answersLogoWhite

0


Best Answer

Sa lahat ng damdamin ng puso ng tao ay wala nang mahal at dakila na gaya ng pag-ibig. Ang katwiran, ang katotohanan, ang kabutihan, ang kagandahan, ang Maykapal, at ang kapwa-tao ay siya lamang mangyayaring maging sanhi ng pag-ibig; siya lamang makapagpapabukal sa loob ng tunay at banal na pag-ibig. Kung ang masama at matuwid ay ninanasa rin ng loob, hindi ang pag-ibig ang tunay na siyang may udyok kundi ang kapalaluan at kasakiman.

Kung ang pag-ibig ay wala, ang mga bayan ay hindi magtatagal, at kara-karakang mapapawi sa balat ng lupa ang lahat ng pagkakapisan at pagkakaisa, at ang kabuhayan ay matutulad sa isang dahon ng kahoy na niluoy ng init at tinangay ng hanging mabilis.

Ang tunay na pag-ibig ay walang iba kundi iyong makaaakay sa tao sa mga dakilang gawa sukdulang ikawala ng buhay sampu ng kaginhawahan.

Ngunit ang kasakiman at ang katampalasanan ay nag-aanyo ring pag-ibig kung minsan, at kung magkagayon na ay libu-libong mararawal na kapakinabangan ang nakakapalit ng gapatak na pagkakawanggawa na nagiging tabing pa mandin ng kalupitan at ng masakim na pag-iimbot. Sa aba ng mga bulag na isip na nararahuyo sa ganitong pag-ibig.

Ang pag-ibig - wala na kundi ang pag-ibig na tanging binabalungan ng matatamis na alaala sa nagdaan at ng pag-asa naman sa darating. Sa malawak na dagat ng ating mga kahirapan at pagkadusta, ang pag-ibig ay siyang nagiging dahilan lamang kung kaya natin minamahal pa ang buhay.

Kung ang magulang ay walang pag-ibig sa anak, sino ang magbabatang mag-iiwi sa mga sanggol? At mabubuhay naman kaya ang mga anak sa sarili lamang nila? Kung ang anak kaya naman ay walang pag-ibig sa magulang, sino ang magiging alalay at tungkod ng katandaan? Ang kamatayan ay lalo pang matamis kaysa buhay para sa matandang nangangatal ang tuhod at nanlalabo ang pagod na mga mata ay wala nang malingapang mag-aakay at makaaaliw sa kanyang kahinaan.

Ang pagkahabag sa ating mga kapwa na inilugmok ng sawing kapalaran hanggang sa tayo'y mahikayat na sila'y bahaginan ng kaunting kaluwagan ang ating pagtatanggol sa naapi hanggang sa isapanganib at idamay natin ang ating buhay; ang pagkakawanggawa sa lahat kung tunay na umusbong sa puso, alin kaya ang pinagbuhatan kundi ang pag-ibig?

Ang tunay na pag-ibig ay walang ibinubunga kundi ang tunay na ligaya at kaginhawahan. Kailanpama't sapin-sapin ang dusang pinapasan ng bayani, at ang kanyang buhay ay nalipos ng karukhaan at lungkot, ang dahilan ay sapagkat hindi ang tunay na pag-ibig ang naghahari kundi ang taksil na pita sa yama't bulaang karangalan.

Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan ng wagas at taimtim na pag-ibig!

Sa pag-ibig nunukal ang kinakailangang pagdadamayan at pagkakaisang magbibigay ng di-maihahapay na lakas na kailangan sa pagsasanggalang ng matuwid.

Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan ng pag-ibig at binubulag ng hamak na pagsasarili. Ang masasama ay walang ibang ninanasa kundi ang ganitong kalagayan. Gumagawa ng daan tungo sa pag-aalitan, kaguluhan, pagtataniman, at pagpapatayan sapagkat kinakailangan ng kanilang kasamaan. Ang hangarin nila ay mapagbukud-bukod ang mga mamamayan upang kung mahina na at dukha dahil sa pag-iiringan, sila ay makapagpapasasa sa kanilang kahinaan at karupukan.

Oh! Sino ang makapagsasaysay ng mga himalang gawa ng pag-ibig?

Ang pagkakaisa na siyang kauna-unahang bunga niya ay isang lakas at kabuhuyan, at kung nagkakaisa na't nag-iibigan, ang lalong malalaking hirap ay nagiging maagang pasanin, at ang munting ligaya'y matimyas na nalalasap. Kung bakit nangyari ang ganito ay hindi matatalos ng mga pusong hindi nakadarama ng tunay na pag-ibig.

At upang mapagkilalang magaling na ang pag-ibig ay siya ngang susi at mutya ng kapayapaan at ligaya. Ikaw na bumabasa nito, mapagnanakawan mo kaya, mapagdadayaan o matatampalasan mo kaya ang iyong ina't mga kapatid? Hindi, pagkat sila'y iniibig, at sa halip ay dadamayan mo ng iyong dugo at sampu ng buhay kung sila'y nakikitang inaapi ng iba.

Gayundin naman, kung ang lahat ay mag-iibigan at magpapalagayang tunay na magkakapatid, mawawala ang lahat ng mga pag-aapihan na nagbibigay ng madlang pasakit at di-mabatang mga kapaitan.

Kung ang pag-ibig sa kapwa ay wala, nilulunod ng malabis na pagsasarili ang magagandang akala. Ipapalagay na may tapat na nais at tatawaging marurunong ang mabuting magparaan upang matamasa sa dagta ng iba, at ituturing na hangal yaong marunong dumamay sa kapighatian at pagkaapi ng kanyang mga kapatid.

Maling mga isip at ligaw na loob ang manambitan sa mga hirap ng tao sa inaakalang walang katapusan. Sukat ang matutong magmahal at manariwang muli sa mga puso ang wagas na pag-ibig sa kapwa, at ang tinatawag na bayan ng hinagpis ay matutulad sa tunay na paraiso.

User Avatar

Wiki User

12y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Wiki User

13y ago

Ang Pag-Ibig

ni Emilio Jacinto

Sa lahat ng damdamin ng puso ng Tao ay wala nang mahal at dakila na gaya ng pag-ibig.

Ang katuwiran, ang katotohanan, ang kabutihan, ang kagandahan, ang maykapal at

ang kapwa Tao ay siya lamang mangyayaring maging sanhi ng pag-ibig. Kung ang masama at matuwid ay ninanasa rin ng loob, Hindi ang pag-ibig ang siyang may udyok kundi ang kapalaran at ang kasakiman.

Kung ang pag-ibig ay wala, ang mga bayan ay Hindi magtatagal at karakarakang mapapawi sa balat ng lupa ang lahat ng pagkakapisan at pagkakaisa, at ang kabuhayan ay matutulad sa isang dahon na kahoy na niluoy ng init at tinanggay ng hanging mabilis.

Ang tunay na pag-ibig ay walang iba kundi iyong makaka-akay sa Tao sa mga dakilang gawa sukdulang ikawala ng buhay ng sampu ng kaginhawaan.

Ngunit ang kasakiman at ang katampalasan ang nag-aanyo ring pag-ibig minsan, at kung magkagayon na ay libu-libong mararanal na kapakinabangan ang nakakapalit ng ga patak na pagkakawanggawa na nagiging tabing pa man din ng kalupitan at ng masakim na pag-iimbot sa aba ng mga bulag na isip na nararahuyo sa ganitong pag-ibig.

At ang pag-ibig, wala na kundi ang pag-ibig na tanging binabalungan ng matatamis na ala-ala sa nag daan at ng pag-asa naman sa darating. Sa malawak na dagat ng ating mga kahirapan at pagkadusta, ang pag-ibig na siyang magiging dahilan lamang kung kaya natin minamahal pa ang buhay.

Kung ang magulang ay walang pag-ibig sa anak, sino ang mag babatang, mag-iiwi sa mga sanggol? At mabubuhay naman kaya nag mga anak sa sarili lamng nila? Kung ang anak naman kaya ay walang pag-ibig sa magulang, sino ang kanilang magigigng alalay sa katandaaan? Ang kamalayan ay lalong matamis kaysa buhay na parang matandang nangangatal ang tuhod at nanlalabo ang pagod na mga mata ay wala ng malangapang mag-aakay at makaka-alaiw sa kanyang kahirapan.

Ang pagkaawa sa ating mga kapwa na inilugmok ng sawing kapalaran hanggang sa tayo'y mahikayat na sila'y bahaginan ng kaunting kaluwagan; ng ating pagtatanggol sa naapi hanggang sa ipasanganib at damayan natin ang ating buhay; ang pagkakawanggawa sa lahat kung tunay na umuusbong sa puso, alin ang pinagbubuhatan kundi ang pag-ibig?

Ang tunay na pag-ibig ay walang ibinubunga kundi ang tunay na ligaya at kaginhawaan; kailanpawa't sapin-sapin ang dusang pinapasan ng bayani at kanyang buhay na nalipos ng karukhaan at lungkot, ang dahilan sapagkat Hindi ang tunay na pag-ibig ang naghahari kung di ang taksil na pitasa yama't bulaang karangalan.

Sa aba ng mga bayang Hindi pinamamahayan ng wagas at matinding pag-ibig.

Sa pag-ibig nunukal ang kinakailangang pagdadamayan at pagkaka-isang magbibiga ng di-mahahapay na lakas na kailangan sa pagsasangalang ng matuwid

Sa aba ng mga bayang Hindi pinamumuhayan ng pag-ibig at binubulag ng hamak ng pag-sasarili. Ang masasama'y walang ibang ninanasa kundi ang ganitong kalagayan. Gumagaw ng daan tungo sa pag-aalitan, kaguluhan, pagtataniman at pagpapatayan sapagkat kinakailangan sa kanilang kasamaan. Ang hangarin nila ay mapagbukod bukod ang mga mamamayan upang kung mahina na at dukha dahil sa pag-iiringan, sila ay nakapagpapasasa sa kanilang kahinaan at karupukan.

Oh! Sino ang nakakapagsasalaysay ng mga himalang gawa ng pag-ibig?

Ang pagkaka-isa na siya niyang kauna unahang bunga niya ay siyang lakas at kabuhayan, at kung nagkakaisa na't nag-iibigan ang lalong nalalabing hirap ay magaang pasanin, at ang muling ligaya'y ang ganito, ay di matataos ng mga pusong Hindi nakadarama ng tunay na pag-ibig.

At upang makapagkilalang magaling na pag-ibig ay siya ngang susi at mutya ng kapayapaan at ligaya, ikaw na bumabasa nito mapagnanakaw mo kaya, mapagdadayaan o matatampalasan mo kaya ang iyong ina't mga kapatid? Hindi, sapagkat sila'y iniibig at sa halip ay dadamayan mo ng iyong dugo at sampung buhay kung silang nakikitang inaapi ng iba.

Gayundin naman, kung ang lahat ay mag-iibigan at magpapalagayang tunay na magkakapatid, mawawala ang lahat ng mga pang-aapihan na nagbibigay ng madlang pasakit at di mabatang kapaitan.

Kung ang pag-ibig sa kapwa ay wala, nilulunod ng malabis na pagsasarili ang magandang alala. Ipagpalagay na may tapat na nais at tatawagin na marurunong ang mabuting mapaparaan upang magtamasa sa dagta ng iba, at ituturing na hangal yaong marunong dumamaysa kapighatian at pagkaapi na kanyang mga kapatid.

Maling mga isip at ligaw na loob ang manambitin sa mga hirap ng Tao na inaakalang walang katapusa. Sukat ang matutong magmahal at manariwang muli sa mga puso ang wagas na pag-ibig sa kapwa at ang tinatawag na bayanng hinagpis ay matutulad sa tunay na paraiso.

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

13y ago

Si Emilio Jacinto ay isang rebolusyonaryong Pilipino noong panahon ng Himagsikan (1896) na naging isa sa mga magagaling na lider ng Katipunan. Ang kanyang katalinuhan ay napakinabangan noong panahon ng rebolusyon. Siya ang tinaguriang "Utak ng Katipunan". Siya ang nagsulat ng Kartilya ng Katipunan at nag-edit ng Kalayaan--ang dyaryo na ginamit ng Katipunan sa pagpapamahagi ng impormasyon.

Siya ay isinilang noong Disyembre 15, 1875 sa Trozo, Maynila. Ang kanyang mga magulang ay sina Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Solong itinaguyod ng ina ni Emilio bilang isang kumadrona ang buhay nila mula nang mamatay ang kanyang ama. Dahil sa kahirapan, si Emilio ay tumira sa kanyang tiyuhin. Si Emilio ay nag-aral sa Colegio de San Juan de Letran at kumuha ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomassubalit ito ay natigil nang siya ay sumapi sa Katipunan noong 1896.

Sa edad na 19, siya ay naging isa sa mga pinuno ng Katipunan at naging tagapayo, kalihim at piskal ni Andres Bonifacio. Nang mamatay si Bonifacio, ipinagpatuloy ni Jacinto ang paglaban sa mga Kastila bagamat hindi siya sumali sa puwersa ni Emilio Aguinaldo. Sa isang sagupaan sa Majayjay, Laguna, si Jacinto ay lubhang nasugatan at binawian ng buhay sa sakit na malaria noong ika-16 ng Abril, 1899 sa edad na 23.

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

12y ago

itoy tunkol kay ate jocelle penado taga solangan ngahin amon mga kagrupo hira jose pidal hira jannah montila

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

12y ago

it is all about the true love shown in the selection. even if it is bad or good you can show how love really is. Love is compose of different types.

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Ang pag ibig na isinulat ni Emilio jacinto?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Ang pag ibig ni Emilio jacinto summary?

ang pag ibig ay parang love..


Ano ang tunay na pag ibig ayon kay emilio jacinto?

[object Object]


Ano ang layunin ni Emilio jacinto sa pagsulat ng ang ningning at ang liwanag .?

political views ito ni Emilio Jacinto.


Ang Pag ibig na sanaysay ni Emilio Jacinto maari ko bang mabasa?

Wala nang natitirang orihinal na kopya ng "Ang Pag-ibig" ni Emilio Jacinto, subalit maaaring mahanap ang mga excerpt o pana-panahong interpretasyon ng sanaysay online o sa mga aklat ukol sa buhay at gawain ni Jacinto.


Bakit isinulat ni dr. Jose rizal ang nobelang el filibustirismo?

ano ibig sabihin ng el filibusterismo?


Anu ano ang mga uri ng pag ibig ni Emilio jacinto?

hoy! answeran nyo nman pls?? pra makatulong din kayo sa iba .


Sino ang uta ng katipunan?

Si Emilio Jacinto po sana makatulong ito


Sino ang ama ng himagsikan?

tatay ng tatay ng tatay ng pwet mo


Ano ang dimas-ilaw?

Dimas-Ilaw was the pen name Emilio Jacinto used for his poem "A la Patria".


Bakit isinulat ni dr rizal ang tsinelas?

. Dahilan kung bakit isinulat ni Rizal ang ikalawang Nobela.


Sino ang tagapayo ni Andres Bonifacio?

Si Andres Bonifacio ay ipinanganak sa Tondo, Maynila noong ika - 30 ng Nobyembre, 1863. Nabbilang sa anak - pawis si Andres Bonifacio. Nang siya ay bata pa, tumuloong siyang buhayin ang pamilya sa pamamagitan ng pag titinda ng pamaypay at tungkod. Naging bodegero siya sa isang pabrika. Subalit ang kahirapan ay hindi naging sagabal upang siyua ay matuto. Nagbasa siya ng mga mahahalagang aklat na nakapagpaunlad niya ay ang mga nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo , ang Les Miserables ni Victor hugo , ang Rebulosyon Prances , ang mga talambuhay ng mga naging pangulo ng Estados Unidos


Tula na ginawa ni Emilio jacinto?

Isa sa mga tula na sinulat ni Emilio Jacinto ay ang "Katapusang Taon ni Kristo." Sa tula na ito, ipinahayag niya ang kanyang damdaming relihiyoso at pananampalataya kay Kristo. ginugol ang kanyang buhay sa pamumuno ng Katipunan.