answersLogoWhite

0


Best Answer
Talambuhay ni Presidente Corazon C. AquinoSi Corazon C. Aquino na kilala bilang Cory Aquino ay ang ikalabing-isang pangulo ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang babaeng pangulo sa Pilipinas at sa Asya. Siya ay biyuda ng dating Senador Benigno Aquino Jr. na ang ikanamatay ang nagtulak sa EDSA 1 rebolusyon.

Kapanganakan at Pag-aaral

Si María Corazón "Cory" Cojuangco Aquino ay ipinanganak noong Enero 25, 1933 sa Tarlac sa mayamang pamilya ni Jose Cojuangco at Demetria Sumulong. Pang-apat sa anim na anak na sina Pedro, Josephine Reyes, Teresita Lopa, Jose Jr., and Maria Paz Teopaco, siya ay nag-aral sa St. Scholastica at Assumption Convent sa Manila. Nag-aral din siya sa Ravenhill Academy sa Philadelphia, sa Notre Dame Convent School the Notre Dame Convent School in New York at sa College of Mount Saint Vincent. Siya ay nagtapos sa Bachelor of Arts major in French Language and minor in Mathematics noong 1953.

Buhay May-Asawa

Nag-aaral siya ng Law sa FEU nang aiya ay huminto upang pakasal kay Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. noong 1954.

Sila ay nagkaroon ng limang anak. Sila ay sina Ma. Elena Cruz, Si Aurora Corazon Abellada, Victoria Eliza Dee, ang actress na si Kristina "Kris" Aquino-Yap at ang kaisa-isang anak na lalaki na si Benigno "Noynoy" Aquino III who also was elected as Senator.

Siya ay nanatiling may-bahay habang ang kaniyang asawang si Ninoy Aquino ay naging alkalde sa edad na dalawampu't dalawa, naging gobernador ng Tarlac at Senador ng Pilipinas.

Nang ideklara ang martial law ni Ferdinand Marcos noong 1972, isa si Ninoy sa mga naaresto at nahatulan ng kamatayan.

Siya ay pinayagan, kasama ang kaniyang pamilya na lumipad sa Estados Unidos noong 1980, sa Boston kung saan sila ay nanirahan nang tatlong taon.

Nang pinatay si Ninoy Aquino nang bumalik siya na Hindi kasama si Cory at ang mga anak, umuwi si Cory para pangunahan ang paglilibing sa asawa na dalawang miyong tao ang sumama.

Buhay sa Pulitika

Mula nang mamatay ang kaniyang asawa, naging aktibo si Cory sa mga demonstrasyon. Napagkasunduang ilaban siya kay Presidente Marcos nang pumayag itong tumawag ng snap election.

Kahit nanalo si Marcos sa bilangan ng COMELEC, nagpapakita naman ng ibang bilang ang NAMFREL.

Nang Pebrero 22, 1986, inilunsad ang People Power matapos na humiwalay sina Juan Ponce Enrile at Fidel Ramos sa administrasyon ni Marcos.

Noong Pebrero 25,1986 ay nanumpa si Presidente Cory Aquino sa Club Filipino habang si Marcos ay nanumpa sa Malacanan. Kinagabihan, ang buong mag-anak ng Marcos ay inilipad sa Estados Unidos palabas ng Pilipinas para iligtas sa mga taong nagsama-samang ibagsak ang diktadurya.

Ang Pagiging Presidente

Sa unang taon ng kaniyang pamamahala, maraming awards siyang natanggap kasama ang Woman of the Year ng Time Magazine.

Pinirmahan niya ang Comprehensive Agrarian Reform na nag-uutos na ipmahagi ang mga lupain sa mga magsasaka maliban sa limang ektarya na maaring iwanan sa may-ari ng lupa. Isa ito sa mga naging kaso ng pagkawala ng pagtitiwala sa kaniya ng mga dating kapanalig ng Hindi nila isali ang mahigit anim na libong ektarya na pagmamay-ari ng pamilang Cojuangco.

Sa kaniyang administrasyon din binago ang Constitution 1935 sa ginawang Constitutional Convention at plebisito na iaprubahan ang Bagong Saligang Batas.

Marami ring pag-aalsa ng militar ang nangyari sa kaniyang administrasyon na ikinasawi ng mga tao.

Sa kaniyang termino rin nangyari ang lindol, ang paglubog ng bapor at ang pagsabog ng Bulkang Pinatubo.

Pagkatapos ng Pagka Presidente

Inindorso niya si Alfredo Lim pagpangulo pero ito nanalo. Sumama rin siya sa EDSA 2 subali't humiwalay kaagad sa administrasyon at naging aktibo sa pagkontra kay Gloria Arroyo kasama ng dating si Erap Estrada at ang mga kontra partido.

Siya ay natuklasang may colon cancer noong Marso 2008.

Buwan ng Hulyo nang inihinto na ang mga paggamot sa kaniya at nanatili na siya sa ospital.

User Avatar

Wiki User

13y ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Talambuhay ni corazon c aquino tagalog?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp