Want this question answered?
Be notified when an answer is posted
kataksilan
THIS WAS ANSWERED BY: BENJAMIN P. ENSOMO IImasamang pangkusina.Paliwanag: Sa modernong panahon, maaaring ipakahulugan ito na "magandang idispley na siyota, pero tamad sa kitchen!" O kaya'y walang alam na gawaing bahay ang kasintahan o asawa, ngunit seksi o makisig pumorma. 2.Ang matuod nga katahom,makita sa tagiposuon.Paliwanag: Kawikaan ito ng Hiligaynon. Nakikita umano ng puso ang tunay na ganda o x-factor. Kaugnay nito ang "loob" na isa pang katutubong konsepto ng Filipino. Paano makikita ang tunay na ganda? Huwag magsalamin. Gamitin ang pag-ibig at pag-unawa. 3.Kadalasan, ang karikta'yginagawang isang bitagupang siyang ipanghuliNoong ibig ipahamak.. Ang pisikal na ganda ay malimit umanong pang-akit upang ibulid sa masama ang isang Tao. 4.Ang puri at ang dangal,mahalaga kaysa buhay.Paliwanag: Ang "dangal" at "puri" ay halos magkasingkahulugan at tumutukoy sa "honor" sa Ingles. Kaugnay ng "puri" ang "chastity," "virginity," at "respect" ngunit Hindi limitado rito ang pakahulugan. Muli, ang dalisay na loob ang isa pang katangian ng kagandahan, at gagamitin kahit ng http://wiki.answers.com/index.php?title=Katipunan. 5.Maong ni makapoy a lupaNen say makapoy a kanunutan.Paliwanag: Pangasinense ito, na ang ibig sabihin ay "Mabuti na ang pangit na mukha, huwag lang pangit na pag-iisip." Ano ang "pangit" na pag-iisip? Maaaring ito ay "pagbabalak ng masama," "pagkabagabag ng loob," "mahalay na pagnanasa," at iba pa. 6.Sa paggianan yo makas ta lapaorera,ay ana lamang yo ulag.Paliwanag: Mula ito sa Gaddang, na ang literal na salin ay "Kung saan naroroon ang magagandang bulaklak, naroroon lagi ang uod." Bulaklak karaniwan ang talinghaga sa babae, at ang uod na nagiging paruparo ay panumbas naman sa lalaki. Hindi lahat ng "paruparo" ay lalaki; ang "paruparong bukid" mula sa awiting-bayan ay pasaring sa baklang transvestite. 7.Mabuti't masamang gintoSa urian natatanto.Paliwanag: Makikilatis ang ganda ng isang Tao o bagay kung iyong susubukin. Ito ang paalaala ng kawikaan. Kaya Hindi dapat masilaw agad sa panlabas na anyo. Magpigil. Bago maloko ng peke. 8.Sa maliliit na dampânagmumula ang dakila.Paliwanag: Isang aspekto ng kagandahan ang "kadakilaan.n, ang mga dakilang Tao ay isinisilang na dukha. Gayunman, ang nasabing kahirapan ay Hindi sagka upang makamit niya ang tagumpay. 9.Ang bayaning masugatannag-iibayo ang tapang.Paliwanag: Ang "bayani" na tinutukoy dito ay malayo sa konseptong "hero" ng Estados Unidos o Europa, kung gagamitin ang pagdalumat ni Zmarami-ang buong bayan. Kaya ang kawikaan ay magsisilbing inspirasyon sa lahat na magpatuloy sa pakikibaka kahit may digmaan o kahirapan. Ito ang tunay na kagandahan. 10.Minsan oromo denSo tarintik sa tambira inged ami.Paliwanag: Umulan man daw ng ginto sa ibang bansa, walang makahihigit sa ambon sa sariling bayan. Sa salawikaing ito ng Maranaw, ang konsepto ng ganda ay Hindi na lamang sa Tao, bagkus naisalin sa bansa. Hindi umano maipagpapalit ang materyal na kaginhawahan sa ginhawang matatamo sa bayang sinilangan.Sampu lamang itong salawikain. At maaari ninyong dagdagan, bawasaat kung ano nga ba talaga ang "ganda" sa ating mga Filipino.Ang kalusugan ay kayamanan. - Health is WealthAng buhay ay parang gulong, minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim. - Life is like a wheel, sometimes your up sometimes your down.Ang Hindi lumingon sa pinanggalingan, Hindi makakarating sa paroroonan. - A per where he came from will never reach his destination.Ang karukhaan ay Hindi hadlang sa pagtatagumpay. - Poverty is not a hindrance to success.Ang h sariling wika, ay mahigit pa sa mabaho at malansang isda. - He who does not love his own mother tongue is worse than a rotten fish.Ang palay ay parisan, habang nagkakalaman ay alalong nagpupugay. - Imitate the rice stalk, the more grains it bears, the lower it bows.Ang umaayaw ay di nagwawagi, ang nagwawagi ay di umaayaw. - A quitter never wins, a winner never quits.Walang tiyaga, walang nilaga - No pain, no gainMagsama-sama at malakas, magwatak-watak at babagsak. - United we stand, divided we fall.Masakit ang katotohanan. -The truth hurts.Ang sakit ng kalingkigan, dama ng buong katawan. - The pain of the little finger is felt by the wholn. - Better late than never.Kapag and dagat ay tahimik, asahan mo at malalim. - Still waters runs deep.Ang tulog na hipon , tinatangay ng agos. - A sleeping shrimp is carried away by the current.Ang pag-aasawa ay Hindi biro, 'di tulad ng kanin, Iluluwa lung mapaso - Marriage is not a joke. It is not like food that you can spit out when it is too hot to chew.Walang palayok na walang kasukat na tungtong. - Every pot has a matching lid.Ang matapat na kaibigan, tunay na maaasahan. - - -You will know a true friend in time of need.Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala. - - - He who takes a lot of risks loses more than he can gain.Pulutin ang mabuti, ang masama ay iwaksi. - - - Emulate what is good, ignore what is bad.Walang lumura sa langit na di sa kanyang mukha nagbalik. - - - Nobody who spits upward does not spit on his face.Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo. - - - Of what use is the grass when the horse is alread that talks too much accomplishes little.Madaling sabihin, mahirap gawain. Easier said than done.Ubos-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga. --Spend lavishly and you end up with nothing.Habang may buhay, may pag-asa. - - - While there is life, there is hope.Ang lalagyang walang laman ay maingay. - - - An empty container makes a lot of noise.Ang lakas ay daig ng paraan. - - - Strength is defeated by strategy.Ang mabigat ay gumagaan, kung pinagtutulungan. - - - Anything that is heavy can be light if we put our resources together.Lahat ng gubat ay may ahas. - - - In every forest , there is a snake.Bago ka bumati ng sa ibang uling, uling mo muna ang iyong pahirin. - - -Before you point out others people's shortcomings, correct your own first.Ano man ang gagawin, makapitong iisipin. - - - Whatever you do, think it seven times.Hangga't makitid ang kumot, matutong mamaluktot. - - - While the blanket is short, learn how to bend.Mahirap gisingin ang nagtutulog-tulugan. - - - It is hard to wake up someone who is pretending to be asleep .Kung pukulin ka ng bato, tinapay ang iganti mo. - - - If someone throws stones at you, throw back bread.Matibay ang walis, palibhasa'y magkabigkis. - - - A broom is sturdy because its strands are tightly bound.Pag may tiyaga, may nilaga. - - - If you persevere, you will reap the fruits of your labor.Kung may tinanim, may aanihin. - - - If you plant, you harvest.Walang naninira sa bakal kundi sariling kalawang.- - - Nothing destroys iron but its own corrosion.Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy. - - -Eventhough the procession is long, it will still end up in church.Magsisi ka man at huli wala nang mangyayari. There is no need to cry over spilt milk.Ang pagkakataon sa buhay ay madalang dumating. Kapag narito na, ating samantalahin.- - - Opportunity only knocks once, grab it or you'll lose it.
MARAGTAS(Ang Kasaysayan ng Sampung Datu ng Borneo)Sinugbuhan, isang pulo sa Panay na ang nakatira ay ang mga Ita, pinamumunuan niDatu Pulpolan. Sa katagalan ng panahon at dahil na rin sa kanyang katandaan upangpamahalaan ang isang pulo, napagpasyahan niya na isalin ang kanyang kapangyarihan sakanyang anak na si Datu Marikudo. Tinataglay ng kanyang anak ang mga katangian ng isangdatu kaya't ito naman ay sinang-ayunan ng lahat. Isang kaugalian nila nabago manungkulanang isang datu, nararapat na siya ay pakasal. Sa dami ng babae na naghahangad sa kanyaang mahirap na si Maniwantiwan ang kanyang pinakasalan.Ang mga Ita sa Sinugbuhan ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagtatanim atpangingisda. Ang kanilang paboritong pagkain ay usa, baboy-ramo, butiki, pusa, isda at ibapang pagkain na matatagpuan sa gubat at ilog.Di sila nahihiyang lumakad na walang damit, subalit nang may dumating sa kanila angmga bagay na wala sa kanila, natuto silang magtakip ng katawan, tulad ng dahon balat ngkahoy o hayop. Naiiba ang uri ng pag-aasawa ng mga Ita, ang babae ay dinadala sa bundok atpinatatakbo lamang, kung siya ay aabutan ng lalaki saka lamang sila ikakasal. Ang isangbabae naman na malapit nang magsilang ay dinadala sa bundok na ang tanging nagbabantayay ang lalaki at kung ito ay nataon sa tag-ulan ang lalaki ay nagtatayo ng kubong masisilunganupang sila ay malayo sa panganib. Ang pangalan ng bata ay pinangangalanan ng kahoy namalapit sa pinagsilangan.Sila ay naniniwala na ang sinumang magkasakit sa kanila ay gawa ng masamangespiritu, kaya't upang ang may karamdaman ay gumaling agad, naghahandog sila ng pagkainsa masasamang espiritu. Kasamang ibinabaon sa Itang namatay ang isang bagay namahalaga sa kanila sapagka't lubha daw nag-aalala ang namatay kung ito ay maiiwan. Mayibang paraan sila ng paglilibing, sa loob ng ilang araw, ito'y patayong nakabaon sa lupa nangmay salakot bago ito tabunan ng lupa. Sinasabi rin na ang lupang pinagbaunan ng isang patayay isang mabisang lupang dapat pagtaniman.Ang mga Ita ay magagalang sa bawa't isa. Walang inggitan at ang Datu ang siyanglumulutas ng lahat ng alitan o suliranin ng bawa't isa. Ang sinumang magkasala aypinarurusahan tulad ng pagtatapon sa dagat o pagpapabaon ng buhay.Ang mga nabanggit ang mga uri ng kalinangan, kaugalian ng mga Ita bago dumatingang Sampung Datu buhat sa Borneo, na tumakas kasama ang kanilang mga asawa, mgakatulong at mga ari-arian upang iwasan ang pagmamalupit ni Datu Makatunaw. Ang sampungdatu ay sina:1. Datu Puti2. Datu Sumakwel3. Datu Bangkaya4. Datu Paiburong5. Datu Paduhinogan6. Datu Domongsol7. Datu Lubay8. Datu Dumangsil9. Datu Domalogalog10. Datu BalensuelaGalit at pagkamuhi ang nadama ng mga Ita nang dumaong ang mga Datu sa Panay,subalit sa maayos at makataong pakikipag-usap na ginawa ng mga dayuhan kay DatuMarikudo, sila'y nagkasundo at ang unang lupang natapakan ng dayuhan at napagkasunduanay ibinigay sa pamamagitan ng pagpapalitan. Nagkaroon ng malaking kasaysayan angpangyayaring ito. Ang mga Ita ay naghanda ng pagkain at dahil sa ipinakitang kagandahangloobng mga Ita, hinandugan ng makukulay na kwintas, at mga gamit sa pakikidigma ang mgaIta.Bilang kabayaran sa lugar na napagkasunduan, binigyan ni Datu Puti si Datu Marikudong isang gintong salakot at isang batyang ginto na may timbang na limampung bas-ing. Isinuotni Datu Marikudo ang salakot sa kasayahan.Malandog ang pangalan ng napiling lugar ng mga dayuhan na ayon kay Datu puti, anglaki ay sapat na upang sila ay magtanim para sa kanilang ikabubuhay at malapit sa ilog upangdoon kumuha ng ibang makakain. Umalis si Datu Puti na batid na niyang mabuti ang kalagayanng kanyang mga kasamahan. Bumalik siya sa Borneo sapagka't ayon sa kanya ay kaya naniyang tagalan ang pagmamalupit ni Datu Makatunaw. Pitong Datu ang naiwan sa Panay sapamamahala ni Datu Sumakwel, sina Datu Dumangsil at Datu Balensuela ay nagpunta namansa Luzon.Si Datu Sumakwel ay isang matalino at mabagsik na Datu. Ang sinumang nagkasala aypinarurusahan, pinuputol ang kamay ng sinumang magnakaw at ang mga tamad ay pinagbibilina isang alipin o kaya'y pinagagawa sa ibang lupa. Masasabi ring ang mga dayuhan aymagagalang at mapagmahal. Bulalakaw ang pangalan ng kanilang diyos na matatagpuan saBundok ng Madyas.Ang kanilang pag-aasawa ay naiiba sa mga Ita. Bago tanggapin ng babae ang lalaki,sila ay nagbabaon ng pana sa paligid ng bahay at ito ay tatanggalin kung may kapahintulutanna ang mga kalalakihan, at sa lugar na pinag-alisan ay ilalatag ang banig upang paglagyan ngmga pagkain. Habang nag-uusap ang dalawang pangkat ang babae ay pansamantalangnakatago.Pinaiinom ng alak ng paring magkakasal ang dalawa sa gitna ng karamihan,pinangangaralan at hinahangad ng magkaroon ng malulusog, matatapang, magaganda atmarurunong na anak.Bago mamatay ang isa sa kanila ay pinaliliguan ng katas ng mababangong bulaklak,binibihisan ng magagandang damit na may gintong pera sa bibig sapagka't isang paraan dawito upang ang patay ay di mabulok. Pagkatapos ng anim na araw na pagbabantay, ang patayay inilalagay na sa kaban na may iba't ibang uri ng pagkain at kung ang namatay ay isangmayaman, isang katulong ang sa kanya'y isasama upang magbantay daw sa kabilang buhay.Kung ang namatay ay nag-aari ng isang bangka, ang bangkay ay hindi ibinabaon, sa halip ayinilalagay sa bangka na maraming pagkain at papaanurin sa dagat. Ang mga mauulila namanay nagsusuot ng puting damit bilang pagluluksa.Ang mga nabanggit ay ilan sa mga kaugalian at paniniwala ng mga dayuhan nadumating sa Panay, subalit isang pangyayari sa buhay ni Datu Sumakwel ang nagdulot sakanya ng kapighatian at kalungkutan.Lumipas ang maraming taon na paninirahan sa Malandog, naisipan ni Datu Sumakwelna magpunta sa bundok na kinalalagyan ng kanilang diyos na si Bulalakaw. Umalis siya nainiwan ang kanyang mga gamit sa pangingisda, bahay at asawa, na ipinagbilin niya kayGurung-gurung na kanyang pinagkakatiwalaan. Di niya batid na si Kapinangan na kanyangasawa ay may gusto kay Gurung-gurung.Nakapansin ng pagbabago si Datu Sumakwel nang dumating siya sa kanilang lugar attahanan. Kaya't upang mapatotohanan, nagbalak siyang umalis sa kanila, pinahanda ang lahatng kanyang kailangan sa paglalakbay, na di batid ng kanyang asawa na iyon ay isa lamangpakana. Nagkataon naman kinabukasan, pinatawag ni Kapinangan si Gurung-gurung upangutusan daw, subalit sa bahay siya ay nakahiga na at talagang hinihintay ang pagdating niGurung-gurung. Subalit ang kanyang balak ay di nagkaroon ng katuparan sapagkat patay nabumagsak si Gurung-gurung na may tama sa likod. Ganoon na lamang ang pagdadalamhati niKapinangan, naisaloob niya na mabuti pa ang kanyang asawa ang namatay sa oras na iyon.Pinagputul-putol niya ang kamay at paa at ibinalot ng kumot upang di-gaanong mapansin.Dumating si Datu Sumakwel na nagbalatkayong bagong dating bago'y siya ang pumataykay Gurung-gurung sa pamamagitan ng sibat habang siya ay nakatago sa kisame. Pinaglutoniya si Kapinangan. At sinabing siya'y gutom na gutom. Nagtaka siya nang magreklamo siKapinangan nang sabihin niyang putul-putulin ang isda na dati rati'y kanyang ginagawa.Upang di-parisan ng mga kababaihan, ipinatapon niya ang kanyang asawa sa gitna ngdagat, subalit ang kanyang inutusan ay nagdalang habag, kaya't dinala na lamang niya siKapinangan sa malayong pook at doon nila iniwan.Sa pangalang Alayon, nakikilala sa Kapinangan sa lugar na kanyang narating, at siya'ysinambang diyosa dahil sa taglay niyang kabaitan.Lumipas ang maraming taon, subalit ang nangyari kay Sumakwel ay di rin niyanalilimutan. Minsan siya ay naglalakbay upang maghanap ng mga pananim, at sa diinaasahangpangyayari ang narating niyang lugar ay ang kinalalagyan ni Kapinangan. Di naniya nakilala si Kapinangan sa tagal ng panahong pagkakalayo. Naging mahusay angpagtanggap sa kanila sa nasabing lugar at sa loob ng ilang araw na pananatili doon, si Alayonat Datu Sumakwel ay nagkagustuhan, subalit sa tuwing sasagi ang nangyari sa kanyang buhay,parang ayaw na niyang makipagsapalaran.Aalis siya sa lugar upang iwasan si Alayon. Si Alayon ay lumuluha dahil sa napipintoniyang pag-alis, subalit di nagkaroon ng pagkakataong umalis si Datu Sumakwel sapagka'tsila'y pinaglapit ng kanilang mga kasamahan at humantong sa kasalan. Nagsama at namuhaynang matiwasay ang dalawa hanggang sa kahuli-hulihang sandali ng kanilang buhay, ay dinakilala ni Datu Sumakwel na ang kanyang muling pinakasalan ay si Kapinangan na dati niyangasawa.