan ng kahambugan, at baka mapara doon sa isang nagsalitang hambog, na sinagot ng kausap. Fuu, Fuu , na ang kahulugan ay, habagat, habagat. Huwag magpalamapas ng sabi at baka maparis doon sa isang palalo na sinagot ng kaharap: hintay ka muna, kukuha ako ng gunting at gugupitin ko ang labis.Sa pakikipagharap, ay mabuti ang nagmamasid sa kinakausap, at kung makakita ng mabuting asal sa iba, at saSi Urbana kay Feliza - MaynilaURBANA: MINAMAHAL KONG KAPATID. Ang isang sulat ay isang pagsasalin sa papel ng nasa-isip at sa loob ipinagkakatiwala, at nang matanto ng pinagpapadalhan.Ang sulat ay isang salitaan sa papel, kaya ang titik ay dapat linawan, at ang pangungusap ay ilagay sa ugali.Kung ang sinusulatan ay kaibigan at kapahayagan ng loob, ay pahintulot na humaba ang sulat, palibhasa ' y marami ang masasaysay.Kung ang ibig-sabihin sa sulat, ay isang bagay lamang, at ang sinusulatan ay di kaibigan, hindi karampatan ang magsaysay ng ibang bagay.Ang sulat ay ibabagay sa sinusulatan, at gayon din ibabagay ang pakikipag-usap.Iba ang sulat ng mataas sa mababang tao, at ng mababa sa mataas: iba ang sulat ng matanda sa bata, at ng bata sa matanda.Ang galang na kailangang gamitin ng bata sa matanda hindi kailangan sa sulat ng matanda sa bata; maliban na lamang, kung sa bata ay may nakikitang bagay na sukat-igalang.Si Urbana kay Felisa - MaynilaFELIZA: Alinsunod sa sinabi ko sa iyo na ako ' y magpapadala ng mga panuto sa pagsulat, ipababasa mo kay Honesto itong mga kasunod.Pupunuan ng mayusculas ang mga pangalan at apellido ng tao, kaparis ng Francisco Baltazar ; ang sa mga kaharian, siyudad, bayan, lalawigan, bundok, dagat, ilog, batis, para ng España, Maynila, Binyang, Batangas, Arayat Oceano, Pasig, Bumbungan; gayon di ang ngalan ng karunungan, para ng Teologia, ng Artes , para ng Gramatica, Poesia; gayon din ang ngalan ng mga katungkulan, para ng General, Papa, Arzobispo.Gayon man kung sa oracion o isang sabing buo ang mga ngalan ng karunungan, artes , at iba pang sinabi ko, ay di pinagkapangulo, ay pupunuan ng letrang munti, kaparis nitong halimbawang kasunod; si Benito at si Mariano ay kapwa nag-aaral sa pandayan.Feliza, turuan mo si Honesto nang matutong maglagay sa sulat ng mga notas o tanda. Ang mga notas ay ito: Coma (,): Punta y coma (;): Dos puntos (:): Admiracion (!): Interrogacion (?): Parenthesis ( ): Puntos suspensirosSi Urbana kay Feliza - PaumbongURBANA: Tinanggap ko ang mga sulat mo at ako ' y napasasalamat sa iyo at kami ni Honesto ay pinagsasakitan mong matuto.Aking iniutos sa kaniya na pag-aaralan ang mga panutong padala mo; tinanggap nang buong tuwa at nagsakit mag-aral. Sa kaniyang pagpipilit ay natuto; at ang wika mo na di lamang siya ang makikinabang ay pinatutuhanan. Nang matutuhan na, ay itinuturo naman sa iba; at palibhasa ' y ang magaling ay hindi matahimik Bottom of Formsa isa kundi sa nagpapakitaan ng kani-kanilang sulat at kung may mabating mali ng kapwa-bata, ay binabago ang sulat. Ang sulat kong ito ay titik ni Honesto. Adyos, Urbana.- Feliza.


What is the summary of Urbana at Feliza?

In retrospect, Urbana at Felisa should be perceived as a text not only mean to regulate conduct and behavior, but as a discourse to contain the moral excesses of the period and affirm basic Christian tenets.