Sa baryo ng Pulong-gubat, nais ni Matandang Tikong na maikasal na ang anak niyangsiyang si Loleng. Nararamdaman ng matanda na malapit na siyang mamatay at mapapalagay lamang siya kung mayroong lalaking makakasama ang kanyang anak habangbuhay. Napili niTandang Tikong si Ikeng na dating tenyente at ngayon ay wala pang trabaho. Wala namangmagawa si Loleng dahil iyon ang kagustuhan ng kanyang ama. Bagama't napupusuan niya siTone na lagi niyang nakakaulayaw ay may nasisintahan nang iba. Dumating isang gabi si Ikeng at nakipagkasundo na nga kay Matandang Tikong at nangakong babalik para matupad ang pangako ngunit naisip ni Ikeng na tila napasubo na naman siya sa hindi niya gusto dahil may mga dalaga pa siyang sinusuyo tulad nina Isiang, Beheng at Gunday. Nagkausap-usap ang mga binata ng Pulong-gubat at kung bakit daw nila hinahayaan na ang isang dayo ang siya pangmanliligaw sa dalagang katutubo sa kanilang nayon? Dahil dito ay kinausap ni Aling Buro si Loleng at kung bakit sa isang dayo pa siya magpapakasal. Sinabi naman ni Loleng na walasiyang magagawa dahil ama niya naman talaga ang nasusunod. Nabigo si Ikeng sa panunuyo kay Isiang, Gunday at Beheng. Idinemanda pa siya ni Kabesang Tiago dahil sa pagtangay sa kanyanganak na si Isiang matapos tangkaing itanan ni Ikeng sa tulong ni Tomas. Pati si Tomas ay nadamay sa demandahan at kung hindi kadikit ni Ikeng ang direktor ay malamang na ikinulong sila. Ngunit hindi sumusuko si Kabesang Tiago dahil kung walang magagawa ang kinauukulanay siya mismo ang gagawa ng hakbang para maparusahan si Ikeng. Para makaiwas sa gulo aynaisipan nina Mang Simon at ni Aling Tolang na suyuin sa tulong ni Tenyente Pedro ang mag-amang taga-Pulong-gubat para ikasal na sina Ikeng at Loleng. Pumayag si Ikeng sa mungkahing iyon dahil wala na talagang ibang paraan bagama't dalawang buwan na ang lumipas. Natuloyang kasal at nangako si Ikeng kay Loleng na hindi mauubos ang kanyang pag-ibig. Naging maganda sa umpisa ang pagsasama ng bagong kasal ngunit hindi nagtagal ay nagbalik na namansi Ikeng sa dati niyang gawi. Namatay na nagsisisi si Matandang Tikong kung bakit si Enrique ang napili niya para sa anak ngunit hindi ni Loleng sinisi ang kanyang ama. Naging palasugal na ngayon si Ikeng hanngang sa manganak si Loleng na wala siya sa kaniyang tabi. Babae ang naging anak nila at pinangalanang "Elisa", at "Nene" ang naging palayaw. Unti-unting naubos ang pamana ni Matandang Tikong para kay Loleng dahil sa pagsusugal ni Ikeng. Kahit damit ay hindi ni Loleng maibili si Nene at minsan ay wala man lang bigas na maisasaing kaya naging kaawaawa ang mag-ina. Pinayuhan ni Aling Buro si Loleng na huwag nang hayaan si Ikeng sa pagsusugal kung ayaw nilang mamatay sa gutom. Nagkaroon ng mga usap-usap tungkol sa isang himagsikan at umabot iyon sa Pulong-gubat. Maraming lalaki ang nais sumali sa Rebolusyon kaya sila ay pumunta sa bundok. Isa si Ikeng sa mga sumanib ngunit hindi naman talaga iyon ang kanyang layon kundi ang maiwan ang kanyang asawa't anak. Natapos ang himagsikan at tinalo ng mga Amerikano ang mga Kastila. Sa halip na magsarili na ang Pilipinas ay inako lamang ng mga Amerikano sa Kastila ang kapangyarihan. Isang kaguluhan ang nangyari at nagtakbuhanang mga tao. Nahiwalay si Loleng kay Nene kaya't siya'y muntikan nang mabaliw sa kakahanap samantalang inagaw pala ni Ikeng si Beheng mula sa kanyang ama na si Kabesang Bino at itinago sa Tarlac. Masalimuot ang naging kalagayan ni Loleng habang hinahanap si Nene saMaynila. Hindi inakala ni Loleng na may magnanakaw na pumasok sa kaniyang tahanan habang abala sa paghahanap. Mabuti na lamang dahil pinabaunan siya ng pera ni Aling Buro dahil baka sa kalye siya matulog. Maging si Nene ay hinahanap na rin ang kanyang ina. Habang tila mababaliw na sa kakahanap ay napagtanungan ni Loleng si G. Ricardo sa daang Villalobos. Napagkamalan nga ng ginoo na si Loleng ay matanda na dahil sa itsura nito. Nalaman ni Loleng na kinupkop ni G. Ricardo at ng kaniyang asawang si Aling Nitang ang anak niyang si Neneng. Sa wakas ay nagkita na muli ang mag-ina! Hindi ibang tao ang turing nina G.Ricardo at Aling Nitang sa mag-ina. Ibig ni Loleng na makapag-aral si Nene dahil iba na ang panahon. Pumayag pa nga sila na mag-aral si Nene at binigyan ng puhunan si Loleng para makapagbenta ng bibingka. Unti-unting guminhawa ang buhay ng mag-ina. Biglaang sumulpot si Ikeng sa barberya ni Tomas dahil magpapagupit. Nakilala ni Tomas at Ikeng ang isa't isa. Nalaman ni Tomas na nakulong ng apat na taon si Ikeng dahil sa pagtatanan kay Beheng. Nais ni Ikeng na makita ang mag-ina ngunit hindi nito alam kung saan sila hahanapin. Siya namang itinuro ni Tomas ang lugar nina Loleng at Nene ngunit sa kasamaang palad ay nabangga ng isang humaharurot na awtomobil si Ikeng at isinugod sa Hospital San Pablo. Naghihingalo na si Ikeng ngunit nagawa pa rin niyang humingi ng kapatawaran at inamin na napakalaki ng pagkukulangniya sa kaniyang mag-ina. Oras na talaga ni Ikeng at siya'y tuluyan nang namatay. Dito nagtatapos ang kuwento ni Ikeng, ang "pusong walang pag-ibig".
Isan Punongkahoy Jose Corazon de Jesus Kung tatanawin ko sa malayong pool, Ako'y tila isang nakadipang kurus; Sa napakatagal na pagkakaluhod, Parang hinagkan ang paa ng Diyos! Organong sa loob ng simbahan Ay nananalangin sa kapighatian Habang ang kandila ng sariling buhay Magdamag na tanod sa aking libingan. Sa aking paanan ay may isang batis, maghapo't magdamag na nagtutumangis; Sa mga sanga ko ay nangakasabit, Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig. Sa kinislap-kislap ng mga batis na iyan Asa mo ri'y agos ng luhang nunukal; At saka ang buwang tila nagdarasal Ako'y binabati ng ngiting malamlam!....