answersLogoWhite

0

What else can I help you with?

Related Questions

History of ugong pasig city?

wat about ugong

When did Tyron Perez die?

Tyron Perez died on December 29, 2011, in Barangay Ugong, Valenzuela City, Philippines.

What actors and actresses appeared in Ugong - 2012?

The cast of Ugong - 2012 includes: Divine Aucina as Sigbin 1 Carlo Bien as Sigbien Monica Francisco as Lily Paras Mariz Ignacio as Andy Paras Black Nesler as Sigbin 2 Philip Quintos as Aswang Darline Rasay as Blanca Mortiz Van Valencia as Aswang 2

Why do women wash the dishes full script?

It is not clear why women have traditionally taken the role of washing dishes. It might be a result of the fact that women traditionally have provided day to day meals for families, and that rule automatically included clearing up and washing the dishes.

How do you get to BIR pasay branch?

when you reach robinsons galleria near shaw blvd.. ride a jeep with a signboard UGONG then tell driver to drop you off to "Kapitolyo" then ride another jeep where you could tell the driver to drop you off in BIR Pasig.

What is the setting in why women wash the dishes?

ka ugong ka maldang Hugo imelda neighbor by: elaine Mae b blasco ng i- anthurium

Zip code of Pasig Metro Manila?

Zip code depends on the area where the residence is located. PASIG ....... ZIP CODE ================ Caniogan ......1606 Green Park ....1612 Kapitolio .......1603 Manggahan....1611 Maybunga......1607 Ortigas PO.....1605 Pasig CPO......1600 Pinagbuhatan.1602 Rosario..........1609 San Joaquin...1601 Santolan........1610 Sta. Lucia......1608 Ugong...........1604

What is the meaning of the song anak ng pasig?

Anak ng PasigAko'y umusbong sa tabi ng PasigNagisnan ang ilog na itim ang tubigLumaking paligid ang bundok na umuusokLanghap na langhap ang amoy ng basurang bulokIto ang buhay ng anak ng PasigPa-swimming swimming sa itim na tubigPlayground lang ang bundok ng basura moMusika'y ugong ng kotse at bangka niyoAnak ng Pasig naman kayoKalat doon, kalat ditoNatakpan na ang langit kong itoNilason din ang Ilog koAkala ko'y ganoon talaga ang mundoHanggang makakita ako ng lumang litratoDi maniwalang Pasig rin ang tinitingnan koKaibigan ano ang nangyari ditoChorus:Anak ng Pasig naman kayoKalat doon, kalat ditoNatakpan na ang langit kong itoNilason din ang Ilog koAnak ng Pasig naman kayoTapon doon, tapon ditoDi niyo alam ang tinatapon niyoAy bukas ko at ng buong mundoHuli na ba ang lahatPatay na ba ang ilog at dagatKapag pasig ay pinabayaanParang bukas ang tinalikuran(Repeat Chorus)Anak ng Pasig naman kayoMay bukas pa ang ating mundo .Ako'y umusbong sa tabi ng pasig

What is the email address of GMA Wish Ko Lang TV Program?

wishkolang@GMANetwork.com DEAR wish ko lang,aq po c mrs,gloria taytayon,nakatira sa #1025,M.bernardino st,ugong valenzuela city,ako po ay masugid nyo tga hanga,lagi ko kayo inaabangan at palagi rn ako napapaiyak sa bawat episode n pinapalabas nyo,hindi q po akalain n isang araw isa ako sa hihingi ng tulong sa inyo hindi po pr sakin,kung hindi po sa pinakamamahal ko apo nc jaycee,xa po ay naconfine sa SAN LLAZARO HOSPITAL nung oct 13,sya po ay nk 13 days nconfine,mula po nun akala nmin ay ok n xa,ngaun po ay naadmit sa PGH,sa ER hema,sv po ng doctor kelangan nya masalinan ng dugo every 4hours,mam vicky sn po matulungan nyo c jaycee hirap po kmi sa buhay,matagal po nawalan ng trabaho ang aking anak{ama ni jc}ngayon bukas pa lang po sana sya maguumpisa ,pero nung pinacheck up lang nila at kukunin resulta ng dugo ni jaycee,hindi n po pinauwi inadmit n po sa ER,MAM Vvicky sana po matulungan nyo ang apo ko,maraming salamat po at more power po sa wish ko lang.marami po kayo natutulungan sana po magtagal pa ang wish ko lang,,

Maikling kwento ng palaka at uwang?

Matahimik at masayang namumuhay sina Palaka, Gagamba at Susuhong sa lugar na iyon nang biglang dumating si Uwang. Hindi lamang matakaw ito sa pagkain ng dahon at maingay ang ugong, ito rin ay sadyang mapanudyo. Kapag pinagbawalan o pinagpagunitaan, ito'y nagbabanta pang manakit o maminsala.Isang araw, tahimik na nanginginain si Susuhong sa tabi ng sapa nang bigla na lamang siyang suwagin ni Uwang. Nahulog siya sa agos at tinangay siya sa dakong malalim. Mabuti na lamang at nakapangunyapit siya sa isang yagit, kaya nakaahon siya sa pampang.Minsan naman. Gumawa si Gagamba ng isang napakagandang sapot. Ipinagmalaki niya iyon kina Palaka at Susuhong. Natuwa rin ang dalawa at pinuri si Gagamba. Subalit kinabukasan, nang naghahanap ng makakain si Gagamba, Hindi niya alam na winasak na ni Uwang ang kanyang sapot. Gayon na lamang ang kanyang panlulumo habang si Uwang naman ay patudyong nagtatawa.Si Palaka naman ay sinuwag ni Uwang ng mga sungay nito, isang araw na nagpapahinga siya sa may batuhan. Namaga ang kanyang nguso ng ilang araw. Kaya ang magkakaibigan ay nagpasya isang araw. Hahamunin nila sa isang paligsahan si Uwang. Ang ilalaban nila ay si Palaka."Payag ako," sabi ni Uwang nang mabatid ang paligsahan. "Kung kayo ay magwagi, lalayasan ko na ang lugar nai to. Kung ako naman ang magwagi, kayo'y magiging sunud-sunuran sa akin."Nagpalutang sila sa isang malapad na dahon sa gitna ng sapa. Mag-uunahan sina Palaka at Uwang sa pagsakay doon."Tiyak na ako ang magwawagi," pagmamalaki ni Uwang dahil alam niyang mabilis niyang maikakampay ang kanyang pakpak.Sinimulan ang paligsahan. Pumaimbulog pa si Uwang habang si Palaka naman ay mabilis nang glumangoy patungo sa dahon. Mula sa itaas, sumisid si Uwang, patungo sa dahon na inaanod sa gitna ng sapa.Ngunit nagkasabay sila sa pag-abot sa dahon. Kasabay ng pagsakay dito ni Palaka, dumapo naman si Uwang. Sa bigat nilang dalawa, lumubog ang dahon at kapwa nahulog sila sa tubig. Ang nabiglang si Uwang ay natangay ng agos."Tulungan mo ako, Palaka. Hindi ako marunong lumangoy," pakiusap ni Uwang.Hindi siya pinansin ni Palaka. Umahon ito sa pampang at sinalubong ng mga kaibigang sina Gagamba at Susuhong."Mabuti nga sa kanya," sabi ni Palaka nang Hindi na matanaw si Uwang.Mula noon, nagbalik na ang katahimikan at kasayahan ng pamumuhay ng tatlo sa pook na iyon.

What is the summary of ang mangingisda?

Ang Mangingisda
ni Ponciano Pineda
Maging nang sumabog sa kanyang kamay ang dinamita'y nagsasayaw pa rin sa kanyang isip ang lantsa ni Don Cesar na hindi man lamang natitigatig sa hampas ng daluyong. Ang ugong ng kanyang motor,sa pandinig niya, ay tila tugtuging nagbubuhat sa radyong nasa nagliliwanag na punduhan nina Fides.Ito ang kanyang malakas na pag-asa: ang lantsa ni Don Cesar at ang punduhan nina Fides. Ang mga bagay na ito and nagsilang ng kanynag mithiin. Hindi nawawaglit sa kanyang diwa saglit man. Ang kanyang mithiing binuo ng mga lantsa at ng punduhan ay lalong kinulayan ng mga panyayaring lumiligid sa kanyang buhay. Katulad ng pangyayaring nakaraan. Kangina, nang pakargahan niya ng gasolina ang kanyang motor sa punduhan nina Fides, ay naulit na naman ang kanyang pinakaiiwasan: Ang pangungutang kina Fides."Kung maari sana'y idagdag mo muna sa dati kong utang, ha, Fides?"Tiningnan lamang siya ni Fides. Ni hindi kumibo. Ngunit sumulat sa talaan ng mga utang. Nauunawaan niya ang katotohanang ibinabadha ng naniningkit ng mga matang iyon: pag-aalinlangan sa katuparan ng kanyang mga pangako. Nahuli niya ang buntot ng sulyap na iyon. Nang lumabas siya kahapon, kaparis din ng dalawang araw na nagagdaan, ay hindi siya nanghuli ng sapat na makatutugon sa pangangailangan nila ng kanyang ina at sa kanyang utang kina Fides. Kanginang umaga'y humihingi na naman siya ng paumanhin sa ina ni Fides."E ano and magagawa natin kung di ka makahuli," ang wikang payamot ng ina ni Fides. "Minalas ho ako," nasabi na lamang niya. "Baka sakaling s'wertihin ako mamayang gabi."Sinabi niya ito upang mapaliwanag: upang humingi ng muling kaluwagan;upang kahit paano'y hugasan ng kanyang pakiusap ang kanyang kahihiyan. Hindi niya nagawang isipin and pagbabayad kina Fides. Inunahan siya ng pagsasabi ng kanyang ina kanginang umaga ng "Magdiskargo ka muna sa punduhan anak." Nababatid niyang wala siyang ibabayad kung sa bagay. Nalaman niyang sinundan siya ng tingin ni Fides at ng ina nito nang siya'y magpaalam. Hindi niya narinig na sinabi sa kanya ang katulad ng narinig niya sa ina ni Fides kapag hindi nakakabayad ang mga mangingisdang nangungutang sa punduhan: "Aba, e pa'no naman kaya kami kapag ganyan ng ganyan? Pare-pareho tayong nakukumpromiso... " "Bukas ho'y tinitiyak kong makakabayad na ako."Gabi ng nga umalis siya sa Tangos. Nakagapis siya sa dagat. Nguni't kailanma'y hindi sumagi sa kanyang muni ang umalpas ang lumaya. Ipinasya lamang niya ang mabuhay sa dagat, ang maging makapangyarihan sa dagat, kagaya ng lantsang pamalakaya sa tabi ng punduhan. Sapul ng pag-ukulan niya ng pansin ang unang lantsa ni Don Cesar ay nakadaman siya ng kakaibang pintig sa kanyang dibdib: ibig niyang magkaroon ng lantsa - balang araw. Pagkakaroon niya ng lantsa'y hindi siya gagamit ng maliit na motor; hindi na siya sasagihan ng munti mang pangamba, magngitngit man ang habagat magngalit man ang sigwa sa laot. Hindi na pansumandaliang lalabas siya sa karagatan. Maari na niyang marating ang inaabot ng mga lantsa ni Don Cesar. Makalalabas na siya ng lingguhan. At pagbabalik niya'y daan-daang tiklis ng isda ang kanyang iaahon. Hindi na rin mangangamba ang kanyang ina kapag hindi siya nakababayad ng gasolina at langis.
Matititigan na niya ang naniningkit na mata ni Fides. Makakapagkarga na siya ng kung ilang litrong gasolina sa kanyang barko. Kung makakatabi ang kanyang barko ang kay Don Cesar ay maabutan na lamang sila ng mga mangingisda ni Don Cesar. "Ilang araw kayo sa laot, ha?" itatanong niya. Siya'y sasagutin. At "ako'y tatlumpong araw,"sasabihin niya pagkatapos.
Ang hangaring iyon ay tila malusog na halaman: payabong ng payabong, paganda ng paganda sa lakad ng mga araw. Sa pagkakahiga niya sa kung gabi'y tila kinikiliti siya ng ugong ng mga motor at makina ng mga pangisdang humahaginit tungo sa kalautan. Ang huni ng mga lantsa'y kapangyarihang manding nagbubuhos ng lakas sa kanyang katawan. "Balang araw, Inang." Ang pagtatapat niya isang gabi, "bibili ako ng lantsa." Pinagsabihan siya ng kanyang ina na hindi siya dapat mangarap ng gayon. "Masiyahan na tayo sa isang bangkang nakapagtatawid sa atin araw-araw." "Magsasampa tayo ng maraming salapi, Inang. Di na tayo kukulangin. Giginhawa ka na. Sa pagkakaupo nila sa tabi ng durungawang nakaharap sa ibayo'y kanilang natanaw and nagliliwanag na punduhan nina Fides at ang nangakadaong na mga lantsa ni Don Cesar. Naririnig hanggang sa kanilang madilim na tahanan and alingawngaw ng halakhakan ng mga taong nagpapalipas ng mga sandali sa punduhan. Nagniningning ang kanyang mga mata. Ang kanyang puso'y punung-puno ng makulay na pag-asa."Talagang bibili ako ng lantsa, Inang."
Ipinaggiitan ng kanyang ina ang pagkakasiya sa Bangka na lamang.
"Ang kaligayahan na tao anak…."
Hindi nya nauunawaan ang buntot ng pangungusap ng kanyang ina. Ang diwa nya'y nasa malayo. Nasa dagat, nasa laot…
Isang mahabang kawil ng mga taon ang dumaan sa buhay nya niya bilang mangingisda, bago siya nakapagtipon ng sapat na salaping ibinili ng motor. Iyon ay isang makasaysayang pangyayari, isang makabuluhang pangyayari sa kanyang buhay. Inari niyang isa nang tagumpay na walng pangalawa. Iyon ay ipinagparangalan sa kanyang sarili't sa kanyang ina.
"Di na ako ga'nong mahihirapan sa pagsagwan kapag ako'y napapalaot. Ito na ang simula, Inang…"
Naunawaan ng ina ang katuwaang nag-uumapaw sa puso ng anak.
"Huwag mong kakalimutanang Maykapal, anak," ang sabi ng kanyang ina.
Maykapal ang lagging ipinag-aaliw sa kanya. Maykapal sa gitna ng pagdarahop, ng sakit, ng sangkisap-matang katuwaan. Nawawalan siya ng pananalig kung minsan. Kagaya ng kung siya'y hindi pimapalad. Kagaya nitong tatling araw na nangagdaan.
Nakbili na rin siya ng bagong bangkang pinaglipatan ng motor. Gayon na rin marahil ang damdamin ni Don Cesar nang siya'y unang nagkaroon ng lantsang pamalakaya-ito ang wika niya sa sarili.
Higit na nag-ulol ang kanyang mithiin na maging dalawa mga lantsa sa tabi ng punduhan.
Ang kanyang sarili'y malimit niyang tinatanong kung bakit dalawa na ang lantsa sa ibayo; samantalang siay'y hindi nagkakaroon hanggang ngayon ng kahit isa man lamang. Ito'y katanungang sumasaklaw nang malaki kapag napag-uukulan niya ng pagmumunimuni. At lalo itong hindi nya matugon kung sasaklawin niya ng tit gang gawing hilG ng ilog; doonay may punduhan, may mga apugan, may mga pagawaan, mga bangkang malalaki , may mga bagay na nagandahan, may mga lantsa,may mga barko, ngunit sa gawing tomog-sa kanilang pook- ay mga bahy-pawid na naglalawit sa ilog, bangkang maliliit,mga manggagawa; mga mangingisdang porsiyen-tuhan lamang.
Ang kanyang mga pagtatanong ay tinugon ng marilag na alaalang kakambal ng mga lantsang pamalakaya ni Don Cesar at ng pagkaliwa-liwanag ng punduhan nina Fides!
Nagging tatlo ang lantsa ni Don Cesar. Palaki nang palki ang punduhan nina Fides. At siya nagtutumibay naman ang kanyang pagmimithi sa lantsa; higit pang nagkakulay ang kanyang paghanga sa punduhan.
Minsan narinig niyang pag-uusapan ng kapwa niya mangingisda ang dami ng salaping ipinapanhik ng mga lantsang pamalakaya ni Don Cesar.
'Isang Labas lang pala ng bagong lantsa ni Don Cesar ay halos bawi na ang puhunan," ang pagbabalita ng isa.
"At ang pakinabang sa isang labas, kung sinusurwte'y santaaonna nating kikitain ," naganyakang kanyang kalooban. Inapuhap ang nakabalot ng mga dinamita. Binulatlat ang baluatan. Kay gaganda ng dalawang bagay na iyon sa kanyang paningin. Makakauwi na siya nang ,ay dalang isda, maraming isda. Makababayad na siya kay Fides. Sandali lamang ang pagsabog iyon. Pupupugin na lamang niya ang lambat na napunit. Mapupuno niya ang Bangka bago dumating ang patrulya sa mga baybayin.saglit nyang piñata ang kanyang motor at mga lantsang pamalakaya. Nakikilala niya ang ugong ng mga sasakyang ng patrulya. At pinaugong uli ang kanyang motor. Hindi na sya nayayamot. Naliligayahan na siya. Tila tugtuging kumikiliti sa kanyang ang ugong ng kanyang motor. Kumilos ang kanyang lantsa. Pinahinto uli ang kanyang lantsa. Mapuputi ang maiikling mitsa ng dinamita. Maiging pinagdikit ang mitsa niyon,at kinambal ng dalawang bagay. Masisiyahan ang kanyang ina paggising nito kinaumagahan."Sinuwerte ako, Inang ," sasabihin niya. "Ay! Salamt sa Diyos!" sasabihin nasman ng kanyang ina. Hindi niya ipagtatapat na gumagamit siya ng dinamita. Malulungkot ang kanyang ina. "Sinuwerte ako, Inang…… Sinuwerte ako…." Kiniskisan ang pospor. Tumilamsik ang ga-buhangung baga. Ayaw magdingas ng palito. Idinikit sa kanyang kilikiliang gilid ng posporo. Nag-init . ikiniskis uli. Hinipan ang hangi. Inilapit, idinikit na maduti sa dulo ng malaking mitsa ng mga dinamitang mahigpit na kamal sa kanyang kanang kamay, sumagitsit - parang kidlat na sumibad sa kalangitan at kaalinsabayhalos ng siklab na sumugat sa gabi'y isang nakabibinging dagundong ang bumingaw sa buong kalawakan.

Ang pabula ng pusa at daga?

Matahimik at masayang namumuhay sina Palaka, Gagamba at Susuhong sa lugar na iyon nang biglang dumating si Uwang. Hindi lamang matakaw ito sa pagkain ng dahon at maingay ang ugong, ito rin ay sadyang mapanudyo. Kapag pinagbawalan o pinagpagunitaan, ito'y nagbabanta pang manakit o maminsala. Isang araw, tahimik na nanginginain si Susuhong sa tabi ng sapa nang bigla na lamang siyang suwagin ni Uwang. Nahulog siya sa agos at tinangay siya sa dakong malalim. Mabuti na lamang at nakapangunyapit siya sa isang yagit, kaya nakaahon siya sa pampang. Minsan naman. Gumawa si Gagamba ng isang napakagandang sapot. Ipinagmalaki niya iyon kna Palaka at Susuhong. Natuwa rin ang dalawa at pinuri si Gagamba. Subalit kinabukasan, nang naghahanap ng makakain si Gagamba, Hindi niya alam na winasak na ni Uwang ang kanyang sapot. Gayon na lamang ang kanyang panlulumo habang si Uwang naman ay patudyong nagtatawa. Si Palaka naman ay sinuwag ni Uwang ng mga sungay nito, isang araw na nagpapahinga siya sa may batuhan. Namaga ang kanyang nguso ng ilang araw. Kaya ang magkakaibigan ay nagpasya isang araw. Hahamunin nila sa isang paligsahan si Uwang. Ang ilalaban nila ay si Palaka. "Payag ako," sabi ni Uwang nang mabatid ang paligsahan. "Kung kayo ay magwagi, lalayasan ko na ang lugar nai to. Kung ako naman ang magwagi, kayo'y magiging sunud-sunuran sa akin." Nagpalutang sila sa isang malapad na dahon sa gitna ng sapa. Mag-uunahan sina Palaka at Uwang sa pagsakay doon. "Tiyak na ako ang magwawagi," pagmamalaki ni Uwang dahil alam niyang mabilis niyang maikakampay ang kanyang pakpak. Sinimulan ang paligsahan. Pumaimbulog pa si Uwang habang si Palaka naman ay mabilis nang glumangoy patungo sa dahon. Mula sa itaas, sumisid si Uwang, patungo sa dahon na inaanod sa gitna ng sapa. Ngunit nagkasabay sila sa pag-abot sa dahon. Kasabay ng pagsakay dito ni Palaka, dumapo naman si Uwang. Sa bigat nilang dalawa, lumubog ang dahon at kapwa nahulog sila sa tubig. Ang nabiglang si Uwang ay natangay ng agos. "Tulungan mo ako, Palaka. Hindi ako marunong lumangoy," pakiusap ni Uwang. Hindi siya pinansin ni Palaka. Umahon ito sa pampang at sinalubong ng mga kaibigang sina Gagamba at Susuhong. "Mabuti nga sa kanya," sabi ni Palaka nang Hindi na matanaw si Uwang. Mula noon, nagbalik na ang katahimikan at kasayahan ng pamumuhay ng tatlo sa pook na iyon. ~ yUn lNg ~