palaro is a kind of sport that we can join like volleyball and others.
Possible questions for Miss Palaro may include inquiries related to school events, student activities, academic competitions, and other school-related matters. Answers from Miss Palaro could provide information about upcoming events, schedule changes, results of competitions, and general updates about the school community.
palo sebo is gonsalo kaayo murag hangaw
Salita; bola Kahulugan noon; Laruan na gimagamit sa mga palaro o bilog na bagay. Kahulugan ngayon; Pagbibiro o pagsisinungaling. halimbawa; “May hinihingi saakin ang aking kapatid kaya bino-bola niya ako.”
Pambansang Bayani: Dr. Jose RizalPambansang Himno: Lupang Hinirang - Hindi Bayang Magiliw ha tandaan!Pambansang Damit: (Lalaki) Barong Tagalog;(Babae) Baro't SayaPambansang Hayop: Kalabaw (Carabao or Water Buffalo)Pambansang Palaro: Sipa - Luma na at dapat ng palitan. Boksing kaya (see number 15)?Pambansang Sayaw: CariñosaPambansang Bahay: Bahay Kubo (Nipa Hut) - Simbolo lang siguro ito dahil Hindi ito ugma at praktikal sa dami ng bagyo na dumadaan sa Pilipinas taon taon.Pambansang Puno: Narra (Pterocarpus Indicus)Pambansang Ulam: Lechon - sa hirap ng buhay ngayon dapat tinapa o tuyo o daing o kaya pwede rin dilis. Asin pwede kaya?Pambansang Ibon: Philippine Eagle - a.k.a. money-eating politicianMonkey-eating eaglePambansang Prutas: Mangga (Mango)Pambansang Bulaklak: Sampaguita (Jasminum Sambac)- Hindi yung sumikat na rockistang babae noon ha.Pambansang Dahon: Anahaw - pati dahon may opisyal na pambansa pa rin tayo...Pambansang Isda: Bangus (Milkfish) - sarap nito gagawing daing tapos sawsaw suka...sarap din pa-grill... no oil, no salt.Pambansang Kamao: Manny Pacquiao - Marami ng binugbog at pinatulog sa ibabaw ng ring ng boksing pero TKO sya kay Darlene.Pambansang Ilong: Allan K. - Nalaos si Janno Gibbs kay Allan K sa labanan na ito.Pambansang Bayani na nasa ibang bansa: OFWPambansang Rap: Bebot - Mabuhay si Apl De Ap.Pambansang Sex Symbol: Asia Agcaoili - Hindi siya tatawaging sex guru for nothingPambansang Blogger: Batjay - Pasensya na sa iba. Siya ang paborito ko eh.Pambansang Manok: Sarimanok - Andok's sana ang pipiliin ko kaso delikado baka may bird flu!Pambansang Alak: SMB; Ginebra (pag walang budget); Tuba (pag talagang walang wala).Pambansang Problema: Kahirapan - Marami pa pero ito ang nangunguna sa listahan.
Pambansang Bayani: Dr. Jose RizalPambansang Himno: Lupang Hinirang - Hindi Bayang Magiliw ha tandaan!Pambansang Damit: (Lalaki) Barong Tagalog;(Babae) Baro't SayaPambansang Hayop: Kalabaw (Carabao or Water Buffalo)Pambansang Palaro: Sipa - Luma na at dapat ng palitan. Boksing kaya (see number 15)?Pambansang Sayaw: CariñosaPambansang Bahay: Bahay Kubo (Nipa Hut) - Simbolo lang siguro ito dahil Hindi ito ugma at praktikal sa dami ng bagyo na dumadaan sa Pilipinas taon taon.Pambansang Puno: Narra (Pterocarpus Indicus)Pambansang Ulam: Lechon - sa hirap ng buhay ngayon dapat tinapa o tuyo o daing o kaya pwede rin dilis. Asin pwede kaya?Pambansang Ibon: Philippine Eagle - a.k.a. money-eating politicianMonkey-eating eaglePambansang Prutas: Mangga (Mango)Pambansang Bulaklak: Sampaguita (Jasminum Sambac)- Hindi yung sumikat na rockistang babae noon ha.Pambansang Dahon: Anahaw - pati dahon may opisyal na pambansa pa rin tayo...Pambansang Isda: Bangus (Milkfish) - sarap nito gagawing daing tapos sawsaw suka...sarap din pa-grill... no oil, no salt.Pambansang Kamao: Manny Pacquiao - Marami ng binugbog at pinatulog sa ibabaw ng ring ng boksing pero TKO sya kay Darlene.Pambansang Ilong: Allan K. - Nalaos si Janno Gibbs kay Allan K sa labanan na ito.Pambansang Bayani na nasa ibang bansa: OFWPambansang Rap: Bebot - Mabuhay si Apl De Ap.Pambansang Sex Symbol: Asia Agcaoili - Hindi siya tatawaging sex guru for nothingPambansang Blogger: Batjay - Pasensya na sa iba. Siya ang paborito ko eh.Pambansang Manok: Sarimanok - Andok's sana ang pipiliin ko kaso delikado baka may bird flu!Pambansang Alak: SMB; Ginebra (pag walang budget); Tuba (pag talagang walang wala).Pambansang Problema: Kahirapan - Marami pa pero ito ang nangunguna sa listahan.
BUOD NG FLORANTE AT LAURASa isang mapayapang kaharian ng Albanya, may isang hari na ang pangalan ay si dDuke briseo, ang kanyang asawa ay si prinsesa floresca. Sila ay may nag-iisang anak na lalaki na si Manny Pacquiao.Isang gabi, samantalang natutulog si Don Fernando, nagkaroon sya ng isang masamang panaginip at sya ay nagkasakit. Ang kanyang panaginip ay tungkol kay Don Juan na sya daw ay inihagis sa isang balong malalim ng dalawang lalaki. Kinabukasan, ipinatawag ang lahat ng manggagamot sa Berbanya upang gamutin ang hari, ngunit walang makapagpagaling sa kanya. Hangga't isang ermitanyo ang dumating at nagsabi na ang tanging makapagpapagaling sa kanya ay ang pitong awit ng Ibong Adarna. Ang Ibong Adarna ay matatagpuan sa puno ng Piedras Platas sa Bundok ng Tabor.Isinugo ng hari ang kanyang dalawang anak na lalaki upang hanapin ang Ibong Adarna, ang una ay si Don Pedro at sumunod ay si Don Diego, ngunit sila ay nabigo sa paghahanap sa Ibong Adarna. Dahil sa Labis na pagod, sila ay nakatulog sa ilalim ng isang puno na kumikislap ang mga dahon na parang diamante. Kapag dumapo ang Ibong Adarna sa kalaliman ng gabi ito ay umaawit at pagkatapos ay umiipot. Nang mapatakan ng ipot ng ibong Adarna ang dalawang prinsipe, sila'y naging bato.Lumipas ang tatlong taon ngunit hindi na nakabalik ang dalawang prinsipe, dahil dito natakot si Don Fernando na isugo ang kanyang bunsong anak na si Don Juan dahil baka magkatotoo ang kanyang panaginip. Ngunit nagpumilit si Don Juan na hanapin ang Ibong Adarna.Samantalang si Don Juan ay naglalakbay upang hanapin ang ibon, nakita nya ang isang ketongin na humingi sa kanya ng pagkain. Dahil si Don Juan ay may magandang kalooban, ibinigay nya ang kanyang kahuli-hulihang baon na tinapay sa matandang lalaki na ketongin. Dahil dito, tinulungan sya ng ketongin kung papaano matatagpuan ang Ibong Adarna. Sinabi nito na mayroon isang maliit na bahay malapit sa bundok kung saan nakatira ang isang ermitanyo na magbibigay sa kanya ng kaalaman kung papano mahuhuli ang Ibong Adarna. At ibinilin din ng matanda na huwag syang hihimlay sa isang puno na kaiga-igaya ang anyo.At nagtungo si Don Juan sa bahay ng ermitanyo, pinatuloy naman si Don Juan sa bahay ng ermitanyo at inanyayahang kumain. Nagulat si Don Juan nang makita nya na ang pagkain na inaalok sa kanya ay ang kanyang tinapay na ibinigay sa isang ketongin. Kaya't inisip ni Don Juan na ang ermitanyo at ang ketongin ay iisa. Binigyan ng ermitanyo si Don Juan ng pitong dayap, matalim na labaha, at gintong sintas. At kanyang sinabi na tuwing kakanta ang Ibong Adarna, kailangan sugatan nya ang kanyang katawan at patakan ng katas ng dayap ang sugat upang hindi sya makatulog. Kailangan din nyang umiwas kung ang ibon ay umipot pagkatapos umawit ng pitong awit. At kapag nahuli na nya ang Ibong Adarna, dapat talian nya ito ng gintong sintas na ibinigay sa kanya ng ermintanyo.Naging matagumpay si Don Juan na makita at mahuli ang Ibong Adarna ayon sa bilin ng matanda. Dinala nya ang Ibong Adarna sa bahay ng ermitanyo na doon ay inilagay sa isang hawla ang ibon. Kanya ring nailigtas ang kanyang dalawang kapatid nang buhusan nya ito ng tubig ayon s autos ng ermitanyo. Ngunit sa kabila ng mga ito, naiingit si Don Pedro kay Don Juan at sinabi nya kay Don Diego ang kanyang masamang balak kay Don Juan. Sumang-ayon si Don Diego sa masamang balak ng kanyang kapatid. Kanilang sinaktan si Don Juan hanggang sya ay mawalan ng malay. Kinuha nina Pedro at Diego ang Ibong Adarna at dinala ito sa hari. Gayunpaman, pagdating nila sa hari hindi humuni at umawit ang ibon.Samantala, nagdasal si Don Juan dahil sa hindi sya halos makagapang sa bugbog na tinanggap mula sa dalawang kapatid. Isang matanda ang tumulong sa kanya at sya'y hinilot hanggang gumaling. Dagli-dagli syang umuwi at sa kanyang pag-dating sa kaharian nagpalit agad ng balahibo ang ibon at bigla itong umawit. Ang kanyang pitong mga awit ay patungkol sa ginawa ng dalawang prinsipe kay Don Juan, na doon din gumaling ang hari.Nais ni Don Fernando na parusahan ang kanyang dalawang anak dahil sa kanilang ginawa kay Don Juan, nguni't paglao'y nagbago din ang kanyang isip dahil sa paki-usap na rin ni Don Juan.Ngunit isang gabi na nagbabantay si Juan sa ibong Adarna, siya ay nakatulog at hindi namalayan na pinakawalan nina Pedro at Diego ang Ibon at lumipad ang ibon papalayo sa kaharian ng Berbanya. Ipinasya ni Juan na umalis at magpunta sa bundok ng Armenia dahil sa takot na sya ang pagbintangan na nagpalaya sa ibon. Ngunit sya ay ipinahanap ng hari sa kaniyang dalawang kapatid. Natagpuan ni Don Pedro at Don Diego si Don Juan sa Armenia. Sa kanilang paglalakbay pabalik, isang araw nakakita sila ng isang balon, sila'y bumaba doon ngunit tanging si Juan lang ang nakaabot sa pondo ng balon at sa ibaba nito nakita nya ang isang napakagandang ginintuang palasyo. Doon nakita din niya ang mga magagandang prinsesa na si Juana at Leonora, nguni't sila ay binabantayan ng serpente na may pitong ulo at higante. Napatay ni Juan ang higante at ang serpente. Dahil doon, sumama sila Prinsesa Juana at Leonora kay Juan palabas ng balon, nguni't naiwan ni Leonora ang kanyang singsing sa isang mesa. Dagling binalikan ni Juan ang singsing, nguni't sampung dipa pa lamang si Juan patungo sa ilalim ng balon ay dagling pinutol ni Pedro ang lubid. Nahulog si Juan sa ibaba ng balon at sya'y labis na nasaktan. Subalit inutusan ni Leonora ang kanyang alagang lobo upang tulungan si Juan at sila ay umalis na patungo ng Berbanya.Nang makarating sa Berbanya, Si Diego ay ikinasal kay Juana, ngunit si Prinsesa Leonora ay humingi ng pitong taon bago magpakasal kay Pedro. Si Don Juan naman ay nakaligtas na rin mula sa balon sa tulong ng lobong alaga ni Leonora, nakuha na rin nya ang singsing nito. Samantalang sya'y pabalik na sa Berbanya, nakatulog sya sa ilalim ng isang puno na sya'ng pagdating ng Ibong Adarna. Nguni't sya ay nagising at nirinig ang awit ng ibon tungkol sa isang mas magandang prinsesa na si Maria Blanca na anak ni Haring Salermo ng kaharian ng Delos Cristal. Nang marinig nya ito, sya ay nagpasya na hanapin ang kaharian ng Delos Crsital. Nguni't hindi nya ito matagpuan hanggang maglakbay sya sa ikapitong bundok upang hanapin ang isang ermitanyo na may edad na 500 sunbalit hindi rin alam ng ermitanyong ito ang Delos Cristal, kaya ipinasya ng ermitanyo na sya'y papuntahin sa ikapitong bundok upang hanapin ang isang ermitanyo na may edad na 800, sa tulong ng isang agila na sinakyan ni Juan, siya'y nakarating sa kaharian. Nguni't ang bilin ng agila, sya'y dapat magtago kung ang tatlong prinsesa ay maliligo tuwing ikaapat. Pagkagayon itinago ni Juan ang damit ni Donya Maria at pagkatapos maligo nito hinanap ni Maria ang kanyang damit ngunit paglipas ng isang oras ay nagpakita na rin si Juan at ipinahayag ang kanyang malinis na layunin sa prinsesa. Gayunpaman, hindi nagalit ang prinsesa at ibinilin nya ang kanyang gagawin kapag sya ay makita ni Haring Salermo.Sinubok ni Haring Salermo si Juan, naging mahigpit ang mga pagsubok na ibinigay ni Haring Salermo kay Juan. Ang unang pagsubok ay ang pagtibag ng bundok, pagpapatag nito at pagtatanim ng trigo na kinakailangan kinabukasan ay may mainit na tinapay na magagawa kaagad si Juan at maibibigay sa hari. Ang ikalawa ay ang paghuli sa 12 negrito na pinakawalan sa karagatan. Ang ikatlo ay ang paglalagay ng bundok sa gitna ng dagat at gagawing kastilyo, na banding huli ay kanya ring pina- alis ang kastilyong ito upang makita ang nahulog na singsing ng hari sa karagatan. Ang pinakamahirap ay ang paghahanap nito ng singsing ng hari na kanyang pinaghati-hati ang katawan ni Maria upang hanapin ang singsing ng hari, dahil dito nawala ang isa sa mga daliri ni Maria. Gayunpaman, lagi nitong napagtatagumpayan ang lahat ng pagsubok ng hari sa tulong na rin ng Mahika Blanka ni Donya Maria. Dahil doon napilitan si Haring Salermo na ipakasal ang isa sa kanyang mga prinsesa Ang napili ni Juan ay si Maria kahit hindi ipinakita sa kanya ang mukha ng prinsesa. Dahil na rin sa naputol na daliri ni Maria bilang naging palatandaan ni Juan sa kanya. Nang malaman ni Haring Salermo na matagal ng magkakilala sila Juan at Maria nagalit sya at kanyang isinumpa ang anak na si Donya Maria. Ang sumpa ay, sya ay makakalimutan ni Juan at pakakasal sa iba.Dagling umalis sila Juan at Maria patungo sa Berbanya. Nang malapit na sila Juan at Maria sa kaharian ng Berbanya pansamantalang iniwan ni Juan si Maria sa labas ng kaharian. Nguni't ng malaman ni Leonora na dumating na si Juan, sya'y lumapit kay Juan at nakalimutan ni Juan si Maria. Doon itinakda ang kasal nila Leonora at Juan, nguni't nang dumating si Maria, namangha sya sa napipintong kasal ng dalawa kaya sya ay humiling ng isang palaro na naging dahilan upang maalala ni Juan ang kanilang nakaraan ni Maria. Isang negrito at negrita ang inilabas ni Maria. Sa tuwing papalo ang negrita, hindi nasasaktan sng negrito. Ang nasasaktan ay si Don Juan. Unti-unting nagbalik ang ala-ala ni Juan at sila ay nagpakasal ni Maria. Samantalng si Leonora naman ay nagpakasal kay Pedro.Pagkaraan nito umuwi sila Don Juan at Donya Maria sa Delos Cristal at sila ang tinanghal na Hari at Reyna sa kaharian. Pinamunuan nila ang kaharian na makatao, makatarungan at makaDiyos na pamumuno. Dahil ditto sila'y minahal ng taong-bayan.
Yes. He used it as a pen name for his short story "Pula, Puti at saka Blu, at Marami Pang Korol" when it was submitted to the Palanca Memorial Awards for Literature. It won Second Prize. It is now published in the book Hulagpos, which is being used as a module in schools on modern Pilipino literature.Read the short story:From: http://ulan-shiela.blogspot.com/2007/09/underground-classic.HTML"Pula, Puti at saka Blu at marami pang Korol"Ni Lav DiazPalanca Memorial Awards for LiteratureShort Story"Kahirapan ang pinakamasahol na uri ng karahasan."-- Mahatma GandhiNalulungkot lang siya kaya siya ganun, sabi ni Nenet, Dyong at Toto. Pero Hindi siya umiiyak. Sanlinggo na. Hindi, siyam na araw na. Pansiyam ngayon.Tapos na ang dusa. Tinapos niya. Pero naghihirap ang loob niya. Hindi siya matahimik.Gusto niyang isiping tapos na, sa wakas, pilit pinaluluwag ang dibdib, pero Hindi matapos. Matay man niyang gawin, naroroon pa rin, lumalambong, nangangamoy, nambubulahaw. Isang linggo na siyang lumilipad, Hindi, siyam na araw na nga pala, pero kapit-tukong kinakalmot pa rin ang katinuan niya. Ayaw bumitiw, Hindi kaya ng happenings.'Yung amoy. Hindi niya makawa, Hindi mabata. Sa kasusuka ay wala na siyang maisuka. Malapot na laway na lamang ang lumalabas. Yung amoy. Nakaangkla sa kasuluk-sulukan ng kanyang pangamoy, kahit patung-patong nang singhot ng solben. Parang tumitindi pa nga ang lansa.Yung sigaw. Nakalulunos, nakapangingilabot. Kumintal na yata sa utak niya. Patuloy na umaalingawngaw. Sanlinggo na. Hindi, siyam na araw na. Ayaw siyang patulugin, kahit kunukulubot at tinutuyot na ng solben ang utak niya.Magtatawanan sila. Bungi kasi, bulol, tanga, may luga pa.Putsa.Ano? Tutuhurin siya ni Dyong, babatukan ni Toto. Galit siya pero Hindi siya lalaban. Paano, siya ang pinakamaliit, pinakabata. Si Dyong, dose na. Si Toto, sampu. Si Nenet, Hindi sigurado pero kasinlaki niya. Maganda na. Lumalaki na ang suso. Mga susong gusto niyang hawakan at laruin tulad ng nasisilip niyang ginagawa ni Dyong kaya lang, kay Dyong talaga si Nenet, hawak na. Minsan nga, nakatulugan Nina Dyong at Nenet na hubad sila. Nakita niya ang kabuuan ni Nenet. Gusto niyang gawin lahat ang ginagawa ni Dyong kay Nenet, halikan sa bunganga, laruin ang suso, papatong, kaya lang, magagalit si Dyong.Noon, noong maliit pa siya, ganun din ang nakikita niyang ginagawa ng mga lalaking pumapasok sa kanilang tirahan sa iskwater, tulad ng ginagawa ni Dyong kay Nenet. Sa pagkakaalam niya'y parang gabi-gabi, iba-iba. Maghuhubad ang nanay niya tuwing may dumarating. Nakikita niya ang lahat. Bago 'yun magkasakit ang nanay niya.Si Nanay mo, Hindi nagmumulto?Hindi.Hala, ayan na'ng nanay mo! Takbuhan sila. Si Nenet, Hindi makatakbo, nananakit ang katawan, pero magtatago rin. May kadiliman ang mga sinapupunan ng mga palapag kahit araw. Walang multo, kahit iwan n'yo ako, mabait si Nanay, mabait yun, sabi niya sa sarili.Moooo! Hindi sa Nanay 'yun, boses ni Nenet. Awooo! Lalong Hindi, nagboboses babae si Dyong. Plang! Klang! Nambato ng baal si Toto. Dyug-dyug-dyug-dyug! Elarti. Dumungaw siya. Hayun, palampas ng ang malaahas ng sasakyan. Nasa ikalimang palapag siya, mataas ng dalawang palapag sa tapat ng riles ng elarti. Hahabulin niya ang tanaw ng elarti. Sayang, bumaba na ang tama ng solben. Maghapon kasi siyang nakabilad sa araw. Sayang, ang ganda sanang tingnan kung hay pa siya, kahit ganung wala pang ilaw.Siya, sina Dyon, Nenet at Toto, ang siguro'y tanging nakaaalam na napakasarap pagtripan ang elarti lalo na kung gabing rumaragasa ito, puno ng ilaw at lumilipad silaa sa solben. Minsan, akala niya ay uod itong kumikinang ng ilaw at puno ng mga nangungunyapit na linta na many sari-sariling korol. Mga lintang galing sa trabaho. Uuwi na sila. May mga buhay sila, e. Isip niya, ang sarap ng maging katulad nila, nakasakay sa kumikinang na uod na kapag ramaragasa ay nag-iiwan ng pula, puti, blu, orens at maraming maraming bumibilog, tumutudla, bumubulusok, pumapailanlang, bumubulwak at kumikiwal na korol. Andaming korol! At yung sawns. Walang binesa ang disko sa Menudo. Pakiwari niya'y galing sa langit, mula sa kung saan-saan, dumadagundong, sumasayaw, nag-aanyaya, sumasabay, sumasaliw, umiiwas, lumalayo, lumalapit, sumisiksik, himihiyaw, lumalambing, parang duyan, parang oyayi na nais ihele at magupiling, parang agos na tumatangay, parang alapaap na kumakampay, kumakaway, naglalakbay, isang huning nanghahalina, nang-aakit, umaawit, parang... parang... wow!Sinabi niya, ilang beses na nasabi na niya, na gusto niyang mamatay sa elarti. Anong sarap na makasama ang mga korol at sawns. Kesa basura, kesa kalsada, kesa tebi, kesa ketong, kesa sipilis, kesa apoy...!Ginulat siya ng tatlo. Hahaha! Bbungi! Tanga! Gago! Baliw! Putsa! Ano, kamo? Lalaban ka? Matapang ka? Ha? Tuhod. Tulak. Aray ko! Pero Hindi siya lalaban. Maliit kasi siya.Nagtitrip ka diyan e, bumaba na ang tama natin. Iiskor tayo mamaya. Iiskor ka pa.Tinalunton ni Dodoy ang Abenida. Ayaw niya sa usok. Masakit sa ilong Maingay, Hindi niya gusto ng maingay, Hindi sawns. Da bes yung elarti. Magulo, walang kuwentang panginorin. Hayun, yung mga neyong naglalaro at de korol, yun ang gusto niya rito tuwing kagampan ang dilim. Kaya lang, kulang sa galaw, kulang sa liksi, kulang sa hagibis. Gusto niya'y matulin, yung gusto mong habulin pero Hindi mo makaya. Ganun ang elarti, ibang klase.Pagtawid niya'y gahibla na siyang muntik na mahagip ng rumaragasang magarang kotse. Kagulo ng trapik. Putang-ina mong yagit ka! Magmura kayo. Wala na sa kanya yun. Yun ngnang maghapong higa niya sa gitna o tabing kalsada, e balewala na. Tao, trak, dyip, greder, lahat umiiwas sa kanya, sa kanila. Kailanman ay Hindi siya umiiwas sa mga sasakyan. Pag 'di ka umiwas, iiwasan ka. Pag umiwas ka, di sila iiwas. Pag walang umiwas, bahala na. Yun ang natutunan niya sa kalsada. Init at ulan, balewala na rin. Nababata na niyang lahat. Bahagi na yun ng kanyang trabaho. ng pakikibaka sa buhay. Magpupunas ng uling at alikabok, kung minsan putik, sa iba't ibang bahagi ng katawan, damit at syort na anyong basahan, hihiga sa kalsadang maraming nagdaraan katabi ang nakangangang lata. Hindi gaanong dusa kung kargado ng solben, maagti-trip ka maghapon. Pag-asa ang bawat kalansing barya.Pasok siya sa madilim at namumutik na iskinita. Doon sa pagawan ni Kenet ng sapatos. Mas bukas ang puwesto niya pag gabi. Maraming umiiskor.Uy, Dods, ano ba'ng atin? Kondolens uli. Ilan? Walong kutsara? Wow! Bigat n'yo ah, lumalakas kayo. Lasing si Kenett, may mga kainuman tulad ng dati.Si Kenet, laging bundat ang tiyan, malaki na nga, Hindi tama sa edad niya, trentahin pa lang siya, sobrang porma. Simple lang ang repersyap niya, maliit, pero nakakarating na siya sa Hongkong, Bagyo, at Dabaw. Marami siyang pera.Hayan, may palamang binilot diyan. Okey ang iskor n'yo ngayon, e.May balatong damo si Kenet. Mas gusto ni Dodoy ang damo kaya lang di pa nila kaya. Mas mabigat iskorin ang damo. Pero sabi ni Dyong, malapit na silang lumipat sa damo o maaaring shabubasta't palarin si Nenet, sila.Yun. Kaya walong kutsara sila ngayon, nagsimula na yata ang suwerte ni Nenet kagabi. Pers taym na ipinarada siya ni Dyong sa Ermita, agad may nakanang Ostralyanong datan. Twenti dolars ang hatag. Nagpakabusog sa hamberger at kok sina Dyong, Nenet, at Toto. Si Dodoy, di kaya kahit anong sarap. Ayaw humiwalay nung amoy, nung sigaw. Bumili ng damit si Nenet sa Sentral Market, pati lipstick at pabangong emseben. Bumili rin si Dyong ng bayodyesek para sa lagnat ni Nenet. Hindi ito makagulapay paggising kaninang umaga. Sabi ni Dyong, pers taym kasi sa parener, kaya ganun.Si Dyong, titigil na rin sa pagdapa sa kalsada. Paparada na rin sa parener ngayong gabi. Kung sakali, paparadi na rin si Dodoy at Toto sa mgs darating na gabi. Baka sakali, iiwan na nila ang kalsada tulad Nina Bet, Warly, Kongkong, Perdi, Sali, Mimi…Paparada na sila sa parener.Habang papalapit si Dodoy sa inabandonang bilding, sumagi sa isip niya ang mga sinabi ni Dyong noon, noong buo pa ang gusali at nang masunog ito. Napakagandang bilding nito dati, labas-masok ang mga maayos na Tao, yung magagara ang damit. Ni sa hinagap pa nga e, Hindi niya inakalang isang araw e, magiging tirahan niya, nila, ito, labindalawang palapag. Puro nga abo't uling pero ang laking panangga sa lamig at sakuna sa gabi. Minsan, noong buo pa ang bilding, ang lakas ng ulan, sumilong sila sa may pinto nito, doon na natulog, pero ipinagtabuyan sila ng guwardiya, tinutukan ng baril ang nguso ni Dyong nang umangal ito. Sinagasa nila ang ulan. Nilagnat si Nenet, ang taas, nagdiliryo nang ilang araw, akala nila mamamatay. Sabi ni Dyong, putang-ina, susunugin ko ang bilding! Isang araw nga, mga tatlong buwan na, nasunog ang gusali. Minsang langong-lango sila sa solben, sabi ni Dyong, siya ang sumunog. Pero walalng naniwala sa kanilang tatlo. Ngayon, habang paakyat siya sa bilding, naitatanong niya, si Dyong nga kaya ang sumunog nito? Baka totoo. Siya nga e…Ang tagal mo, a.Kumakain sina Dyong, Nenet at Toto ng hamberger at kok na naman. May para kay Dodoy pero ayaw niya.Talagang nagpapakamatay ka na, ano? Ang payat-payat mo na. Kalimutan mo na ang nanay mo. Patay na yun! O, kainin mo!Ayaw. Buang na talaga! Yun ang sabi ni Nenet. Ang nabubuang daw, Hindi kumakain nang matagal. Tapos, laging nakatungo, nakatanghod, tulala, nakanganga. Ganun si Dodoy. Naaawa si Nenet.Pansiyam na ngayong araw, gabi, na halos di kumakain si Dodoy. Titikim lang ng konti, wala na. Sabi ni Dyong, pasiyam ngayon ng nanay mo. Basta pasiyam, nag-aalay ang mga namatayan ng pagkain, padasal, palaro. Nililimot ang kalungkutan ng pagkawala ng isang mahal sa buhay. Alam ni Dyong dahil istoawi siya galing sa probinsya. Ganun daw sa kanila kapay ika-siyam na araw ng patay. Kaya dapat huwag nang malungkot si Dodoy.Walong kutsara ngayon ang solben natin. Magseselebreyt tayo sa pasiyam ng nanay ni Dodoy. Tulad sa probinsya namin. Tapos, tsibog tayo, ha, Doy? Ha?Siyanga naman, Doy. Sige na. Selebreyt na!Sige. Bahagyang ngingiti si Dodoy, unang guhit ng ngiti sa kanyang mukha sa loob ng siyam na araw, gabi. Pero sa loob-loob niya, kung alam n'yo lang na Hindi sa lungkot kaya ako nagkakaganito… Hindi!Hating kapatid, ha, tigalawang kutsara tayo.Ay, Dyong, di ba hihintayin tayo ni Mister Pol Hanikom sa Anito?Alas diyes medya pa yun. Karga muna tayo. Maganda yung kargado ka para mawala yung sakit ng ulo mo at saka Hindi hahapdi 'yang sugat. Alam n'yo bang sinabi ni Mister Pol Hanikom na kapag nakakita siya ng isang buong bahay na mauupahan, ititira niya dun si Nenet, kasama tayo, di ba sinabi niya, Net?Oo, kaya lang… parang natatakot ako, e…Ito ang langit para kay Dodoy. Mamumula ang kanyang mga mata, mangangapal at mamamanhid ang kanyang balat, maninindig ang kanyang mga balahibo, wari'y mamimimitig ang kanyang mga binti, nagiging maganda ang paligid, nagiging masaya, nagiging paraiso. Yung tambakan, nag-aanyong bundok ng ginto. Ang init ng araw, walang haplit, sumusuko. Ang lamig ng gabi, umaamo, nagiging kaulayaw. Lahat ng pagkain, maski panis, masarap, malinamnam. Nagiging maganda siyang lalaki, Hindi sunog ang balat, Hindi kinakalayo ang mga palad at apakan, Hindi nagluluga ang kaliwang tenga, Hindi nananakit ang mga bulok niyang ngipin, gumagara ang malabasahan niyang kasuotan, nagmimistulang anghel sa kagandahan si Nenet…Si Nanay niya, masaya sa solben, matagal dung gumamit. Siya ang nagturo. Noon una, galit ito. Putang-yawa ka, Dodoy! Masama ang adik-adik. Pero nang dapuan ito ng tebi, pangangati ng katawan at nagsimulang mangayayat, sinubok ang solben, nasarapan ito, naiibsan ang dusa niya. Kaya tuwing uuwi siya, may pasalubong siyang solben at siopao sa nanat niya. Alam na Nina Dyong ito.Naikuwento na rin niya kay Nenet na wala siyang tatay. Galing ng Bohol si Nanay niya, yun ang sabi sa kanya. Hindi alam ni Nenet kung saan ang Bohol. Sabi niya, parte pa rin ng Pilipinas. Nakalakihan niyang may labas-masok na lalaki sa mga natirhan nila sa iskwater hanggang nang makabili ng munting dampa sa tambakan. Greyd wan lang siya. Wala nang lalaking lumapit sa nanay niya. Kailangan na niyang maghanap ng pambili ng pagkain at gamot ng nanay niya. Nang lumalala ang kanyang nanay, panahong nakilala niya sina Dyong. Sa kalsada na rin siya tumira. Ayaw na siyang patulugin ng nanay niya sa dampa. Baka raw mahawa siya. Maski ano'ng gawin niya, Hindi niya kayang bilhin ang mga gamot.Hindi na rin nanghingi ng gamot ang nanay niya. Solben na lang at siopao.Kwento ka nga, Doy. Magaling kang magkwento, e. Sabi ni Nenet. Magkukuwento siya basta si Nenet.Kwento yun ng nanay niya, sabi niya, paborito niyang kwento. Ngayon lang niya ikukuwento kay Nenet, kasama na rina sina Dyong at Toto dahil naroroon sila. Kwentong piritil daw, sinauna. Kwento ni Huse Lisar.Anong Huse Lisa? Huse Risal!Hagalpakan ng tawa sina Dyong at Toto. Utal, gago! Gusto niyang ma-bad trip per magkukwento siya kay Nenet. At saka maliit siya, e, Hindi niya kaya ang dalawa.Yun daw kasing gamu-gamo, matigas ang ulo, yung anak, ha, Hindi yung ina. Mag-ina, e. Sabi ng ina, mainit yang apoy ng ilaw na de gas kaya huwag kang maglaro sa malapit na malapit dahil malapit ang aksidente dun. E, ito kasing anak, matigas ang ulo. Isang araw, naglikot siya, Hindi sa ilaw kundi dun sa tenga ni Huse…Risal, gago!Tapos, sabi ni Nenet.Di napaigtad si Huse…Risal, gago!Tapos…Natabig ni kuwan yung ilawang de gas at lumiyab yung mesa. E, sa ilalim ng mea nakatira ang mag-inang gamu-gamo. Nasunog sila. A, Hindi yung anak lang pala ang nasunog muna dahil naghahanap ng pagkain ang ina. Umiyak yung nanay nang malaman ang nangyari sa anak. Tapos, nagpakamatay siya.Maiiyak si Nenet.O, pinagtripan mo na naman iyong kuwento. Hindi naman nakakaiyak, e, kuwento ng katangahan iyon, e.Ilang elarti na ang dumaan.Wow, halos panabay nilang nauusal kapag may na daraan. Natatahimik sila, ninanamnam ang sawns, ang korol.Dyong, sumakay tayo ng elarti bukas, lambing ni Nenet.Teka… sige.Sama kami.Oo. Pag may nakuha si Nenet mamaya kay Mister Pol Hanikom. Bibili tayo ng tig-iisang teysert para Hindi tayo nakakahiya.Bukas na lang tayo pumunta kay Mister…Ngayon na. Usapan, e.Mahapdi, e…Singhot ka nang todo para hay na hay ka, mawawala 'yan. Basta bukas, sasakay tayong lahat sa elarti.Naalala ni Dodoy yung sinabi ni Dong, yung pagsunog ng bilding.Oo, kasi ayaw n'yong maniwala. Akala ko kasi noon, mamamatay na si Nenet. Ang ginawa ko, humingi ako ng gas kay Nenet, di ba marami siyang das na panlinis ng tumitigas na solbent? Yun, sabi ko para sa ilaw natin. Nakikita n'yo yung istasyon dun ng elarti? Dun, sumingit ako noong malapit nang magsara. Nagtago ako. Tapos, nung wala nang elarti, binaybay ko yung tabi ng riles. Pagtapat ko diya sa terd plor, binato ko yung salamin ng bintana. Dun ko ipinasok yung sinindihan kong basahan na babad sa gas. Huwag n'yong ikukuwento sa iba, ha?Oo.Dumalang ang elarti.Magbihis na tayo, Net.Atubili si Nenet, nakatingin kina Dodoy at Toto.Halika na, magagalit si Mister Pol Hanikom, e.Atubiling tatayo si Nenet, inaalalayan ni Dyong.Kaya mo ba, Net, Hindi na ba masakit ang ulo mo?Kaya niya.Doy, huwag ka nang malulungkot, ha? Bobolahin ko si Mister Pol Hanikom para may teysert tayo bukas, tapos sasakay tayo ng elarti at saka kakain tayo ng masasarap. Kumain ka na rin kasi…Tatango si Dodoy. Umiika si Nenet. Parang gusto niyang pigilan kaya lang baka magalit si Dyong. At saka gusto niya sanang sabihin kay Nenet na Hindi naman siya nalulungkot. Dapat nga, magluwag ang kalooban niya dahil lipas na ang paghihirap ng nanay niya. Mas gusto lang sana siyang ikuwento pa kay Nenet…Hindi niya alam kung matatanggap ni Nenet. Baka magalit. A, kay Toto na lang muna. Kay Toto na lang…Matapos bihisan ni Dyong si Nenet at magbihis din siya, lumakad na sila.Pilit na inaaninag ni Dodoy si Nenet habanag paalis na sila ni Dyong hanggang sa nawala na ang gma ito sa may hagdan. Alam niyang ayaw ni Nenet na pumunta kay Mister… Hindi niya mabigkas yung pangalan. Ayaw ni Nenet. Dati, gustung-gusto nito, pero matapos ang unang parada kagabi, narinig niyang nagreklamo si Nenet kay Dyong… Hindi naman pala mabait ang parener.Masasanay ka rin, sabi ni Dyong. Noong una nga, akala natin Hindi natin kayang humiga sa kalsada na bilad maghapon, nauulanan pa nga tayo pero nakaya natin. Kaya.Tuloy ang dyaming Nina Dodoy at Toto.Ikaw, To, asan ang nanay at tatay mo?Ako… sabihin ko na sa 'yo ang totoo, Doy, wala rin akong tatay, puta rin ang nanay ko. Pero tumigil na.Asan na siya?Hindi ko alam. Iniwan niya ako, e. Sabi niya babalik siya. Hintay ako nang hintay dunsa tinitirhan namin dati sa Baclaran, pero Hindi na siya bumalik. Putang-ina niya, galit ako sa kanya. Ikaw, Doy, Hindi ka ba galit sa nanay mo?Noon. Ayoko lang yung mga laalaking panay ang pasok sa bahay pag gabi. Ginagalaw nila si Nanay tapos sinisia ako pagtumitingin ako sa ginagawa nila. Kunwari tulog akong lagi pag may lalaki sa bahay. Kawawa si Nanay…Tutulo ang luha ni Dodoy. Ngayon lang siya umiyak, ngayong pasiyam. Maiiyak din si Toto.Galit ako sa nanay ko… pero mahal ko din naman siya kahit na iniwan niya ako…Madalang na madalang na ang elarti. Kargadong-kargado na sina Dodoy at Toto. Panay pa rin ang singhot nila ng solben. Banat hanggang sa kaya.To, naniniwala ka ba kay Dyong na siya ang sumunog sa bilding na 'to?Maniniwala ka rin ba na sinunog ko ang nanay ko?Ano?Sinunog ko si Nanay, To… sinunog ko siya…Umiiling si Toto. Hindi mo yun magagawa sa nanay mo. Nanay mo yun, e. Hindi ako maniniwala!Sinunog ko siya, To… sinunong ko yung bahay namin… dinurog ko muna siya ng solben, durog na durog… tapos, nung hay na hay na siya, binuhusan ko yung bahay ng gas… kay Nenet ko rin hiningi yung gas…Putang-ina…Kaya ako Hindi makatulog, To… Hindi ako makakain… Hindi ko malimutan yung sigaw ni Nanay, saka yung amoy ng nasusunog niyang laman… ginawa ko yun kasi awang-awa na ako sa kanya… tuwing uubo siya, may dugo… yung katawan niya, puro nana at butas… nilalanga siya… pag gabi, kinakain siya ng mga daga… putsa… putsa talaga…Yuyugyog ang buong katawan ni Dodoy sa kanyang paghagulgol.Mapapaatras si Toto. Magsusuka nang magsusuka, lalayo.Samahan mo akom To. Huwag mo akong iwan dito…Ayoko na! Bad trip ka! Putang-ina! Tatakbo si Toto, lalamunin ng dilim.Totodohin ni Dodoy ang pagsinghot sa solben, parang mauubusan, parang hinahabol, kailangan niyang mapuno, mawala para Hindi mahabol ng amoy ng nasusunog na laman, ng nakalulunos na sigaw.Kaginsa-ginsa'y may naulinigan siyang tunog, parang malayong sigaw? Hindi, sawns! Sawns nga! Hayun, tanaw niya ang papalapit na elarti. Andaming korol.Tatayo si Dodoy, hahakbang sa hanggahan ng palapag. Sasakay ako sa elarti, mauuna ako sa kanila… Hindi nila ako mahahabol. Guguhit ang ngiti sa kanyang mukha.Bago tumapat sa gusali ang rumaragasang dambuhalang uod ay lumipad na si Dodoy… sa magpakailanman.Wow.Postcript:Si Nenet, namatay sa impeksyon ng kanyang maselang parte.Si Toto, nasa sentro ng rehabilitasyon para sa mga adik.Si Dyong, inampon, sabi'y inasawa ni Mister Paul Honeycombe. Nasa Ostralya na sila.