saan tumayo ang naghawak ng watawat
The accused stood up.
una,dapat tumayo muna ng matuwid,at dahan-dahang lumakad sabay ang kamay at paa.
Paso 1.paso-pinaglalagyan ng halaman2.paso- sugat sa katawanBaka1.baka-hayop2.baka-hulaTasa1.tasa-baso2.tasa-sa lapisBukas1.bukas-open2.bukas-tommorowBuhay1.buhay-alive2.buhay-lifeHuli1.huli-wala sa oras2.huli-nakuhaTubo1.tubo-lumaki o lumago na2.tubo-daluyan ng tubig3.tubo-kita sa pagtitindaGabi1.gabi-gulay2.gabi-madilim na bahagi ng mundoInakay1.inakay-tinulungan o inilalayan2.inakay-sisiwBaboy1.baboy-magulo o sira2.baboy-uri ng hayopKita1.kita-sweldo2.kita-nakita, natanawTalon1.talon-anyong tubig2.talon-lumundag
MGA SALITANG MAGKAPAREHO ANG BAYBAY NGUNIT MAGKAIBA ANG KAHULUGAN1.Lobo-isang uri ng laruan-isang uri ng hayop2.Sawa-ayaw na-isang uri ng ahas3.Pino- isang uri ng puno- maliit na maliit4.Pila- baterya- nanay5.Kita- tanaw- sweldo6.Paso- luma na- lalagyan ng halaman7.Pako- isang uri ng halaman- gamit ng karpintero8.Sulat- liham- pagsasatitik ng iniisip9.tuyo- isang uri ng isda- hindi basa10.Binasa- tinapunan ng tubig- tinignan11.Mahal- mataas ang presyo- Gusto12.Puno- puno na- puno13.Upo- isang uri ng gulay- umupo14.Galing- may alam- agimat15. Tayo- tumayo sa inuupuan- ako At iKaw16.TuBo- kInitAnG pEra- sIbol17.Taat- WaGas- sa harap18. Bali- hindi tumupad- nautol19. Sipa- laruan- tadyak20. Ayos- malinis- tama
PIRARATING NITO NA KAILANGANG MAHALIN NATIN ANG SARILING ATIN O ANG ATING BANSA UPANG TAYO AY MATUTONG TUMAYO SA SARILI NATING MGA PAA NA HINDI NAGPAPASAKOP SA IBANG BANSA SA ASYA.
Ang kuwento ng mabuting samaritano ay tungkol sa isang lalaking tinulungan ang isang taong nasugatan sa kalsada, kahit hindi nila magkaugnay. Ipinapakita nito ang halaga ng pagmamalasakit at pagtulong sa kapwa kahit sino pa sila.
ANG MATALIK KONG KAIBIGAN Tulad ng nakagawi-an kong gawin, pagkarating ko sa bahay mula sa paaralan, hinanap ko ang pahayagan. Ipinatong ko ang pagod kong paa sa bangketo at inumpisahan kong basahin ang kolum ni George Nava True tungkol sa kalusugan at mga sakit sa katawan.Sunod kong tinunghayan ang Entertainment at pagkatapos nito, sinulyapan ko ang mga pangalan ng mga namatay sa obituary.Laking gulat ko nalang ng nakita ko ang pangalan ng matalik kong kaibigan. Bigla akong tumayo na naninikip ang dibdib.Sinabi ko sa nanay na namatay na si Rivhard at pupuntahan koagad sa St.'s Peters Chapel kung saan siya nakaburol.Sa St.'s Peters, sinabi sa information na sa huling silid sa kaliwa naroon ang aking kaibigan.Sa pagkapasok ko pa lamang sa silid ay nakita ko na agad ang iba naming kabarkada. Puro sila malu-lungkot at halos maiyak-iyak.Di ko mapigil ang aking luha habang minamasdan ang mukha ni Richard sa loob ng kabaong. May mga tapal ang kanyang pisngi at noo. Lumapit sa aking ang kapatid niyang si Cristine. "Nabundol ang kotseng sinasakyan niya.""Saan nangyari ito?" ang tanong ko."Sa may Magallanes Village, sa Expressway, noong Sabado. Walang ngang nakakita sa plate number nong truck. Hit and run kasi ang nangyari.""Nanghinga ako nang mabasa ko sa pahayagan ngayong hapon. Nagmamadali nga akong pumarito," wika ko.Isang mabait at masayang kaibigan si Richard. Marami siyang kaibigan, mahirap at mayaman. Buhat pa ng maliliit kami ay mag kaibigan na at madalas magakasama, nagbabasketball, namamasyal, nagsisimba, at iba pang gawain ng mga bata.Bakit kaya siya binawi-an ng buhay? Labing pitong gulang pa lamang siya. Marami pa sana siyang magagawa at matutulungan. Nasabi ko tuloy sa sarili na hindi nga pala nakatitiyak ang sinuman kung kailan darating ang kamatayan. Maaaring sa araw na ito o, sa madaling panahon.Kailangang maging handa sa lahat ng oras. Kailangan ang paghingi ng awa at kalinga sa DIYOS, at ang pagiging mabait.Nakilibing ako kay Richard at sa tabi ng kanyang hukay ay ipinangako ko na gagawan ko ng istorya ang buhay niya at ang ipapamagat ko nito ay "Ang Matalik Kong Kaibigan."+..- JEBZ
Buod ng Paalam sa Pagkabata ni Nazareno D BasWala akong nakikitang pagbabago. Tulad nang nagdaang mga madaling-araw: ang ginaw, katahimikan, dilim - iyon din ang bumubuo ng daigdig ng aking kamalayan. Maraming bagay ang dapat mailarawan. Ngunit alam kong iisa lamang ang kahulugan ng mga iyon. Alam ko.Sa kabilang silid, sa kwarto nina Nanay at Tatay, naririnig ko ang pigil ng paghikbi. Umiiyak na naman si Nanay. Ang sunod-sunod na paghikbi ay tila pandagdag sa kalungkutan ng daigdig. Napabuntung-hininga ako. Umiiling-iling. Hanggang ngayon hindi ko pa nakikita ang tunay na dahilan ng damdaming iyon na matagal nang umalipin sa kanya.Walang malinaw sa aking isipan. Mula sa aking pagkamulat ang pagkainip ay kakambal ng aking buhay. Sa aking pag-iisa di ko maiwasan ang pangarap na magkaroon ng batang kapatid na nag-aangkin ng mabangong hininga at taglay ang ngiti ng isang anghel. Ngunit ang damdamin ko'y tila tigang na lupang pinagkaitan ng ulan.Maliwanag na ang silangan nang ako'y bumangon. May bago na namang umaga. Ngunit ang tanawin sa bahay ay walang pagbabago. Tulad ng dati, nakikita ko si Nanay na nakaupo at nag-iisip sa may hagdanan. Nakatitig siya sa sampayan ng lambat ni Tatay. At madalas ang kanyang pagbubuntong-hininga.Matagal ko nang nakikita ang sampay na lambat. Ngunit hindi ko nakikitang ito'y ginagamit ni Tatay. Noon ay walang halaga ito sa akin. Nagsimula ang pagpansin ko sa lambat noong ito'y tinapon ni Nanay mga dalawang taon na ang nakakaraan. Galit na galit si Tatay sa ginawa ni Nanay. Pinagbuhatan ni Tatay ng kamay si Nanay. Pagkatapos ipinabalik kay Nanay ang lambat sa sampayan."Hanggang ngayon ba'y hindi ka pa nakakalimot, Tomas? Alam ng Diyos na wala akong kasalanan. Ang kanyang ginawa ang siya mong ginagawa tuwing ikaw ay darating sa madaling-araw. Ang kanyang amoy ay siya ring amoy na galing sa dagat. Magkatulad ang inyong ikinikilos. Sino ang hindi mag-aakala na siya ay hindi ikaw? Huli na nang malaman ko ang katotohanan. Huli na nang siya ay aking makilala. Totoong lumigaw siya sa akin. At mula noon ay alam mo iyon. Ikaw ang aking iniibig, Tomas. Kailan mo pa malilimutan ang nangyari?"Tuluyang umiyak si Nanay. Umungol lamang si Tatay. Nanlilisik ang matang tumingin sa lambat at pagkatapos ay bumaling sa akin. May ibig sabihin ang tingin niyang nag-aapoy. Maliban sa takot na aking nararamdaman ay wala akong naintindihan sa pangyayaring iyon.Mula noon ay hindi na ginalaw ni Nanay ang lambat. Naluma na ito ngunit buong-buo pa rin sa aking paningin. Buong-buo pa rin sa paningin ni Nanay. Ano kaya ang misteryong napapaloob sa lambat na iyon? Alam kong alam ni Nanay ang hindi ko nalalaman. At kailangang malaman ko ito. May karapatan akong malaman.Nilapitan ko si Nanay na malalim pa rin ang iniisip. Hinalikan ko ang kanyang kamay. May ibig akong itanong tungkol sa misteryo ng lambat. Ngunit nauntol ang ibig kong sabihin nang magpatuloy ang kanyang pagluha."Lakad na Celso, malapit nang dumating ang Tatay mo."Sa labasan, sumalubong sa akin ang bagong araw. Tumingin ako. Maliwanag ang langit. Langit? May gumugulo sa aking kalooban. Kalawakan. Iyan ang sabi sa aking guro sa ikaapat na baitang ng primarya. Iyan ay hindi langit kundi hangganan lamang ng pananaw ng tao. Ang langit ay nasa tao. Hindi nakikita. Hindi nahihipo. Hindi naaabot. Naabot na kaya ni Nanay ang langit?"Ano pa ang hinihintay mo, Celso?"Ipinahid ko sa mukha ang suot kong sando. Humakbang pagkatapos. Maya-maya'y tumakbo na ako ng matulin.Nasa dalampasigan ang mamamili ng isang dala ng mga bangkang galing sa laot. Masasaya silang nagkukuwentuhan habang hinihintay ang mga mangingisda. Sumalampak ako sa buhangin, malapit sa kinauupuan ng dalawang lalaking may katandaan na. Sa laot ako nakatingin at pinagmamasdan ang galaw ng mga alon na pandagdag sa kagandahan ng kalikasan.Napalingon ako nang makarinig ng tugtog ng gutara mula sa di-kalayuang bahay-pawid. At sabay kong narinig ang malungkot na awiting nagsasaad ng kasawian sa pag-ibig. At mula na namang naantig ang aking damdamin. Habang pinakikinggan ko ang malungkot na kundiman umalingawngaw ang mahinang pag-uusap ng dalawang lalaki sa tabi ko."Naririyan na naman siya.""Talagang pambihira ang kanyang pagmamahal. Naniniwala akong nagpapatuloy ang kanyang pangarap habang di pa namamatay ang babae sa kanyang buhay. Hindi nawawala ang kanyang pag-asa. Kung kailan natutupad ang kanyang pangarap Diyos lamang ang nakakaalam."Dinig na dinig ko ang mga kataga habang nagpapatuloy ang malungkot na kundimang naging bahagi na ng aking buhay. Tumayo ako at ibinaling ang paningin sa bahay-pawid sa ilalim ng kaniyugan. Patuloy ang awitin. Humakbang ako ngunit biglang napatigil sa harap ng dalawang lalaking may katandaan na. Naalala ko ang sabi ni Tatay. Bawal pumunta sa bahay-pawid na iyon. Mahigpit ang utos ni Tatay. Nagbabanta ng parusa.Lumingon ako sa laot. Nasa malayo ang mga bangka ng mga mangingisda. Bumaling ako sa pinanggalingan ng awit na ngayo'y gumaganda sa aking pandinig. At para akong hinihila. Nakalimutan ko ang ipinagbabawal ni Tatay. Mabilis ang aking paglakad at sa ilang saglit kaharap ko na ang taong naggigitara at umaawit. May luha ang kanyang mga mata.Tumitig siya sa akin. Inilapag ang gitara sa ibabaw ng papag na kinauupuan. Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Kinabahan ako. Umakma akong tumakbo ngunit nahawakan niya ang isa kong kamay. Nagpumiglas ako upang makawal sa kanyang pagyapos sa akin. Ngunit lalong humigpit ang kanyang pagyakap. Umiiyak ako.Ngumiti siya at pinahid ang aking mga luha. Hinimas ang aking ulo. Unti-unting lumuwag ang aking paghinga. Nararamdaman ko ang kanyang pagmamahal nang tumingin ako sa kanya. Muli niya akong niyapos."Dalawin mo ako palagi, ha?"Hindi ako kumibo. Tinitigan ko siya. Ang kanyang mga mata, ang ilong, ang labi - lahat parang nakita ko na. Saan? Alam ko na, sa salamin. Talagang siya ang nakita ko sa salamin na nakasabit sa dingding ng aming bahay.Napatingin ako sa dalampasigan nang marinig ko ang hiyawan. Nagdatingan na pala ang mga bangka at nag-uunahan ang mga mamimili ng isda. Nagmadali akong tumakbo upang salubungin ang Tatay. Malayo pa ako ng makita ko siyang nakatayo sa may dinaungan ng kanyang bangka. Natanawan niya ako. Masama ang titig niya sa akin. Galit. Kinabahan ako."Lapit rito, Celso!"Malakas ang sigaw ni Tatay. Nanginginig akong lumapit. At bigla akong sinampal."Di ko gusto ang batang matigas ang ulo! Di lang sampal ang matitikman mo kapag umulit ka pa. Hala, kunin mo ang mga isda at sumunod ka kaagad sa akin."Habang naglalakad ay sinalat ko ang pisnging nakatikim ng sampal. Talagang mahirap intindihin si Tatay. Wala namang dahilan upang iwasan ko ang taong nasa bahay-pawid. Di naman dapat katakutan ang kanyang mukha at boses. Bakit kaya hinihigpitan ako ni Tatay?Matapos akong mag-almusal, nandoon na naman si Tatay sa sampayan ng lambat. Nakatabako at nagtatagpi ng punit na bahagi ng lambat. Alam kong aabutin siya ng tanghali bago matapos ang kanyang gawain. Matapos makapananghalian siya'y matutulog. Pagkagising maghahapunan. At di pa man ganap ang gabi balik na naman sa dagat. Iyan ang buhay ni Tatay. At iyan ang bahagi ng aking buhay.Sa aking kinauupuan sa may bintana nakikita ko sa Nanay na nakaupo sa may hagdanan. Tahimik at nakatingin na naman sa sampayan ng lambat. Luhaan na naman ang kanyang mga mata. At naalala ko ang pangyayari noong itinapon ni Nanay. Lahat may itinatagong kahulugan. At naalala ko ang nangyari kanina sa dalampasigan. Naalala ko iyong tao.Lumapit ako sa salamin sa dingding. Pinagmasdan ko ang aking sarili. Nakita ko sa aking isipan ang mukha ng tao. Unti-unting lumiwanag ang aking kamalayan. Biglang kumulo ang aking dugo habang iniisip ang nakasampay na lambat. Nagdilim ang aking paningin. Nadama kong inihahanap ko ang katarungan ang aking kalagayan.Nagpunta ako sa kusinaan. Hinanap ko ang itak ni Nanay na pangsibak ng kahoy. Bitbit ko ito at pinuntahan ang sampayan ng lambat. Pinagtataga ko ang lambat."Huwag, Celso!" saway ni Nanay na nanginginig ang boses. "Huwag!"Naiiba sa aking pandinig ang pagsigaw ni Nanay. Pati si Tatay ay natigilan at nabigla sa aking ginawa ay hindi ko pinansin. Hinalibas ko ng itak ang lambat at saka lang ako tumigil nang ito'y magkagutay-gutay na at nagkalat sa aking paanan."Celso!"Nag-aapoy ang mga mata ni Tatay na humarap sa akin. At sa unang pagkakataon ay hindi ko inalis ang aking tingin sa kanya. Nilabanan ko siya ng titigan. Di ako nagagalit kundi humihingi lamang ng pang-unawa. Ngunit bigla akong napatimbuwang nang matamaan ng malakas na suntok at napahiga sa pira-pirasong wasak na lambat.Nahihilo ako, parang ibig himatayin. Umiikot ang aking paningin. Parang may nakita akong anino - si Tatay na sumusurot kay Nanay."Ngunit, Tomas," nagmamakaawa si Nanay. "Wala siyang kasalanan. Maawa ka sa kaniya.""Pumanhik ka, Isidra!" singhal ni Tatay. "Pumanhik ka na habang ako'y nakapagpipigil pa."Dahan-dahan akong bumangon at sumuray-suray na lumapit kay Tatay. Ngunit isang tadyak ang sumalubong sa akin. Napatihaya ako ngunit tinangka kong makatayo. Mabigat ang pakiramdam ko sa aking katawan at ako'y gumagapang. Ngunit sinabunutan ako ni Tatay at iningudngod sa lupa ang aking mukha. Humihingal ako ngunit di ko makuhang umiyak. Nasasalat ko ang magkahalong dugo at pawis sa aking pisngi.Di ko pansin ang mga gasgas sa dalawang siko. Sa labis na panghihina'y umusad ako nang umusad. Hanggang sa nangangatog kong mga bisig ay yumapos sa mga binti ni Tatay. Naramdaman ko ang panlalamig ng katawan at ako ay napahandusay sa kanyang paanan.Hindi ko na alam kung gaano katagal ang pagkawala ng aking malay. Naramdaman ko na lamang may maiinit na mga bisig na yumayakap sa akin. Kinusot ko ang aking mga mata. Sumalubong sa aking paningin ang maamong mukha ni Tatay. Pagsisisi. Pag-unawa. Lahat ay kasalungat sa dati niyang gawa. Lalong humigpit ang kanyang pagyakap at kinabig ang aking mukha sa kanyang dibdib sa tapat ng kanyang puso. Matagal
45 Kung Mangarap Ka Nang Matagal(Kabanata Labingwalo)KUMATOK SA PINTO SI KWANG MENG kahit nakabukas ang pinto at nakikita niya si Boon Teik na nakaupo sa sopa at nagbabasa."Tuloy, tuloy," sabi ni Boon Teik na tumayo't inilahad ang isang kamay. "Upo ka! Upo ka! Nasa kusina ang misis ko't tinatapos ang pagluluto ng ating hapunan. "Me-I!" tawag nito, "Narito na si Kwang Meng!"Lumabas ang asawa nito, kasunod si Anne."Me-I, ito ang kapitbahay nating si Kwang Meng," at saka bumaling sa kasunod na nagsasabing , "Palagay ko'y magkakilala na kayo ni Anne, pinsan ni Me-I."Binati ni Kwang Meng ang kabiyak ni Boon Teik. Maraming beses na niya itong nakita noon. Mukhang wala pa itong dalawampu, may maliit na pangangatawan at nakasalaming gaya ni Anne. Talagang namamana pala iyon ng pamilya, naisip niya na natutuwa. Nagulat siyang naroon si Anne."Iiwan muna namin kayong mga lalaki," humihingi ng paumanhin si Me-I. "Pasensiya ka na, Kwang Meng, may gagawin pa kaming mga babae sa kusina, kundi'y hindi tayo makapaghahapunan.""Oo ba," sagot ni Kwang Meng.Nahihiyang nginitian siya ni Anne, nasisiyahang nagulat siya sa pagkikita nila. Nagpunta na kapagkuwan ang mga babae sa kusinang nasa likod ng flat."Ano ang gusto mong inumin, Kwang Meng?" tanong ni Boon Teik."Tama na ang isang beer."Kumuha si Boon Teik ng maiinom nila sa kusina. Iginala ni Kwang Meng ang mga mata sa buong salas. Simple ngunit may panlasa ang mga gamit doon. Light green ang pinta ng kuwarto. Nakasabit sa dingding ang ilang print ng Van Gogh at Cezanne at batik na gawa ng mga local artists. Palibhasa'y walang ibang nakasanayan kundi dingding na puti, naakit si Kwang Meng sa berdeng silid. May isang mahabang bookshelf na puno ng libro roon at saka isang record player na may katabing maraming long-playing records. Nagsabit ang asawa ni Boon Teik ng kurtinang batik na green at gold katerno ng mga cushoion covers para sa sopa at dalawang armchair. Sa itaas, isang malaking Japanese paper lampshade na puti ang nakabitin, at nakatayo naman sa isang sulok sa likod ng mga armchair ang isang lampstand na may pulang lampshade. Sa ibabaw ng maliit, makitid at papahabang coffee table ay nakasalansan ang mga magazine, kasama ng isang bowl na Ikebana, ang Japanese-style na pag-aayos ng mga bulaklak. Hindi na-imagine ni Kwang Meng kailanman na mapagaganda at mapaaaliwalas ang isang flat ng Housing Development Board. Ang bahay nila mismo'y sama-samang kuwarto lamang na mauuwian; walang pagtatangkang gawin itong isang lugar na matitrhan. Ang magagawa nga naman ng kaunting pagsisikap! Interes lamang iyon, ang pangangailangang magkaroon ng interes, isang pangangailang nagsasabi kung may interes sa buhay at pamumuhay ang sinuman, naisip niya.Bumalik si Boon Teik na dala na ang mga inumin."Gusto ko ang pagkakaayos ng lugar n'yo, Boon Teik.""Hindi kami gumasta ng malaki riyan," sabi ni Boon Teik. Si Me-I ang pumili ng karamihan sa mga furniture namin. Mahilig siyang mamili sa dating C.C.C. Junk Shop sa Newton Road gayundin sa mga tindahan sa Sungei Road na nagbebenta ng mga kung anu-anong luma. Alam mo siguro 'yon, kilala rin iyon bilang Thieves' Market."Narinig na ni Kwang meng ang lugar na iyon, pero wala siyang nabalitaan kundi napakabaho ng mga kanal doon. Tiyak na enterprising si Me-I dahil hindi man lang siya napigil ng mabahong amoy. Aywan niya kung totoo ang balita na noong araw, ipinagbibili roon ng mga magnanakaw ang mga nakulimbat nila, kaya kapag may isang napagnakawan, nagpupunta na ito sa Thives' Market umagang-umaga kinabukasan upang mabawi ang ninakawa sa kanya. Siyempre pa'y binibili niya uli ito; ngunit sa mas murang halaga. Doon siguro nito nakuha ang pangalan.Ilang nakapasong halaman na ferns at cacti rin ang nasa salas ni Boon Teik."Talagang dapat kong purihin ang panlasa mo. Parang kulungan ng baboy ang bahay namin kung ihahambing dito," sabi ni Kwang Meng."Pero hindi iyon ang talagang lugar mo! Hintayin mong makapa-asawa ka't magkaroon ng sarili mong flat. Natitiyak kong magagawa mo roon ang lahat ng gusto mong gawin. Parang kulungan din ng baboy ang bahay ng mga magulang ko, at tumira kami roon hanggang noong bagong ikasal ni Me-I. Noong nakatira pa ako roon, hindi ako gumgawa ng kahit ano liban sa mag-ayos ng kuwarto ko. Iba na ngayon. Bahay na namin ito.""Maganda talaga ang pagkakaayos mo," bati ni Kwang Meng sa pangatlong pagkakataon."Sa palagay ko'y napakahalaga nito kung paano namumuhay ang isang tao. Ang isang bahay o tahanan gaya ng buhay, ay nababatay sa kung paano mo inaayos. Ganoon ang dapat maging pakiramdam natin para umayos pati ang sariling buhay natin. Nararamdaman kong hindi ganito ang ginagawa nating ngayong, lalo na tayong mamamayan ng postwar generation. Pasakay-sakay lang tayo, walng direksiyon. Sa eskuwela, ito ang pinipilit kong ituro sa aking mga estudyante. Mahalagang matutuhan nila ito.""Magiging isang mabuting teacher ka, Boon Teik.""Pinipilit ko. Lahat tayo'y dapat magpumilit. Anuman ang ginagawa natin, dapat natin itong pagbutihin.""Kahit walang kahulugan ang trabahong ginagawa mo?" tanong ni Kwang Meng."Walang bagay na talagang walang kahulugan," pagpapalagay ni Boon Teik.Napakalakas ng pagpapalagay na iyon kaya ibig tuloy maniwala ni Kwang Meng, bagaman hindi siya naniniwala. Pero sinabi niya iyon na parang kapani-paniwala, naisip ni Kwang Meng, tulad ng dapat gawin ng isang mabuting guro. Hindi naman talagang ang himig ng awtoridad ang nagdulot doon, kundi ang himig na nagsasaad ng katotohanan. Hinangad ni Kwang Meng na totoo na sana iyon.Ngunit sa halip, sinabi niya, "Hindi ako lubos na naniniwala. May mga bagay at trabahong talagang walang kahulugan." Iniisip niya noon ang sariling trabaho niya."Maaaring walang kahulugan iyon sa tingin, pero hindi naman talaga. Depende iyan sa paraan ng pagtanaw mo. Naniniwala akong dapat itong tanawin mula sa malawak na pananaw ng lipunan. Isang social animal ang tao, dapat muna nating tanggapin ito. Nakabilang siya sa isang lipunan, at para makakilos ang lipunan, kinakailangang magkaroon ng iba't ibang uri ng gawain. Ngunit anumang kategorya o uri ng gawain, ang nagkakaakma silang lahat na parang isa-isang bahagi ng isang masalimuot na makinarya, gaya ng isang relos halimbawa. Sa gayon, makikita mong mahalaga ang kahit isang maliit na piraso, ang bawat bahagi ng kabuuan.""Siguro nga. Pero hindi ba't ito rin ang simulaing ginamit ng mga tao noong unang panahon para pangatwiran ang pangangailangan nilng makapang-alipin? Parang ganito rin ang sinabi ng isang Greek philosopher, di ba? Hindi ko lang matandaan ang pangalan."Pero hindi natin tinatanggap ang pang-aalipin ngayon," sabi ni Boon Teik."Tinatawag lang natin ito sa ibang pangalan, pero iyon din. Ang mapilitang gumawa ng mga tarbahong walang kahulugan sa lipunan ay parang sapilitang pagpasok sa isang uri ng pang-aalipin.""Hindi naman," tutol ni Boon Teik.Dahil walang hilig sa pakikipagtalo, nanatiling tahimik si Kwang Meng. Walang kabuluhan para sa kanya ang pagtatalo dahil bibihirang tanggapin ng isa ang katwiran ng isa pa; bibihirang makumbinsi ang isa at baguhin pagkatapos ang sariling palagay niya, tama man iyon o mali. Hindi, hindi ako maaakit na makipagtalo, pasya niya. Magiging dahilan lang iyon para mainis sa kin si Boon Teik o mainis ako sa kanya; at ayokong mainis kay Boon Teik."Dapat mong maunawaang napakakumplikado ng makabagong lipunan; at habang lalong nagiging makabago ang anyo ng lipunan, lalo itong nagiging kumplikado at sopistikado; at sa ganitong uri ng lipunan, napakaraming mahahalagang uri at kategorya ng mga gawaing itinatakda sa tao, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas. Tunay na ang kalawakan ng pagkakaiba-iba ang nagtatalaga ng antas ng pagkasulong ng isang lipunan."Tumigil si Boon Teik, naghihintay marahil na ipagpatuloy ni Kwang Meng ang pakikipagtalo. Dahil sa walang tinanggap na sagot, nagpatuloy si Boon Teik, "Maaaring hindi makatarungan sa tingin itong theory of human function ng tagasibak ng kahoy at taga-igib ng tubig, pero ito ang talagang essence ng demokrasya."Hindi ko sinasabing hindi ito tama; hindi ko rin tinututulang maaaring demokratiko ito; ang masasabi ko lang ay napakalungkot nito, sumaisip ni Kwang Meng ngunit hindi ito ipinarinig sa kaibigan."Alam kong malungkot ito ngunit hindi ito maaaring tutulan," sabi ni Boon Teik na parang nabasa ang nasa isip ni Kwang Meng. "Pero sa huli, ang talagang problema'y kung paano maipauunawa sa mga tao na sa kabila ng pagiging mababa at kabagut-bagot ng trabaho nila'y mahalaga't makabuluhan ito sa maayos na pagkilos ng lipunan," dagdag ni Boon Teik."Pero hindi pa rin 'yon makapagbibigay sa kanila ng anumang kasiyahan. Hindi pa rin no'n magagawang kawili-wili ang trabaho nila, di ba?" salag ni Kwang Meng."Hindi nga," sang-ayon ni Boon Teik. "Pero kung malalaman nilang makabuluhan ang trabaho nila, kung malalaman nilang may naiaambag iyon, kung makikita nilang nakatutulong sila sa pag-unlad at pagsulong ng lipunan, maaaring makatagpo sila ng kasiyahan sa katotohanang instrumental sila sa pagbabago ng lipunan, kaya magiging mas mainam na lipunan iyon para sa kanilang mga anak, at sa magiging anak ng kanilang mg anak. At kung hindi man kasiyahan ang matgpuan nila, kaunting ginhawa o pampalubag-loob ma lang.""Paano iyon magagawa, Boon Teik?""Tungkulin iyan ng ating mga pulitiko. Kailangang bigyan nila ng edukasyon ang mga mamamayan upang malaman nila ito.""Hindi ba't ginagawa na rin iyan ng mga pulitiko natin?""Oo.""At babahagyang ginhawa ang natatagpuan natin."Dumating sa bahaging ito ang mga babae mula sa kusina. Nakahain na ang hapunan.Nakakahawig ng sa kanila ang flat, sa kusina rin inilagay ng mga Lim ang kanilang hapag-kinan, isang maliit na kuwadradong apatan ang silya. Ngunit malinis at masaya ang kitchen-cum-dining room nila, napipintahan ng lemon yellow. May mga sariwang bulaklak na nakalagay sa bote sa ibabaw ng mesa, ilang tangkay ng Golden Shower Orchids.Ilang lutong nonya ang inihanda ni Me-I. Nalaman ni Kwang Meng pagkaraan na ito at si Anne ay buhat sa matandang angkan ng Pernakan, at naroon na sa poook na iyonang mga ninuno nila nang mahigit isandaang taon. Ang mga Pernakang ito na lalong kilala bilang nonya at baba ang matatandang Straits-born Chinese na lumuwas sa Malaya at Singapore maraming salinlahi na ang nakalilipas. Sa loob ng mga taon, nakabuo sila ng natatanging anyo ng kulturang bagaman ethnically Chinese ay may ilang impluwensiyang Malay sa paraan ng kanilang pagdadamit, pagsasalita at sariling uri ng maaanghang na pagkain. Naiibigang mabuti ni Kwang Meng ang huli, paborito niya ang nonya at laksa mula sa pulo ng Penang, ang nasi lemak o kaning may lasang buko, ang otak-otak, sambal at curry, at ang kuay. Nang gabing iyon, nasi lemak ang niluto ni Me-I."Gusto mo ba ng mga lutong nonya, Meng?" tanong ni Anne."H'mmmmmm! Ang sarap, Me-I," pagpupuri ng Kwang Meng."Oy, masarap ding magluto ni Anne," sabi ni Me-I.Namula si Anne. "Hindi kasing-husay mo," nginitian ni Anne ang pinsan."Ikaw ang dapat magsabi niyan Kwang Meng," sabi ni Boon Teik. "Kailangang matikman mo ang luto ni Anne.""Tama, sa susunod, si Anne ang paglulutuin namin para sa iyo," sabi ni Me-I.Pagkahapunan, bumalik ang mga lalaki sa salas. Nagdala ng dalawang beer si Boon Teik samantalang naiwan para magligpit ang mga babae.Dalawang taon na silang kasal, sabi sa kanya ni Boon Teik. Kaga-graduate lanl niya noon ng T.T.C. at kae-enroll ni Me-I bilang estudyante. Nang unang ilang buwan, nakipanirahan sila sa mga magulang ni Boon Teik pero hindi naging mabuti iyon. Wala silang privacy sapagkat napakalaki ng pamilya ng mga magulang niya. May mga tiyuhin, tiyahin, at iba pang nakikitira bukod sa talagang pamilya. Hindi talagang angkop iyon para sa pagsisimula ng isang kakasal na mag-asawa. Pagkaraa'y sinuwerte sila. Nag-apply sila at nakakuha ng sarili nilang flat. Naging napakasaya nila roon.Dinama ni Kwang Meng ang kapaligiran sa flat ng kanyang kaibigan. Taglay nito ang tahimik na kapanatagan at kaluwagang sumasalamin sa mapayapang kalagayan ng pagsasama ng mag-asawa. Naniniwala niyang ang isang matagumpay na pag-aasawa ay higit na maganda kaysa alinmang bagay. Tunay na isang mainam na bagay ang pagkakaroon ng marital bliss; pero hindi lahat ng pag-aasawa ay nagiging maligay. Pumasok sa isip niya si Hock Lai at Cecilia. Kakatwa, ngnit laging nadarama ni Kwang Meng na hindi magiging mabuti ang darating na pag-iisang-dibdib ng dalawa. At lalo pang kakatwa, nadama niyang kapwa nararamdaman nina Hock Lai at Cecilia iyon, at mas nararamdaman ito ni Hock Lai kaysa kay Cecilia. Ngunit ipinapapatuloy nil ito, buong kasiyahan at buong pagwawalambahala! Napakasaya kahit sa harap ng panganib! Sa loob ng isang taon, kundi man bago dumating ang isang taon. Mambababae si Hock Lai, at sa loob ng ilang taon, makakasanayan ito ni Cecilia, tatanggapin niya ito ("Parang negosyo ito, alam mo namang kailangan kong mag-entertain," sasabihin iyon ni Hock Lai), hanggang sa matutuhan nitong magpalipas ng oras sa paglalaro ng mahjong.Nagpatugtog ng isang plaka si Boon Teik. Isang Brahms' symphonoy iyon, sabi nito, at saka lumabas para kumuha ng marami pang beer. Tumayo si Kwang Meng at tumingin-tingin sa mahabang bookshelf. Marami-raming collection ng libro si Boon Teik, kramihan doo'y paperbacks sa literatura, history at politics."Masyado ka palang palabasa," sabi ni Kwang Meng kay Boon Teik nang makabalik na ito sa silid."Oo, enjoy ako sa pagbabasa. Gano'n din si Me-I. Hindi naman kami pala-labas, bihira rin kaming dumalo sa mga social functions. Kung minsan, nanonood kami ng sine. Wala rin kaming telebisyon. Parang takot kaming bumili. Nalaman kong nagiging addict doon ang mga tao. Masama iyon sa palagay ko.""Sana marami na rin akong nabasa," sabi ni Kwang Meng."Hindi pa naman huli para magsimula ka, Kwang Meng. Welcome ka para hiramin ang mga libro ko. Kahit anong oras. Tutal, diyan ka lang nakatira sa katabiing pinto.""Salamat. Pero tamad na tamad na akong bumasa.""Wala iyon. Mabubuhos ang loob mo kapag nagsimula ka na. Magsimula lang ang dapat; at maiinam na libro lang ang dapat mong basahin. Sa gano'n hindi ka mababagot. Literature na ang pinakamagandang pagsimulan. Marami kang matututuhan sa literatura."Agad namang namili ng ilang libro si Boon Teik para kay Kwang Meng. Crime and Punisment ni Dostoyevsky, To Have and To Have Not ni Hemingway, at ang The Maneater of Malgudi ni Narayan."Sus, aabutin ako ng siyam-siyam sa pagbabasa niyan!", sabi ni Kwang Meng."Huwag kang magmadali. Hindi mo naman kailangang isauli iyan agad. Unahin mo si Narayan," payo ni Boon Teik, "siguradong matatawa ka riyan."Sinamahan na sila ng mga babae makaraang tapusin ang mga ligpitin sa kusina. Bawat isa sa kanila'y may dalawang maliit na puswelo ng black coffee."Hinihiram mo ang ilang libro ni Boon Teik?" tanong ni Anne. "Patingin kung alin-alin iyan."Iniabot dito ni Kwang Meng ang mga libro."A, nakakatawa ang isang ito," sabi ni Anne na itinataas ang kay Narayan."Dapat tayong bumili ng iba pang libro niya," sabi ni Me-I sa kanyang asawa."Wala akong makita," sagot ni Boon Teik. "Napuntahan ko nang lahat ng bookshop dito, wala talaga. Sana mayroon ditong magagandang bookshops."Hindi alam iyon ni Kwang Meng. pero talaga namang hindi pa siya nakapagbasa-basa sa isang bookstore kahit kailan."Tapos na ang plaka, Teik", sabi ni Me-I.Lumapit si Boon Teik sa record player."Huwag ka nang magpatugtog ng bago," sabi ng asawa nito. "Kausapin na lang natin ang ating mga bisita."Kaya pinalipas nila ang oras sa pag-uusap. Nakapagsalita nang mas marami si Kwang Meng kaysa karaniwan niya at hindi niya ito namalayan.Pagkatapos, gaya ng inaasahan sa kanya ng lahat, nagprisinta si Kwang Meng na maihatid pauwi si Anne. Nagpaalam sila kina Boon Teik at Me-I at lumakad sa pasilyo pababa sa hagdanan upang hintayin ang lift pagkaraan.Sa lansangan, malamig at nakakapresko ang hangin.Naging matahimik si Kwang Meng sa oras na ito. Itinuro niya kay Anne ang kumpol ng mga punongkahoy."Rain trees", sabi nito. "Hindi ba matanda na sila't maganda?""Oo. Kung minsan, kumikinang sila kapag maliwanag ang buwan sa gabi.""Gusto ko silang makita kapag maliwanag ang buwan," sabi nito.Tumango siya. Sumakay sila sa isang bus papauwi sa bahay ni Anne. Walang laman ang bus. Abala ang konduktor sa pagbibilang ng mga baryang nakatago sa isang malaking bag na may strap na nakabitin sa balikat nito. Pagkaraang makuha ang bayad ng dalawa sa pasahe, hinid na sila pinansin nito. Kapwa sila nag-iisa, magkasama.Nang papauwi na siya pgkaraan, naramdaman niya ang bigat ng mga libro sa kamay niya, nagbibigay ng kung anong katiyakan.Isang sakasisiyang gabi iyon para sa kanya, at nakipagkasundo siyang makikipaglaro ng badminton kay Boon Teik sa darating na Linggo ng umaga at isasama sa swimming si Anne sa sinusundang Sabado ng hapon. Pagdating ng bahay, humiga siya't madaling nakatulog.
"Sa Bayang Filipino" is a political essay written by Apolinario Mabini during the Philippine Revolution. It criticizes the government and calls for unity and reforms to achieve true independence for the Filipino people. Mabini emphasizes the importance of education and moral values in building a strong and just society.
Sa malawak na kalawakan ng isang walang hanggang lugar Saan katahimikan pinasiyahan ang outer space Ominously nagngangalit ito nakatayo Ang simbolo ng espiritu ng digmaan Sa pagitan ng ang isa na may pangalang Lucifer, at ang MorningStar, ang tunay na ng magandang. Enveloped sa pamamagitan ng isang trilyon planeta Linisin bilang kidlat, at mahirap bilang granite Ang isang cosmic Coliseum-host sa dulo, Ng digmaan sa pagitan ng lord ng kasalanan at kamatayan At ang mga makapangyarihan lumikha ng unang hininga ng tao Sino ang magpasya, na magpakailanman ay maging ..... Ang madla para sa paglaban ng edad ay binuo at sa lugar. Ang mga anghel ay dumating sa kagaraan mula sa isang bituin. Mga banal na ay nawala bago doon, Jeremias, Enok, Job. Sila ay awit ang kanta ng Zion sa ni David ang alpa. Ang mga demonyo sa arived, nakakasakit at karima-rimarim, pagmumura at blaspheming Diyos Sinundan ng kanilang Tropeo patay at nawala. Hitler, Napoleon, Pharoh, Capone, tormented, nakakayamot, at grieved At naghihintay para sa kanilang paghatol mula sa trono. Pagkatapos chill swept sa pamamagitan ng napakalaki karamihan ng tao At ang mga demonyo squealed na may kagalakan Bilang isang sorid, bulgar, nakakadismaya kakanyahan ay mararamdaman. Arrogantly tumitigidig, kamay gaganapin mataas, draped sa isang sparkling damit na pamburol, Trolled ng mga demonyo, si Satanas ascended mula sa Impiyerno. Pagkatapos cringed ni Satanas, ang mga makasalanan groaned, ang mga demonyo reeled sa sakit Bilang bilang taong pusturiyoso ng kapangyarihan tulad ng tahimik pagkulog na pinagsama. Sa isang paggulong ng alon ng liwanag higit pa sa matinding pagbibigay ng uniberso, Sa maluningning kaluwalhatian lumitaw ang Anak ng Diyos. Pagkatapos katauhan, oo, extraordinaire lumitaw sa center ring. Diyos Ama ay mangasiwa ang tunggalian. Pagbubukas ng Aklat ng Buhay, bawat enggrandeng tumayo hushed sa sindak Bilang majestically sinabi niya, "Ngayon, narito ang mga panuntunan sa: Siya ay nasugatan para sa kanilang mga transgressions, lamog para sa iniquities. " Kapag sinabi niya, "Sa pamamagitan ng Kanyang guhitan sila pinagaling," diyablo ang shook. Sinabi niya, "Sickness ang aking specialty - mapoot ko na nakapagpapagaling junk" Sinabi ng Diyos, "shut mo ang iyong mukha - sinulat ni ko ang libro." Pagkatapos Ama ay tumingin sa Kanyang lamang anak na lalaki at sinabi, "Alam mo ang mga panuntunan. Iyong dugo ay linisin ang kanilang kasalanan at kalmado ang kanilang mga takot. " Pagkatapos siya tulis Kanyang daliri sa Satanas at sinabi, "At alam ko na alam mo ang mga patakaran, Hindi ka na twisting ito na linlangin ang aking mga tao para sa taon. " Sumigaw si Satanas, "makikita ko pumatay ka Kristo! Hindi ka manalo ang away na ito. " Ang mga demonyo ay wheezed, "Tama iyon, doon ay hindi paraan hindi." Jeered ni Satanas, "hindi mo patay na karne Jesus, ako gonna pumutok ka hanggang ngayong gabi." Sinabi ni Hesus, "Sige, gawin ang aking araw!" Ang kampanilya, ang karamihan ng tao, ang paglaban ay, at Diyablo leaped sa pagngangalit ng bagyo. Sa lahat ng kanyang masasamang mga trick siya dumating bawiin. Threw siya ng kanyang mga jabs ng poot at libog, ulos ng pagmamataas at inggit, Ngunit ang mga kamay na alam walang kasalanan-block bawat isa. Loob ng apatnapung araw at gabi na sila fought at si Satanas ay hindi maaaring hawakan Kanya. Ngayon ang panghuling pumutok-save para sa huling ikot. Prophetically ni Cristo kamay ay dumating down at struck ni Satanas sa higanti. Ang pumutok ng kamatayan ay nahulog si Jesus sa lupa. Ang mga devils roared sa tagumpay, shocked at naguguluhan ang mga banal Tulad ng sa mga sugat na lumitaw kapag ang Kanyang mga kamay at paa. Ang Si Satanas ay kicked sa Kanya sa Kanyang tagiliran at dugo at tubig na dumaloy At sila naghintay para sa sampung bilang ng sa pagkatalo. Diyos Ama naka-Kanyang ulo. Kanyang mga luha hayag ang Kristo ay patay. Ang sampung bilang ng ipahayag ng pagtatapos ang labanan. Ang ni Satanas na nanginig sa pamamagitan ng kanyang pawis sa hindi inaasahang labis na pagkasuklam, Bilang Diyos na sinimulan ang bilang sa pamamagitan ng sinasabi, "... 10 ..." Uy maghintay ng isang minuto Diyos, "... 9 ..." Itigil ang, ka pagbibilang ng maling, "... 8 ..." Ay gumagalaw ang kanyang mga mata ... "... 7 ..." Ay twitching ng kanyang mga daliri ... "... 6 ..." Saan ang lahat ng ito liwanag na nagmumula sa ... "... 5 ..." Siya ay buhay "... 4 ..." Naku ... "... 3 ... 2 ..." Oh yes Siya won! Siya won! Siya buhay magpailan pa man, Siya ay risen, Siya ay Panginoon. Siya won! Siya won! Siya buhay magpailan pa man, Siya ay risen, Siya ay Panginoon. Ipahayag ang balita sa bawat dila, sa pamamagitan ng walang katapusang edad at lampas. Hayaan ito tininigan mula sa bundok malakas at malakas, Pagkabihag ay naitakda libreng, bumili ng kaligtasan para sa iyo at sa akin, Maging sanhi ni Satanas ay bagsak at si Jesus ay ANG KAMPEON!