Binuo ni Julian Felipe ang himig nuong 1898 at ang mga titik ng awit naman ay inangkop mula sa tulang Filipinas na isinulat ni Jose Palma sa wikang Kastila nuong 1899.
Nagsimula ito bilang isang martsang pang-instrumental na ipinag-atas ni Emilio Aguinaldo na gamitin sa pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya. Marcha Filipina Magdalo ang unang pangalan nito ngunit binago at naging Marcha Nacional Filipina matapos hirangin ito bilang pambansang awit ng Unang Republika ng Pilipinas. Una itong tinugtog ng bandang San Francisco De Malabon sa araw ng pagpapahayag ng kalayaan noong Hunyo 12, 1898. Ang mga titik ng awit ay idinagdag na lamang matapos isulat ni Jose Palma ang tulang Filipinasnuong Agosto 1899.
Chat with our AI personalities