answersLogoWhite

0


Want this question answered?

Be notified when an answer is posted

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: What is tunggalian?
Write your answer...
Submit
Related questions

Tunggalian ng mga tauhan sa ibong adarna?

uki


Ano ang ibig sabihin ng tunggalian?

naglalahad ng paglalaban ng dalawang panig o dalawang tao lamang. sna po makatulong:))


Uri ng tunggalian sa maikling kwento?

tao vs tao tao vs lipunan tao vs kalikasan tao vs diyos tao vs sarili


Anu-ano ang mga uri ng sining?

ang 5 uri ng sining ay iniirog,tunggalian,pahirap,balitaw at ang kinnotan yan ang 5 uri ng sining Answered by: Mervin Canibong


Ano ang mga elemento ng dula?

Sangkap ng dulaTagpuan - panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dulaTauhan - ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dulaSulyap sa suliranin - bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dulaSaglit na kasiglahan - saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasanTunggalian - ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dulaKasukdulan - climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya'y sa pinakakasukdulan ang tunggalianKakalasan - ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalianKalutasan - sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonoodElemento ng DulaIskrip o nakasulat na dula - ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskripGumaganap o aktor - ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba't ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dulaTanghalan - anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klaseTagadirehe o direktor - ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskripManonood - hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula'y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanoodEksena at tagpoAng eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang angtagpo nama'y ang pagpapalit o ang iba't ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.--------------------source: http://filipino3zchs.multiply.com/journal/item/18/Dula_Notes


Ano ang elemento ng dula?

Sangkap ng dulaTagpuan - panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dulaTauhan - ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dulaSulyap sa suliranin - bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dulaSaglit na kasiglahan - saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasanTunggalian - ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dulaKasukdulan - climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya'y sa pinakakasukdulan ang tunggalianKakalasan - ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalianKalutasan - sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonoodElemento ng DulaIskrip o nakasulat na dula - ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskripGumaganap o aktor - ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba't ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dulaTanghalan - anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klaseTagadirehe o direktor - ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskripManonood - hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula'y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanoodEksena at tagpoAng eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang angtagpo nama'y ang pagpapalit o ang iba't ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.--------------------source: http://filipino3zchs.multiply.com/journal/item/18/Dula_Notes


Kahulugan ng dula-dulaan?

Ang Dula-dulaan ay tawag sa isang maikling dula na ang tunggalian ay may kinalaman sa ilang suliranin at nagwawakas ng kasiya-siya para sa mga pangunahing tauhan ng dula o nagtatapos sa pagkakasundo ng mga nagtutunggaliang lakas. Kadalasan ay layunin nito ang magpatawa sa gitna ng kawili-wili at nakakatawang pangyayari. :)


Ano ang elemento ng maikling kuwento?

1. TAUHAN Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May pangunahing tauhan kung kanino nakasentro ang mga pangyayari at mga pantulong na tauhan. Uri: BILOG: nagbabago ang katauhan LAPAD: Hindi nagbabago ang katauhan PROTOGONISTA:mabait/ pangunahing tauhan ANTAGONISTA: masama 2. TAGPUAN/PANAHON Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa iba't ibang panahon kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari. 3. SAGLIT NA KASIGLAHAN Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan 4. SULIRANIN O TUNGGALIAN Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao laban sa Tao/lipunan. 5. KASUKDULAN Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin. 6. KAKALASAN Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan. 7. WAKAS Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong sa pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Tinatawag na melodrama kapag may malungkot na sangkap subalit nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa mabubuting tauhan.


Anu-ano ang elemento ng maikling kwento?

1. TAUHAN Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May pangunahing tauhan kung kanino nakasentro ang mga pangyayari at mga pantulong na tauhan. Uri: BILOG: nagbabago ang katauhan LAPAD: Hindi nagbabago ang katauhan PROTOGONISTA:mabait/ pangunahing tauhan ANTAGONISTA: masama 2. TAGPUAN/PANAHON Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa iba't ibang panahon kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari. 3. SAGLIT NA KASIGLAHAN Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan 4. SULIRANIN O TUNGGALIAN Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao laban sa Tao/lipunan. 5. KASUKDULAN Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin. 6. KAKALASAN Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan. 7. WAKAS Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong sa pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Tinatawag na melodrama kapag may malungkot na sangkap subalit nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa mabubuting tauhan.


English translation of dula-dulaan?

drama-theater Dula means " play ", Dula-Dulaan literally translated means "role play" or to act as in theater. Ang Dula-dulaan ay tawag sa isang maikling dula na ang tunggalian ay may kinalaman sa ilang suliranin at nagwawakas ng kasiya-siya para sa mga pangunahing tauhan ng dula o nagtatapos sa pagkakasundo ng mga nagtutunggaliang lakas. Kadalasan ay layunin nito ang magpatawa sa gitna ng kawili-wili at nakakatawang pangyayari. :)


Anu-ano ang mga katangian ng isang balita?

Katangian:1. Kaangkupan sa Panahon o napapanahon - ipinahihiwatid nito na ang pangyayari sa balita ay kailangang kagaganap lamang o katutuklas pa lamang. Maaari rin naming matagal nang naganap ang pangyayari ngunit bagong katutuklas.2. Katanyagan o may kasangkot na personalidad - nauukol sa mga kilalang Tao sa pamahalaan at lipinan dahil ang mga ito'y maaaring magbigay-katuturan o magbigay bias sa iba't ibang larangang pampulitika, pang-edukasyon, panlipunan at pangkabuhayan. Tinatawag din silang newsmakers.3. Kalapitan sa Pook - kailangang nagaganap sa kanilang paligid kaysa sa mga pangyayaring nagaganap sa malayong pook.4. Kahalagahan - may mga pangyayari sa ibang bansa na kung susuriin ay Hindi mahalaga para sa ating bansa. Ngunit maging maliit man ang bansa, Hindi dapat ipagwalang-bahala ang kanilang kaunlaran.5. Tunggalian - nangingibabaw sa katangian ng mga salitang may kaugnayan sa pagwewelga, paligsahan ng laro, labanan sa pulitika at iba pa.


Ano ang mga elemento ng kwento?

Mga elementoIto ang mga bahagi at ng sangkap ng isang maikling kuwento:SimulaKabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.GitnaBinubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsa'y ang sarili, ang kapwa, o ang kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.WakasBinubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento para bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang maaring kahinatnan ng kuwento.


Mga elemento ng maikling kwento at ang mga kahulugan nito?

Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.Saglit na Kasiglahan- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.Kakalasan- Tulay sa wakas.Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kwento.kaisipan- mensahe ng kwento.Banghay- pangyayari sa kwento.


Anu ang katangian ng balita?

1. Kaangkupan sa Panahon o napapanahon - ipinahihiwatid nito na ang pangyayari sa balita ay kailangang kagaganap lamang o katutuklas pa lamang. Maaari rin naming matagal nang naganap ang pangyayari ngunit bagong katutuklas.2. Katanyagan o may kasangkot na personalidad - nauukol sa mga kilalang Tao sa pamahalaan at lipinan dahil ang mga ito'y maaaring magbigay-katuturan o magbigay bias sa iba't ibang larangang pampulitika, pang-edukasyon, panlipunan at pangkabuhayan. Tinatawag din silang newsmakers.3. Kalapitan sa Pook - kailangang nagaganap sa kanilang paligid kaysa sa mga pangyayaring nagaganap sa malayong pook.4. Kahalagahan - may mga pangyayari sa ibang bansa na kung susuriin ay Hindi mahalaga para sa ating bansa. Ngunit maging maliit man ang bansa, Hindi dapat ipagwalang-bahala ang kanilang kaunlaran.5. Tunggalian - nangingibabaw sa katangian ng mga salitang may kaugnayan sa pagwewelga, paligsahan ng laro, labanan sa pulitika at iba pa.


Ano ang ibig sabihin na dula?

Madalas na ang mga unang pumapasok sa ating isipan kapag naririnig ang salitang Dula ay ang entablado at mga aktor na umaarte rito. Ito ay nahahati sa ilang yugto at ang bawat yugto'y maraming tagpo.Ang dula ay mayroon ding sangkap. Ito ay ang simula, gitna at wakas. Ang mga sangkap nitong tagpuan, tauhan at sulyap sa suliranin ay mamamalas na sa simula. Ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan ay matatagpuan sa gitna. Ang kakalasan at ang kalutasan naman ay matatagpuan sa wakas.Ngunit ang Dula ay Hindi lamang sa entablado makikita. Ito ay hango sa diwa ng mimesis o ang panggagagad o panggagaya sa mga nagaganap sa totoong buhay. Ang isang bata na ginagaya ang paraan ng pagkilos at pagsasalita ng isang matanda ay matatawag nang pagsasadula.Bago pa ang konsepto ng entablado sa Pilipinas, ginagawa na ng mga katutubo ang panggagagad sa pamamagitan ng mga ritwal, sayaw, at awit na may diwa ng iba't-ibang mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang Tao o tribo. Sa pamamagitan ng mga Dula, naipapaniwala sa isang lipi ang kultura at naipapasa ang tradisyon sa susunod na saling lahi.


Ang luha ng buwaya?

Nobela ng pambansang alagad ng sining Amado V. Hernandez, ang Luha ng Buwaya (1962) ay tumatalakay sa ginagawang panggigipit ng maykayang pamilya sa mga maralita at kung paano nagkaisa ang nasabing mga dukha upang lutasin ang kanilang problema.Inilahad sa nobela ang sistemang piyudal na kinakatawan Nina Donya Leona at Don Severo Grande, nna nag-aari ng malalawak na lupain sa Sampilong. Ginamit ng mag-asawa ang kanilang salapi, impluwensiya, at kapangyarihan upang paikutin at bulukin ang mga institusyong gaya ng hukuman, simbahan, at pamahalaan nang mapanatili ang kanilang interes. Kalaban ng mag-asawa ang pangkat ng mga dukhang mula sa pook-maralita, na pinamumunuan ni Bandong. Si Bandong ay isang guro na naging gabay ng mga Tao sa makatwirang pagkilos laban sa mga pamamalakad ng mag-asawang Grande. Nagbuo ng kooperatiba ang mga dukha sa pagnanais na makaraos sa kahirapan. Tumindi ang tunggalian sa kuwento nang ipakulong si Bandong gayong wala naman siyang kasalanan, at sa halip ay naghasik ng lagim ang mga tauhan ng mag-asawang Grande. Sa dakong huli ng nobela'y matutuklasan na ang lupaing kinatitirikan ng mga bahay ng mga dukha ay Hindi pag-aari ng mag-asawang Grande. Mauunawaan din sa wakas ng mga Tao na sama-sama lamang na pagkilos nila mababago ang bulok na sistemang piyudal sa lipunan.


Luha ng buwaya?

Ang Luha ng Buwaya ay isang nobelang isinulat ng Pilipinong si Amado V. Hernandez. Mayroon itong 53 mga kabanata, at tungkol sa mga mahihirap na mga magsasaka na nagbuklud-buklod laban sa kagahamanan ng pamilya Grande.Nobela ng pambansang alagad ng sining Amado V. Hernandez, ang Luha ng Buwaya (1962) ay tumatalakay sa ginagawang panggigipit ng maykayang pamilya sa mga maralita at kung paano nagkaisa ang nasabing mga dukha upang lutasin ang kanilang problema.Inilahad sa nobela ang sistemang piyudal na kinakatawan Nina Donya Leona at Don Severo Grande, na nag-aari ng malalawak na lupain sa Sampilong. Ginamit ng mag-asawa ang kanilang salapi, impluwensiya, at kapangyarihan upang paikutin at bulukin ang mga institusyong gaya ng hukuman, simbahan, at pamahalaan nang mapanatili ang kanilang interes. Kalaban ng mag-asawa ang pangkat ng mga dukhang mula sa pook-maralita, na pinamumunuan ni Bandong. Si Bandong ay isang guro na naging gabay ng mga tao sa makatwirang pagkilos laban sa mga pamamalakad ng mag-asawang Grande. Nagbuo ng kooperatiba ang mga dukha sa pagnanais na makaraos sa kahirapan. Tumindi ang tunggalian sa kuwento nang ipakulong si Bandong gayong wala naman siyang kasalanan, at sa halip ay naghasik ng lagim ang mga tauhan ng mag-asawang Grande. Sa dakong huli ng nobela'y matutuklasan na ang lupaing kinatitirikan ng mga bahay ng mga dukha ay Hindi pag-aari ng mag-asawang Grande. Mauunawaan din sa wakas ng mga tao na sama-sama lamang na pagkilos nila mababago ang bulok na sistemang piyudal sa lipunan.Ang "luha ng buwaya" ay bulaklak ng dila na nangangahulugang "mapagbalatkayo" o "pagkukunwari."sources:http://tl.wikipedia.org/wiki/Luha_ng_Buwayahttp://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Luha_ng_Buwaya


Can you give me the translation in tagalog for the declamation entitled 'the champion'?

Sa malawak na kalawakan ng isang walang hanggang lugar Saan katahimikan pinasiyahan ang outer space Ominously nagngangalit ito nakatayo Ang simbolo ng espiritu ng digmaan Sa pagitan ng ang isa na may pangalang Lucifer, at ang MorningStar, ang tunay na ng magandang. Enveloped sa pamamagitan ng isang trilyon planeta Linisin bilang kidlat, at mahirap bilang granite Ang isang cosmic Coliseum-host sa dulo, Ng digmaan sa pagitan ng lord ng kasalanan at kamatayan At ang mga makapangyarihan lumikha ng unang hininga ng tao Sino ang magpasya, na magpakailanman ay maging ..... Ang madla para sa paglaban ng edad ay binuo at sa lugar. Ang mga anghel ay dumating sa kagaraan mula sa isang bituin. Mga banal na ay nawala bago doon, Jeremias, Enok, Job. Sila ay awit ang kanta ng Zion sa ni David ang alpa. Ang mga demonyo sa arived, nakakasakit at karima-rimarim, pagmumura at blaspheming Diyos Sinundan ng kanilang Tropeo patay at nawala. Hitler, Napoleon, Pharoh, Capone, tormented, nakakayamot, at grieved At naghihintay para sa kanilang paghatol mula sa trono. Pagkatapos chill swept sa pamamagitan ng napakalaki karamihan ng tao At ang mga demonyo squealed na may kagalakan Bilang isang sorid, bulgar, nakakadismaya kakanyahan ay mararamdaman. Arrogantly tumitigidig, kamay gaganapin mataas, draped sa isang sparkling damit na pamburol, Trolled ng mga demonyo, si Satanas ascended mula sa Impiyerno. Pagkatapos cringed ni Satanas, ang mga makasalanan groaned, ang mga demonyo reeled sa sakit Bilang bilang taong pusturiyoso ng kapangyarihan tulad ng tahimik pagkulog na pinagsama. Sa isang paggulong ng alon ng liwanag higit pa sa matinding pagbibigay ng uniberso, Sa maluningning kaluwalhatian lumitaw ang Anak ng Diyos. Pagkatapos katauhan, oo, extraordinaire lumitaw sa center ring. Diyos Ama ay mangasiwa ang tunggalian. Pagbubukas ng Aklat ng Buhay, bawat enggrandeng tumayo hushed sa sindak Bilang majestically sinabi niya, "Ngayon, narito ang mga panuntunan sa: Siya ay nasugatan para sa kanilang mga transgressions, lamog para sa iniquities. " Kapag sinabi niya, "Sa pamamagitan ng Kanyang guhitan sila pinagaling," diyablo ang shook. Sinabi niya, "Sickness ang aking specialty - mapoot ko na nakapagpapagaling junk" Sinabi ng Diyos, "shut mo ang iyong mukha - sinulat ni ko ang libro." Pagkatapos Ama ay tumingin sa Kanyang lamang anak na lalaki at sinabi, "Alam mo ang mga panuntunan. Iyong dugo ay linisin ang kanilang kasalanan at kalmado ang kanilang mga takot. " Pagkatapos siya tulis Kanyang daliri sa Satanas at sinabi, "At alam ko na alam mo ang mga patakaran, Hindi ka na twisting ito na linlangin ang aking mga tao para sa taon. " Sumigaw si Satanas, "makikita ko pumatay ka Kristo! Hindi ka manalo ang away na ito. " Ang mga demonyo ay wheezed, "Tama iyon, doon ay hindi paraan hindi." Jeered ni Satanas, "hindi mo patay na karne Jesus, ako gonna pumutok ka hanggang ngayong gabi." Sinabi ni Hesus, "Sige, gawin ang aking araw!" Ang kampanilya, ang karamihan ng tao, ang paglaban ay, at Diyablo leaped sa pagngangalit ng bagyo. Sa lahat ng kanyang masasamang mga trick siya dumating bawiin. Threw siya ng kanyang mga jabs ng poot at libog, ulos ng pagmamataas at inggit, Ngunit ang mga kamay na alam walang kasalanan-block bawat isa. Loob ng apatnapung araw at gabi na sila fought at si Satanas ay hindi maaaring hawakan Kanya. Ngayon ang panghuling pumutok-save para sa huling ikot. Prophetically ni Cristo kamay ay dumating down at struck ni Satanas sa higanti. Ang pumutok ng kamatayan ay nahulog si Jesus sa lupa. Ang mga devils roared sa tagumpay, shocked at naguguluhan ang mga banal Tulad ng sa mga sugat na lumitaw kapag ang Kanyang mga kamay at paa. Ang Si Satanas ay kicked sa Kanya sa Kanyang tagiliran at dugo at tubig na dumaloy At sila naghintay para sa sampung bilang ng sa pagkatalo. Diyos Ama naka-Kanyang ulo. Kanyang mga luha hayag ang Kristo ay patay. Ang sampung bilang ng ipahayag ng pagtatapos ang labanan. Ang ni Satanas na nanginig sa pamamagitan ng kanyang pawis sa hindi inaasahang labis na pagkasuklam, Bilang Diyos na sinimulan ang bilang sa pamamagitan ng sinasabi, "... 10 ..." Uy maghintay ng isang minuto Diyos, "... 9 ..." Itigil ang, ka pagbibilang ng maling, "... 8 ..." Ay gumagalaw ang kanyang mga mata ... "... 7 ..." Ay twitching ng kanyang mga daliri ... "... 6 ..." Saan ang lahat ng ito liwanag na nagmumula sa ... "... 5 ..." Siya ay buhay "... 4 ..." Naku ... "... 3 ... 2 ..." Oh yes Siya won! Siya won! Siya buhay magpailan pa man, Siya ay risen, Siya ay Panginoon. Siya won! Siya won! Siya buhay magpailan pa man, Siya ay risen, Siya ay Panginoon. Ipahayag ang balita sa bawat dila, sa pamamagitan ng walang katapusang edad at lampas. Hayaan ito tininigan mula sa bundok malakas at malakas, Pagkabihag ay naitakda libreng, bumili ng kaligtasan para sa iyo at sa akin, Maging sanhi ni Satanas ay bagsak at si Jesus ay ANG KAMPEON!


Buod ng kabanata 25 sa noli you tangere?

Pagkaraang libutin ni Ibarra, nagsadya ito sa bahay ni Pilosopo Tasyo (Tandang Tacio/Mang Tasyo). Inabutan niya ito ng nagsusulat ngheroglipiko sa wikang Pilipino. Abala ito, kaya ninais niyang huwag ng gambalain ang matanda. Pero napuna nito ng siya ay papanaog na. Pinigilan si Ibarra, Sinabi ni Mang Tasyo na ang sinusulat niya ay hindi mauunawaan ngayon. Ngunit, ang mga susunod na salin- lahi ay maiintidahan ito sapagkat ang mga ito ay higit na matalino at malamang hindi nahihimbing sa panahon ng kanilang mga ninuno.Ipinalagay ni Ibarra na siya ay dayuhan sa sariling bayan at higit namang kilala si Mang Tasyo ng mga tao. Kung kaya't isinangguni niya ang kanyang balak tungkol sa pagpapatayo ng paaralan. Pero, sinabi ng matanda na huwag siyang sangguniin sapagkat itinuturing siyang baliw ng maraming tao, at sa halip ay kanyang itunuro sa binata ang Kura, ang kapitan ng bayan at ang lahat ng mayayaman sa bayan. Ayoon pa rin sa kanya, ang mga taong kanyang tinutukoy ay magbibigay ng masasamang payo subalit ang pagsangguni ay hindi nangangahulugan ng pagsunod. Sundin lamang kunwari ang payo at ipakita ni Ibarrang ang kanyang ginagawa ay ayon sa mga pinagsangunian.Tinugon ni Ibarra si Mang Tasyo na maganda ang kanyang payo peero mahirap gawin sapagkat kinakailangan pa bang bihisan ng kasinungalingan ang isang katotohanan. Maagap na tumugon din ang matanda na higit pa sa pamahalaan ang kapangyarihan ng isang uldog, nagtagumpay lamang ang binata kung ito ay tutulungan at kung hindi naman. Ang lahat ng kanyang mga pangarap ay madudurog lamang sa matitgas na pader ng simbahan. Matindi ang paniniwala ni Ibarra na siya ay tutulungan kapwa ng bayan at pamahalaan.Nagpatuloy na magkaroon ng tunggalian ng paniniwala sina Mang Tasyo at Ibarra. Ayon pa rin kay Mang Tasyo ang gobyerno ay kasangkapan lamang ng simbahan. Na ito ay matatag sapagkat nakasandig sa pader ng kumbento at ito ay kusang babagsak sa sandaling iwan ng simbahan.Sinabi ng binata na kasiyahan na niyang masasabi ang dipagdaing ng bayan. Ito ay hindi naghihrap tulad ng sa isang bansa sapagkat dati - rati tinatangkilik tayo ng relihiyon at ng pamahalaan. Pero, sinabi naman ni Mang Tasyo na pipi ang bayan kaya hindi dumaraing. Katunayan, anya darating ang panahong magliliwanag ang kadiliman at ang mga tinimping buntunghininga'y magsisiklab. Ang Bayan ay maniningil ng pautang at sa gayo'y isusulat sa dugo ang kanyang kasaysayan.Ipinaliwanag ng binata na ang Pilipinas ay umiibig sa Espanya at alam ng bayan na siya ay tintangkilik. Kaya ang Diyos, ang Gobyerno at ang relihiyon ay di- papayag na sapitin ang araw na sinabi ni Mang Tasyo. Ikinatwiran naman ng matanda na tunay na mainam ang mga balak sa itaas ngunit hindi natutupad sa ibaba dahil sa kasakiman sa yaman at sa kamangmangan ng bayan. Sa palagay niya, ang dahilan ay sapat ang utos ng Hari ay nawawalang silbi sapagakat walang nagpapatupad. Dahil dito, ang aatupagin ng pamahalaan rito kundi ang magpayaman sa loob lamang ng tatlong taong panunukungkulan. Sa puntong ito, napuna ni Mang Tasyo na lumalayo na sila ni ibarra sa usapan. Inungkat muli ni Ibarra ang paghingi niya ng payo. Ang payo ng matanda ay kailangang magyuko muna si Ibarra ng ulo sa mga naghari-harian.Hindi naatim ni Ibarra ang payo ng matanda at sa halip ay sunod-sunod na tanong ang kanyang pinakawalan.(1)Kailangan bang magyuko at mapanganyaya? (2)Kailangan bang maapi upang maging mabutiing kriistiyano at parumihin ang budhi upang matupad ang isang layunin? (3)Bakit ako mangangayupapa kung ako ay nakapagtataas ng ulo?Direkto sa punto naman ang sagot ni Mang Tasyo na "Sapagakat ang lupang pagatatamanan ninyo ay hawak ng inyong mga kaaway. Kayo ay mahina upang lumaban. Kailangang humalik muna kayo ng kamay!" Mariing sinalungat naman ni Ibarra ang pahayag na ito ng matanda sa pagsasabing:"humalik pagkatapos nilang patayin ang aking ama at hukayin sa libingan. Ako'y hindi naghihiganti sapagakat mahal ko ang aking relihiyon. Ngunit ang ank ay hindi nakaklimot!"Sa sinabing ito ni Ibarra, Inimungkahi ng matanda na habang buhay sa ala-ala ng binata ang sinapit ng kanyang ama ay limutin muna niya ang tungkol sa kanyang balak na papapatayo ng paaralan. Kinakailangang gumawa na lamang siya ng ibang paraan na ikagagaling ng kanyang mga kababayan. Naunawaan ni Ibarra ang payo ng matanda, pero kailangang gawin niya abng naipangakong handog sa kasintahang si Maria. Humingi pa si Ibarra ng payo kay Mang Tasyo.Isinama ng matanda ang binata sa may tabi ng bintana. Ang ibinigay nitong payo ay mga halimbawa. Itinuro ni Mang Tasyo kay Ibarra ang isang rosas na sa deami ng bulaklak ay yumuyuko sa lakas ng hangin. Kung ito ay magpapakatigas ng tayo, ang tangkay niya ay tiyak na mababali. Ang sinunod niyang itinuro ay matayog na puno ng makopa. Dati-rati, anya, ay isang maliit na puno ang itinanim. Ito ay tinukuran niya ng mga patpat hanggang sa kumapit ang mga ugat nito sa lupa. Kung ang puno ay itinanim niya ito ng malaki ay hindi mabubuhay sapagkat ibubuwal ng hangin. Ito ay ipinaparis niya kay Ibarra na parang isang punong inilipat sa isang lupaing mabato mula sa Europa. Kaya, kailangan nito ang sandalan. Isa pa, hindi kaduwagan ang pagyuko sa dumarating na punlo. Ang masama ay sumalubosdfng sa punlong iyon, upang hindi na muling makabangon.Tinanong ng binata kung malilimot ng kura ang ginawa niya. Nag-aalala na baka pakitang -tao lamang ang pagtulong sa kanya dahil sa ang pagtutujro ay magiging kaagaw ng kumbwento sa kayamanan ng bayan.Binigyan diin ni Mang Tasyo na hindi man magtatagumpay si Ibarra, ito ay maroon ding mapapala sapagkat tiyak na may lalabas na bagong pananim mula sa mga itinanim nito. At ang binata ay magsisilbing isang mabuting halimbawa sa iba na natatakot lang magsimula. Kinamayan ni Ibarra si Mang Tasyo at sinabing kakausapin niya ang kura na marahil ay hindi naman kastulad ng umusig sa jkanyang ama. Ipakikiusap din niya sa kura na tangkilikin ang kaawa-awang balo at ang mga anak. Ilang saglit pa, tuluyang umalis na si Ibarra.


Buod ng nobelang Dekada 70 ni Lualhati Bautista?

Ang Dekada 70 ay tumatalakay sa hangarin ng isang babae nag magkaroon ng sariling katangi-tanging pagkakakilanlan.Si Armanda Bartolome, sa simula ng nobela, ay isang karaniwang maybahay at ina, naghahanda ng kape ng asawa, at nangangalaga sa mga pangangailangan ng mga anak sa paaralan.Sa pagdaan ng mga araw, nakita ni Amanda ang mga pagbabago ng mga anak, lalo na si Jules. Ang pagkahilig ni Jules sa mga awiting nagsasaag ng pagkamakabayan ay nagtulak dito upang sumapi sa mga kilusang laban sa katiwalian ng gobyerno. Sinabi niya ito kay Julian ngunit nagwalang bahala lamang ito. Hindi nakatiis si Amanda. Sinigawan niya si Julian na takang-taka sa inasal niya. Nagkalamigan sila ni Julian.Unang linggo ng Mayo, taong 1974, nang nag-empake si Jules. Pupunta raw siya ng Bikol. Napasigaw si Amanda nang itinanong niya kung ano ang gagawin nito sa Bikol. Napatanga si Jules. Nagulat ito sa pagsigaw ng ina. May pang-uuyam na sinabi nito sa ina na makabubuting sumama ito at baka sakaling mamulat ito. Nasampal ni Amanda si Jules.Nahuli si Jules at dinala sa Kampo Crame. Dinalaw nila ito at doon narinig ni Amanda ang mga kabuktutang ginagawa ng mga sundalo.Samantala, nagpasya si Jason na huminto na sa pag-aaral. Dahil sa wala itong pinagkakaabalahan, halos nagpapaumaga ito sa mga babae. Isang gabi, may tawag na tinanggap sina Amanda at Julian. Nahulihan si Jason ng marijuana. Nagtanung-tanong sila sa mga presinto. Nalaman nilang pinalaya na ito ngunit hindi umuwi sa kanilang bahay. Pinaghahanap siya ni Em, na isa pa rin sa mga anak ni Amanda. Isang gabi, lumung-lumo itong umuwi at ibinalitang patay na si Jason.Ilang gabi nag-iiyak si Amanda. Napagtanto niyang walang silbi ang kanyang buhay. Nagpasiya siyang humiwalay na kay Julian. Ngunit hindi siya umalis. Naisip niyang marami pa silang dapat pag-usapan ni Julian. Simula iyon ng ng kanilang pag-uusap, ng kanilang pagkakaunawaan.Pinalaya si Jules. Ngunit ang kanyang pagkakalaya ay hindi nagpabago ng kanyang simulain. Ibinalik siya sa Kampo Crame.Nang ideklara ang pagbawi ng martial law, sabay-sabay rin pinalaya ang maighit sa tatlong daang bilanggong pulitikal.May kani-kanya nang buhay ang kanyang mga anak, mula kay Jules hanggang kay Binggo. Ngunit ngayon, hindi na siyang nag-aalalang hindi magtatagal at maiiwan na sila ni Julian. Natuklasan niyang may magagawa at maiaambag pa siya sa mundong ito. Nasisiyahan siyang pati si Julian ay namulat at tumutulong na rin sa mga gawaing para sa kapwa at bayan.Ang mahabang salaysay ay nakasentro sa panggitnang-uring pamilyang Bartolome, at sa kung papaano naapektuhan ng batas militar ang mga tunggalian at trahedyang naganap sa buhay nila. Katuwang ni Amanda ang inhinyerong asawa na si Julian Sr. sa pagpapalaki sa lima nilang anak na lalaki: ang panganay na si Jules na isang kabataang aktibista na sumapi sa rebeldeng New People's Army (NPA) at pagkatapos ay naging bilanggong pulitikal; si Gani na sa batang edad ay nakabuntis ng babae; si Em na isang manunulat na naghahanap ng pagkakakilanlan sa sarili; si Jason na naging biktima ng salvaging at si Bingo na maaga pa'y nagmamasid na sa mga nangyayari.Sa Dekada '70, mababakas ng mambabasa ang tala ng mga aktuwal na kuwento ng panunupil at karahasan ng mga militar sa mga inosenteng sibilyang nasasangkot sa digmaan, mga paglabag sa karapatang pantao, iba't ibang mukha ng karukhaan at pagsasamantala sa aping mamamayan, at ang walang humpay na paglaban ng mamamayan sa diktadurya sa panahon ng batas militar.Sa paggamit ng awtor ng first person point of view sa kuwento, kapansin-pansin ang hilig ni Amanda na kausapin ang sarili o mind-chatter hinggil sa papel niya sa asawa't mga anak at sa mga usaping bumabagabag sa kanya. Sa pagkatuto niya kay Jules, nakakapaghayag siya ng tungkol sa mga nangyayari "dahil di na ako limitado sa mga bagay lang na may kinalaman sa pampabata't pampaganda, pagdiriwang at mga kaburgisan," wika nga ni Amanda.Hindi tipikal na babae si Amanda, bagkus, isang tao na may likas na kamalayan sa mga pangyayaring kinasasangkutan ng mas malawak na bilang ng mamamayan (na unti-unti niyang natutuklasan) at di nagpapasupil sa limitasyon ng litanya ng asawa na, "Well honey, it's a man's world."Isang mahalagang tauhan sa akda si Jules, isang kabataang namulat ng mga kampanya laban sa tuition fee increase sa paaralan hanggang sa lumao'y piliin niyang lumahok sa sandatahang pakikibakang inilulunsad ng NPA. Ang katangian niya bilang isang rebolusyonaryong nakikibaka para palitan ang sistemang umiiral ay lubhang nakapukaw sa damdamin ni Amanda na minsa'y iginiit ang kalayaang magpasya ng sariling buhay noong sumulat siya sa kapatid ng mga katagang sinipi mula sa tula ng makatang si Kahlil Gibran:"Ang inyong anak ay hindi n'yo anak, Sila'y mga anak na lalaki't babae ng buhay! Nagdaan sila sa inyo ngunit hindi inyo, At bagama't pinalaki n'yo,sila'y walang pananagutan sa inyo…" Sa pagkakaalam ko, ito rin ang madalas sipiin ng mga aktibistang estudyante ngayon sa pakikipag-usap sa mga magulang na hindi nakakaunawa sa kanilang ginagawa!At gaya ng maraming magulang, hindi naiintindihan ni Amanda ang anak sa mga ginagawa nito. Sagot ni Jules sa ina: panahon na para mamili ang tao. Alinman sa dito ka o do'n…Tutulong ka bang baguhin ang kalagayang ito o magseserbisyo ka rin sa uring mapang-api?Sa di-inaasahang pagkakatao'y nalasap ng buong pamilya ang dagok ng batas militar nang walang awang pinahirapan at pinatay si Jason ng mga di kilalang tao ilang oras matapos itong palayain ng PC dahil sa hinalang gumagamit ito ng marijuana. Sa kawalan ng pagkakakilanlan sa salarin, walang silang nagawa kundi ang tumangis sa kawalan ng hustisya.Ngunit kahit pa sumuong sa matitinding trahedya ang pamilyang Bartolome, nananatili pa rin silang buo sa kabila ng pagkakaiba-iba nila ng prinsipyo. Kahit hindi nagkakaintindihan sa mga diskursong pang-intelektuwal, di nawawala ang mahigpit na ugnayang emosyonal. Ika nga ng isang awit, "sa pagkakalayo ay may paglalapit din."Ang mga pangyayaring ibinunyag sa Dekada '70 ay tila nakapagsisilbing panggatong sa lumalakas at umiigting na tinig ng paghihimagsik sa mga unang taon ng sumunod na dekada.Unang naipakilala sa 'kin ang Dekada '70 noong Oktubre 1996 ni G. Christopher Amat, guro sa Komunikasyon sa College of Arts and Sciences ng University of Perpetual Help System-Laguna (UPHSL). Mula noon, hindi ko tinantanan ang pagbabasa ng aklat hanggang sa ito'y matapos ko sa loob lamang ng dalawang linggo.Para sa mga estudyanteng may progresibong kaisipan, nakaambag ang akda sa pagpapataas ng kanilang pampulitikang kamulatan at pagkamakabayan.Kahit noong mga taong nagsisimula pa lang na sumulong ang pakikibaka para sa isang malayang konseho at pahayagan ng mga mag-aaral sa UPHSL, itinuring ko na ang nobela bilang nirerekomendang reading material para sa pagmumulat at pag-oorganisa sa masang estudyante. May isa ngang kasamang nagmungkahi pa na gawin itong kurso sa pag-aaral ng organisasyon.Sa mga panahong gaya ng dekada 70-na dekada ng pagkamulat at pakikibaka-natutunan natin ang aral na ang bawat isa'y bahagi ng mas malawak na lipunan kung saan ang mga kabataan ngayon, na "isang malinaw na mata at tainga at tinig ng kanyang panahon", ang siyang magpapasya ng kinabukasan ng bayan. Ang luma'y sadyang napapalitan ng bago.Wika nga ng isang bilanggong pulitikal, "ang payapang pampang ay para lang sa mga pangahas na sasalungat sa alimpuyo ng mga alon sa panahon ng unos."


Mga pinagdaanan ni Karl Marx?

Talambuhay ni Karl Marx ni V. I. Lenin mula sa Tomo 21 ng Collected Works ni Lenin isinalin mula sa Ingles ni Greg Bituin Jr. Ipinanganak si Karl Marx noong Mayo 5, 1818 (ng bagong kalendaryo), sa lungsod ng Trier (sa Rhenish Prussia). Ang kanyang ama'y isang manananggol, isang Hudyo, na yumakap sa Protentantismo noong 1824. Maykaya ang pamilya, may kalinangan, ngunit hindi rebolusyonaryo. Nang makapagtapos siya ng pag-aaral sa isang Gymnasium sa Trier, pumasok sa pamantasan si Marx, una'y sa Bonn at sa kalaunan ay sa Berlin, kung saan nagbasa siya ng mga batas, at nagpakadalubhasa sa kasaysayan at pilosopiya. Tinapos niya ang kanyang kurso sa pamantasan noong 1841, nagsumite ng tesis doktoral hinggil sa pilosopiya ni Epicurus. Noong panahong yaon, si Marx ay isang ideyalistang Hegeliano sa kanyang mga pananaw. Sa Berlin, nabibilang siya sa pulutong ng mga "Makakaliwang Hegeliano" (sina Bruno Bauer at iba pa) na bumubunot ng kanilang ateistiko at rebolusyonaryong pagpapasiya mula sa pilosopiya ni Hegel. Nang makapagtapos ng pag-aaral, lumipat si Marx sa Bonn, at umaasang maging guro. Gayunman, ang reaksyonaryong polisiya ng gubyerno, na nag-alis kay Feuerbach sa pamumuno nito noong 1832, ay di siya pinayagang bumalik sa pamantasan noong 1836, at noong 1841, na pumigil sa bata pang guro na si Bruno Bauer sa pagtuturo sa Bonn, ang siyang pumigil kay Marx upang magpatuloy sa karerang pang-akademiko. Napakabilis umunlad ng pananaw ng makakaliwang Hegeliano sa Alemanya noong panahong yaon. Sinimulang tuligsain ni Feuerbach ang teyolohiya, lalo na noong 1836, at bumaling sa materyalismo, kung saan noong 1841 ay nagpaangat sa kanyang pilosopiya (Ang Diwa ng Kristyanidad). Lumabas noong 1843 ang kanyang Mga Panuntunan ng Pilosopiya sa Hinaharap. "Dapat maranasan ng isang tao sa kanyang sarili ang mapagpalayang bisa" ng mga aklat na ito, kasunod nito'y nagsulat si Engels hinggil sa mga akdang ito ni Feuerbach. "Kami [ang mga Makakaliwang Hegeliano, kasama si Marx] ay lahat agad naging Feuerbachiano." Noong panahong yaon, ilang radikal na burgis sa Rhineland, na may ugnayan sa mga Makakaliwang Hegeliano, ang nagtatag sa Cologne ng isang masalungat na pahayagan na tinatawag na Rheinische Zeitung (ang unang isyu nito'y lumitaw noong Enero 1, 1842). Inanyayahang maging pangunahing tagaambag sina Marx at Bruno Bauer, at noong Oktubre 1842, naging punong patnugot si Marx at lumipat sa Cologne mula sa Bonn. Ang kalakarang rebolusyonaryo-demokratiko ng pahayagan ay unti-unting lumilinaw sa ilalim ng pamamatnugot ni Marx, at ang gobyerno'y unang nag-atas ng doble at tripleng pagsensura sa pahayagan, at noong Enero 1, 1843 ay nagpasyang supilin ito. Dapat magbitiw sa pagkapatnugot si Marx bago ang petsang yaon, ngunit hindi nasagip ng kanyang pagbibitiw ang pahayagan, na tumigil sa paglalathala noong Marso 1843. Sa mga lalong mahahalagang artikulong inambag ni Marx sa Rheinische Zeitung, ayon sa tala ni Engels, bilang dagdag sa mga nakahimatong sa ibaba,isang artikulong nakapatungkol sa kalagayan ng mga magsasaka sa Moselle Valley. Ang kanyang gawaing pamahayagan ang kumumbinsi kay Marx na hindi pa siya ganap na bihasa sa pampulitikang ekonomya, at agad niyang itinalaga ang sarili sa pag-aaral nito. Noong 1843, pinakasalan ni Marx sa Kreuznach ang isang kababata na napagkasunduan niyang pakasalan habang sila'y mga estudyante pa lamang. Nagmula ang kanyang napangasawa sa isang pamilyang reaksyonaryo ng isang maharlikang Prusyano, ang nakatatandang kapatid na lalaki nito'y naging Ministrong Panloob ng Prusya noong pinakareaksyonaryong panahon - 1850-58. Noong taglagas ng 1843, nagtungo si Marx sa Paris upang maglathala ng radikal na pahayagan sa ibayong dagat, kasama si Arnold Ruge (1802-1880), isang makakaliwang Hegeliano, nakulong noong 1825-30, isang destiyerong pulitikal noong 1848, at isang Bismarkiano matapos ang 1866-70). Tanging isang isyu lamang ng pahayagang Deutsch-Französische Jahrbücher, ang lumitaw; di na nagpatuloy ang paglalathala nito dahil sa kahirapang ipamahagi ito ng lihim sa Alemanya, at sa hindi nila pagkakasundo ni Ruge. Ipinakita ng mga artikulo ni Marx sa pahayagang ito na siya'y ganap nang rebolusyonaryo na nagtataguyod ng "walang-awang pagpuna sa lahat ng bagay na umiiral", at sa partikular ay "pagpuna sa pamamagitan ng sandata", at nanawagan sa masa at sa proletaryado. Noong Setyembre 1844, tumungo si Frederick Engels ng ilang araw sa Paris, at mula noon ay naging matalik na kaibigan ni Marx. Kapwa sila naging aktibong bahagi sa noon ay kumukulong buhay ng mga rebolusyonaryong pangkat sa Paris (ang partikular na mahalaga noong panahong yaon ay ang kaisipan ni Proudhon, na pinunang isa-isa ni Marx sa kanyang Kasalatan ng Pilosopiya, 1847), nagtaguyod ng masiglang pakikibaka laban sa iba't ibang kaisipang petiburgis ng sosyalismo, nilikha nila ang teorya at taktika ng rebolusyonaryo proletaryadong sosyalismo, o komunismong Marxismo. (Tingnan ang mga ginawa ni Marx sa panahong ito, 1844-48 sa bibliograpya.) Sa mapilit na kahilingan ng gubyerno ng Prusya, pinalayas si Marx sa Paris noong 1845 bilang isang mapanganib na rebolusyonaryo. Nagtungo siya sa Brussels. Sa tagsibol ng 1847, sumapi sina Marx at Engels sa lihim na samahang propaganda na tinatawag na Liga Komunista; naging mahalagang bahagi sila sa Ikalawang Kongreso ng Liga (London, Nobyembre 1847), kung saan hiniling sa kanilang balangkasin ang Manipesto ng Komunista, na lumitaw noong Pebrero 1848. Nang may kaliwanagan at katalinuhan ng isang henyo, binalangkas ng akdang ito ang bagong pandaigdigang kaisipan, na naaalinsunod sa materyalismo, na yumapos din sa kalagayan ng panlipunang pamumuhay; diyalektika bilang pinakaganap at pinakamalalim na pananaw sa pag-unlad; ang teorya ng tunggalian ng uri at makasaysayang pandaigdigang rebolusyonaryong papel ng proletaryado - ang tagalikha ng bago, komunistang lipunan. Sa pagsiklab ng Rebolusyon ng Pebrero 1848, si Marx ay pinalayas sa Belgium. Nagbalik siya sa Paris, kung saan, matapos ang Rebolusyon ng Marso, nagtungo siya sa Cologne sa Alemanya kung saan nalathala ang Neue Rheinische Zeitung mula Hunyo 1, 1848 hanggang Mayo 19, 1849, na si Marx ang punong-patnugot. Ang bagong teorya ay maningning na pinatunayan sa paraan ng mga rebolusyonaryong kaganapan ng 1848-49, at sa kalauna'y pinatunayan ito ng lahat ng proletaryado at demokratikong kilusan ng lahat ng bansa sa mundo. Ang matagumpay na kontra-rebolusyon ang unang nagsulsol ng mga paglilitis sa hukuman laban kay Marx (siya'y pinawalang-sala noong Pebrero 9, 1849), at agad siyang pinalayas sa Alemanya (Mayo 16, 1849). Una'y nagtungo si Marx sa Paris, at muli'y pinalayas matapos ang rali noong Hunyo 13, 1849, at agad na nagtungo sa London, kung saan siya nanirahan hanggang sa kanyang kamatayan. Ang kanyang buhay bilang destiyerong pulitikal ay napakahirap, na malinaw na inilantad ng paglilihaman nina Marx at Engels (nalathala noong 1913). Matindi ang naranasang kahirapan ni Marx at ng kanyang pamilya; kundi sa palagian at walang pag-iimbot na tulong pinansyal ni Engels, hindi mabubuo ni Marx ang Das Kapital at madudurog siya ng karalitaan. Dagdag pa, ang nanaig na kaisipan at kalakarang petiburgis na sosyalismo, at ng di-proletaryadong sosyalismo sa pangkalahatan, ang nagtulak kay Marx upang itaguyod ang patuloy at walang-awang pakikibaka at minsan ay itaboy ang mga napakalupit at kakila-kilabot na atakeng personal (Herr Vogt). Napaunlad ni Marx, na nakatayong malayo sa pulutong ng mga destiyerong pulitikal, ang teoryang materyalista sa ilan niyang makasaysayang akda, na itinalaga ang kanyang sarili sa pag-aaral ng pampulitikang ekonomya. Binagong lubusan ni Marx ang agham sa kanyang akdang Ambag sa Pagsusuri sa Pampulitikang Ekonomya (1859) at Das Kapital (Tomo 1, 1867). Ang muling pagkabuhay ng mga demokratikong kilusan sa huling bahagi ng 1850s at sa 1860s ay pagbabalik ni Marx sa mga gawaing pulitikal. Noong 1864 (Setyembre 28) ang Pandaigdigang Samahan ng Manggagawa - ang bantog na Unang Internasyunal, ay itinatag sa London. Si Marx ang puso't diwa ng samahang ito, at may-akda ng mga resolusyon, deklarasyon at manipesto. Sa pagbubuklod ng kilusang paggawa sa samu't saring anyo ng di-proletaryado, bago-Marxistang sosyalismo (Mazzini, Proudhon, Bakunin, kalakalang unyong liberal sa Britanya, mga pag-urong-sulong ng Lassalean tungong kanan sa Alemanya, atbp.), at pagbaka sa mga teorya ng mga sekta at paaralang ito, ipinagsaksakan ni Marx ang isang di-nagbabagong taktika para sa proletaryadong pakikibaka ng uring manggagawa sa iba't ibang bansa. Kasunod ng pagbagsak ng Komyun ng Paris (1871) - na nagbigay ng malalim, malinaw, napakatalino, mabisa at rebolusyonaryong pagsusuri (Ang Digmaang Bayan sa Pransya, 1871) - at ang isinagawang paghahati ni Bakunin sa Internasyunal, ang huli ay samahang di na makairal pa sa Europa. Matapos ang Kongreso sa Hague ng Internasyunal (1872), tiniyak ni Marx na nagampanan ng Pangkalahatang Sanggunian ng Internasyunal ang makasaysayang tungkulin nito, at ngayon ay tumahak sa panahon ng mas maunlad na kilusang paggawa sa lahat ng bansa sa mundo, sa panahong lumawak ang saklaw ng kilusan, at natatag ang pangmasa, sosyalista, uring manggagawang partido sa bawat pambansang estado. Bumagsak ang kalusugan ni Marx dahil sa walang humpay na gawain sa Internasyunal at sa kanyang walang tigil na gawaing teoretikal. Nagpatuloy siyang gawin ang pag-aayos sa pampulitikal na ekonomya at sa pagtapos ng Das Kapital, kung saan nakapagkalap siya ng maraming bagong materyales at nag-aral din ng iba't ibang wika (halimbawa, wikag Ruso). Gayunman, pinigil siya ng karamdaman na matapos ang Das Kapital. Ang kanyang asawa'y namatay noong Disyembre 2, 1881, at noong Marso 14, 1883, namayapa si Marx habang nakaupo sa kanyang silyon. Inilibing siya katabi ng namayapang asawa sa Highgate Cemetery sa London. Sa mga anak ni Marx, ang ilan ay namatay ng bata pa sa London, noong namumuhay pa ang kanyang pamilya sa napakadukhang kalagayan. Ang tatlo niyang anak na babae ay napangasawa ng mga sosyalistang Ingles at Pranses: sina Eleanor Aveling, Laura Lafargue at Jenny Longuet. Ang anak na lalaki ng huli ay kasapi ng Sosyalistang Partido ng Pranses.


Talambuhay ni marx Karl?

Talambuhay ni Karl Marx ni V. I. Lenin mula sa Tomo 21 ng Collected Works ni Lenin isinalin mula sa Ingles ni Greg Bituin Jr. Ipinanganak si Karl Marx noong Mayo 5, 1818 (ng bagong kalendaryo), sa lungsod ng Trier (sa Rhenish Prussia). Ang kanyang ama'y isang manananggol, isang Hudyo, na yumakap sa Protentantismo noong 1824. Maykaya ang pamilya, may kalinangan, ngunit hindi rebolusyonaryo. Nang makapagtapos siya ng pag-aaral sa isang Gymnasium sa Trier, pumasok sa pamantasan si Marx, una'y sa Bonn at sa kalaunan ay sa Berlin, kung saan nagbasa siya ng mga batas, at nagpakadalubhasa sa kasaysayan at pilosopiya. Tinapos niya ang kanyang kurso sa pamantasan noong 1841, nagsumite ng tesis doktoral hinggil sa pilosopiya ni Epicurus. Noong panahong yaon, si Marx ay isang ideyalistang Hegeliano sa kanyang mga pananaw. Sa Berlin, nabibilang siya sa pulutong ng mga "Makakaliwang Hegeliano" (sina Bruno Bauer at iba pa) na bumubunot ng kanilang ateistiko at rebolusyonaryong pagpapasiya mula sa pilosopiya ni Hegel. Nang makapagtapos ng pag-aaral, lumipat si Marx sa Bonn, at umaasang maging guro. Gayunman, ang reaksyonaryong polisiya ng gubyerno, na nag-alis kay Feuerbach sa pamumuno nito noong 1832, ay di siya pinayagang bumalik sa pamantasan noong 1836, at noong 1841, na pumigil sa bata pang guro na si Bruno Bauer sa pagtuturo sa Bonn, ang siyang pumigil kay Marx upang magpatuloy sa karerang pang-akademiko. Napakabilis umunlad ng pananaw ng makakaliwang Hegeliano sa Alemanya noong panahong yaon. Sinimulang tuligsain ni Feuerbach ang teyolohiya, lalo na noong 1836, at bumaling sa Marxismo, kung saan noong 1841 ay nagpaangat sa kanyang pilosopiya (Ang Diwa ng Kristyanidad). Lumabas noong 1843 ang kanyang Mga Panuntunan ng Pilosopiya sa Hinaharap. "Dapat maranasan ng isang tao sa kanyang sarili ang mapagpalayang bisa" ng mga aklat na ito, kasunod nito'y nagsulat si Engels hinggil sa mga akdang ito ni Feuerbach. "Kami [ang mga Makakaliwang Hegeliano, kasama si Marx] ay lahat agad naging Feuerbachiano." Noong panahong yaon, ilang radikal na burgis sa Rhineland, na may ugnayan sa mga Makakaliwang Hegeliano, ang nagtatag sa Cologne ng isang masalungat na pahayagan na tinatawag na Rheinische Zeitung (ang unang isyu nito'y lumitaw noong Enero 1, 1842). Inanyayahang maging pangunahing tagaambag sina Marx at Bruno Bauer, at noong Oktubre 1842, naging punong patnugot si Marx at lumipat sa Cologne mula sa Bonn. Ang kalakarang rebolusyonaryo-demokratiko ng pahayagan ay unti-unting lumilinaw sa ilalim ng pamamatnugot ni Marx, at ang gobyerno'y unang nag-atas ng doble at tripleng pagsensura sa pahayagan, at noong Enero 1, 1843 ay nagpasyang supilin ito. Dapat magbitiw sa pagkapatnugot si Marx bago ang petsang yaon, ngunit hindi nasagip ng kanyang pagbibitiw ang pahayagan, na tumigil sa paglalathala noong Marso 1843. Sa mga lalong mahahalagang artikulong inambag ni Marx sa Rheinische Zeitung, ayon sa tala ni Engels, bilang dagdag sa mga nakahimatong sa ibaba,isang artikulong nakapatungkol sa kalagayan ng mga magsasaka sa Moselle Valley. Ang kanyang gawaing pamahayagan ang kumumbinsi kay Marx na hindi pa siya ganap na bihasa sa pampulitikang ekonomya, at agad niyang itinalaga ang sarili sa pag-aaral nito. Noong 1843, pinakasalan ni Marx sa Kreuznach ang isang kababata na napagkasunduan niyang pakasalan habang sila'y mga estudyante pa lamang. Nagmula ang kanyang napangasawa sa isang pamilyang reaksyonaryo ng isang maharlikang Prusyano, ang nakatatandang kapatid na lalaki nito'y naging Ministrong Panloob ng Prusya noong pinakareaksyonaryong panahon - 1850-58. Noong taglagas ng 1843, nagtungo si Marx sa Paris upang maglathala ng radikal na pahayagan sa ibayong dagat, kasama si Arnold Ruge (1802-1880), isang makakaliwang Hegeliano, nakulong noong 1825-30, isang destiyerong pulitikal noong 1848, at isang Bismarkiano matapos ang 1866-70). Tanging isang isyu lamang ng pahayagang Deutsch-Französische Jahrbücher, ang lumitaw; di na nagpatuloy ang paglalathala nito dahil sa kahirapang ipamahagi ito ng lihim sa Alemanya, at sa hindi nila pagkakasundo ni Ruge. Ipinakita ng mga artikulo ni Marx sa pahayagang ito na siya'y ganap nang rebolusyonaryo na nagtataguyod ng "walang-awang pagpuna sa lahat ng bagay na umiiral", at sa partikular ay "pagpuna sa pamamagitan ng sandata", at nanawagan sa masa at sa proletaryado. Noong Setyembre 1844, tumungo si Frederick Engels ng ilang araw sa Paris, at mula noon ay naging matalik na kaibigan ni Marx. Kapwa sila naging aktibong bahagi sa noon ay kumukulong buhay ng mga rebolusyonaryong pangkat sa Paris (ang partikular na mahalaga noong panahong yaon ay ang kaisipan ni Proudhon, na pinunang isa-isa ni Marx sa kanyang Kasalatan ng Pilosopiya, 1847), nagtaguyod ng masiglang pakikibaka laban sa iba't ibang kaisipang petiburgis ng sosyalismo, nilikha nila ang teorya at taktika ng rebolusyonaryo proletaryadong sosyalismo, o komunismong Marxismo. (Tingnan ang mga ginawa ni Marx sa panahong ito, 1844-48 sa bibliograpya.) Sa mapilit na kahilingan ng gubyerno ng Prusya, pinalayas si Marx sa Paris noong 1845 bilang isang mapanganib na rebolusyonaryo. Nagtungo siya sa Brussels. Sa tagsibol ng 1847, sumapi sina Marx at Engels sa lihim na samahang propaganda na tinatawag na Liga Komunista; naging mahalagang bahagi sila sa Ikalawang Kongreso ng Liga (London, Nobyembre 1847), kung saan hiniling sa kanilang balangkasin ang Manipesto ng Komunista, na lumitaw noong Pebrero 1848. Nang may kaliwanagan at katalinuhan ng isang henyo, binalangkas ng akdang ito ang bagong pandaigdigang kaisipan, na naaalinsunod sa materyalismo, na yumapos din sa kalagayan ng panlipunang pamumuhay; diyalektika bilang pinakaganap at pinakamalalim na pananaw sa pag-unlad; ang teorya ng tunggalian ng uri at makasaysayang pandaigdigang rebolusyonaryong papel ng proletaryado - ang tagalikha ng bago, komunistang lipunan. Sa pagsiklab ng Rebolusyon ng Pebrero 1848, si Marx ay pinalayas sa Belgium. Nagbalik siya sa Paris, kung saan, matapos ang Rebolusyon ng Marso, nagtungo siya sa Cologne sa Alemanya kung saan nalathala ang Neue Rheinische Zeitung mula Hunyo 1, 1848 hanggang Mayo 19, 1849, na si Marx ang punong-patnugot. Ang bagong teorya ay maningning na pinatunayan sa paraan ng mga rebolusyonaryong kaganapan ng 1848-49, at sa kalauna'y pinatunayan ito ng lahat ng proletaryado at demokratikong kilusan ng lahat ng bansa sa mundo. Ang matagumpay na kontra-rebolusyon ang unang nagsulsol ng mga paglilitis sa hukuman laban kay Marx (siya'y pinawalang-sala noong Pebrero 9, 1849), at agad siyang pinalayas sa Alemanya (Mayo 16, 1849). Una'y nagtungo si Marx sa Paris, at muli'y pinalayas matapos ang rali noong Hunyo 13, 1849, at agad na nagtungo sa London, kung saan siya nanirahan hanggang sa kanyang kamatayan. Ang kanyang buhay bilang destiyerong pulitikal ay napakahirap, na malinaw na inilantad ng paglilihaman nina Marx at Engels (nalathala noong 1913). Matindi ang naranasang kahirapan ni Marx at ng kanyang pamilya; kundi sa palagian at walang pag-iimbot na tulong pinansyal ni Engels, hindi mabubuo ni Marx ang Das Kapital at madudurog siya ng karalitaan. Dagdag pa, ang nanaig na kaisipan at kalakarang petiburgis na sosyalismo, at ng di-proletaryadong sosyalismo sa pangkalahatan, ang nagtulak kay Marx upang itaguyod ang patuloy at walang-awang pakikibaka at minsan ay itaboy ang mga napakalupit at kakila-kilabot na atakeng personal (Herr Vogt). Napaunlad ni Marx, na nakatayong malayo sa pulutong ng mga destiyerong pulitikal, ang teoryang materyalista sa ilan niyang makasaysayang akda, na itinalaga ang kanyang sarili sa pag-aaral ng pampulitikang ekonomya. Binagong lubusan ni Marx ang agham sa kanyang akdang Ambag sa Pagsusuri sa Pampulitikang Ekonomya (1859) at Das Kapital (Tomo 1, 1867). Ang muling pagkabuhay ng mga demokratikong kilusan sa huling bahagi ng 1850s at sa 1860s ay pagbabalik ni Marx sa mga gawaing pulitikal. Noong 1864 (Setyembre 28) ang Pandaigdigang Samahan ng Manggagawa - ang bantog na Unang Internasyunal, ay itinatag sa London. Si Marx ang puso't diwa ng samahang ito, at may-akda ng mga resolusyon, deklarasyon at manipesto. Sa pagbubuklod ng kilusang paggawa sa samu't saring anyo ng di-proletaryado, bago-Marxistang sosyalismo (Mazzini, Proudhon, Bakunin, kalakalang unyong liberal sa Britanya, mga pag-urong-sulong ng Lassalean tungong kanan sa Alemanya, atbp.), at pagbaka sa mga teorya ng mga sekta at paaralang ito, ipinagsaksakan ni Marx ang isang di-nagbabagong taktika para sa proletaryadong pakikibaka ng uring manggagawa sa iba't ibang bansa. Kasunod ng pagbagsak ng Komyun ng Paris (1871) - na nagbigay ng malalim, malinaw, napakatalino, mabisa at rebolusyonaryong pagsusuri (Ang Digmaang Bayan sa Pransya, 1871) - at ang isinagawang paghahati ni Bakunin sa Internasyunal, ang huli ay samahang di na makairal pa sa Europa. Matapos ang Kongreso sa Hague ng Internasyunal (1872), tiniyak ni Marx na nagampanan ng Pangkalahatang Sanggunian ng Internasyunal ang makasaysayang tungkulin nito, at ngayon ay tumahak sa panahon ng mas maunlad na kilusang paggawa sa lahat ng bansa sa mundo, sa panahong lumawak ang saklaw ng kilusan, at natatag ang pangmasa, sosyalista, uring manggagawang partido sa bawat pambansang estado. Bumagsak ang kalusugan ni Marx dahil sa walang humpay na gawain sa Internasyunal at sa kanyang walang tigil na gawaing teoretikal. Nagpatuloy siyang gawin ang pag-aayos sa pampulitikal na ekonomya at sa pagtapos ng Das Kapital, kung saan nakapagkalap siya ng maraming bagong materyales at nag-aral din ng iba't ibang wika (halimbawa, wikag Ruso). Gayunman, pinigil siya ng karamdaman na matapos ang Das Kapital. Ang kanyang asawa'y namatay noong Disyembre 2, 1881, at noong Marso 14, 1883, namayapa si Marx habang nakaupo sa kanyang silyon. Inilibing siya katabi ng namayapang asawa sa Highgate Cemetery sa London. Sa mga anak ni Marx, ang ilan ay namatay ng bata pa sa London, noong namumuhay pa ang kanyang pamilya sa napakadukhang kalagayan. Ang tatlo niyang anak na babae ay napangasawa ng mga sosyalistang Ingles at Pranses: sina Eleanor Aveling, Laura Lafargue at Jenny Longuet. Ang anak na lalaki ng huli ay kasapi ng Sosyalistang Partido ng Pranses.


Si pinkaw ni isabelo s sobrevega?

AKO NGA POH PALA SI REY RONNEL T. RODRIGUEZ NG VI-1 BN II NHS......SANA MAKATULONG TO!!!!!Si PingkawMaikling Kwentong HiligaynonNi Isabelo S. SobregaNaalimpongatan ako sa pagtulog nang hapong iyon sa sigawan at nanunuyang tawanan ng mga bata sa kalsada. Dali-Dali akong bumangon, nagpahid ng pawis at dumungaw sa bintana. Si Pingkaw pala na sinusundan ng mga bata. Gula-gulanit ang kanyang damit na ilang ulit nang tinagpian at may medyas ang isang paa na ewan kung asul o berde. Malayo siya kaya't di ko Makita nang mabuti. Sa kabilang binti, may nakataling pulang papel de Hapon na may kabit na lata sa dulo. Sa kanyang ulo, may nakapatong na palara na kumikinang tuwing tinatamaan ng sinag ng araw."Hoy, Pingkaw," sigaw ng isang bata na nakasundong abot sa tuhod at may itinatawing-tawing sa daga. "Sige nga, kumanta ka ng blak is blak.""Ay, hiya ako," nag-aatubiling sagot ng babae, sabay subo sa daliri."Kung ayaw mo, aagawin namin ang anak mo," nakangising sabat ng pinakamalaki sa lahat, mahaba ang buhok at nakakorto lamang. At umambang aagawin ang karga ni Pingkaw.Umatras ang babae at hinigpitan pa ang yapos sa kanyang karga."Sige agawin natin ang kanyang anak," sabi nilang pahalakhak habang pasayaw-sayaw na pinalilibutan si Pingkaw.Maya-Maya'y nakita kong lumuhod si Pingkaw sa lupa at nag-iiyak na parang bata."Huwag niyo naming kunin ang anak ko. Isusumbong ko kayo sa meyor." Patuloy pa rin ang panindyo ng mga bata kahit na lumakas ang hagulhol ni Pingkaw.Nakadama ako ng pagkaawa kay Pingkaw at pagkainis sa mga bata. Kaya't sumigaw ako para takutin sila. "Hoy mga bata, salbahe n'yo! Tigilan n'yo ang pagtukso sa kanya."Ewan kung sa lakas ng pagsigaw ko'y natakot ang mga batang isa-isang nag-aalisan. Pagkaalis nila, tumingala si Pingkaw sa akin at nagsabi:"Meyor, kukunins nila ang aking anak."Hindi ko mapigilan ang aking pagngiti. May koronel, may sergeant, may senador siyang tawag sa akin. Ngayon meyor na naman. "O sige, Hindi na nila kukunin yan. Huwag ka nang umiyak."Ngumiti siya sa akin. Inihele ang kayang karga. Nahulog ang basahang ibinalot sa lata ng biskwit. Dali-Dali niya itong pinulot at muling ibinalot sa lata."Hele, hele tulog muna, wala ditto ang iyong ina…" ang kayang kanta habang ang lata'y ipinaghele at siya'y patiyad na nagsasayaw.Natigilan ako.At naalala ko ang Pingkaw na dati naming kapitbahay sa tambakan, nang Hindi pa siya ganito.Ang paghahalukay ng basura ang kanyang hanapbuhay (sa amin ang tambakan ng syudad) at ditto nagmumula ang kanyang makakain, magagamit o maipagbili. Madalas siyang umawit dati-rati. Hindi naman kagandahan ang kanyang tinig -basag at boses-lalaki. Subalit kung may ano itong gayuma na bumabalani sa pandinig. Ewan kung dahil sa tila malungkot na tinig ng kanyang paghehele o kung dahil sa pagtataka sa kanyang kasiyahan gayong isa lamang siyang naghahalukay ng basura.Kadalasan, pabalik na siya niyang galling sa tambakan. Ang kariton niya'y puno ng kartong papel, bote, mga sirang sapatos, at sa loob ng bag na burin a nakasabit sa gilid ng kanyang kariton, makikita mo ang kanyang pananghalian. Ito'y mga tira-tirang sadinas, karne norte o kaya'y pork and beans, pandesal na kadalasa'y nakagatan na at kung minsan, kung sinuswerte, may buto ng fried chicken na may lamang nakadikit. Sa kanyang yayat na katawan masasabing tunay na mabigat ang kanyang tinutulak, ngunit magugulat ka, tila nagagaanan siya at nakakakanta pa ng kundimang Bisaya.Pagdating niya sa harap ng kanilang barung-barong, agad niyang tatawagan ang kanyang anak: "Poray, Basing, Takoy, nandito na ako." At ang mga ito, Dali-daling nagtakbuhan pasalubong sa kanya habang Hindi makaringgan sa pagtatanong kung may uwi ba raw siyang dyens na estretsibol; ano ang kanilang pananghalian, nakabili ba raw siya ng bitsukoy?Dalawang taon kaming magkapitbahay ngunit Hindi ko man lamang nalaman ang kanyang tunay na pangalan. Pingkaw ang tawag ng lahat sa kanya, b'yuda na s'ya. Namatay ang kanyang asawa sa sakit ng epilepsy habang dinadala niya sa kanyang sinapupunan ang bunsong anak. Samantala, si Pisyang Tahur ay sumusumpa sa kanyang paboritong santo na Hindi raw kailanman nakasal si Pingkaw. Iba-iba raw ang ama ng kanyang tatlong anak. Ang kanyang panganay, si Poray, ay labis na mataas para sa kanyang gulang na labintatlong taon at masyadong payat. Tuwing makikita mo iting nakasuot ng estretsibol na dala ng ina mula sa tambakan, maaalala mo agad ang panakot-uwak sa maisan. Si Basing, ang sumunod, sungi ngunit mahilig pang pumangos tubo gayong umaagos lamang ang katas sa biyak ng kayang labi. Ang bunsong ewan kung tatlong taon pa lamang ay maputi at guwapung-gwapo. Ibang-iba sa kanyang mga kapatid kaya kung minsa'y naisip mong totoo nga ang sinasabi ni Pisyang Tahur.Pagkatapos mananghalian, aalisin na ni Pingkaw ang mga laman ng kariton, ihihiwalay ang mga lata mga bote, mga kariton at iba pang nakalagay rito sa napulot sa tambakan katulong ang kayang mga anak. Kinasanayan na ni Pingkaw na umawit habang gumagawa. Kung minsan, sumasabay ang kayang mga anak at ang sungi ang siyang may pinakamataas na tinig,. Pagkatapos, itutulak na niya ang kariton patungo sa Tsino na tagabili.Talagang mahal ni Pingkaw ang kanayang mga anak. Sa tambakan, karaniwang makikita mo na sinasaktan ng mga ina ang kanilang mga anak, ngunit Hindi mo man lamang makikita si Pingkaw na inaambaan ang kanyang mga anak. "Ang mga bata," nasabi niyang minsang bumili siya ng tuyo sa talipapa at nakitang pinapalo ng isang ina ang maliit na anak na nahuli nitong tumitingin sa malalaswang larawan, "Hindi kailangang paluin, sapat nang turuan sila nang malumanay. Iba ang batang nakikinig sa magulang dahil sa paggalang at pagmamahal. Ang mga bata, kung saktan, susunod sa iyo subalit magrerebelde at magkimkim ng sama ng loob."Sa tunggalian ng pamumuhay sa tambakan na roo, ang isang tao'y handing tumapak sa ilong ng kapwa tao mabuhay lamang. Nakapagtataka si Pingkaw. Lubha siyang matulungin lalo na sa katulad niyang naghahalukay lamang ng basura. Madalas siyang tumutulong sa pagtutulak ng kariton ng iba lalo na ng mga bata at matatanda. Sinasabi rin na sa pagsisimba niya tuwing Linggo Hindi kukulangin sa piseta anf kayang ipinamamahagi sa mga nagpapalimos.Alam ng lahat sa tambakan ang pangyayaring ito. Minsan, nagkasakit ng el to rang sunging anak ni Pingkaw. Nagtungo ang babae sa suking Tsino. Nakiusap na pautangin siya. Magpapahiram naman daw ang Tsino ngunit sa isang kondisyon. Bukambibig na ang pagkagahaman sa babae ng Tsino na ito: pinagdugtung-dugtong ng mga tagatambakan kung ano ang kondisyong iyon sapagkat wala naman talagang nakasaksi sa pag-uusap ng dalawa. Nalaman na ng lahat ang mga naganap; ang pagkabasag ng kawali na inihambalos ni Pingkaw sa ulo ng Tsino.Hindi rin nadala ni Pingkaw ang kanyang anak sa doctor. Pag-uwi niya, naglaga siya ng dahon ng bayabas at ipinainom sa anak. Iyon nalamang ang nakapagpabuti sa bata."Nagpapakita rin na may awa ang Diyos. Kung ninais Niyang mamatay ang aking anak, sana'y namatay na. ngunit dahil naisip pa Niyang mabuhay ito, nabuhay rin kahit Hindi naipadoktor," ang sabi ni Pingkaw nang magpunta siya sa talipapa bago pa man gumaling ang kanyang anak.Minsang nag-uusap ang mga nagsisipagtipon sa talipapa tungkol sa bigas relip, at iba pang bagay na ipinamimigay ng ahensya na nangangalaga sa mga mahihirap. Sumabat si Pingkaw na nagkataong naroroon, "Bakit iaasa ko pa sa ahensya ang aking pamumuhay? Malusog at masigla pa naman ako sa pagtutulak ng aking kariton upang tulungan. Marami pa riyang iba na higit na nararapat tulungan. Ang hirap lang sa ating pamahalaan, kung sino ang dapta tulungan ay Hindi tinutulungan. Ngunit ang ibang mabuti naman ang pamumuhay, sila pa ang nakatatanggap ng tulong. Kabaliwan…"Iyan si Pingkaw. Kontento na siya sa kanyang naabot sa buhay.Naganap ang sumunod na pangyayai kay Pingkaw nang ako'y nasa bahay ng aking kapatid na may sakit. Isinalaysay ito ng aking mga kapitbahay pagbalik ko, at matinding galit ang aking nadama.Isang araw, matapos silang mag-agahan ng kayang mga anak, bigla na lamang namilipit ang mga bata sa sakit sa tiyan. Ewan kung dahil sa sardines o sa kung ano mang panis na kanilang nakain.Natuliro si Pingkaw. Nagsisigaw. Tumakbo siya sa mga kapitbahay upang humingi ng tulong. Ngunit wala silang maitulong maliban sa pagsabihan siyang kailangan dalhin ang mga anak sa ospital.Walang nagdaraang mga saasakyan sa kalyehon kaya sa kariton isinakay ni Pingkaw ang kanyang mga anak. Nagtungo siya sa bahay ng isang doktor na malapit lamang, ngunit wala ang doktor at naglalaro ng golp, ayon sa katulong.Itinulak niyang muli ang kariton at nagpunta sa bahay ng isa pang doktor. Matagal siyang tumimbre nakita niyang may sumisilip-silip sa bintana.Kaya nagugulkuhang itinulak na naman ni Pingkaw ang kanyang kariton papuntang bayan. May doktor doon ngunit wala naming gamut para sa nalason.Halos Hindi makakilos sa pagod si Pingkaw, bukod pa sa kanyang lubhang pagkalumbay sa pagiging maramot ng kapalaran. Ipinagpatuloy niya ang pagtulak ng kariton.Nang makarating siya sa punong kalsada, maraming sasakyan ang kanyang pinahinto upang isakay ang kanyang mga may sakit na anak ngunit wala ni isa sa mga ito ang tumigil. Maya-Maya napansin niyang Hindi na kumikilos ang kanyang panganay. Para siyang sinakluban ng langit nang mabatid niyang Hindi na ito humihinga. Umiiyak siyang nagpatuloy sa pagtulak ng kariton para iligtas ang buhay ng natitira pa niyang dalawang anak. Maraming tao ang may pagkamanghang nagmasid sa kanya, subalit wala kahit isa mang lumapiot upang tumulong. Tumalbug-talbog ang katawan ng kanyang mga anak sa kariton habang nagdaraan ito sa mga lubak-lubak ng kalsada.Pakiramdam niya'y isang daang taon na siya nang makarating sa pambansang ospital. Matapos ang pagtuturuan ng mga doktor at narses na ang tinitingnan lamang ay mga pasyenteng mayayaman na wala naming sakit, binigyan din ng gamut ang dalawang anak ni Pingkaw.Nang gumabi'y namatay si Poray, ang pinakamatanda. Dalawang araw pa ang lumipas, sumunod namang namatay ang bunso.Nakarinig na naman ako ng kaguluhan. Muli akong dumungaw. Si Pingkaw na nagbalik, sinusundan na naman ng mga pilyong bata."Hele-hele, tulog muna, wala ditto ang iyong nanay…" ang kanta niya, habang ipinaghehele ang binihisang lata


Si pinkaw ni isabelo s?

Si PingkawMaikling Kwentong HiligaynonNi Isabelo S. SobregaNaalimpongatan ako sa pagtulog nang hapong iyon sa sigawan at nanunuyang tawanan ng mga bata sa kalsada. Dali-Dali akong bumangon, nagpahid ng pawis at dumungaw sa bintana. Si Pingkaw pala na sinusundan ng mga bata. Gula-gulanit ang kanyang damit na ilang ulit nang tinagpian at may medyas ang isang paa na ewan kung asul o berde. Malayo siya kaya't di ko Makita nang mabuti. Sa kabilang binti, may nakataling pulang papel de Hapon na may kabit na lata sa dulo. Sa kanyang ulo, may nakapatong na palara na kumikinang tuwing tinatamaan ng sinag ng araw."Hoy, Pingkaw," sigaw ng isang bata na nakasundong abot sa tuhod at may itinatawing-tawing sa daga. "Sige nga, kumanta ka ng blak is blak.""Ay, hiya ako," nag-aatubiling sagot ng babae, sabay subo sa daliri."Kung ayaw mo, aagawin namin ang anak mo," nakangising sabat ng pinakamalaki sa lahat, mahaba ang buhok at nakakorto lamang. At umambang aagawin ang karga ni Pingkaw.Umatras ang babae at hinigpitan pa ang yapos sa kanyang karga."Sige agawin natin ang kanyang anak," sabi nilang pahalakhak habang pasayaw-sayaw na pinalilibutan si Pingkaw.Maya-Maya'y nakita kong lumuhod si Pingkaw sa lupa at nag-iiyak na parang bata."Huwag niyo naming kunin ang anak ko. Isusumbong ko kayo sa meyor." Patuloy pa rin ang panindyo ng mga bata kahit na lumakas ang hagulhol ni Pingkaw.Nakadama ako ng pagkaawa kay Pingkaw at pagkainis sa mga bata. Kaya't sumigaw ako para takutin sila. "Hoy mga bata, salbahe n'yo! Tigilan n'yo ang pagtukso sa kanya."Ewan kung sa lakas ng pagsigaw ko'y natakot ang mga batang isa-isang nag-aalisan. Pagkaalis nila, tumingala si Pingkaw sa akin at nagsabi:"Meyor, kukunins nila ang aking anak."Hindi ko mapigilan ang aking pagngiti. May koronel, may sergeant, may senador siyang tawag sa akin. Ngayon meyor na naman. "O sige, Hindi na nila kukunin yan. Huwag ka nang umiyak."Ngumiti siya sa akin. Inihele ang kayang karga. Nahulog ang basahang ibinalot sa lata ng biskwit. Dali-Dali niya itong pinulot at muling ibinalot sa lata."Hele, hele tulog muna, wala ditto ang iyong ina…" ang kayang kanta habang ang lata'y ipinaghele at siya'y patiyad na nagsasayaw.Natigilan ako.At naalala ko ang Pingkaw na dati naming kapitbahay sa tambakan, nang Hindi pa siya ganito.Ang paghahalukay ng basura ang kanyang hanapbuhay (sa amin ang tambakan ng syudad) at ditto nagmumula ang kanyang makakain, magagamit o maipagbili. Madalas siyang umawit dati-rati. Hindi naman kagandahan ang kanyang tinig -basag at boses-lalaki. Subalit kung may ano itong gayuma na bumabalani sa pandinig. Ewan kung dahil sa tila malungkot na tinig ng kanyang paghehele o kung dahil sa pagtataka sa kanyang kasiyahan gayong isa lamang siyang naghahalukay ng basura.Kadalasan, pabalik na siya niyang galling sa tambakan. Ang kariton niya'y puno ng kartong papel, bote, mga sirang sapatos, at sa loob ng bag na burin a nakasabit sa gilid ng kanyang kariton, makikita mo ang kanyang pananghalian. Ito'y mga tira-tirang sadinas, karne norte o kaya'y pork and beans, pandesal na kadalasa'y nakagatan na at kung minsan, kung sinuswerte, may buto ng fried chicken na may lamang nakadikit. Sa kanyang yayat na katawan masasabing tunay na mabigat ang kanyang tinutulak, ngunit magugulat ka, tila nagagaanan siya at nakakakanta pa ng kundimang Bisaya.Pagdating niya sa harap ng kanilang barung-barong, agad niyang tatawagan ang kanyang anak: "Poray, Basing, Takoy, nandito na ako." At ang mga ito, Dali-daling nagtakbuhan pasalubong sa kanya habang Hindi makaringgan sa pagtatanong kung may uwi ba raw siyang dyens na estretsibol; ano ang kanilang pananghalian, nakabili ba raw siya ng bitsukoy?Dalawang taon kaming magkapitbahay ngunit Hindi ko man lamang nalaman ang kanyang tunay na pangalan. Pingkaw ang tawag ng lahat sa kanya, b'yuda na s'ya. Namatay ang kanyang asawa sa sakit ng epilepsy habang dinadala niya sa kanyang sinapupunan ang bunsong anak. Samantala, si Pisyang Tahur ay sumusumpa sa kanyang paboritong santo na Hindi raw kailanman nakasal si Pingkaw. Iba-iba raw ang ama ng kanyang tatlong anak. Ang kanyang panganay, si Poray, ay labis na mataas para sa kanyang gulang na labintatlong taon at masyadong payat. Tuwing makikita mo iting nakasuot ng estretsibol na dala ng ina mula sa tambakan, maaalala mo agad ang panakot-uwak sa maisan. Si Basing, ang sumunod, sungi ngunit mahilig pang pumangos tubo gayong umaagos lamang ang katas sa biyak ng kayang labi. Ang bunsong ewan kung tatlong taon pa lamang ay maputi at guwapung-gwapo. Ibang-iba sa kanyang mga kapatid kaya kung minsa'y naisip mong totoo nga ang sinasabi ni Pisyang Tahur.Pagkatapos mananghalian, aalisin na ni Pingkaw ang mga laman ng kariton, ihihiwalay ang mga lata mga bote, mga kariton at iba pang nakalagay rito sa napulot sa tambakan katulong ang kayang mga anak. Kinasanayan na ni Pingkaw na umawit habang gumagawa. Kung minsan, sumasabay ang kayang mga anak at ang sungi ang siyang may pinakamataas na tinig,. Pagkatapos, itutulak na niya ang kariton patungo sa Tsino na tagabili.Talagang mahal ni Pingkaw ang kanayang mga anak. Sa tambakan, karaniwang makikita mo na sinasaktan ng mga ina ang kanilang mga anak, ngunit Hindi mo man lamang makikita si Pingkaw na inaambaan ang kanyang mga anak. "Ang mga bata," nasabi niyang minsang bumili siya ng tuyo sa talipapa at nakitang pinapalo ng isang ina ang maliit na anak na nahuli nitong tumitingin sa malalaswang larawan, "Hindi kailangang paluin, sapat nang turuan sila nang malumanay. Iba ang batang nakikinig sa magulang dahil sa paggalang at pagmamahal. Ang mga bata, kung saktan, susunod sa iyo subalit magrerebelde at magkimkim ng sama ng loob."Sa tunggalian ng pamumuhay sa tambakan na roo, ang isang tao'y handing tumapak sa ilong ng kapwa tao mabuhay lamang. Nakapagtataka si Pingkaw. Lubha siyang matulungin lalo na sa katulad niyang naghahalukay lamang ng basura. Madalas siyang tumutulong sa pagtutulak ng kariton ng iba lalo na ng mga bata at matatanda. Sinasabi rin na sa pagsisimba niya tuwing Linggo Hindi kukulangin sa piseta anf kayang ipinamamahagi sa mga nagpapalimos.Alam ng lahat sa tambakan ang pangyayaring ito. Minsan, nagkasakit ng el to rang sunging anak ni Pingkaw. Nagtungo ang babae sa suking Tsino. Nakiusap na pautangin siya. Magpapahiram naman daw ang Tsino ngunit sa isang kondisyon. Bukambibig na ang pagkagahaman sa babae ng Tsino na ito: pinagdugtung-dugtong ng mga tagatambakan kung ano ang kondisyong iyon sapagkat wala naman talagang nakasaksi sa pag-uusap ng dalawa. Nalaman na ng lahat ang mga naganap; ang pagkabasag ng kawali na inihambalos ni Pingkaw sa ulo ng Tsino.Hindi rin nadala ni Pingkaw ang kanyang anak sa doctor. Pag-uwi niya, naglaga siya ng dahon ng bayabas at ipinainom sa anak. Iyon nalamang ang nakapagpabuti sa bata."Nagpapakita rin na may awa ang Diyos. Kung ninais Niyang mamatay ang aking anak, sana'y namatay na. ngunit dahil naisip pa Niyang mabuhay ito, nabuhay rin kahit Hindi naipadoktor," ang sabi ni Pingkaw nang magpunta siya sa talipapa bago pa man gumaling ang kanyang anak.Minsang nag-uusap ang mga nagsisipagtipon sa talipapa tungkol sa bigas relip, at iba pang bagay na ipinamimigay ng ahensya na nangangalaga sa mga mahihirap. Sumabat si Pingkaw na nagkataong naroroon, "Bakit iaasa ko pa sa ahensya ang aking pamumuhay? Malusog at masigla pa naman ako sa pagtutulak ng aking kariton upang tulungan. Marami pa riyang iba na higit na nararapat tulungan. Ang hirap lang sa ating pamahalaan, kung sino ang dapta tulungan ay Hindi tinutulungan. Ngunit ang ibang mabuti naman ang pamumuhay, sila pa ang nakatatanggap ng tulong. Kabaliwan…"Iyan si Pingkaw. Kontento na siya sa kanyang naabot sa buhay.Naganap ang sumunod na pangyayai kay Pingkaw nang ako'y nasa bahay ng aking kapatid na may sakit. Isinalaysay ito ng aking mga kapitbahay pagbalik ko, at matinding galit ang aking nadama.Isang araw, matapos silang mag-agahan ng kayang mga anak, bigla na lamang namilipit ang mga bata sa sakit sa tiyan. Ewan kung dahil sa sardines o sa kung ano mang panis na kanilang nakain.Natuliro si Pingkaw. Nagsisigaw. Tumakbo siya sa mga kapitbahay upang humingi ng tulong. Ngunit wala silang maitulong maliban sa pagsabihan siyang kailangan dalhin ang mga anak sa ospital.Walang nagdaraang mga saasakyan sa kalyehon kaya sa kariton isinakay ni Pingkaw ang kanyang mga anak. Nagtungo siya sa bahay ng isang doktor na malapit lamang, ngunit wala ang doktor at naglalaro ng golp, ayon sa katulong.Itinulak niyang muli ang kariton at nagpunta sa bahay ng isa pang doktor. Matagal siyang tumimbre nakita niyang may sumisilip-silip sa bintana.Kaya nagugulkuhang itinulak na naman ni Pingkaw ang kanyang kariton papuntang bayan. May doktor doon ngunit wala naming gamut para sa nalason.Halos Hindi makakilos sa pagod si Pingkaw, bukod pa sa kanyang lubhang pagkalumbay sa pagiging maramot ng kapalaran. Ipinagpatuloy niya ang pagtulak ng kariton.Nang makarating siya sa punong kalsada, maraming sasakyan ang kanyang pinahinto upang isakay ang kanyang mga may sakit na anak ngunit wala ni isa sa mga ito ang tumigil. Maya-Maya napansin niyang Hindi na kumikilos ang kanyang panganay. Para siyang sinakluban ng langit nang mabatid niyang Hindi na ito humihinga. Umiiyak siyang nagpatuloy sa pagtulak ng kariton para iligtas ang buhay ng natitira pa niyang dalawang anak. Maraming tao ang may pagkamanghang nagmasid sa kanya, subalit wala kahit isa mang lumapiot upang tumulong. Tumalbug-talbog ang katawan ng kanyang mga anak sa kariton habang nagdaraan ito sa mga lubak-lubak ng kalsada.Pakiramdam niya'y isang daang taon na siya nang makarating sa pambansang ospital. Matapos ang pagtuturuan ng mga doktor at narses na ang tinitingnan lamang ay mga pasyenteng mayayaman na wala naming sakit, binigyan din ng gamut ang dalawang anak ni Pingkaw.Nang gumabi'y namatay si Poray, ang pinakamatanda. Dalawang araw pa ang lumipas, sumunod namang namatay ang bunso.Nakarinig na naman ako ng kaguluhan. Muli akong dumungaw. Si Pingkaw na nagbalik, sinusundan na naman ng mga pilyong bata."Hele-hele, tulog muna, wala ditto ang iyong nanay…" ang kanta niya, habang ipinaghehele ang binihisang lata http://wiki.answers.com/Si_pinkaw_ni_isabelo_s_sobrevega#ixzz1SIkSD7uq


Copy of the story si Pinkaw?

Si Pinkaw(Maikling kwentong Hiligaynon)Isabelo S. SobrevegaNaalimpungatan ako sa pag-idlip nang hapong iyon dahil sa napakaingay na sigawan at tawanan ng mga bata sa lansangan. Napilitan akong bumangon, nagpahid ng pawis at dumungaw sa bintana. Si pinkaw pala na sinusundan ng mga bata. May karga-kargang kung ano at pasayaw-sayaw na naglalakad. Gula-gulanit ang kanyang damit na ilang ulit nang tinagpian, at ang isang paa'y may medyas na marahil ay asul o berde. Hindi ko matiyak dahil malayu-layo na rin ang kanyang kinaroroonan. Sa kabilang binti, may nakataling pulang papel na may nakakabit na lata ng gatas sa dulo. Sa kanyang ulo, may nakapatong na palarang kumikinang tuwing tinatamaan ng araw."Hoy, Pinkaw," sigaw ng isang batang nakasandong abot tuhod at may itinatawing-tawing na daga, "kumanta ka nag ng blak is blak.""Sige na, Pinkaw," udyok ng iba pang mga bata."Ayoko nga, nahihiya ako," pakiyemeng sagot ng babae sabay subo sa daliri."Kung ayaw mo, aagawin naming ang anak mo!" nakangising sabat ng pinakamalaki sa lahat. Mahaba ang buhok at nakakorto llamang. At umambang aagawin an gang karga ni Pinkaw. Umatras ang babae at hinigpitan pa ang yapos sa kanyang karga.Nagsigawan ang mga bata habang pasayaw-sayaw na pinalilibutan si Pinkaw."Sige, agawin natin ang kanyang anak," sabi nila sabay halakhak.Maya-maya'y nakita kong sumalampak si Pinkaw at nag-iiyak na tumadyak-tadyak sa lupa."Huwag ni'yo namang kunin ang anak ko. Isusumbong ko kayo sa mayor." Patuloy pa rin ang panunudyo ng mga bata sa babae. Lalong lumakas ang hagulgol ni Pinkaw. bata!Naawa ako sa babae at nainis sa mga bata. Kaya't sinigawan ko sila upang takutin. "Hoy, mga bata! Mga salbahe kayo. Tigilan n'yo iyang panunukso sa kanya."Marahil natakot sa lakas ng pagsigaw ko ang mga bata kaya't isa-isang nag-alisan. Nang wala na ang mga bata, tumingala sa akin si Pinkaw at nagsabing:"Meyor, kukunin nila ang aking anak."Hindi ko napigilan ang pagngiti. May koroneL, may sardyen, may senador siyang tawag sa akin at ngayon nama'y mayor. "O sige, hindi na nila kukunin iyan. Huwag ka nang umiyak."Nginitian niya ako. Inihele ang karga. Nahulog ang basahang nakabalot doon at nakita kong lata pala iyon ng biskwit. Dali-dali niyang pinulot iyon at muling ibinalot sa lata."Hele-hele, tulog muna, wla rito ang iyong nanay..." ang kanyang kanta habang ipinaghehehebat siya'y patiyad na sumasayaw-sayaw.Natigilan ako. Lumala na ang pagkaloka ni Pinkaw. Nakakaawa naman.At naalala ko ang Pinkaw na dating kapitbahay naming sa tambakan, nang hindi pa iyon nababaliw.Paghahalukay ng basura ang kanyang hanapbuhay (narito sa amin ang tambakan ng basura ng siyudad); ditto siya nakakuha ng makakain, magagamit o maipagbibili. Dati-rati, madalas siyang kumakanta. Hindi kagandahan ang kanyang patagulaylay na pagkanta. Habang tumutulak sa karitong may tatlong gulong, pababa sa lubak-lubak at maputik na lansangan, sinusundan siya ng mga asong kumakahol. Isang bagay lamang ang mapupuna mo sa kanya-lagi siyang kumakanta. Hindi naman maganda ang kanyang boses-Basag nga at boses lalaki. Subalit may kung anong kapangyarihang bumabalani sa pandinig. Marahil dahil ito sa malungkot na tono ng kanyang awit o marahil sa iyong pagtataka kung bakit ganoon siya kasaya gayong naghahalukay lamang siya ng basura.Kadalasan, oras na ng pananghalian kung siya'y umuwi mula sa tambakan. Ang kariton niya'y puno ng mga karton, papel, bote , basahan, sirang sapatos; at sa bag na buri na nakasukbit sa gilid ng kariton, makikita mo ang kanyang pananghalian. Mga tira-tirang sardinas, karne norte o kaya'y pork-en-bins, pan de sal na kadalasa'y nakagatan na, at kung minsang sinuwerte, may buto ng prayd tsiken na may lamang nakadikit. Sa kanyang payat na katawan, masasabing tunay na mabigat ang kanyang itinutulak, ngunit magugulat ka, tila nagagaanan siya at madalas pang kumakanta ng kundimang bisaya.Pagdating niya sa harap ng kanyang barungbarong, agad niyang tatawagin ang mga anak: "Poray, Basing, Takoy, nanadito na ako." At ang mga ito'y kaagad magtatakbuhang magkasalubong sa kanya habang hindi magkaringgan sa pagtatanong kung may uwi siyang jeans na istretsibol; ano ang kanilang pananghalian, nakabili raw ba siya ng bitsukoy?Dalawang taon kaming magkapitbahay ngunit hindi ko man lang nabatid ang tunay niyang pangalan. "Pinkaw" ang tawag ng lahat sa kanya. Ayon sa kanya, balo na raw siya. Namatay ang kanyang asawa sa sakit na epilepsy habang dinadala niya sa kanyang sinapupunan ang bunsong anak. Subalit sinusumpa ni Pisyang sugarol sa kanyang paborit ong santo na hindi raw kailanman nakasal si Pinkaw. Iba-iba raw ang mga ama ng kanyang tatlong anak. Ang kanyang panganay na si Poray, ay labis na mataas para sa kanyang gulang na labintatlong taon at napakapayat. Tuwing makikita mo itong nakasuot ng istretsibol na dala ng ina mula sa tambakan, agad mong maaalala ang mga panakot-uwak sa maisan. Si Basing ang pangalawa, sungi na ngunit napakahilig pumangos ng tubo gayong umaagos lamang ang katas nito sa biyak ng kanyang labi. Ang bunso na marahil ay mga tatlong taon pa lamang ay maputi at gwapong-gwapo. Ibang-iba siya sa kanyang mga kapatid kaya minsa'y maiisip mo na totoo nga ang sinasabi ni Pisyang sugarol.Pagkatapos mananghalian, aalisin na ni Pinkaw ang laman ng kariton, ihihiwalay ang mga lata, ang mga bote, ang mga karton, at iba pang bagay na napupulot sa tambakan katulong ang kanyang mga anak, at ang suungi ang siyang pinakamalakas na tinig. Pagkatapos, itutulak na niya ang kariton patungo sa Intsik na tagabili.Mahal na mahal ni Pinkaw ang kanyang mga anak. Sa tambakan, karaniwang makikita mo na sinasaktan ng mga ina ang kanilang mga anak, ngunit hindi mo man lang makikita si Pinkaw na inaambaan ang kanyang mga anak."Ang mga bata," nasabi niya minsang bumibili ng tuyo sa tindahan at nakitang pinapalo ng isang ina ang maliit na anak na nahuling tumitingin sa malalaswang larawan. "Hindi kailangang paluin; sapat nang sabihan sila nang malumanay. Iba ang batang nakikinig sa magulang dahil sa paggalang at pagmamahal. Ang bata kung saktan, susunod siya sa iyo subalit magrerebelde at magkikimkim ng sama ng loob."Sa tunggalian ng kabuhayan sa tambakan, kung saan ang tao ay handang tumapak sa ilong ng kapwa-tao upang mabuhay, nakapagtataka ang katangian ni Pinkaw. lubha siyang matulungin, lalo na sa katulad niyang naghahalukay lamang ng basura. Madalas siyang tumutulong sa pagtutulak ng kariton ng iba, lalo na ng matatanda at bata. Sinasabi rin na sa pagsisimba niya tuwing linggo'y hindi kukulangin sa beinte sentimos ang ipinamamahagi niya sa pulubi.Batid ng lahat sa tambakan ang mga ito. Minsan, nagkasakit ng El Tor ang sunging anak ni Pinkaw. nagtungo siya sa suking Intsik. Nakiusap na pautangin siya. Magpapahiram naman daw ang Intsik ngunit sa isang kundisyon. Bukambibig na ang pagkahayok sa babae ng Intsik na ito, kaya pinagdugtong-dugtong ng mga taga-tambakan kung ano ang kundisyong iyon, sapagkat wala naman talagang nakasaksi sa pag-uusap ng dalawa. Batid na ng lahat ang sumunod na nangyari. Ang pagkabasag ng kawali na inihambalos ni Pinkaw sa ulo ng Intsik.Hindi rin nadala ni Pinkaw sa doctor ang kanyang anak. Pag-uwi niya, naglaga siya ng dahon ng bayabas at ipinainom sa anak. Iyon lamang ang nagpagaling sa bata."Nagpapatunay pa rin na may awa ang Diyos. Kung ninais niyang mamatay ang aking anak, sanay namatay na. Ngunit dahil nais pa niyang mabuhay ito, nabuhay na kahit hindi naipaduktor," sabi ni Pinkaw nang magpunta siya sa tindahan bago pa man gumaling ang kanyang anak.Minsan, napag-usapan ng mga nagtitipon sa tindahan ang tungkol sa bigas, relip, at iba pang bagay na ipinamimigay ng ahensya ng pamahalaan na nangangalaga sa mahirap. Subalit si Pinkaw na nagkataong naroroon, "Bakit iaasa ko sa pamahalaan ang aking pamumuhay? Malakas at masigla pa naman ako sa pagtutulak ng aking kariton upang maging palamunin. Marami pang iba riyan na nararapat bigyan ng tulong. Ang hirap lang sa ating gobyerno, kung sino ang higit na nangangailangan ay siyang hindi tinutulungan. Ngunit ang ibang tao riyan na mabuti naman ang kalagayan sa buhay ang siyang nagkakamal ng tulong. Kalokohan..."Iyan si Pinkaw. kontento na siya sa kanyang maaabot sa buhay.Naganap ang susunod na pangyayari ng wala ako sa amin sapagkat nasa bahay ako ng kapatid kong maysakit. Isinalaysay na lamang ito ng aking mga kapitbahay pagbalik ko, at matinding galit ang aking nadama sa kanila.Isang araw pala, matapos mananghalian ang mag-anak, bigla na lamang namilipit sa sakit ngtiyan ang mga bata. Marahil, sardinas o anumang panis na pagkain ang naging sanhi nito.Natuliro si Pinkaw. Nagsisigaw. Tumakbo sa mga kapitbahay upang humingi ng tulong. Ngunit wala silang maitulong maliban sa pagsasabihan siyang dalhin ang anak sa ospital.Walang nagdaraang sasakyan sa kalyehon kaya sa kariton isinakay ni Pinkaw ang mga anak. Nagtungo siya sa bahay ng doctor na malapit lamang, ngunit wala ang duktor sapagkat naglalaro raw ito ng golf, ayon sa katulong.Kaya natatarantang itinulak ni Pinkaw ang kanyang kariton sa isa ppang duktor. Matagal siyang tumimbre sa trangkahan ngunit walang nagbukas gayong nakita niyang may sumisilip-silip sa bintana.Litong-lito, itinulak na naman ni Pinkaw ang kanyang kariton papuntang bayan. Halos din a makakilos sa pangangapos ng hininga, bukod pa sa lubhang kalungkutan sa pagiging maramot ng kapalaran. Ipinagpatuloy niya ang pagtulak ng kariton.Nang makarating siya sa punong kalsada, maraming sasakyan siyang pinapahinto upang isakay ang maysakit na mga anak, ngunit wala ni isa man lang ang tumigil. Maya-maya'y napansing hindi na kumikilos ang kanyang panganay. Sinalat niya ito at parang sinakluban siya ng langit nang mabatid niyang ito'y hindi na humihinga. Humahagulgol niyang ipinagpatuloy ang pagtulak ng kariton upang sikaping mailigtas ang buhay ng dalawa pa niyang anak. Maraming tao ang nagmamasid lamang sa kanya ngunit nakapagtataka kung bakit wala man lang kahit isa ang lumapit sa kanya upang tumulong. Tumatalbog-talbog ang katawan ng kanyang mga anak sa kariton tuwing dumaraan ito sa lubak-lubak na kalsada.Pakiramdam niya'y isang daang taon na lumipas bago niya narating ang ospital ng pamahalaan. Matapos ang pagtuturuan ng mga duktor at nars, na ang binibigyang pansin lamang ay ang mga pasyenteng mukhang mayaman, nalapatan din ng gamut ang dalawang anak ni Pinkaw.Kinagabiha'y namatay si Basing, ang sungi. Dalawang araw pa ang lumipas at sumusunod namang namatay ang bunso.Nakarinig na naman ako ng mga ingay. Muli akong dumungaw. Bumalik si Pinkaw, sinusundan na naman ng mga pilyong bata."Hele-hele, tulog muna. Wala rito ang iyong nanay..." ang kanta niya habang ipinaghehele sa kanyang mga bisig ang binihisang lata.