Ako ay Pilipino.Buong katapatang nanunumpaSa watawat ng PilipinasAt sa bansang kanyang sinasagisagNa may dangal, katarungan at kalayaanNa ipinakikilos ng sambayanangmaka-diyos, makatao, makakalikasan at makabansa
"Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo" ang dalawang nobelang isinulat ni Jose Rizal. Ang mga nobelang ito ay naglalarawan ng kalagayan ng Pilipinas noong panahon ng kolonyalismo ng Espanya at nagtutulak sa mga Pilipino na magkaroon ng kamalayang makabansa.
The death of Dr. Jose Rizal teaches us about the consequences of standing up for what is right and fighting against injustice. It reminds us of the importance of courage, patriotism, and sacrifice in the pursuit of freedom and equality. Rizal's martyrdom also highlights the power of one individual to inspire a movement for change and national identity.
Their national motto in their own language is 'Maka-Diyos, Maka-Tao, Makakalikasan at Makabansa' - which translates into English as '"For God, for the People, for Nature and for the Country"
ang nasyonalismo ay ang damdamin ng katapatan at pagmamahal sa kultura at kapakanan nito.Isang damdaming makabansa ng mga taong nagpakita ng katapangan sa sariling bayan at hindi sa isang pangulo o pinuno lamang
pagkain ng gulay ay ugaliin. araw araw ito ang ihain
Ang nasyonalismo sa Pilipinas ay lumalago sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa kasaysayan, kultura, at identidad ng bansa. Mahalaga ang pagbibigay-halaga sa sariling wika, kasaysayan, at tradisyon upang mapaunlad ang pagiging makabansa ng mga Pilipino. Ang pagtutulungan at pagmamahalan ng mga mamamayan para sa ikauunlad ng bansa ay mahalagang salik sa pagsulong ng nasyonalismo.
Ano ka? Ano siya? Ano ako? Ano tayo? Sabi nila'y Pilipino Ugat natin ay silangan Anak-dagat ang ninunong hatid dito ng barangay Galing doon sa malayo sa matandang kalupaan Dito sila ipinadpad ng magandang kapalaran 2 Naibigan itong pulo kaya'y dito nangagkuta Nanirahan, nangaglahi, nangabuhay nang sagana May ugaling katutubo, may gobyerno at bathala May samahan at ibigan, maayos at payapa May sariling wika Tayo raw ito Sa ante-panahon ng kolonyalismo 3 Walang abog Mula sa kanluran ang dayo'y sumapit Ako ay hinamak, siya ay inapi, ikaw ay hinamig Siniil ang laya, kinamkam ang yaman Barangay ay binuwag Mga tala ay sinunog Abakada'y binawal Ipinasiyang mga mangmang Ang lahat ng katutubong kayumanggi ang kulay At naging alipin ang bayan kong irog Ma-iloko, ma-bisaya, ma-kapampangan, ma-tagalog Ito tayo Pilipino 4 At sa halip, at sa halip Pinalitang lahat-lahat Ang gobyerno, ang relihiyon, ang ugali, ang kultura Kinastila itong dila Itong puso'y kinastila 5 Edukasyon ay hulog ng langit Mga tao ay dumunong sa pagbasa at pagsulat Kastilalo'y ang panturo, kastilalo'y ang balangkas Kaya't ako'y nagkastila Sa kaluluwa at sa balat Pinagtilad-tilad - ikaw, ako't siya Sa adhika'y paghatiin - divide et impera At yumabong Ilukano'y ilukano Kapampanga'y kapampangan Bikulano'y bikulano Pangasina'y pangasinan Ang Cebuano'y Cebuano Iyang Waray laging waray Ang Ilongo ay ilongo Mga Muslim laging muslim Ang Tagalog ay tagalong Kanya-kanya tayu-tayo Masawi na ang sampangkat, malipol man ang santribu Huwag lamang tayo Huwag lamang ako Pagkat tayo'y ito Mga Pilipino 6 Ang naamis ay nagbangon, lumaban, naghimagsik Kamatayan ay sinuong, sinagupa ang panganib Bumagsak ang mapaniil na nag-iwan ng bakas Kolonyal na edukasyon, ekonomiya at sosyedad 7 Kaya't laya'y itinindig sa kislap ng mga tabak At sa Kawit nagwagayway ang maningning na sagisag Dapwa't sasansaglit Pagsasarili ay inagaw ng malakas Dinagit ang dambuhalang diumano'y bagong mesiyas Diumano'y naparito upang noon ay iligtas Ang barbarong walang dunong, walang alam sa paghawak Ng gobyerno at ng laying para lamang sa di uslak 8 Di ngayon nga Awtoridad ay naiba Napalitan ang balangkas, nangagbago ang sistema Ngunit 'yon din: ang dayuha'y panginoon Pilipino ang busabos, nakayuko, tagasunod Walang tutol 9 Edukasyon popular: kinano ang sistema Umunlad, di nga kasi: Pilipino ay dumunong Naging kano sa ugali, naging kano sa damdamin Naging kano sa kaisipan, naging kano sa pagsulong Sadyang gayon ang katwiran Masterin mo iyang wika't Ang Kultura niyang wika'y ikaw iyang mamasterin Ang nangyari: ang produkto Nitong ating edukasyon: prospektibong mandarayo, 10 Di gradwadong makabansa, hinding hindi Pilipino Divide at impera Ilukano'y ilukano Kapampanga'y kapampangan Bikulano'y bikulano Pangasina'y pangasinan Ang Cebuano'y Cebuano Iyang Waray laging waray Ang Ilongo ay ilongo Mga Muslim laging muslim Ang Tagalog ay tagalong Kundi rin lang itong akin Mabuti pang sa dayo Ito tayo Pilipino Isang lahing makaako, tayu-tayo 11 At nagdilim At kumulog at kumidlat at lumindol At ang ulan ay bumuhos at bumaha at umunos Ang sanlahi'y nagliliyab nalulunod Nagliliyab nalulunod 12 Ay, salamat sa karimlan Ay, salamat sa magdamag At sumikat ang liwayway ng maningning na liwanag Isang phoenix ang nabangon sa abo ng lumipas Nagmistulang manunubos ng naamis nating palad Kaguluhan ay inayos, mga giba ay binuo Nilipol ang kasamaan, kayarian ay binago Tenancy, ekonomiya, sosyeda, gobyerno Edukasyo'y nakaangkop sa lahat ng kailangan Nang sa gayo'y bumalikwas ang duhagi nating bagay 13 Pinabubulas ngayong muli ang kulturang katutubo Bilang tanda ng luwalhati ng kahapong sinisiphayo Isang bansang hindi dayo Isang lahi't bansang Pilipinong-pilipino Kailangan natin ngayon ay uri ng paturuang magbubuklod Sa biyaya ng magandang katubusan Sambandila't isang awit, isang wikang hindi hiram Dapat itong maging bunga nitong bagong kaayusan 14 At pag ito'y natupad na At pag ito'y naganap na Masasabing taas noo Ikaw, siya saka ako'y Mga bagong Pilipino
"TAO SAAN KA PATUNGO?" Sa simula'y ginawa ng Diyos ang mundo Nang may masilungan ang lilikhaing tao, Dilim ay hinawi, liwanag natamo, Masaganang lupa sa yama'y napuno. Lungkot sa daigdig ay kanyang napuna- Humugis ng tao, lalaking inuna; Inukit na kamukha't kawangis Niya Upang mamahala sa Kanyang Biyaya. Sa una'y masaya itong si Lalaki Sa huli'y nalungkot, saya ay napawi, Dakilang lumikha, nag-isip na muli, Binuhay si Evang sa tadyang pinili. Babai'y hinugot di sa paa't sa nguso Kundi nga sa tadyang malapit sa puso; Di upang sumuko kay Adang pinuno Manapa'y busugin sa kanyang pagsuyo. Iyan ang simula ng buhay ng tao- Obra-maestrang likha ng Poong totoo; Magmula sa buto ng Kanyang buto; Sa hininga't laman, ay nabuhay ito. Ngunit nang lumaon naghangad ng labis, Naipunlang bait, kagyat na napalis; Sa buyo ng sawang doo'y nakalingkis Si Eva't si Ada'y nagkasalang tikis. Babae lamang: Diyan nagsimula ang sala ng tao- Nagpasalin-salin sa anak at apo; Hangang sa lumaon, Hesus naparito, Layon ay tubusin ang sala sa mundo. Lalaki lamang: Araw ay nagdaan, panaho'y lumipas, Patuloy ang tao sa gawang taliwas, Nabubuhay itong sala ay kapilas- Anong mangyayari sa araw ng bukas? Solo: Nilalang ng Diyos ang lahat ng tao Upang sama-samang manahan sa mundo, "Kayo'y magmahalan," ani Hesu Kristo, "Sa magandang asal na mabuhay kayo." Ang tao ay tao, may puso at diwa, Kahit marupok, mayro'n ding dakila; Pilit iwawaksi ang minanang sama Maging tapat lang sa kanyang ninanasa. Yaman ay di lahat sa buhay ng tao, Mayroon pang ibang mahigit pa rito- Malinis na budhi, damdaming totoo Sa iyong sarili at mga kapwa mo. Mga nasalanta ng lindol at bagyo, Sikaping damayan kahit paano; Sa Red Cross ay mag-abuloy tayo Ng pagkain, gamut at ilang sentimo. Sa silid-aralan, dito hinahasa Kagandahang asal ni Ate at Kuya; "Magandang hapon po," mabilis na wika Kapag nasalubong ang guro't matanda Ang nais ng guro ay batang magalang Upang pagtuturo ay maging magaan, Dapat din marahil, sa puso Manahan Paggalang ng guro sa tinuturuan. Kahit sa tanggapan, sadyang sinisino Mga empleyadong doo'y tumatao; Ngiting matatamis kahit kanino Alay sa mabuti't tunay makitungo. Doon sa kalsada, matatandang patawid, Agad na sinalubong ng Boy Scout na paslit "Tayo na po, Lola," inakay na pilit "Salamat sa iyo, " ang tanging nasambit. Ang pagkamatapat, dapat ding hubugin Sa diwa't isipan ating pagyamanin; Anumang mapulot kung hidi sa atin, Huwag pagnasaan o kaya'y angkinin. Kahit na mahirap ang isang nilalang, Sa yaman ay salat, sa ligaya'y kulang, Mabuting ugaling tapat at dalisay, Yamang madadala hanggang sa 'ting hukay. Tao mang mahirap, tao ring totoo, Kahit na mabaho, tunay paring tao; Dapat na igalng kahit sang kanto Sapagkat sila rin, mayroong prinsipyo. Taong nakalimot sa mabuting asal, Walang dinirinig kahit anong aral; Mayroon namang iba sa Aklat na Banal, Doon kumukuha ng payo't pangaral. Ang tao ay tao, marupok man ito; Nilikha ng Diyos, hawig N'yang totoo; Damdami'y mula sa sariling puso, Dugong dumadaloy ay iisang dugo. Buhay na halaghag, dapat ding talikdan, Salapi, panahon, lakas, karunungan, Huwag aksayahin pagkat kailangan Sa pagpapaunlad ng sandaigdigan. Kayo ang asin ng langit, ngunit kung ang asin ay tumabang, ano ang ipampapaalat? Walang anumang kabuluhan Kundi itapon sa labas at yurakan ng tao. Ang sinumang sa abo nanggaling, Tiyak sa abo rin magbabalik. Ikaw... ako... oo, Ikaw... tayo- Saan ba tayo patutungo?
ANG INTELEKTWALISASYON NG WIKANG FILIPINOChristian George C. FranciscoKagawaran ng Filipino at Panitikanccfrancisco@mail.dasma.dlsu.edu.phLayunin ng papel na ito na ipakita ang proseso ng pagpaplanong pangwika, paraan ng pag-iistandardays, pagmomodernays, mga salik sa pag-iintelektwalays ng wika gayundin ang gamit ng wikang Filipino sa edukasyong Pilipino sa kasalukuyang panahon.Ayon kay Constantino (1996), ang wika ang siyang pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan. Bilang instrumento, maaaring matamo sa pamamagitan nito ang mga instrumental at sentimental na pangangailangan ng tao. Ang wika ay behikulo para makisangkot at makibahagi ang tao sa mga gawain ng lipunan upang matamo ang mga pangangailangang ito. Samakatuwid, ang pahayag na ito ni Constantino ay nagpapatunay lamang na napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika sa pang-araw-araw na buhay ng tao. Gamit ang wika, nagagawa ng tao na masatisfay ang kanyang mga pangangailangan maging ito man ay pansosyal o pampersonal. Nagiging instrumento ang wika upang makisangkot ang tao sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Dahil dito, mahalaga para sa isang tao na maging maalam siya sa kanyang wikang ginagamit upang ito ay magamit niya sa paraang tiyak at planado.Para sa mga taong aral sa wika, hindi na bago ang katawagang pagpaplanong pangwika o language planning. Sa larangang ito, tinatanaw ang mga maaaring pagpiliang wika mula sa isang komunidad para gawing estandardisado. Sentro rin ng pag-aaral ng PP ang konsyus na paggamit ng isang wika sa isang lipunan, kung saan, ito ay kinapapalooban ng pagkalap ng mga datos o informasyon upang bumuo ng desisyon kaugnay sa kung anong wika ang pinakaangkop na gagamitin sa isang lipunan (Eastman, 1982).Ang PP ay binubuo rin ng dalawang mahalagang meyjor komponent. Sa komponent na ito mahihinuha natin ang mga konkretong batayan sa maayos na pagpili ng isang wikang sasailalim sa estandardisasyon. Una, ang patakarang dapat sundin; ikalawa, pagpili ng wika kaugnay sa napagkasunduang patakaran. Ang una ay binubuo ng apat na mahahalagang salik. Ang mga ito ay ang sumusunod:FORMULASYON - Ito ang yugto ng deliberasyon at/o pagdedesisyon kaugnay sa wikang pipiliin. Mahalagang isaalang-alang dito ang layunin ng mga gagamit nito.KODIFIKASYON - Ito ang yugto kung saan nagkakaroon ng teknikal na preparasyon ang mga language academies ng napagkasunduang patakaran. Mahalaga namang tingnan dito ang pananaw, paniniwala, saloobin ng kapwa magpapatupad at tatanggap ng napagkasunduang patakaran.ELABORASYON - Ito ay pinaiiral ng ahensyang pangwika na kung saan inihahanda na ang mga materyal na kakailanganin sa pagpapalawak ng gamit ng piniling wika.IMPLEMENTASYON - Ito naman ang yugto ng pagtanaw sa epekto ng plinanong pagbabago sa wikang pinili.May inilahad pa rin si Eastman (1982) kaugnay sa paraan ng pagpili ng wika. Sa katunayan, may sampung kategorya kung saan maaaring makapamili ng isang wika na sasailalim sa estandardisasyon:1. Indigeneous Language - Wikang sinasalita ng mga sinaunang tao na nakapanirahan sa isang lugar.2. Lingua Franca - Wikang gamitin ng mga taong may magkaibang unang wika na may tiyak na layunin sa paggamit.3. Mother Tongue - Wikang naakwayr mula sa pagkabata.4. National Language - Wikang ginagamit sa politika, sosyal at kultural na pagkakakilanlan.5. Official language - Wikang ginagamit sa transaksyong pampamahalaan.6. Pidgin - (Nabuo sa pamamagitan ng paghahalu-halo ng wika) Wikang kadalasang ginagamit ng mga taong may magkaibang pinagmulang wika.7. Regional Language - Komong wika na ginagamit ng mga taong may magkaibang wikang pinagmulan na naninirahan sa isang partikular na lugar.8. Second Language - Wikang natutunan bilang karagdagan sa unang wika.9. Vernacular Language - Wika ng isang sosyal na grupo na nadomina ng ibang wika.10. World Language - Wikang ginagamit sa malawak na saklaw ng mundo.Alinman sa mga nailahad na ito ay maaaring mapagpilian o maging batayan tungo sa pag-iistandardays ng wikang napagkasunduan.Samantala, ang estandardisasyon ng wika naman o language standardization ay isang sangay ng pagpaplanong pangwika na konsern sa kaisahan sa likod ng linggwistikong pagkakaiba-iba ng mga wika. Ayon kay Eastman (1982) mula kay Haugen (1966), may proseso ang pag-iistandardays ng wika.Tungo sa pag-iistandardays ng wika, mahalagang makapamili muna ng wika, makodifay ito sa pamamagitan ng paghahanda ng teknikal na preparasyon o ng mga kagamitan (libro, ensaklopidya at iba pang mga nasusulat na materyal). Matapos nito, kinakailangan na maging malawakan ang pagpapagamit nito sa iba't ibang domeyn tulad ng: simbahan, paaralan, pamahalaan, midya at iba pa. Malaki ang papel ng domeyn sa estandardisasyon dahil ito ang susukat sa lawak ng gamit ng wika.Sa kaso naman ng modernisasyon, binigyang paliwanag ni Eastman (1982) na ito ay ang paglago ng popular na pagkakakilanlan ng isang estandardisadong pambansang wika mula sa mga gumagamit nito. Sa kabilang banda, inilahad naman sa jornal ng Komisyon ng Wikang Filipino ang dalawang yugto para masabing modernisado ang isang wika. Ang una ay tinawag na Popularly Modernized Language o PML at ang pangalawa ay ang Intellectually Modernized Language o IML. Ayon dito, ang wika ay maaaring maging moderno subalit hindi intelektwalisado. Ang wika na ginagamit sa enterteynment ay pwedeng tawaging moderno subalit hindi ito masasabing intelektwalisado, gayundin naman ang wikang ginagamit sa tabloyd ay hindi rin maaaring iklasipika na intelektwalisado. Sa kabilang banda, masasabi nating intellectually modernize ang isang wika kung ito ay nagagamit sa mga matataas na karunungan gaya ng agham, teknolohiya, negosyo, kalakalan, industriya, medisina at iba pa. Tunguhin ng dalawang yugtong ito na maintelektwalays ang wikang ginagamit ng isang partikular na lipunan.Malaki rin ang magiging ambag ng mga larangang pangwika tungo sa pagpapalakas ng intelektwalisasyon. Maaaring sumailalim ang isang wika sa mga sumusunod na larangan:Larangang pangwika na nagkokontrol (Controlling domains of language) - Ang wika at varayti ng wikang ginagamit dito ay dinidikta kapwa pasulat at pasalita. Nangangahulugan ito ng katiyakan at wastong gamit ng mga salita. Kadalasan itong ginagawa sa matataas na antas ng karunungan gaya ng: simabahan, batas, midya, paaralan, pamahalaan, industriya, negosyo, komersiyo at iba pa. Dahil nga nagiging diktador kung ano ang wikang gagamitin, nadedevelop ang isang wika tungo sa tinatatawag na estandardisado at intelektwalisado.Nagkokontrol nang bahagya sa larangang pangwika(Semi-controlling domains of language) - Ang wika at ang mga varayting ginagamit naman dito ay pasulat subalit tanging tagapakinig lamang ang mga gumagamit nito. Di-tulad ng nauna, hindi kasinghigpit ang paggamit ng wika rito. Ipinahihintulot rin nito ang pakikibahagi ng tao sa iba't ibang gawain subalit hindi kinakailangan na maging dalubhasa ang isang tao sa paggamit ng wika. Halimbawa nito ay sa relihiyon at enterteynment.Di-nagkokontrol na mga larangan ng wika(Non-controlling domains of language) - Ang wikang gamit dito ay pasalita lamang na kadalasang makikita sa tahanan at lingua franca ng isang bansa.Gayumpaman, ang salitang intelektwalisasyon ay nagdudulot pa rin ng pagkalito mula sa iba't ibang taong sangkot sa paggamit ng wika. Sa paliwanag ni Sibayan (1999), ang wika ay intelektwalisado kung ito ay nasusulat. Hindi sapat ang pasalitang paraan para masabing intelektwalisado ang isang wika. Kinakailangang ang wika ay nakapagpapalimbag ng iba't ibang balon ng karunungan (libro, ensaklopidya at iba pa) na magagamit ng tao tungo sa paglago ng kanyang kaalaman. Sa kaso ng Filipino, ani Sibayan, ang pag-iintelektwalays dito ay nararapat ifokus sa mga lawak na kumokontrol na wika o controlling domains of language, mga lawak na ayon sa kanya ay nagdidikta ng wikang inaasam at pinapaboran ng mga taong gumagamit ng wikang iyan. Halimbawa nito ay ang gamit ng wika sa mahahalagang larangan tulad sa edukasyon, pamahalaan, batas, hukuman, agham at teknolohiya, negosyo, pangkalakalan, industriya, mga propesyon na may bahaging larangan (sub domains) tulad ng medisina at abogasya, masmidya at literatura.Sa paliwanag naman nina Espiritu at Catacataca (2005), nakaankla sa pagpaplanong pangwika ang salitang intelektwalisasyon. Ito ay pumapaloob sa apat na dimensyon: seleksyon, estandardisasyon, diseminasyon at kultibasyon. Sa kultibasyon papasok ang konsepto ng intelektwalisasyon. Ani Neustupny (1970), ang kultibasyon ay isang proseso na nagmumula sa kodifikasyon ng wika tungo sa kultibasyon at elaborasyon nito. Sa kabuuan, nangangahulugan lamang na ang tanging layunin ng intelektwalisasyon ay upang magampanan ng wika ang kanyang mga tungkulin sa mga gumagamit nito.Samantala, inilahad ni Acuna (1994) na ang mga pambansang wika sa buong mundo ay maaaring iuri sa tatlo: Intellectualized languages of wider communication; confined, independent and intellectualized national languages; and developing national languages. Ang unang uri ay tumutukoy sa popular na mga internasyunal na wika gaya ng: Ingles, Pranses, Aleman at Espanyol. Ang mga wikang ito ay ginagamit bilang mga kontroling na domeyn sa paggawa (work) at iba pa. Samantala, ang ikalawang uri naman ay tumutukoy sa mga intelektwalisadong wika na saklaw lamang ang bansang pinaggagamitan nito. Ang wikang ito ay sapat na upang magamit sa lahat ng domeyn ng isang bansa. Halimbawa ng mga bansang ito ay ang Korea at Japan. At ang panghuling uri naman ay tumutukoy sa mga bansang nasa proseso pa lamang ang intelektwalisasyon ng wika gaya ng Indonesia, Malaysia at Pilipinas. Sa mga bansa kasing ito ay patuloy pa rin ang pagdevelop sa tinawag ni Sibayan na idyomang pedagojikal.Ngayon, ano naman ang hinaharap ng wikang Filipino kaugnay sa isyu ng estandardisasyon at intelektwalisasyon? Ang tanong na ito ay nagdulot ng mga kalituhan sa maraming Pilipino, kahit mga dalubwika ay patuloy na nagdedebate kung estandardisado o intelektwalisado ba ang Filipino. Kadalasang sagot na maririnig sa kanila ay ganito: Ang Filipino ay patuloy pa sa pagdevelop tungo sa estandardisasyon at intelektwalisasyon nito. Ang pahayag na ito ay totoo. Sapagkat ayon na rin sa Konstitusyon sa ilalim ng Artikulo XIV ng Seksyon 6:"Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa batay sa iba pang mga wika sa Pilipinas."Nangangahulugan lamang ito na ang Filipino ay kailangang umasa sa mga intelektwalisadong wika hindi lamang sa mga wika sa Pilipinas. Isang magandang halimbawa na nito ay ang wikang Ingles. Ang Ingles man ay umasa rin sa mga intelektwalisadong wika tulad ng Griyego, Latin at Pranses. Sa kabilang banda, tinukoy sa jornal ng KWF ang mga kadahilanan kung bakit kailangan ng Filipino na umasa sa Ingles. Narito ang mga kadahilanan:1. Halos lahat ng nakasulat na bersyon ng makabagong Filipino kabilang na iyong sa mga paaralan ay puno ng hiram na salita sa Ingles, may mga binaybay ng tulad ng sa mga orihinal at karamihan naman ay isina-Filipino ang pagbabaybay.2. Malinaw na ipinakikita sa mga pag-aaral tungkol sa mga intelektwalisadong varayti ng sinasalitang Filipino ng mga mag-aaral sa anim na pamantasan sa Metro Manila (UP, DLSU, Araneta U, PNU, PUP at PLM) na kayang talakayin ng mga mag-aaral ang kanilang mga takdang aralin sa matematika, biyolohiya at iba pa sa pamamagitan ng maramihang panghihiram sa Ingles.Sa madaling salita, para masabing intelektwalisado ang wikang Filipino, kinakailangan na magamit ito sa pagtuturo sa mga Pilipino sa halos lahat ng larangan o antas.Kung kaya, ani Espiritu at Catacataca (2005) mula kay Sibayan (1988), para maisakatuparan ito, pangunahing pangangailangan sa intelektwalisasyon ang manunulat sa kurikulum at mga teksbuk at isang idyomang pedagojikal sa Filipino. Ang idyomang pedagojikal ay ang kabuuan ng mga ginradong teksto, mga sanggunian, patnubay at iba pang mga kagamitang panturo na magagamit mula sa unang baytang sa elementarya hanggang antas tersyarya isinulat ng mga ekspertong manunulat ng mga teksbuk at kagamitang pangkurikulum at mga iskolar at mga eksperto sa pamamaraan ng pagtuturo. Kung babalikan natin ang unang pahayag ni Sibayan, ang wika ay kailangang NASUSULAT para masabing intelektwalisado ito.Gayumpaman, may apat na katangian ang isang intelektwalisadong wika. Una, aktibo, marami at malawak ang gumagamit ng wika partikular na ang pasulat na anyo kaysa pasalita. Pangalawa, ang wika ay estandardisado. Ibig sabihin, walang kalituhan kaugnay sa palabaybayan nito, nararapat na ito ay kodipikado sa mga diksyonaryo at iba pang referensiya. Pangatlo, ang wika ay nararapat na may kakayahan na maisalin sa iba pang intelektwalisadong wika. At panghuli, ang wika ay nararapat na maunlad at tanggap sa iba't ibang rejister na ang ibig sabihin ay nagagamit ito sa iba't ibang larangan o bahaging-larangan. Mahalaga ito sa konsepto ng intelektwalisasyon dahil tumutukoy ito sa lawak ng gamit ng wika.Samantala, iminungkahi naman ni Sibayan ang mga tiyak na referensiya upang masubok kung intelektwalisado ba talaga ang wikang Filipino.Nagagamit ba ang Filipino bilang pangunahing wika ng instruksyon mula sa kindergarten hanggang level pampamantasan?Ang Filipino ba ay ang pangunahing wika sa trabaho kung saan Ingles ang kasalukuyang gamit?Ang Filipino ba ay ang nais at mithiing wika ng mga Pilipino upang magamit sa kanilang sosyo-ekonomiko at intelektwal na pag-unlad?Ani Sibayan, mahirap makamit ito subalit ito ang mga katangian ng isang intelektwalisadong wika na maaring magamit bilang kontroling na domeyn ng isang bansa. Sa kasalukuyan, ang Filipino ay kinakaharap ang napakaraming problema, kung kaya, hindi maiiwasang maging mabagal ang tinatahak nitong landas tungo sa intelektwalisasyon. Ilan sa mga problema ay ang mga sumusunod:1. Kulang ang "political will" sa pag-iintelektwalays nito.2. Kulang ang suportang ibinibigay ng mga nasa industriya, komersyo, negosyo at iba pa. Ingles pa rin ang ginagamit sa mga larangang ito bilang pangunahing midyum ng komunikasyon.3. Kulang sa pondo mula sa pamahalaan kaugnay sa pagpapalawak ng gamit ng Filipino sa iba't ibang ahensiya nito gayundin ang mga sapat na treyning.4. Mismong ang akademiya ay may kakulangan tungo sa intelektwalisasyon ng Filipino. Ito ay sa apektong pagdevelop ng mga libro na naka-Filipino.5. Dagdag pa ang mismong Pangulo ng bansa na nagnanais na ibalik ang Ingles bilang pangunahing midyum ng pagtuturo. Mula ito sa kanyang EO 210 na pagpapalakas sa gamit ng Ingles.Ang mga ito ay refleksyon ng realidad na kasalukuyang kinakaharap ng wikang Filipino. Isang nakakalungkot na pangyayari dahil hindi masalamin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang pambansang wika na siyang makapagbubuklod at magbibigkis sa isang kulturang maka-Pilipino na kakikitaan sana ng ating identidad.Isang hamon sa kasalukuyan sa mga Pilipino partikular na sa mga akademisyan kung paano ba maiintelektwalays ang wikang Filipino? May iminungkahi kaugnay rito si Sibayan.Kinakailangan ng mga tagatangkilik at tagapagpaunlad nito.Kinakailangan ng mga praktisyuner at employer na naniniwala sa epektibong gamit ng Filipino sa anyong pasulat hindi lamang sa pagtuturo gayundin sa pagkatuto.Hindi lamang sa mga disiplinang teknikal gamitin ang Filipino, bagkus, magamit ito sa iba pang disiplina.Kinakailangan ng mga pablisher na handang maglathala ng mga publikasyon sa Filipino.Kinakailangan din ng mga taong handang ponduhan ang programang pang-intelektwalisasyon.Ang Filipino ay kailangang tanggap ng nakararaming bilang ng mga Pilipino lalo na sa erya ng kontroling na domeyn ng wika.Pagkamahinahon ay higit na kailangan din. Ang Filipino ang hindi magiging ganap na intelektwalisado sa madaling panahon.Huwag magturo ng Filipino kung walang libro o materyal na nakasulat sa Filipino.Ang mga mungkahing ito na inilahad ni Sibayan ay ang mga maaaring mapagnilayan ng bawat Pilipino habang patuloy na dinidivelop ang wikang Filipino. Magsilbi sana ito gabay nating lahat tungo sa mabilis at malawakang estandardisasyon at intelektwalisasyon ng ating wika - ang wikang magsisilbing tagapagbuklod sa lahat ng mamamayan ng bansang ito tungo sa iisang mithiin makabansa.