Buhat nang mapatakbo ni Toniong Tandang si Tenoriong Talisain ay humanap na ng ibang libutan ang natalong katyaw at doon sa bagong libutan ay medaling nakapamayagpag na muli ang talisain.
Ang mga katyaw na leghorn doon ay medaling nasilaw sa balitang bilis at lakas ni Tenoriong Talisain. At madali niyang naging kaibigan ang pinakamaganda sa mga banyagang manok na si Lolitang Leghorn.
Isang araw ay galit nag alit na umuwi si Dinang Dumalaga.
"Naku!" ang bulalas ni dumalaga. "Ako opala'y sinisiraan ni Tenoriong Talisain. Ako raw ay naging kasintahan niya..."
"Diyata?" ang bulalas din ni Aling Martang Manok.
"At katakut-takot na paninira daw laban sa mga kalahi ang ginagawa ng talisaing iyan. Tayo raw ay ikinahihiya niya. Masamang lahi raw tayo."
Gayon din ang ikinagalit ni Toniong Tandang nang siya ay dumating.
"Napakasamang manok iyang si Tenoriong Talisain," ang wika ng tandang. "Kaganina'y nakita ko. Kung lumakad at magsalita'y ginagaya niya ang mga leghorn. Ang balita ko pa'y nagpapakulay dawn g balahibo upang maging mistulang leghorn na. nakapanginginig ng laman..."
"Bayaan ninyo siya," ang wika ni Aling Martang Manok. "Pagsisisihan din niya ang kanyang ginagawang iyan."
Ilang araw, pagkatapos ay dumating si Toniong Tandang na kasama si Tenoriong Talisain. Gusut-gusot na ang balahibo ng katyaw. Pilay ang isang paa, pasa-pasa ang buong katawan at Hindi halos makagulapay.
"Bakit? Ano ang nangyari?" ang tanungan ng mga kalahing manok.
"Iyan pala ay maluwat nang nakakainisan ng mga katyaw na leghorn," ang wika ni Tenoriong Talisain. "Kangina'y nakita ko na lamang na pinagtutulungan ng apat na katyaw na leghorn."
"Bakit Hindi mo pa pinabayaang mapatay?" ang wika ng mga kalahing manok. "Tayo rin lamang ay ikinahihiya niya at itinatakwil pa..."
"Talaga nga sanang ibig ko nang pabayaan," ang wika ni Toniong Tandang. "Ngunit Hindi rin ako nakatiis. At talaga namang kung Hindi ako sumaklolo'y nasirang Tenoriong Talisain na siya ngayon."
"Nakita mo na, Tenoriong Talisain!" ang wika ni Aling Martang Manok. "Iyang kalahi, kahit masamain mo'y talagang Hindi makatitiis."
Buhat nang mapatakbo ni Toniong Tandang si Tenoriong Talisain ay humanap na ng ibang libutan ang natalong katyaw at doon sa bagong libutan ay medaling nakapamayagpag na muli ang talisain. Ang mga
katyaw na leghorn doon ay medaling nasilaw sa balitang bilis at
lakas ni Tenoriong Talisain. At madali niyang naging kaibigan ang
pinakamaganda sa mga banyagang manok na si Lolitang Leghorn.
Isang araw ay galit nag alit na umuwi si Dinang Dumalaga.
"Naku!" ang bulalas ni dumalaga. "Ako opala'y sinisiraan ni Tenoriong Talisain. Ako raw ay naging kasintahan niya..." "Diyata?" ang
bulalas din ni Aling Martang Manok. "At
katakut-takot na paninira daw laban sa mga kalahi ang ginagawa ng
talisaing iyan. Tayo raw ay ikinahihiya niya. Masamang lahi raw tayo."
Gayon din ang ikinagalit
ni Toniong Tandang nang siya ay dumating. "Napakasamang
manok iyang si Tenoriong Talisain," ang wika ng tandang. "Kaganina'y
nakita ko. Kung lumakad at magsalita'y ginagaya niya ang mga leghorn.
Ang balita ko pa'y nagpapakulay dawn g balahibo upang maging mistulang leghorn na. nakapanginginig ng laman..." "Bayaan ninyo siya," ang wika ni Aling Martang Manok. "Pagsisisihan din niya ang kanyang ginagawang iyan."
Ilang araw, pagkatapos ay dumating si Toniong Tandang na kasama si Tenoriong Talisain. Gusut-gusot na ang balahibo ng katyaw. Pilay ang isang paa, pasa-pasa ang buong katawan at Hindi halos makagulapay.
"Bakit? Ano ang nangyari?" ang tanungan ng mga kalahing manok.
"Iyan pala ay maluwat nang nakakainisan ng mga katyaw na leghorn,"
ang wika ni Tenoriong Talisain. "Kangina'y nakita ko na lamang na
pinagtutulungan ng apat na katyaw na leghorn."
"Bakit Hindi mo pa pinabayaang mapatay?" ang wika ng mga kalahing manok. "Tayo rin lamang ay ikinahihiya niya at itinatakwil pa..."
"Talaga nga sanang ibig ko nang pabayaan," ang wika ni Toniong Tandang. "Ngunit Hindi rin ako nakatiis. At talaga namang kung Hindi ako sumaklolo'y nasirang Tenoriong Talisain na siya ngayon." "Nakita mo na, Tenoriong Talisain!" ang wika ni Aling Martang Manok. "Iyang kalahi, kahit masamain mo'y talagang Hindi makatitiis."
(Cherie AMOUR G. Cabrera ako gumawa nito!!!!pa-aad nalang ako sa FB. ko...."hisunako@ymail.com")
PANGKAT, KALAHI
Ano ang kwento sa Tagalog?
Ano ang mabuti at masamang epekto ng industriyalisasyon sa bansa
BOOM
Ano ang pagkaka pareho ng dagki at maikling kwento?
ano ang kwento ni eraman sa sinag sa karamlan
ang ibang adarna
kwento na naka plot diagram
simula,gitna at wakas
ano ang kahulugan na napanaginipan ang malaking isda
sa kwentong ang ambahan ni ambo ano ang mahahalagang pangyayari sa kwento?
English are hard-working, industrious, and/or diligent.