Buod ng nobelang mabuhay ka anak ko?
Ginising ako ng ingay ng digmaan, ng sipol at ugong ng mga
tingga. Habang nakahiga'y namalayan ko ang ibang pang ingay;
ngalngal ng mga kotseng nagliligid, ingi ng karetang hila ng baka,
mga manaka-nakang sigaw. Tiningnan ko ang aking relo, alas singko
ng umaga. Bumangon ako, dumungaw sa bintana at minasdan ang paligid
nang buong pagtataka, Ang kalye ay bumabaha sa tao at sasakyang
mabagal na naglalakbay sa maputlang liwanag ng bukang-liwayway,
waring lumuwas na sa bayan ang buong bansa. Abril 17, 1975 noon,
napagtanto ko na patapos na ang digmaang-pandaigdig.
"Thay, dear?"Gising na si Any, tahimik na nakahiga sa dilim,
siguro'y pinanonood niya ako, naghihintay ng reaksyon ko.
"Dali ka, Any".Hindi ako nakaramdam ng takot, bagkus ay tension
na pinatitindi ng kaalamang oras na para kumilos. Kailangan kumilos
kami agad para maiwasan ang labanan. "Katapusan na ito. Ilang
sandali na lang at darating na ang Khmer Rouge.
Naintindihan agad ni Any ang sinabi ko. Mabilis siyang tumayo't
nagbihis; maliksi ngunit malamyos ang kanyang kilos at sa isang
wigwag ng kanyang ulo'y naiayos ang buhok niyang hanggang balikat.
"Ano'ng mangyayari?" tanong niya.
"Huwag kang mag-alala," sabi kong nagmamadaling pumunta sa sala
para kunin ang mga gamit namin. "Mahihirapan tayo sa umpisa, pero
magiging normal din ang lahat." Nagising sa boses naming ang mga
bata. Nagsimulang maghabulan ang dalawang nakakatanda - ang
siyan-na-taong si Sudath at si Nawath na limang taon - sa loob ng
dalawang kuwartong apartment na bumubuo ng lugar naming sa bahay ng
aking biyenan. "Kailangang mabihisan muna ang mga bata at pumunta
na tayo agad sa bayan bago makarating dito ang sundalo.
"Nawath!" tawag ni Any. Narinig ni Nawath ang tawag dahil
nakikipagbuno it kay Sudath sa kama. "Nawath, lalapit ka pag
tinatawag ka!" muling tawag ni Any na lalong nilakasan ang boses.
Kung minsa'y iniisip kong medyo mabagsik sa mga bata, pro talagang
malilikot ang dalawa kaya kailangang higpitan ng kaunti. Nahagip
niya ang papatakbong si Nawath at binihisan, hindi iniintindi ang
pag-angal nito. Naghihikab na bumangon ang beybi pang si Staud, at
saka inaantok na nagpalinga-linga. "Sige na, Sudath," sabi ko sa
panganay na lalaki. "Magbihis ka na. Hindi mo ba nakikitang
nagmamadali tayo?"
Hindi naman mahirap balutin ang kakaunting kailangan namin.
Isang linggo na naming alam, mula nang mag-alisan ang mga Amerikano
noong Abril 12, na halos tapos na ang limang taong lumalaganap na
labanan sa pagitan ng mga rebeldeng Khmer Rouge ng Cambodia at ng
gobyernong Republikano ni Marshal Lon Nol. Hinihintay na lang
naming kung saan magmumula at kailan darating ang Khmer Rouge.
Dalawang araw bago ito, nagbanta na ang ingay ng papalapit na
giyera para maghanap na kami ng pansamantalang malilipatan sakaling
tamaaan ang bahay. Pinuntahan ko ang aking mga magulang at
nakipagkasundong Magkita-kita ang buong pamilya sa bahay ng pinsan
kong si Oan na nakatira sa malapit sa bayan, sakaling lumubha ang
sitwasyon. Pinuno na naming ng gasoline ang lahat ng kotse. Wala
kaming dapat gawin ngayon kundi mag-empake ng dalawang maletang
damit, kasama ang mga alahas ni Any, ang mga naipong naming at ang
aking mga dolyar - tatlong libo lahat na puro tig-iisang daan.
Dinala ko ang isang maliit na radyo para makarinig ng mga balita -
at isang cassette recorder na may kasamang reserbang baterya.
Nagtangay din ako ng ilang bagay na magagamit ko sa prosesyon - mga
librong teknikal ukol sa irigasyon at pagbabai-baitang ng lupa,
isang diksyunaryong French-English, at mga bolpen at papel.
Sipa ng sipa si Nawath habang pilit siyang sinasapatusan ni Any.
Nang mga sandaling ring iyon, pumasok si Anyung na nakatatandang
kapatid na babae ni Any. Sinabi nitong handa na sa pag-alis ang
kanilang mga magulang. Habang binibihisan ni Anyung si Staud ng
t-shirt at shorts, nagbalot naman si Any ng mga biskwit at kendi
para sa mga bata. Sinisiyasat ko ang aking dadalhin - mga libro,
relo, pera, mga papeles na mapagkikilanlan, radyo - at minsan ko
pang tiningnan ang paligid, iniisip kong mas mabuti kaya kung
pinaalis ko ng bansa ang aking pamilya. Hindi, katulad ng lahat,
ayokong-ayoko sa bulok na rehimen ni Lon Nol. Wala akong dapat
ikatakot sa Khmer Rouge.
Inapura ko ang aking pamilya para sumama na sa mga magulang ni
Any na noo'y sakay na ng kanilang Austin. Ikinaraga ko ang mga
bagahe naming sa aking Fiat, habang isinisigaw ang mga habilin sa
kabila ng kaguluhan sa siyudad - ratatat ng machine gun, pagsabog
ng mga bomba sa malao, at patuloy na andar ng mga sasakyan.
Ang kalyeng iyon, na isa sa maluluwang na lansangan sa Phnom
Penh ay isang agos ng mga tao, kotse, kareta, bisikleta, trak,
motorsiklo, at ilang karetang puno ng tao at kagamitan, nag-uunahan
sa maputlang liwanag ng madaling araw. Ang ilang pamilya'y
naglalakad; inaakay ng mga ama ang mga bisikletang puno ng mga
kagamitang pambahay, may kilik namang bata ang mga ina.
Kitang-kitang balisa ang lahat, malungkot ang mga mukha, ngunit
kakatwang tahimik. Waring hindi natural ang pagkapasensiyoso ng mga
nagmamaneho ng kotse, sumasabay sa lakad ng mga tao nang hindi man
lang bumubusina, isang bagay na hindi mangyayarin noong nagsisikip
ang trapik sa Phnom Penh, ilang araw pa lang ang nakakaraan.
Mayroon pang ilang grupo ng mga sundalo ng bumagsak na Republika na
naglalakad nang tatlu-tatlo o apat-apat, nakasakbat sa balikat ang
mga ripple, walang takot na nagbibiruan pa, natutuwang tapos na ang
giyera.
May isandaaang yarda na ang nalalakad naming, mga taong parang
duming lumulutang sa ilog, nang makarinig ako ng isang pagsabog sa
gawing kanan ko, sa may kantong malapit sa aming bahay, isang
balumbon ng usok ang lumabas. Ilang minuto pa'y dumating ang mga
ambulansya at bumbero, nagtutunugan ang mga kampana at
nagkikindatan ang mga ilaw. Humarang sila sa aming daraanan at wala
kaming magawa kundi tumigil muna.
Sa kabila ng pagmamadali ng mga taong nakapalibot sa amin, sa
kabilang kalapitan ng labanan, nadama kong malayo na kami sa
panganib. Kahit tapos na ang maraming taong digmaang-bayan at sa
kabila ng mga babala ng aking ama ujik sa kalikasan ng Khmer Rouge,
naniniwala akong babalik din sa dati ang lahat, gaya ng nakilala
kong Cambodia bago nagkaroon ng digmaang-bayan.
Buhat ako sa Oudong, isang nayong may dalawampu't limang milya
ang layo sa hilaga ng Phnom Penh. Doon namuhay ang ama kong si
Chhor bilang isang maliit na negosyante. Hindi siya mayaman - tatlo
lamang ang kuwarto ng bahay naming may bubuong na pulang tisa at
sahig na matigas na lupa - ngunit mataas ang pangarap niya at ng
aking inang si Loan para sa akin, ang panganay sa limang
magkakapatid. Ipinadala nila ako sa Phnom Penh para magkaroon ng
magandang edukasyon sa haiskul. Magaling akong estudyante. At nang
ako'y edad disisiete, ako ang pinakamahusay sa matematika sa buong
bansa.
Hindi ko iniisip ang pulitika noon. Maituturing na karurukan ng
katatagan ang mga taon ng aking kabataan kung ikukumpara sa mga
sumunod na panahon. Walang kinikilingan ang Cambodia, popular ang
aming pinunong si Prinsipe Sihanouk, tila walang kahirap-hirap na
umuunlad ang bansa, at waring napakalayo ng digmaan sa Vietnam.
Wala ring usap-usapan tungkol sa pakikisangkot ng Amerika sa
Southeast Asia.
Bilang isang matalinong estudyante, nagiging karapat-dapat akong
iskolar ng gobyerno sa ibang bansa. Nakaugalian nang papag-aralin
sa France ang estudyanteng Cambodian, ngunit nagging sentro ng
oposisyon laban kay Sihanouk ang France, kaya sa Montreal ako
ipinadala kasama ng iba. Doon ako nag-aral ng inhenyeriya.
Bumalik ako sa Cambodia noon 1965, sa isang bagong buhay.
Nagtrabaho ako sa Ministry of Public Works, at nagpakasal sa una
kong asawa, si Thary. Tulad ng karaniwang nangyayari sa mga bagong
kasal, tumira kami sa bahay ng mga magulang ni Thary. Malaking
bahay iyon dahil isang mayamang opisyal sa Ministry of Finance ang
kanyang amang si Mr. Khem. Ipinanganak ang panganay naming si
Sudath noong 1967. Mukhang patungo na kami noon sa isang magandang
kinabukasan.
Gayunman, kung babalikan ko ang nakaraan, mangilan-ngilan nang
palatandaan ng kawalang-kasiyahan sa paligid. Itinuring ni Sihanouk
ang sarili bilang ama ng bansa. Hindi nagtagal at umugong ang
usapan tungkol sa nepotismo at kabulukan. Sumabay dito ang
lumulubhang digmaan sa Vietnam. Dahil masigasig si Sihanouk na
panatilihin ang magandang pakikipag-ugnayan sa kanyang
makapangyarihan kapitbahay, lihim siyang ankipagkasundo na
magagamit ng mga North Vietnamese ang malalayong lugar sa silangang
bahagi ng Cambodia sa paghahatid ng mga sundalo at armas sa South
Vietnam. Naging dahilan ito ng pagtuligsa ng Estados Unidos.
Nalagay sa alanganin ang tradisyunal na niyutralidad ng
Cambodia.
Bilang reaksyon sa pangyayaring ito, sinuportahan ng mga
di-nasisiyahang Cambodian ang maliit na grupo ng mga rebeldeng
Khmer Rouge na ang karamiha'y pinangungunahan ng mga intelektuwal
na nag-aaral sa France.
Hindi ito gaanong nakaapekto sa aming buhay. Ako mismo'y
maraming problemang pansarili. Dumating sa buhay ko ang isang
trahedya noong 1969. Habang hinihintay naming ang pagsilang ng
aming pangalawang anak, nagkasakit ng Hepatitis si Thary na noo'y
beinte kuatro anyos lang. hindi na siya gumaling. Namatay sila
kapwa ng aming anak nang manganak siya. Isang nakababatang kapatid
ni Thary:si Anyung, beinte uno, at lalo na kay Any, disinuebe sa
pag-aalaga kay Sudath habang ako'y nasa trabaho.
Nany lumaon, at parang iyon na ang pinakanatural na mangyayari,
umibig ako kay Any. Maganda siyang babae, maitim ang buhok na
hanggang balikat at balingkinitan angkatawan. Sa edad na beinte,
naging kaligayahan na niyang balikatin ang trabahong-bahay at
minahal niya si Sudath na parang sariling anak. Nagpakasal kami.
Noong 1971, ipinanganak ang aming anak na lalaki, si Nawath. At
noong 1973, si Staud naman.
Noong mga unang taon ng dekada sitenta, nataas ako ng puwesto at
naging director ng Department of New Works and Equipment sa
ministry. Ang posisyong ito ang nagbigaysa akin at sa aking pamilya
ng proteksiyon laban sa kahirapang pampullitika at pangkabuhayan na
bunga ng lumalaganap na digmaang-bayan. Walang nalalaman si Any
kundi ang nangyayari sa bahay ng kanyang mga magulang, hindi rin
niya inuusisa ang aking mga paniniwalang pampulitika. Sa aking
palagay, masyadokaming kampante tulad ng iba pang kakilala ko.
Nagiging kapansin-pansin na ang pagkawala ng niyutralidad nang
panahong ito dahil sa naging patakaran ni Sihanouk na bigyang
kasiyahan ang lahat. Dumami ang mga North Vietnamese sa bansa -
humgit-kumulang sa apatnapung libo - kaya ipinag-utos ni
Presindente Nixon na bombahin ang mga ito, isang lihim na
ekstensiyon ng digmaan sa huli'y makakasira sa kanya at sa aminl.
Taliwas sa inaasahan ang anging apekto ng mga pagslakay lalo nitong
inakit ang pagpasok ng mga komunista sa Cambodia.
Noong 1970, pinabagsak ni Lon Nol, na Punong Ministro at pinuno
ng armi, si Sihanouk. Nangako itong lilinisin ang kabulukan at
palalayasin ang mga Vietnamese. Tumakas si Siahnouk patungong
Peking, at ang nakapagtataka, nagpahayag siya ng suporta sa mga
gerilyang Khmer Rouge na dati niyang kalaban. Tinawag niyang
tagapagpalaya ang mga rebelde na karamiha'y binubuo ng mga
magsasaka, at hindi na niya binigyang-halaga ang ideolohiyang
komunista ng mga ito.
Sa simula'y malaki ang pag-asa naming kay Lon Nol. Ngunit sa
pagdaraan ng panahon, naging malinaw na hindi niya kayang gampanan
ang tungkuling ipinataw niya sa sarili. Inatake siya at
naparalisado ang kalahati ng kanyang katawan. Nagpatuloy sa
kabulukan at pagwawalambahala ang administrasyon at sandatahang
lakas. Nabigo ang arming sugpuin ang alinman sa mga North
Vietnamese at Khmer Rouge sa kabila ng tulong sa Estados Unids.
Walang nakinabang kundi Khmer Rouge na tinatangkilik ng mga intsik.
Bumagsak ang bansa sa isang pangkalahatang digmaan-bayan. Sinabayan
ito ng nakakasakal na inflation na pumuwersa sa aming mga maaaring
mangibang bansa na magtago ng salaping dayuhan, lalo na ang dolyar.
Noong 1970, umabot sa 60 riel ang kapalit ng isang dolyar, at 2,000
naman noong 1975.
Kakatwang kaming mga propesyonal at intelektuwal sa Phnom Penh
ay naniwala rin sa palagay ni Sihanouk na makabayan at hindi
komunista ang mga rebelde. Dahil na rin ito sa mga hindi
maikakailang pagkukulang ni Lon Nol. At totoo namang ang kanilang
programa, na itinataguyod din ng United Front of Kampuchea ni
Sihanouk na nakabase sa Peking, ay hindi bumanggit ng komunismo. Sa
halip, gumagamit sila ng mga nakapagpapahinahong salita gaya ng
"Ang mga mamamayang Cambodia," "Pambansang Kalayaan," "kapayapaan,"
"Niyutralidad," "Kalayaan," at "Demokrasya."
Ako ma'y sumapi na rin sa oposisyon kay Lon Nol. Nagtatag ako ng
organisasyong tinawag naming Bees Club, isang proesyonal na may
magkakaparehong kaisipan - mga opisyal ng mga gobyerno, propesor sa
mga diktador, mga komunista at sa rehimen ni Lon Nol, ngunit wala
kaming - laban sila sa komunista pero sinusuportahan nila ang bulok
at walang-silbing si Lon Nol. Ibig naming magkaroon ng isang
pamahalaan na may pambansang pagkakaisa, at kung posible, isang
koalisyong pamahalaan kasama na ang Khmer Rouge.
Naniniwala akong higit sa lahat, bayani ang Khmer Rouge dahil
marami akong kilalang nagtatguyod sa kanila at sumapi sa kanila.
Ulit-ulit na sinabi ni Ama na nagkakamali ako dahil nakita at
nakausap niya ang di mabilang na nagsitakas bago sila lumipat sa
siyudad, kasama ang buong pamilya, noong 1972. Madalas ko siyang
sabihan noon na huwag mawalan ng pag-asa; iginiit ko pang
nabubulagan lang siya sa propaganda ng pamahalaan. Tutal, sabi ko
pa, may sariling tauhan sa mga gerilya si Shanouk at tiyak na hindi
nila susuportahan ang mga taong pumapatay ng mga kababayan at
naninira ng mga pagoda. Maaaring komunista ang iba, sabi ko, pero
higit sa lahat, Cambodian silang gaya namin.
Noong unang araw ng Marso 1975, nagkaroon ng pala-palagay na
mababago ang pamahalaan; na pupuwersahin ng Khmer Rouge si Lon Nol
na magbitiw, at inisip naming susundan ito ng maayos na pagtatatag
ng isang bagong rehimen. Kahit papaano, inakala kong magiging isa
si Sihanouk sa solusyong pulitikal, kung ano man iyon. Ngunit noong
ika-ias ng Abril, nahikayat umalis si lon NOl, at nawala ang huling
sagabal sa pagkakaroon ng maaayos na kasunduan. Naiwan ang pamumuno
ng gobyerno sa mga kamay ni Long Boret. Alam kong wala na akong
dapat ikatakot nang bumagsak ang dating rehimen. Isa lamang ako sa
karaniwang inhinyero. Hindi naming kailangan umalis ng bansa.
Hinintay ko ang pagkatapos ng digmaan at umaasang magkakaroon ako
ng bahagi sa pagbubuo ng bagong Cambodia.
Sa kakapalan ng tao, inabot ng dalawang oras bago naming
nalakbay ang dalawang milyang distansiya papunta sa Psar Silep,
isang residensiyal na lugar malapit sa ilog. Ito ang sentro ng
siyudad, ang pinakamagandang bahagi ng Phnom Penh - malalapad ang
mga kalyeng natatamnan ng mga puno at magkakahiwalay na mga villa
na istilong French colonial. Malaki ang pook na ito, may sapat na
lugar para sa mga puno at halaman. Dito nakatira ang pinsan kong si
Oan. Dalawang palapag ang bahay niya, protektado ng mataas na bakod
na yari sa tisa at may pintuang bakal. Magandang tagpuan iyon dahil
nag-iisa si Oan sa malaking bahay. May ilang linggo nang nakaalis
ng bansa ang asawa't anak niyang lalaki, kasama ng kanyang mga
biyenan.
Nang makapunta sina Anyung at mga biyenan ko sa bahay ng isang
tiyahin, ipinasok ko naman ang Fiat sa kalsadang kinatatayuan ng
bahay ni Oan. Nagulat ako pagkakita sa marami kong kamag-anak - si
Oan at ang dalawa niyang kapatid na babae kasama ang kani-kanilang
pamilya, ang aking dalawang kapatid na babae, dalawang lalaki at
mga pamlya nila, at ang aming mga magulang - tatlumpo lahat.
Naglapitan ang lahat sa amin, tuwang-tuwa nang Makita kami. May
isang oras na sila roon at nag-aalala na sa amin.
Nang nakikipaglaro na sa mga pinsan nila ang mga bata, naghanda
ng pagkain ang mga babae. Gumagawa ang lahat maliban kay Vouch na
nakikipaghuntahan sa mga lalaki. Si Vouch, dalawampu't isa, ang
intelektuwal ng pamilya. Nasa ikatlong taon sa siay sa unibersidad,
nag-aaral ng inhinyeriya na pambihira para sa isang babaing
Cambodian. Nakahiligan niya ang simpleng pananamit at mabigat na
pagsasalita, wari'y determinadong takasan ang tradisyunal na papel
ng babae at igiit ang sarili sa daigdig ng mga lalaki. Magiliw
siyang gaya ng nakatatandang kapatid na babaeng si Keng kun
nakikipag-usap sa aming ina, kay Any o sa mga bata, pero madaling
mapako ang atensiyon niya sa mga usapang pampulitika.
May bukas na isang radyo sa mesa, pero walang balita, puro
tugtog military. Tinanong ako ng kapatid kong lalaking si Theng
kung ano sa palagay ko ang nangyayari sa bayan. Dalawang taon lang
ang kabataan sa akin si Theng, may asawa siya at tatlong anak,
dalawang lalaki at isang sanggol na babae. Medyo bilib siya sa akin
sa mga usapang pampulitika, hindi lamang dahil nakatatanda ako sa
kanya, kundi dahil sa posisyon ko sa ministry. Titser siya sa
primarya, nakatira sa mga magulang naming, at mas interesado sa
basketbol kaysa pulitika. Bagay naman iyon sa katawan niya kaya mas
napakikinabangan siya kung mabigat ang trabahong dapat gawin. A,
sabi kong nakatitiyak, pag-uusapan siyempre 'yan ng mga opisyal ng
magkabilang panig�
"E bakit hindi pa nila ibalita sa radyo?" sabat ni Vouch.
"Nakapagtataka nga," sabi kong hindi tumitingin sa kanya para
makaiwas.
"Pero wala namang dapat ipag-alala. Hindi magtatagal at
magkakaroon ng isang bagong gobyerno at muling mamumuno si Prinsipe
Sihanouk. Makikita mo."
'At makabubuti sa kanyang huwag na niyang ulitin ang mga dating
pagkakamali niya."
Bahagyang katakimikan ang nagdaan. Para maputol ito, may isang
nagsabi: "Ano sa palagay mo, Sarun?"
Nagkatinginan kaming lahat. Kawawang Sarun. Titser siay noon
bago maaksidente sa isang motorsiklo na ikinabagok ng kanyang ulo,
dalawang taon na nakararaan. Hindi na siay tulad ng dati. Dati'y
masayahin siya at mapaglaro, ngayo'y lagi siyang malungkutin at
mainisin. Kadalasan ay mahiyain siya sa parang bata, pero minsa'y
galit na galit o nagsasalita ng mga bagay na walang kaugnayan sa
pinag-uusapan. Sabihin pa'y naalis siya sa eskuwela, pero hindi
maunawaan kung bakit, ang hindki nagbago sa kanya'y ang pagmamahal
niya sa asawang si Keng at sa limang-taong anak na babaing si Srey
Rath.
"Ano sa palagay ko?" ani ni Sarun sa dating matamlay na ngiti.
"ewan ko. Pero kung mababalik si Sihanouk, siguro makukuha ko uli
'yung dati kong trabaho. Ano sa palagay mo Thay?"
Naniniwala siyang naging biktima siya ng isang sabwatan at hindi
makabubuting pag-usapan pa ang tungko doon. Ngumiti ako't
nagkibit-balikat.
"Ano ang ingini-ngiti mo riyan, Thay?" tila nanunumbat ang boses
ni Keng muyla sa kusina. "Siguradong mabablik sa trabaho si Sarun
pag maayos na ang lahat. Sarun, dear, puwede bang tawagin mo na si
Srey? Maghahain na kami.
Bilib kaming lahat kay Keng. Mapalad si Sarun dahil sa kanyang
katapatan at pangangalaga.
Noon dumating ang pinsan kong si Sim. Nakangisi siya na paa bang
kababalik mula sa pamamasyal sa buon bayan. "Sim!" Tawag ni Oan na
gulat na gulat. "Ba't nag-iisa ka? Nasa'n ang mga magulang mo?