answersLogoWhite

0


Best Answer

Si Genoveva Edroza-Matute ay Hindi lamang sikat at premyadong kuwentista. siya ay isa ring guro at awtor ng aklat sa Balarilang Tagalog. Nagturo ng mga asignaturang Filipino at mga asignaturang pang-edukasyon.

Siya ay nagturo ng apatnapu't anim na taon sa elementarya, haiskul at kolehiyo, at nagretiro bilang Dekana ng Pagtuturo sa Philippine Normal College (ngayon ay Philippine Normal University) noong 1980. Pinarangalan siya ng Cultural Center of the Philippines ng Gawad CCP Para sa Sining (Panitikan) noong Pebrero, 1992.

Maraming ulit siyang nagkamit ng Gantimpalang Palanca. Mabisa at madaling unawain ang kanyang pananagalog. Ang ilan sa kanyang mga kuwentong nagkamit ng gantimpala ay Kuwento ni Mabuti, Paglalayag sa Pusa ng Isang Bata, Parusa, Maganda Ang Ninang Ko at Pagbabalik.

Ilan sa mga naging aklat niya ay ang Mga Piling Maiikling Kuwento ng Ateneo University Press; ang Tinig ng Damdamin, katipunan ng kanyang mga piling sanaysay, ng De La Salle University Press; at ang Sa Anino ng EDSA, maiikling kuwentong sinulat niya bilang National Fellow for Fiction, 1991-1992, ng U.P. Press

User Avatar

Wiki User

βˆ™ 13y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Wiki User

βˆ™ 12y ago

si mohandas karamchad gandhi, itinuturing na ''Ama ng Bansang India'', ang isa sa mga naging pangunahing instrumento upang makamtan ng india ang kalayaan mula sa mga ingles.Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pilosopiyang satyagraha (satyam-katotohanan; agraha-tangan,hawak,kapit) o ang mapayapang pag-aaklas at hindi pagsunod.

Isinilang si Gandhi sa Porbandar,Gujarat, India noong 1869.Ang kanilang pamilya ay nagmula sa mga mangangalakal

- LHYNN ♥

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Talambuhay ni genoveva matute sa tagalog?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp