Want this question answered?
katapangan kasipagan pagkamalikhain artipisyal na paglalahi ng mga bibi at isda pangingisda
madami
The English translation of the Tagalog word "kasipagan" is "diligence" or "industriousness". It refers to the quality of being hardworking and conscientious in performing tasks or responsibilities.
the answer is Kagitingan, Kagalingan at Kasipagan tungo sa kalayaan
ang kasi-kasi ay sinisimbolo sa pamamagitan ng tao
The theme for 2009's Philippine Independence Day is Kagitingan, Kagalingan at Kasipagan Tungo sa Tunay na Kalayaan (Bravery, Greatness, Industry, Towards True Freedom)
The Filipino are hard working and courteous. They show respect to others, they show hospitality and are able to empathize with others. They are creative and hard workers. They are cheerful with a good sense of humor. They have strong religious values. These are the strengths of a Filipino person.
SIPAG O TALINOLakandiwa: Alin ang mabisang puhunan ng tao? Sa pagpapaunlad ng bayan?Sipag: sipagTalino: talinoLakandiwa: ako nga palang lakandiwang nangbuhat pa sa Bulacan. Buong galang na sa inyo'y bumabati't nagpupugay. Taglay ko din ang pag-asang, naway maging matagumpay. Patimpalak sa bigkasang, kung tawagi'y balagtasan. Paksang aking ilalatag, patiwari'y mahalaga. Pagkat nasasangkot dito'y Bayan nating sinisinta.Sa pag-unlad nitong bayan, puhuna'y ano baga, Ang SIPAG ba o TALINO ,alin ang mas mahalaga.? Kaya't inyong lakandiwa,ngayo'y muling nag-aanyaya ng dalwang mambibigkas ng mahusa'y at kilala. Ang hiling ko'y , salubungin ng palakpak ang dalawa. Panig nilang ihaharap ay suriin at magpasya.Sipag: Kapag baya'y umunlad. Ang papko'y pinupukol. Sa gobyerno at mga tao, sama-sama't tulong-tulong. Kung ang lahat ay tinatamad, bayan nati'y ano ngaun? Wala na ngang trabaho. Kabuhaya'y urong-sulong. Kasipaga'y puhunan nating lahat sa gawain, maliit man o malaki. Mahirap man ang gampanin. Kung ang ating kasipagan, itatabi't magmamaliw. Pilipinas year 2000, di natin masalapi.Talino: Akong aba'y inyong lingkod, isinilang na mahirap, at ni walang kayamanan, maaaring mailantad. Pamana ng magulang ko, ay talinong hinahangad, pamanang magtatanghal, puhunan sa pag-unlad. Sa gobyerno at lipunan, mga tao'y may puhunan na kanilang tataglayin, habang sila'y nabubuha'y. Ang talino ang nagbubuklod, sa pambansang kalayaan, nagbibigkis sa damdamin, makayao't makabayan.Lakandiwa: Matapos maihayag ang panig ng magtatalo, ngayo'y aming ihahanda sa lawak ng pagtatalo. Bawat isa'y magpapalaong sa impormasyon at sa mga issue. Kaya't inyong timbangin upang inyong mapagsino.Sipag: tuwing mayroong magagalak na halalan sa ating bayan, sinusuri mga kandidata, may nagawang kabutihan, ang anong natapos na kurso, ay di na inaalam. Kakayahan nya't sipag, tangaing pinag-uusapan, aanhin mo ang talino kung di naman nagagamit, mga tao'y umaasa, lalo't silay nagigipit. Matalinong naturingan, tamad naman walang bait. Nawawalan ng bansag, kaluluwa ang kapalit.Talino: nalimutan ng kantaro'y, mga bayaning namatay, na nagtanggol sating bayan , ng laya ay makamtan. Ngunit dahil sa talino, taglay nila nung araw, ngayon tayong lahat alipin pa ng dayuhan. Iba nga'y naging presedente o kongresman. Lahat sila ang talino ay di natin matawaran. Mga batas na pinatupad sa ating bayan, pinuhunan ay talino , kaya't sila'y naging gabay.Sipag: Sa dami ng matalino, namumumuno sa ating bansa, Ibat-ibang pagpapasya at maging paniniwala. Utos dito utos doon, sila'y di gumagawa, kaya't laging nababalang kapakanan naming dukha. Samantalang kung masipag itong mga punong halal, sa problema at kalamidad, sila'y laging naririyan, hindi na kailangang tawagin sila kung saan, pagkat pagtulong nila'y kambal ng kasipagan.Talino: Tila yata nalimutan nitong aking katunggali, sa pagtulong ay talino ang gamit palagi, pag maroong kalamidad, manlloko'y andiyan palagi, kay'yt anong mahalaga, Talino'y ipagbunyi. Matataas na gusali, Super market, pubric at mall, fly overs,sky ways, at ibat-ibang kominikasyon. Lahat ng yan ay nagawan, talino'y naging puhon, kayat bayan ay umunlad, angt biyaya;y tuloy-tuloy.Sipag: SIPAG ANG KAILANGAN !!Talino: TALINO ANG PUHUNAN !!Sipag: matalino nga tamad naman!Talino: ang taong tamad ginagamit ang talino para sumipag.Sipag: sipag.!Talino: talino.!Lakandiwa: Saglit munang pinipigil, inyo itong lakandiwa. Pagtatalo nitong dalwa, mahuhusay na makata, pagkat tila nag-iinit, at di masawata. Lahat ng katwiran, nakatatak sating diwa, ang talino ay wika, kayamanang handog ng Dyos, lagi nating nagagamit, sa mabubuting gawa't loob. Kasipagan at talino, pasaning walang toos, kaya't dapat ng magsanib, pag-isahing lubos-lubos. Ang talino'y syang utak sa balangkas na paggawa. Ang sipag namay syang bisig sa planong binabadya. Kung ang isa'y mawawala, walang silbing magagawa. Kaya't kapwa mahalaga. PANALO SILANG KAPWA!!-jobie anne francisco
Hail, Alma Mater Dear CvSU all the way through Seat of hope that we dream of Under the sky so blue Verdant fields God's gift to you Open our lives anew Oh, our hearts, our hands, our minds, too In your bosom thrive and grow. Seeds of hope are now in bloom Vigilant sons to you have sworn To CvSU our faith goes on Cradle of hope and bright vision. These sturdy arms that care Are the nation builders Blessed with strength and power To our Almighty we offer
ito po ang AKO'Y PILIPINO NI PAZ M. BELVEZ: Ako'y isang pilipino sa isip, sa salita, sa gawa. Pilipino ako sa dugo, sa balat, sa diwa. Ako'y pilipino kaangkan ng lahing kayumanggi. Nananalaytay sa aking mga ugat ang dugo ng liping malayo. Dugong may angking katapangan , kabayanihan, at kagitingan; dugong nag udyok sa libo libong kawal na ipagsanggalang ang kalayaan at karapatan mula roon sa pulo ng mactan, sa pasong tirad, sa kuta ng corregidor, at tangway ng bataan. Ako'y pilipino. Mula sa lipi nina lapulapu, tamblot, dagohoy, diego silang, rizal, mabini, luna, jaena, at andres bonifacio. Tagapagmana ako ng dakilang kahapon, ng maningning na kasaysayan, ng mahabang salaysay ng kabayanihan, pagpapakasakit at pakikipaglaban upang mapamalagi ang isang malayang pamayanang pinaninirahan ng mga mamamayang may pananalig sa poong maykapal at paniniwala sa katarungan at pagkakapantay-pantay. Ako'y pilipino, pagkat liping malayo, tatak ng aking bayan ang kayumangging balat ko. Kayumanggi sa silab ng sikat ng araw na laging kayakap ng bayan ko. Tatak ng aking pagkatao ang kasipagan at sagisag ng marangal na pamunuhay sa pagbabanat ng buto at pagpapatulo ng pawis sa marangal na paggawa sa malawak na bukirin at mga parang, sa mga gulod, burol, at kabundukan, sa mga ilog, lawa, at karagatan na pinuspos ni bathala ng iwing kariktan. Ako'y pilipino. Pilipinas ang abayan ko. Pitong libong pulong may matulaing dalampasigan. Piting libong pulong dinamitan at pinalamutian ng lalong marangyang kariktan. Mga burol, batis, ilog, lawa, at karagatan na pawang matualain, marikit mapagkandili, at mayaman. Ako'y pilipino. Wikang pambansa ko'y wikang filipino. Matamis na wikang may sariling letra't alpabeto. Wikang pinayaman at pinatamis ng pupung mga wika ng bayan ko-cebuano, ilocano, pampango, hiligaynon, samarnon, pangasinense, tagalog at bicol, at sandaang mga wika ko. Ako'y pilipino. Tagapagmana ng isang mayamang kalinangan, ng lambing ng oyayi, talindaw at kundiman, ng sigla ng tinikling at kumintang, lindi at lamyos nga mga balitaw, rangya ng singkil, tadek at pangalay. Ako'y pilipino. Malayang mamamayan ng isang bansang may pamahalaang demokratiko. Mga mamamayang may angking karapatan, may kalayaang tinatamasa, at may pananagutan at tungkuling buong siglang tinutupag at tutuparin sa abot ng kaya. Iyan ako. Ako'y pilipino.
URBANA AT FELIZASi Feliza kay Urbana - Paumbong, Mayo 10, 185. . .Urbana: Ngayong a-las-seis ng hapon na pinagugulong ng hari ng mga astro ang karosang apoy at itinatago sa bundok at kagubatan, ipinagkakait sa sangkapuluan ang kaliwanagan, at sa alapaap ay nagsasambulat ng ginto ' t purpura; ang mundo ' y tahimik, sampo ng amiha ' y hindi nagtutulin, nagbibigay-aliw ang mga bulaklak at nangagsasabog ng bangong iningat sa doradong caliz ; ang lila ' t adelpa na itinanim mo sa ating pintuan; ang lirio ' t asusena; ang sinamomo ' t kampupot na inihanay mo ' t pinagtapat-tapat sa daang landas na ang tinutungo ' y ating hagdanan; oras na piniling ipinagsasaya, nangagsisingiti ' t ang balsamong ingat ay ipinadadala sa hihip ng hangin; mapalad na oras na ipinaglilibanga ng kamusmusan at, ipinagpapasiyal sa ating halamanan.Marahil Urbana ' y di mamakailang pagdating sa iyo ng oras na ito, ang alaala mo ' t buong katauhan ay nagsasauli sa ating halamanan, iyong sinasagap ang balsamong alay ng mga bulaklak na anaki ' y pamuti sa parang linalik naSi Urbana kay Feliza -MaynilaFELIZA: Tinanggap ko ang sulat mo nang malaking tuwa, nguni ' t nang binabasa ko na ' y napintasan kita ' t dinggin ko ang kadahilaran. Ang una ' y nabanggit mo si ama ' t si ina, ay di mo nasabi kung sila ' y may sakit o wala; nguni ' t pinararaan ko ang kakulangan mong ito, atdi kataka-taka sa gulang mo sa labindalawang taon; ang ikalawa ' y hindi ang buhay ko kung di ang buhay mo ang itinatanong ko, ang isinagot mo ' y ang pinagdaanan ng kamusmusan ta, at madlang matataas na puri sa akin, na di mo sinabi na yao ' y utang ko sa mabait na magulang natin at sa Maestrang nagturo sa akin. Nguni ' t pagdating sa sabing nagkukunot ang noo ko, at sa mga kasunod na talata, ay nangiti ang puso ko, nagpuri ' t nagpasalamat sa Diyos, at pinagkalooban ka ng masunuring loob.Ngayo ' y dinggin mo namana t aking sasaysayin yamang hinihingi mo ang magandang aral na tinaggap ko, kay Doña Prudencia na aking Maestra. Natatanto mo, na ako ' y marunong nang bumasa ng sulat nang taong 185 . . . na kata ' y magkahiwalay. Pagdating ko rini, ang una-unang ipinakilala sa akin, ay ang katungkulan nating kumilala, mamintuho, maglingkod at umibig sa Diyos; ang ikalawa ' y ang kautangan natin sa ganang ating sarili; at ang ikatlo ' ySi Urbana kay Feliza -MaynilaFELIZA: Ngayon ko tutupdin ang kahingian mo, na ipinangako ko sa iyo sa hulang sulat, noong ika. . .Sa mga panahong itong itinira ko sa Siyudad, ay marami ang dumarating na bata, na ipinagkakatiwala ng magulang sa aking maestra, at ipinagbibilin na pagpilitang makatalastas ng tatlong dakilang katungkulan ng bata na sinaysay ko sa iyo. Sa mga batanga ito, na ang iba ' y kasing-gulang mo, at ang iba ' y humigit-kumulang diyan, ay napagkikilala ang magulang na pinagmulan, sa kani-kanilang kabaitan o kabuhalhalan ng asal. Sa karunungang kumilala sa Diyos o sa karangalan, ay nahahayag ang kasipagan ng marunong na magulang na magturo sa anak, o ang kapabayaan. Sa mga batang ito, ang iba ' y hindi marunong ng ano mang dasal na nalalaman sa doktrina kristiyana, na para baga ng Ama namin, sumasampalataya, punong sinasampalatayanan , na sa kanilang edad disin, ay dapat nang maalaman ng bata, kaya hindi makasagot sa aming pagdarasal o makasagot man ang iba ' y hindi magawing lumuhod, o di matutong umanyo, ng nauukol bagang gawin sa harapan ng Diyos. Sa pagdarasal namin, ay naglulupagi, sa pagsimba ' y nagpapalinga-linga, sa pagkain ay nagsasalaula, sa paglalaro ' y nanampalasan sa kapwa-bata,Si Urbana kay Feliza - MaynilaFELIZA: Napatid ang huli kong sulat sa pagsasaysay ng tapat na kaasalan, na sukat sundin sa loob ng simbahan: ngayo ' y ipatutuloy ko. Marami ang nakikita, sa mga babaeng nagsisipasok sa simbahan, na lumalakad na di nagdarahan, nagpapakagaslaw, at kung marikit ang kagayakan, ay nagpapalingap-lingap, na aki ' y tinitingnan kung may nararahuyo sa kaniya. Marami ang namamanyo nang nanganganinag, nakabingit lamang sa ulo at ang modang ito ' y dala hanggang sa pakikinabang at pagkukumpisal. Oh Felisa! Napasaan kaya ang galang sa santong lugar: napasan kaya ang kanilang kahinhinan! Diyata ' t lilimutin na ng mga babaeng kristiyano yaong utos ng simbahan, pakundangan sa mga angheles? Diyata ' t hanggang sa kumpisala ' y dadalhin ang kapangahasang di nagpipitagang itanyag ang mukha sa Sacerdote? May nakikita at makikipag-ngitian sa lalaking nanasok, ano pa nga ' t sampo ng bahay ng Diyos ay ginagawang pook ng pagkakasala.Itong mga biling huli na ukol sa lalaki, ay ipahayag mo kay Honesto, na bunso tang kapatid. pagbilinan mo siya, na pagpasok sa simbahan, ay huwag makipag-umpukan sa kapwa-bata nang huwag mabighani sa pagtatawanan.Si Urbana kay Feliza -MaynilaFELIZA: Sa alas-siete ' t kami ' y makasimba na, ay kakain kami ng agahan pagkatapos ay maglilibang-libang o maghuhusay kaya ng kani-kaniyang kasangkapan, sapagka ' t ang kalinisan at kahusayan, ay hinahanap ng mata ng taong nagising at namulat sa kahusayan at kalinisan. A-las-ocho, gagamit ang isa ' t isa ng aklat na pinag-aaralan; ang iba ' y darampot ng pluma, tintero ' t ibang kasangkapang ukol sa pagsulat, magdarasal na sumandai bago umupo sa pag-aaral, hihinging-tulong sa Diyos at kay Ginoong Santa Maria, at nang matutuhan ang pinag-aaralan: mag-aaral hanggang alas-diez, oras nang pagleleksyon sa amin ng Maestra; pagkatapos, magdarasal na ng rosario ni Ginoong Stanta Maria. Pag nakadasal na ng rosario, ako ' y nananahi o naglilinis kaya ng damit, at pag kumain ay iginagayak ko ang serbilyeta, linilinis ko ang tenedor, kutsara at kutsilyo, na ginagamit sa lamesa. Ang lahat nang ito ' y kung makita ng Maestrang marumi, kami ' y pinarurusahan. Pagtugtog nang a-las-doce, oras nang aming pagkain ay pasasa-mesa kami, lalapit ang isa ' t isa sa kani-kaniyang luklukan, magbebendisyon ang Maestra sa kakanin, kaming mga bata ' y sumasagot na nakatindig na lahat, ang katawa ' y matuwid at iniaanyo sa lugal. Pagkarinig namin ng ngalang Jesus at Glora Patri , ay itinutungo namin angSi Feliza kay Urbana -PaumbongURBANA: Si Honesto ' t ako ' y nagpapasalamat sa iyo, sa matataas na hatol na inilalaman mo sa iyong mga sulat. Kung ang batang ito ' y makita mo disin, ay malulugod kang di-hamak at mawiwika mo, na ang kanyang mahinhing asal ay kabati ng Honesto niyang pangalan. Masunurin sa ating magulang, mapagtiis sa kapwa-bata, hindi mabuyo sa pakikipag-away, at mga pangungusap na di-katuwiran. Mawilihin sa pag-aaral at sa pananalangin; pagka-umaga ' y mananaog sa halamanan, pipitas ng sangang may mga bulaklak, pinagsasalit-salit ang iba ' t ibang kulay, pinag-aayos, ginagawang ramilyete , inilalagay sa harap ng larawan ni Ginoong Santa Maria; isang asusena ang iniuukol sa iyo, isang liryo ang sa akin at paghahayin sa Reyna ng mga Virgenes, a y linalangkapan ng tatlong Aba Ginoong Maria. Kung makapagkumpisal na at saka makikinabang ang isip ko ' y angelito , na kumakain ng tinapay ng mga angheles, at nakita ko, na ang pag-ibig at puring sinasambitla ng kanyang inosenteng labi, ay kinalulugdan ng Diyos na Sanggol, na hari ng mga inosentes. Ipatuloy mo, Urbana, ang iyong pagsulat, at nang pakinabangan namin: Adyos, Urbana- Felisa .Si Urbana kay Feliza -MaynilaFELIZA: Naisulat na sa iyo, ang madlang kahatulang ukol sa paglilingkod sa Diyos, ngayo ' y isusunod ko ang nauukol sa sarili nating katawan. Sabihin mo kay Honesto, na bago masok sa eskuwela ay maghihilamos muna, suklaying maayos ang buhok, at ang baro ' t salawal na gagamitin ay malins; nguni ' t ang kanilinisa ' y huwag iuukol sa pagpapalalo. Huwag pahabaing lubha ang buhok na parang tulisan, sapagka ' t ito ang kinagagawian ng masasamang-tao. Ang kuko ay huwag pahahabain, sapagka ' t kung mahaba ay pinagkakahiratilang ikamot sa sugat, sa ano mang dumi ng katawan, nadurumhan ang kuko, at nakaririmarim, lalung-lalo na sa pagkain. Bago mag-almusal, ay magbigay muna ng magandang araw sa magulang, maestro o sa iba kayang pinaka-matanda sa bahay. Sa pagkain, ay papamihasahin mo sa pagbebendisyon muna, at pagkatapos, ay magpapasalamat sa Diyos. Kung madurumhan ang kamay, mukha o damit, ay maglinis muna bago pasa-eskuwela. Huwag mong pababayaan, na ang plana, materia, farsilla o regla, papel, aklat at lahat ng gagamitin sa paaralan ay maging dungis-dungisan. Kung makikipag-usap sa kapwa-tao ay huwag magpapakita ng kadunguan, ang pangungusap ay tutuwirin, huwag hahaluan ng lamyos o lambing, huwag kakamutkamotaSi Urbana kay Feliza -MaynilaFELIZA: Itong mga huling sulat ko sa iyo, na may nauukol sa kalagayan mo, at ang iba ' y aral kay Honesto, ay ipinauunawa ko, na di sa sariling isip hinango, kundi may sinipi sa mga kasulatan, at ang karamihan ay aral na tinanggap ko kay Doña Prudencia, na aking Maestra: at siyang sinusunod sa eskuwela namin aya ibig ko disin, na sa ating mga kamag-anak, sa mga paaralan sa bayan at mga bario, * ay magkaroon ng mga salin nito at pag-aralan ng mga bata. Ipatutuloy ko ang pagsasaysay ng mga kahatulan.Bottom of FormSi Honesto, bago pasa-eskuwela, ay pabebendisyon muna kay ama ' t kay ina; sa lansangan ay huwag makikialam sa mga pulong at away na madaraanan, matuwid ang lakad, huwag ngingisi-ngisi, manglilibak sa kapwa-bata, o lalapastangan sa matanda, at nang huwag masabi ng tao na walang pinag-aralan sa mga magulang. Kung magdaraan sa harap ng simbahan, ay magpugay, at kung nalalapit sa pintuan ay yuyukid. Pagdating sa bahay ng maestra ay magpupugay, magbibigay ng magandang araw, o magandang hapon, magdasal na saglit; sa harap ng mga santongSi Urbana kay Felisa -MaynilaFELIZA: Sa malabis na kadunguan ng mga bata kung kinakausap ng matanda o mahal kayang tao, ang marami ay kikimi-kimi at kikiling-kiling, hindi mabuksan ang bibig, turuan mo, Felisa, si Honesto, na huwag susundin ang ganong asal, ilagay ang loob sa kumakausap, sagutin nang mahusay at madali ang tanong, at nang huwag kayamutan.Kung mangungusap ay tuwirin ang katawan, ayusin ang lagay. Ang pagsasalita naman ay susukatain, huwag magpapalampas ng sabi, humimpil kung kapanahunan, at nang huwag pagsawaan. Kung nakikipag-usap sa matanda ma ' t sa bata, ay huwag magsabi ng hindi katotohanan, sapagka ' t ang kabulaanan ay kapit sa taong taksil o mapaglilo.Ang pagsasalita ay sasayahan, ilagay sa ugali, ituntong sa guhit, huwag hahaluan ng kahambugan, at baka mapara doon sa isang nagsalitang hambog, na sinagot ng kausap. Fuu, Fuu , na ang kahulugan ay, habagat, habagat. Huwag magpalamapas ng sabi at baka maparis doon sa isang palalo na sinagot ng kaharap: hintay ka muna, kukuha ako ng gunting at gugupitin ko ang labis.Sa pakikipagharap, ay mabuti ang nagmamasid sa kinakausap, at kung makakita ng mabuting asal sa iba, at saSi Urbana kay Feliza - MaynilaURBANA: MINAMAHAL KONG KAPATID. Ang isang sulat ay isang pagsasalin sa papel ng nasa-isip at sa loob ipinagkakatiwala, at nang matanto ng pinagpapadalhan.Ang sulat ay isang salitaan sa papel, kaya ang titik ay dapat linawan, at ang pangungusap ay ilagay sa ugali.Kung ang sinusulatan ay kaibigan at kapahayagan ng loob, ay pahintulot na humaba ang sulat, palibhasa ' y marami ang masasaysay.Kung ang ibig-sabihin sa sulat, ay isang bagay lamang, at ang sinusulatan ay di kaibigan, hindi karampatan ang magsaysay ng ibang bagay.Ang sulat ay ibabagay sa sinusulatan, at gayon din ibabagay ang pakikipag-usap.Iba ang sulat ng mataas sa mababang tao, at ng mababa sa mataas: iba ang sulat ng matanda sa bata, at ng bata sa matanda.Ang galang na kailangang gamitin ng bata sa matanda hindi kailangan sa sulat ng matanda sa bata; maliban na lamang, kung sa bata ay may nakikitang bagay na sukat-igalang.Si Urbana kay Felisa - MaynilaFELIZA: Alinsunod sa sinabi ko sa iyo na ako ' y magpapadala ng mga panuto sa pagsulat, ipababasa mo kay Honesto itong mga kasunod.Pupunuan ng mayusculas ang mga pangalan at apellido ng tao, kaparis ng Francisco Baltazar ; ang sa mga kaharian, siyudad, bayan, lalawigan, bundok, dagat, ilog, batis, para ng España, Maynila, Binyang, Batangas, Arayat Oceano, Pasig, Bumbungan; gayon di ang ngalan ng karunungan, para ng Teologia, ng Artes , para ng Gramatica, Poesia; gayon din ang ngalan ng mga katungkulan, para ng General, Papa, Arzobispo.Gayon man kung sa oracion o isang sabing buo ang mga ngalan ng karunungan, artes , at iba pang sinabi ko, ay di pinagkapangulo, ay pupunuan ng letrang munti, kaparis nitong halimbawang kasunod; si Benito at si Mariano ay kapwa nag-aaral sa pandayan.Feliza, turuan mo si Honesto nang matutong maglagay sa sulat ng mga notas o tanda. Ang mga notas ay ito: Coma (,): Punta y coma (;): Dos puntos (:): Admiracion (!): Interrogacion (?): Parenthesis ( ): Puntos suspensirosSi Urbana kay Feliza - PaumbongURBANA: Tinanggap ko ang mga sulat mo at ako ' y napasasalamat sa iyo at kami ni Honesto ay pinagsasakitan mong matuto.Aking iniutos sa kaniya na pag-aaralan ang mga panutong padala mo; tinanggap nang buong tuwa at nagsakit mag-aral. Sa kaniyang pagpipilit ay natuto; at ang wika mo na di lamang siya ang makikinabang ay pinatutuhanan. Nang matutuhan na, ay itinuturo naman sa iba; at palibhasa ' y ang magaling ay hindi matahimik Bottom of Formsa isa kundi sa nagpapakitaan ng kani-kanilang sulat at kung may mabating mali ng kapwa-bata, ay binabago ang sulat. Ang sulat kong ito ay titik ni Honesto. Adyos, Urbana.- Feliza.
In retrospect, Urbana at Felisa should be perceived as a text not only mean to regulate conduct and behavior, but as a discourse to contain the moral excesses of the period and affirm basic Christian tenets.