answersLogoWhite

0

PELIKULA

*Isang obrang pansining na kakikitaan ng galing, tradisyon, kultura, kaugalian, saloobin, at pagpapahalaga ng tao/bansang pinagmulan nito.

*Salamin ng bayan

*Ito ay may responsibilidad sa dimensyong sosyal.

*Libangan ng mga tao.

*Ito ay isang uri ng media na may malaking epekto sa pag-iisip at pag-uugali ng mga manonood.

*Iba iba ang pinapaksa ng pelikula.

Ang pagsasagawa ng pelikula ay nangangailangan ng mahabang proseso. Maraming salik o elemento ang isinaalang-alang. Ang mga ito ay ang mga sumusunod.

1. Direksyon: Paano ipinahahatid ng director ang mensahe ng pelikula? Bakit siya tinatawag na kapitan ng barko sa paggawa ng pelikula?

2. Pagganap: Nabigyang lalim at bisa ba ang pagsasabuhay ng mga karakter? Makatarungan ba ang Pagganap ng mga actor at mga aktres?

3. Istoryang Pampelikula: Kapana-panabik ba ang bawat pangyayari sa kwento? Paano binigyang-linaw ang mga pangyayari sa istorya?

4. Disemyong Pamproduksyon: Angkop ba sa istorya at mga tauhan ang mga ginamit na kagamitan, kasuotan, tanawin, set at panahaon?

5. Sinematograpiya: Tiyak at masining ba ang bawat anggulo ng kamera, ang bawat galaw, ang layo o lapit na nais marating, liwanag at dilim sa pag-iilaw, mga hugis, anino at kulay?

6. Editing: Mahusay ba ang pagkakaedit ng pelikula? Hindi ba naapektuhan ang kabuluhang estetiko ng pelikula sa pagkakaedit ng ilang eksena?

7. Musikal Iskoring: Pinatitingkad ba at angkop ang mga musika at mga tunog na ginamit sa iba't ibang emosyon sa bawat eksena ng pelikula?

8. Paglalapat ng tunog: Malinaw ba ang dating ng mga dayalog sa pelikula? Nauuna ba o nahuhuli ang mga tunog sa bawat eks

User Avatar

Wiki User

14y ago

What else can I help you with?