Itim at puti ang kulay ng buong pelikula upang maging angkop sa panahon na kinabibilangan ni Rizal. Layunin nito na siyasatin ang buhay ni Rizal habang sinusuri ang impluwensiya nito sa modernong mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng mga tauhan. Pinapakita nito ang pagyakap ng isang pambansang simbolo sa kulturang Pilipino sa halip na ang katotohanan sa likod ng mito. Hinaluan din ang pelikula ng mga pag-aaral sa mga sinulat ni Rizal tulad ng kaniyang liham ng retraksyon. [1] Inihain din sa pelikula ang mga tanong na "Sumulat at lumagda nga ba si Rizal ng liham ng retraksyon na bumabawi sa lahat ng kaniyang sinabi at umanib ng muli sa simbahang Katolika?"; "Ikinasal nga ba sila ng kanyang katipan na si Josephine Bracken?"; at "'Kinain nga ba niya ang lahat ng kaniyang sinabi para lamang pakasalan si Josephine Bracken?" [1] Sa wakas ng pelikula, matapos pag-aralan ang lahat ng dokumento at maghanap ng mga patunay ukol sa misteryo ng mga liham ni Rizal, matutuklasan ng dalawang filmmakerna ang pagtuklas sa ultimatong katotohanan sa alamat ay isang layuning hindi maaaring maisakatuparan.
Chat with our AI personalities