answersLogoWhite

0


Best Answer

Ang sumusunod ay ilan sa mga kahulugang ibinagay ng ilang mga libro para sa asignaturang ekonomiks. Bagamat tama ang lahat, iba-iba ang pananaw ng bawat isa ukol sa asignatura. Maari nating kunin ang mahahalagang puntos ng bawat isa sa pagbuo ng sarili nating kahuluguhan. Heto ang ilan sa mga kahulugan ng ekonomiks:

  • Ang ekonomiks ay isang agham-panlipunan na tumatalakay sa limitadong yaman, mga pangangailangan at walang katapusang luho ng tao, at sa lubusang paggamit ng mga yaman ng mundo.
  • Ang ekonomiks ay agham na tumatalakay sa produksyon at distribusyon ng yaman ng bansa.
  • Ang ekonomiks ay agham-panlipunang tumatalakay sa kung paano maaaring maimpluwensyiyahan ang isang tao dahil sa sistema ng ekonomiya.
  • Ang ekonomiks ay agham-panlipunang tumatalakay sa pagpili ng likas na yaman kung saaan sagana ang isang pamahalaan.
  • Ang ekonomiks ay isang agham na nag-aaral sa gawi ng taong may kinalaman sa ugnayan ng pangangailangan at kakapusang may alternatibong gamit.
  • Ang ekonomiks ay pag-aaral ng sangkatauhan sa pangkakaraniwang pang-araw-araw na buhay. Sinusuri nito ang bahagi ng kilos ng tao at pangkahalatang iniuugnay sa pagkakamit at paggamit ng pangunahing pangangailangang materyal ng tao.
  • Ang ekonomiks ay ang pag-aaral kung paano tinustustusan ng tao o lipunan ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mahusay na alokasyon o pagbabaha-bahagi ng pinagkukunang-yaman.
  • Ang isang makabuluhang kahulugan ng ekonomiks ay maaring hatiin sa apat na mahahalagang bahagi:

Isang agham-panlipunan

Limitadong yaman

Mga pangangailangan at walang katapusang hilig at luho ng tao

Lubusang paggamit.

  • Ang ekonomiks ay isang agham dahil ginagamitan ito ng mga tsart, grap, at matematika sa mga pagsusuring ukol dito. Higit pa rito ay sinusunod nito ang mga pamamaraan ng paglulutas sa mga suliraning iginawad sa sangkatauhan ni Sir Francis Bacon, ang scientific method. Gaya ng ibang mga agham, naniniwala ang ekonomiks sa kalipunan ng mga hakbang na dapat isagawa upang malutas ang mga suliranin sa asignaturang ito. Kinakailangan muna tukuyin ang problema, gumawa ng hypotheses, mag-obserba at kumalap ng mga datos, bago guamawa ng konklusyon. Sa tulong ng pamamaraang ito lamang, ayon kay Bacon, maari nating masiguro ang mga konklusyong ating binubuo bilang kalutasan sa mga suliranin.

Ayon kay Paul Wonnacott Ang ekonomiks ay isang pag-aaral kung paano ang tao naghahanap-buhay, naghahanap ng pagkain at iba pa ng pangangailangang materyal. Binibigyang pansin ang mga suliraning pangkabuhayan sa pamamagitan ng pamamaraan kung paano malulunasan o mababawasan ang mga ito.

Ayon kay Roger Le Roy Miller Ang mga kalagayan na nangangailangan ng kapasayahan kung paano, kailan, at saan gagamit ang sapat na pinagkukunang yaman.

Ayon kay Lloyd Reynolds Ito ay ang pag-aaral na may kinalaman sa produksyon, pamamahagi at paggamit ng pinagkukunang yaman.

Ayon kay Gerardo Sicat Ayon sa kanya ang ekonomiks ay isang makaagham na pag-aaral na tumutukoy kung paano gumagawa ng pasya ang isang tao o lipunan. Maraming pangangailangan ang mga tao at pangkat ng lipunan at upang matugunan ito, may pinagkukunang yaman na dapat gamitin subalit hindi ito makasasapat sa pangangailangan at ang paggamit ay maaaring sa ngayon at bukas. Kaya naman ang tamang pagpapasya o pagpili ay isinasaalang- alang ang ngayon at bukas. Bukod dito ang paggamit ng likas na yaman ay may kakulangan ngunit may kaukulan na halaga at pakinabang na nangangailangan ng wastong kapasyahan.

Ayon kay Clifford James Kabuuan ng nalalaman, bunga ng pakikipag-ugnayan ng tao sa pagnanais na magkakita sa kabuhayan.

User Avatar

Wiki User

12y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Wiki User

13y ago

ang economics ay isang agham panlipunan na tumutukoy sa lubusang paggamit ng limitadong yaman upang matugunan ang pangangailangan at walang hanggang hilig ng isang Tao

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Anu ang kahulugan ng ekonomiks
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp