Anu-ano ang mga halimbawa ng pangungusap na walang paksa?
Narito ang mga pangungusap na walang paksa1. Pangungusap na pasasalamat - nangangahulugang may pangyayaringginawa na at kailangan lamang pasalamatan.Halimbawa:a. Salamat.(po)b. Maraming salamat.(po)2. Pangungusap na patawag - tinatawag sa pangalan ang isang Tao atnauunawaan naman ng tinatawag na siya'y hinahanapHalimbawa:a. Allan!b. Korina!3. Pangungusap na pangkalikasan - nauukol ito sa mga pangyayaring maykinalaman sa kalikasanHalimbawa:a. Umuulan na.b. Lumilindol.4.Pangungusap na pagbati - nangangahuluganng kaharap naang taongbinabatiHalimbawa:a. Magandang Araw.b. Maligayang pagbati sa iyo.5. Pangungusap na pagpaalam - nangangahulugang dati nang kausap angpinagpaalaman ng aalisHalimbawa:a. Paalam na.(po)b. Hanggang sa muli.(po)6. Pangungusap na pamanahon - nagsasaad ng panahon.Halimbawa:a. Pasko na!b. Bertdey mo na.7. Pangungusap na panagot sa tanong - sumasagot ito sa tanongHalimbawa:a. Oo.b. Hindi.c. Baka.8. Pangungusap na muling pagtatanong - nangangahulugang may nauna nangpahayag na Hindi lamang ganoong narinig o naunawaan kaya ipinapauulit.Halimbawa:a. Saan?b. Ano?c. Ha?9. Pangungusap na pautos - nangangahulugang kaharap na ng nag-uutos anginuutusan.Halimbawa:a. Lakad na.b. Sulong!c. Halika.10. Pangungusap na pakiusap - pangungusap na ginagamitan ng paki at maki.Halimbawa:a. Pakidala nito.b. Makikiraan.(po)11. Pangungusap na pasukdol - pangungusap na ginagamitan ng mga katagangkay at napaka.Halimbawa:a. Kaybuti mo!b. Napakatamis nito!12. Pangungusap na padamdam - nagsasaad ng nadaramaHalimbawa:a. Aray!b. Ay!13. Pangungusap na eksistensyal - gumagamit ito ng mga katagang maymayroon at wala.Halimbawa:a. May pasok ngayon.b. Walang Tao riyan.deo jade a. ubaldoII mendelpgmnhs