Ang tulang romansa ay tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan ng karaniwang ginagalawan ng mga prinsepe't prinsesa at mga mahal na tao.
Ang Awit at Korido ay dalawang anyo ng tulang romansa. Nagkakaiba ang dalawang ito sa sukat, himig at pagkamakatotohanan.
Ang Korido ay
May walong (8) pantig bawat taludtod.
Sadyang Para Basahin at Hindi Awitin
May himig na Allegro o Mabilis
Ang pakikipagsapalaran ay malayo sa katotohanan.
Ang Awit ay
May labindalawang {12} pantig bawat taludtod
Sadya para awitin
Ang himig ay Andante o mabagal.
Ang pakikipagsapalaran ay maaaring maganap sa totoong buhay.
Halimbawa ng KORIDO : Ibong Adarna
Halimbawa ng AWIT : Florante at Laura
Chat with our AI personalities