answersLogoWhite

0

I.

Suring Basa

Isang pagsusuri sa nobelang

Ang Anak ng Lupa

Ni Domingo G. Landicho

Para sa kabuuang marka

sa Filipino IV

na isinagawang suriin ni

Meldrick Nico Ryan M. Agoja

IV-1 Aquamarine

Oktubre 11, 2010

II. May akda

Ang nobelang Ang Anak ng Lupa ay una sa dalawang bolyum ng pagaaral ng nobelista para sa kanyang dokturado sa Pilipinolohiya sa Unibersidad ng Pilipinas na kanyang pinagtapusan noong 1994. Primyadong manunulat, awtor ng 23 aklat ng tula, maikling kwento, dula, literaturang pambata, talambuhay, at mga aklat pag-aaral si Domingo G. Landicho. Siya ay kasalukuyang propesor ng malikhaing pagsulat at panitikan sa Unibersidad ng Pilipinas. Nagtapos siya ng Ph.D. sa Pilipinolohiya sa U.P. isa rin siyang artista sa tanghalan, telebisyon, at pelikula at isang brodkaster sa Radio Veritas, bukod sa kanyang pagiging Execom Member ng National Commission For Culture and the Arts, kolumnista, at editoryal Konsultant. Isinilang siya sa Luntal (Taal, Batangas) noong ika-apat ng Agosto, 1939, anak ng magsasaka.

III. Tagpuan

A. Panahon

Walang tiyak na panahong naisulat sa nobela. Nguint ipinaliwanag ditto ang panahon noong dekada '70 kung saan sinabi ang pagdami ng nagsisipagtayo ng mga bahay sa tabing kalsada, at ang pagkakahati-hati ng nayon sa pook ilaya, pook gitna at pook ibaba.

B. Lugar

Sa nobela, ang halos lahat na pinangyahrihan ng mga tagpo ay sa lugar ng Makulong. Ang topograpiya ng makulong ay ipanaris sa Luntal, Taal Batangas. May kalsadang tumatahak sa kalagitnaan ng nayon at tuwirang binabanggit doon na ang kalsada ay naglulundo sa Munlawin (isang kanayunan sa Batangas). Umikot din ang mga pangyayari sa kamaynilaan.

IV. Tauhan

A. Pangunahin

Victorio/ Toryo - isang anak ng lupa na pinangarap makatpos ng pag-aaral. (Bilog)

Gaudencio/Oden - isang binatilyong katoto ni Toryo.gayundin ang layunin sa buhay. (Lapad)

Oyo - ang nakatuluyan ni bining. (Lapad)

Bining - ang nagging kasintahan ni Toryo. (Lapad)

Ligay - ang muntik nang gahasain ni Marko.Ate ni Oden. (Lapad)

Karen - anak ni senyor Martin. (Lapad)

Marko - lapatid ni Karen. (Lapad)

B. Iba pang tauhan

Senyor Martin - ang bumili ng gapasan sa Makulong. (Bilog)

Ka Tales - amain ni Toryo. (Lapad)

V. Buod

Sa nayon, ang buong parang ay isang walang bayad na gulayan, nahihingi ang anumang tanim na pagkain at kung sino mang makapagbibigay ay Hindi magkakait pagkat ang hihingi ngayon ay magbibigay sa ibang panahon. Sa kadahilanang ito, walang halaga sa kanila ang anumang salapi.

Ngunit dahil sa mag pagbabagong nagaganap sa panahong ngayon, ang mag nayon ay tuluyan na ring nakakaramdam ng pagbabagong ito. Sa nobelang ito, inilalarawan ang kinagisnang buhay at pananaw ng nayon at mag naninirahan doon sa harap ng patuloy na pagbabagong nagaganap sa ating bansa.

Nasasalamin sa akda ang pagbabanghay-buhay ng paglago ng kaisipang nayon ay naglalagos patungo sa ideyolohiya ng lungsod. Binubuhay sa nobela ang mga karakter na sina Toryo, Oden, Oyo, Bining at Ligaya, pawing mga kabataang namulat sa buhay magsasaka, anak ng lupa ika nga. Kasabay ng mga bagong pagbabagong kinaharap ng mga bagong karakter, pinalitaw ng may akda, bukod sa kanikanilang katatagan at pagpapanday-pananaw, ang mga sinasaklaw na pagbabago ng kanayunan na kanilang kinamulatan at ng lungsod na Hindi nila gaanung kinikilala.

Inihayag at ipinakita sa nobela kung gaano kasukat ang mga anak ng lupa, simula kapanganakan hanggang sa mamatay ang mga ito. Ipinakita ang lahat sa mga naninirihan sa Makulong ay tumatalima sa batas ng nayon kahit na Hindi ito nasusulat. Ipinakita kung gaano kasagrado ang mga tradisyon at kaugaliang kinamulatan. Higit na pinahahalagahan ng mga taga nayon ang paniniwalang ang bawat isa sa kanila'y nagaangkin ng iisang ugat at pinagmulan kung kaya bawat isa'y namumuhay para sa kanyang kapwa.

VI. Pagsusuri

A. Suliranin

Sa nobela ay binabanggit ang kahirapan sa pagkamit ng pag-aaral. Ito ang naging pangunahing suliranin ng akda .

B. Tunggalian

Ang pakikipaglaban ng mga pangunahing tauhan sa iba't-ibang pagsubok sa buhay ang naging tunggalian sa akda. Isa na rito ang pakikipaglaban ng mga taga Makulong na Hindi makamakam ni senyor Martin ang gapasan. Gayundin ang pakikipaglaban nila Toryo para sa pagbabago ng sistema sa kanilang trabaho.

C. Kasukdulan

Tumindi ang galaw ng mga pangyayari nang magkaroon ng sunod-sunod na trahedya. Una na rito ang pagkamatay ng ama ni Toryo. Sumunod ang muntik na panggagahasa ni Marko kay Ligaya at ang pagra-rally nila Toryo para sa pagbabago ng sisitema ng kanilang trabaho.

D. Kakalasan/Lutas sa Suliranin

Tunay na sikap, tiyaga, at tiwala sa sarili ang makakapag-buno ng mga pangarapin sa buhay. Iyan ang naging sandata Nina Toryo at Oden para marating ang inaasam nila sa buhay. Nakapag-aral sila at sila lamang tanging nagkaroon ng pinag-aralan sa lugar ng Makulong, iyon ay dahil sa kanilang sipag na makamit ang kanilang mga pangarapin sa buhay.

E. Wakas

Sa pagwawakas ng kwento, luha, pag-ibig at pag-asa ang naikintal sa mga huling bahagi ng akda. Si Bining ay nakatuluyan ang kaibigan ni Toryo na si Oyo. Bagamat luha ang hatid nito kay Toryo, wala siyang ibang magawa kundi ang tanggapin na lamang ang katotohan, mahalin ang realidad at gumising sa panibagong umaga na tatahakin niya sa buhay.

VII. Halagang Pangkatauhan

Hindi hadlang ang kahirapan sa pagkamit ng mga pangarapin sa buhay.

VIII. Reaksyon sa Akda at May-akda

Sa nobela, magkakambal na realismo ng nayon at lungsod ang naikintal na maghahanay sa obrang ito bilang haligi ng kontemporaryong nobelang Pilipino. Sa pagsulat ng nobela, ang nobelista ay Hindi sinikil ng kakiputan ng Luntal at ng katotohanang isinisilang ng buhay rito. Sa halip, ang Luntal, bilang tuunang-bukal ay naging tipikal na katotohanan ng buhay-nayon ng Pilipinans, at sa pagiging Makulong nito sa nobela, ang dimensyong tipikal ay naging pambansa, naging kumakatawang realidad sa mga kanayunan ng kinakatawang lipunan.

User Avatar

Wiki User

13y ago

Still curious? Ask our experts.

Chat with our AI personalities

EzraEzra
Faith is not about having all the answers, but learning to ask the right questions.
Chat with Ezra
ReneRene
Change my mind. I dare you.
Chat with Rene
ProfessorProfessor
I will give you the most educated answer.
Chat with Professor

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Who are the characters of anak ng lupa by domingo landicho and there role?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp