answersLogoWhite

0

What else can I help you with?

Related Questions

Paraan ng paglalagay ng mga produkto sa pamilihan?

shentoy purorot


What is ikebana flower arrangement in tagalog?

Ikebana flower arrangement is "sining ng pag-aaral at paglalagay ng mga bulaklak" in Tagalog.


Ano ang sinisipat?

Ang Sinocentrismo/Sinosentrismo ay isang Paniniwala, Pananaw, at Kaugalian ng mga TSINO na paglalagay nila sa kanilang sarili sa gitna ng lahat ng bagay.


Ano ang dewy decimal system?

ang dewey decimal classification system ay isang systema na ginawa ni Melvil Dewey.Si Melvil Dewey ay isang librarian , at ginawa niya ang systemang ito upang mas mapadali ang paghahanap sa mga librong nais nating basahin.Nasa taas ang systema , ang mga numero at ang sinsasagisag nito...


What is stereotyping in tagalog?

Ang stereotyping sa Tagalog ay ang paraan ng paglalagay o pag-iimbentaryo sa isang grupo ng mga tao ayon sa ilang katangian o pag-uugali na tinatayang katangian ng lahat. Ito ay maaaring maging hindi tama at nakakasakit sa mga taong nai-stereotype.


Paraan ng pagbibinyag mg iglesia?

Ang pagbibinyag sa Iglesia ay karaniwang isinasagawa sa pamamagitan ng paglalagay ng tubig sa ulo ng taong bibinyagan habang binibigkas ang mga panalanging Kristiyano. Ito ay isang sakramento na nagpapakita ng pagsunod at pagsanib sa simbahan.


Mabisang gamot sa lamig at hangin sa katawan?

Mabisang gamot sa lamig at hangin sa katawan ay ang mga herbal na tsaa tulad ng luya o tsaa ng sibuyas, na tumutulong sa pagpainit ng katawan. Ang pag-inom ng mainit na sabaw, tulad ng tinola o sopas, ay maaari ring makatulong. Bukod dito, ang paglalagay ng mainit na compress sa mga apektadong bahagi ng katawan ay epektibong paraan upang maibsan ang pakiramdam ng lamig. Mahalaga ring panatilihin ang tamang pananamit at umiwas sa mga malamig na lugar.


Paano nabuo ang mga salita?

Una ang akronim. Ang akronim ay pagbuo ng salita sa pamamagitan ng mga unang letra ng mga salita (hal. SCUBA mula sa Self-Contained Underwater Breathing Apparatus). Sumunod naman ang Arkayk na mga salitang umusbong nang kapanahunan ngunit hindi na ginagamit ngayon (hal. plaka, pluma at phonograph). Ikatlo naman ang Jargon na maihahalintulad natin sa "shop talk" o mga salitang ginagamit ng ispisikong propesyon (halimbawa sa mga doktor: hyperthyroidism, stethoscope, MRI o Magnetic Resonance Imaging). Mix-mix na lenggwahe naman ay ang paghahalo ng dalawang salita maaring ang isa ay Ingles at ang isa naman ay Filipino (hal. Chinoy mula sa Chinese at Pinoy). Eupimismo ay mga salitang ipinapalit sa mga salitang pangit sa panlasa o pandinig (hal. funeral parlor ay ginagawang slumber room). Ang salitang nanganganak ng salita ay ginagawa sa pamamagitan ng paglalagay ng panlapi sa salitang ugat o paguulit-ulit nito (hal. ganda - kagandahan,pagkaganda-ganda, pinaganda atbp). Panghuli ay ang paggamit ng numero, ang halimbawa nito ay 143 mula sa bilang ng bawat salita sa pangungusap na "I love you." Link: http://larabardon.blogspot.com/2008/12/paano-nga-ba-nabubuo-ang-mga-salita.html


Ano ang mga batas noon ng mga sinaunang pilipino?

PAMAHALAAN: Mga pinuno, batas at hukumanPINUNO: Rajah, Datu, SultanTungkulin ng pinuno: Gumagawa at nagpapatupad ng batas, tagahatol, nagbibigay ng parusa, pinuno sa dogmaan, nagdedeklara ng digmaan, Nakikipagkasundo sa kalapit na barangay, Nagaayos ng gulo o away, Lider sa pananampalataya, atbp...Mga Batas:Ang mga batas ay pinagkakasunduuan ng matandang konseho at isinisigaw ng umalahokan ang bagong batas sa barangay. Mahigpit ang pagpapatupad ng batas. Malupit din ang mga parusa tulad ng pagputol ng daliri, pagiging alipin, kamatayan, atbp.Lipunan:Ang Maharlika ay binubuo ng kaanak ng datu.Ang Timawa ay binubuo ng mga malayang tao.Ang Alipin ay maaaring namamahay (may pag-asang maging timawa) o saguiguilid (wala nang pagasang maging timawa).Pananampalataya:Sinasaklawan nito ang kanilang mga kaugalian. Sa paglilibing, pagpapakasal, at sa pang-arawaraw na gawain. Marami silang pinararangalang diyos.Mga Pamahiin:Paglilibing: kasamang inilalagay sa kabaong ang mga paboritong kagamitan ng namatay, minsan ay isinansama ang isang alipin, paglulukasa sa pamamagitan ng pagsusuot ng puti, di pagkain at paginom ng alak,nagaayuno, baliktad ang paglalagay ng balaraw, atbp...panliligaw: kailangang dumaan muna sa magulang bago sa anaak, paninilbihan ang pamilya ng babae, hindi maaaring magtagpo, magkakaloob ng bigay kaya ang lalaki kung nakapasa na siya sa unang pagsubok at maayos na pakikipag usap ng magkabilang panig.Wika at Panulat:May 17 titik lamang ang ginagamit noon. 14 na katinig at 3 patinig ngunit 5 ang gamit nito. Dagta ng kahoy ang ginagamit na tinta, dahon ng saging o malapad na dahon ng kahoy ang nagsisilbing papel, at ang lapis ay lanseta o pinatulis na bakal.


Ano ang kasingkahulugan ng marubdob?

jfajdfmcjakjfklamjdkcmklajdf jakdjfkaj;ldkj akldjfla aljdlfjaskdj aldkjf ajdfajdf jadjkfla jsdlfj lajdfla ldkjf lakdjf laj j j j j j j uyyyyyyyyy


Bakit Hindi ka pabor sa mercy killing?

para saakin ay hindi nararapat na isagawa ang mercy killing sapagkat kaya nga tayo mayroong mga ospital at doktor o nars upang pagalingin ang mga taong may karamdaman malala man ang kondisyon o hindi. Isa pa, kung kaya nga mayroon tayong sari-sariling pamilya upang tumulong at dumamay sa atin lalo na sa mga oras na tayo ay nahihirapan at sinusubok ng isang malubhang karamdaman. Kung kaya’t wala dapat sa kanila ang pumabor sa euthanasia kahit pa mismong pasyente na mismo ang nagsabi dahil maaaring pumayag lamang ang isang pasyente sa mercy killing kung pakiramdam niya ay wala na siyang pag-asang gumaling at kung pakiramdam niya ay nalalapit na ang kaniyang oras. Bilang isang pamilya at isang propesyonal na doktor, huwag dapat pumabor sa mercy killing dahil obligasyon ng pamilya na tulungan ang miyembro nito at nararapat lamang na ipaglaban ang buhay ng isang tao kahit pa sa bingit ng kamatayan. Bukod dito, kung kaya’t hindi ako sumasang-ayon sa mercy killing ay dahil wala tayong karapatan na ilagay sa kamay natin ang buhay ng ibang tao at para saakin ay isa itong uri ng paglabag sa moral standard na tinatawag na mayroon tayo dito sa Pilipinas at naniniwala ako na ang bawat tao ay may karapatan na tumamasa ng mapayapang kamatayan. Kung ilalagay natin ang ating kalagayan bilang isang taong may malubhang karamdaman, gugustuhin ba natin na pagdesisyunan ng ibang tao ang kalagayan ng ating buhay at wakasan ito kahit pa na sa palagay natin ay nalalabi na ang oras na mayroon tayo dito sa mundong ibabaw? Syempre, para saakin hindi ko gusto iyon dahil naniniwala ako na habang nabubuhay ay may pag-asa at may himala. Dagdag pa rito, mas masakit para sa damdamin ng isang taong may malubhang kondisyon ang piliin na wakasan ang sarili niyang buhay lalo pa kung papabor dito ang kaniyang pamilya sapagkat wala ng mas sasakit pa sa kamatayan na pinagdesisyunan mo at ng iyong mahal sa buhay kung kaya’t hindi ako pumapabor sa euthanasia dahil imbis na piliin na wakasan ang buhay, subukan pa din natin ipaglaban ang buhay ng isang tao dahil saka mo lamang makikita o mapagtatanto ang halaga niya kung kailan wala na siya at para saakin ay masakit iyon lalo na sa kalooban at damdamin ng isang taong pagdedesisyunan kung ipagpapatuloy pa ba ang pananatili niyang buhay kahit pa may matindi siyang kondisyon o wawakasan na ang buhay niya upang hindi na mahirapan.


Tulang may iba't ibang uri ng tayutay?

1.) Pagbibigay katauhan (Personification)- tinatawag din itong pagbibigay katauhan at personipikasyon. Pahayag ito na ang mga katangian, gawi at talinong sadyang angkin lamang ng Tao ay isinasalin sa mga karaniwang bagay. Nagagawa ang pagsasalin sa paggamit ng pandiwa o pangngalan.Hal.Lumuha ang langit nang pumanaw si Ninoy Aquino.Hinalikan ako ng malamig na hangin.Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.Sumasayaw ang mga dahon sap ah-ihip ng hangin.2.) Pagtutulad (simile)-- isang payak at lantad na paghahambing at karaniwang ginagamitan ng mga salita't pariralang: katulad ng, tulad ng, para ng, anaki'y, kawangis ng, gaya ng, kasing-, sing-, ga-, atbp.Hal.Tila yelo sa lamig ang kamay ng nenenerbyos na mang-aawit.Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad 3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagniningning.Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardinas sa piitan.Si Maria na animo'y isang bagonh pitas na rosas ay Hindi napaibig ng mayamang dayuhan.Ang balat niya ay kasingputi ng niyebe.3.) Pagwawangis (Metapora)-- isang tuwirang paghahambing na di gumagamit ng mga salitang katulad ng at iba pa, ngunit nagpapahayag ng hambingan sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o gawain ng isang bagay na inihahambing.Hal.Ang awa ng Panginoon ay aking kuta laban sa mga dalita ng buhay.Siya'y langit na di kayang abutin nino man.Ang kanyang mga kamay ay malamig na yelong dumampi sa aking pisngi. 3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.Ikaw na bulaklak niring dilidili.4.) Pagmamalabis (Eksaherasyon,hyperbole)-- isang pagpapahayag na lampas sa mahinahong larawan ng katotohanan sa hangaring magbigay-diin sa katotohanang pinagmamalabisan.Hal.Bumaha ang dugo sa awayan ng mga magsasaka.Sa labis na kagutuman, kaya kong kumain ng sampung baka.Namuti ang kanyang buhok sa kakahintay sayo.Abot langit ang pagmamahal niya sa aking kaibigan.Bumaha ng mga dugo sa lansangan5.) Pagpapalit-diwa (Metonymy)-- isang pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng mga bagay na magkakaugnay.Hal.Ang anhel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol.Iniwasan na niya ang bote at baraha na nangangahulugang iniwasan na niya ang pag-inom ng alak at pagsusugal.6.) Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)-- pagbanggit sa bahagi bilang katapay ng kabuuan, o ng kabuuan bilang katapat ng bahagi.Hal.Ang panahong ito (Mayo) ay mabulaklak.Isinambulat ang ordeng mula sa dibdib ng taksil.isang Rizal ang nagbuwis ng buahy alang-alang sa Inang Bayan.Walong bibig ang umaasa kay Romeo7.) Panawagan (Apostrophe)-- ginagawa rito ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na Tao o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman.Hal.Diyos ko, iligtas po ninyo ang aming bayan sa masamang elemento.O, tukso. Layuan mo ako.Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.Ulan, ulan kami'y lubayan na.8.) Pag-uyam-- mga pananalitang nangungutya sa Tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam.Hal.Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napakagulo naman ng bahay.Wala kang ganang kuamin, kaya pala halos maubos mo ang ulam.Sa husay niyang kumanta, pampito siya sa pitong naglaban.Maraming salamat sa paglalagay samin sa kapahamakan.Siya ay may magandang kasuotan, gawa sa basahan.9.) Paglilipat-wika (Transferred epithet)- tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.10.)Pabaligho (Paradox)11.)Pagsalungat (Oxymoron)