answersLogoWhite

0


Best Answer

Si Agnes Gonxha Bojaxhiu, ay tinaguriang Mother Teresa na ipinanganak noong Agosto 26, 1910, sa Skopje, Macedonia na lahing Albanian. Ang kanyang ama, isang iginagalang na lokal na negosyante ay namatay noong siya ay walong taong gulang pa lamang. Nabalo ang kanyang ina, isang relihiyosong babae na nagtaguyod ng kanilang negosyo upang suportahan ang pamilya. Ginugol ni Agnes ang kanyang kabataan sa mga gawaing may kinalaman sa simbahan at pagkatapos noon, iniwan niya ang kanilang tahanan upang pumasok sa Loreto Convent sa Rathfarnam (Dublin), Ireland noong Set 1928 kung saan siya ay natanggao bilang isang postulant noong ika-12 ng Oktubre at tinaguriang Teresa, bilang deboto ni Santa Theresa ng Lisieux.

Sa pamamagitan ng order ng Loreto, si Agnes ay ipinadala sa Indya at dumating sa Calcutta sa ika-6 Enero, 1929. Sa kanyang pagdating, siya ay sumali sa Loreto novitiate sa Darjeeling. Ginawa niyang huling propesyon ang pagiging madre ng Loreto noong ika-24 May 1937, at pagkaraan nito ay tinatawag na Mother Teresa. Habang nakatira sa Calcutta noong panahon ng 1930s at '40s, siya nagturo sa St Mary's Bengali Medium School.

Noong ika-10 Setyembre, 1946, sa isang tren mula sa Calcutta papuntang Darjeeling, natanggap ni Mother Teresa ang tinagurian niyang "tawag sa loob ng isang tawag," upang buuin at palawakin ang pamilya ng Missionaries of Charity ng Sisters, Brothers, mga ama, at Co-Workers na may layuning "pawiin ang walang katapusang uhaw ni Jesus sa krus para sa pag-ibig at mga kaluluwa" sa pamamagitan ng "pagsasakripisyo para sa kaligtasan, pagpapakabanal at sa mga pinakamahihirap na ng mahihirap." Noong ika-7 ng Oktubre, 1950, ang mga bagong kapulungan ng mga Misyonero ng Charity ay opisyal na naitatag bilang isang relihiyosong instituto para sa arkdyosis ng Calcutta.

Buong 1950s at unang bahagi ng 1960s, pinalawak ni Mother Teresa ang gawain ng mga misyonero ng Charity sa loob ng Calcutta at sa buong Indya. Noong ika-1 ng Pebrero, 1965, ipinagkaloob ni Papa Pablo VI ang Decree ng Papuri ng Kongregasyon, at itinaas ito sa pang-obispong karapatan. Ang unang pundasyon sa labas Indya binuksan sa Cocorote, Venezuela, noong 1965. Lumaganap ang Samahan sa Europa ( Roma) at Africa (Tabora, Tanzania) noong1968.

Sa bandang huli ng 1960s hanggang 1980, pinalawak ng mga misyonero ng Charity upang maabot ang buong mundo at sa kanilang mga bilang na miyembro. Nagbukas si Mother Teresa ng mga bahay sa Australia, Middle East, at Hilagang Amerika, at sa London. Noong 1979, iginawad kay Mother Teresa ang Nobel Peace Prize. Sa magkatulad na taon, may mga 158 misyonero ng Charity foundations.

Nakaabot ang samahan sa mga bansang Komunista noong 1979 sa isang bahay sa Zagreb, Craotia, at noong 1980 sa isang bahay sa East Berlin, at patuloy na nagpalaganap noong 1980s at 1990s na may mga bahay sa halos lahat ng Komunistang bansa, kabilang ang 15 sa mga pundasyon ng mga dating Unyong Sobyet. Sa kabila ng paulit-ulit na pagsisikap, gayunpaman, Hindi nabuksan ang isang pundasyon sa Tsina.

Nagsalita si Mother Teresa sa ikaapatnapung anibersaryo ng United Nations General Assembly noong Oktubre, 1985. Sa gabi ng Pasko ng taong iyon, binuksan ni Mother Teresa ang "Gift of Love" sa New York, ang kanyang unang bahay para sa mga biktima ng AIDS. Sa mga darating na taon, sa bahay na ito ay daragdagaan pa sa Estados Unidos at sa ibang dako, para sa mga may AIDS.

Mula noong huli ng 1980s sa pagitan ng 1990s, sa kabila ng problema sa kalusugan, naglakbay pa rin si Mother Teresa sa buong mundo para sa propesyon ng mga novices, pagbubukas ng bagong bahay, at serbisyo sa mga dukha at sa mga natamaan ng kalamidad. May mga bagong komunidad ay itinatag sa South Africa, Albania, Cuba, at nasalanta ng giyera na Iraq. Noong 1997, nadagdagan ng halos 4000 ang mga kasapi ng samahan, at nakapagtatag pa ng halos 600 na mga pundasyon sa 123 bansa sa mundo.

Matapos ang paglalakbay sa Roma, New York, at Washington, sa isang mahina estado ng kalusugan, bumalik si Mother Teresa sa Calcutta noong Hulyo, 1997. Sa ganap na 9:30 noong ika-5 ng Setyembre, siya ay namatay sa Motherhouse. Ang kanyang katawan ay inilipat sa Iglesia ni Sto. Tomas, sa tabi kumbento ng Loreto kung saan niya ginugol ang halos 69 taon ng kanyang buhay. Daan-daang libong mga tao mula sa lahat ng mga klase at lahat ng relihiyon, mula sa Indya at sa ibang bansa, ay nagbigay ng kanilang respeto. Binigyan siya ng pambansang libing noong ika-13 ng Setyembre, ang kanyang labi ay ipinrusisyon - sa isang lalagyan ng baril na ginamit rin Nina Mohandas K. Gandhi at Jawaharlal Nehru - sa mga lansangan ng Calcutta na dinaluhan ng malalaki at kilalang personalidad sa buong mundo.

User Avatar

Wiki User

9y ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Talambuhay ni Mother Teresa ng India?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Dalawang uri ng talambuhay?

Mayroong autobiograpikal at biograpikal na uri ang talambuhay. Ang autobiograpikal na talambuhay ay isinulat ng taong kanyang nasa. Samantalang ang biograpikal na talambuhay ay isang akdang isinulat tungkol sa buhay at mga gawain ng isang tao mula sa pananaw ng ibang sumulat.


Paano gagawa nang isang talambuhay?

kapag gagawa ng isang talambuhay para ka ring gumagawa ng isang pasalaysay


Mga talambuhay ng mga pangulo ng ikatlong republika ng pilipinas?

i wish to wish the wish you my wish


Sino ang manunulat ng pabula at talambuhay nito?

dhgfse


Anu ang kahulugan ng talambuhay?

Anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng totoong salaysay ng buhay ng isang tao.


Talambuhay ni thales?

si thales ay isang mananahi ng international us.


Anu-ano ang iba't ibang uri ng talambuhay?

Uri ng talambuhay ayon sa may-akdTalambuhay na Pansarili -- paglalahad tungkol sa buhay ng isang Tao na siya mismo ang sumulat.Talambuhay na Pang-iba -- paglalahad tungkol sa buhay ng isang Tao na isinulat ng ibang Tao.


Buod ng talambuhay ni santiago pepito?

siya ay pogi tulad ni kim


Ano ang kaibahan ng talambuhay at kathambuhay?

ang talambuhay ay isang pagkwekwento ng buhay mo at ang tulambuhay ito ung kwento mo noong matanda ka na .


Talambuhay ni eduardo castillo?

Siya ang gumawa ng palamuting Baton


Ano kaibahan ng talambuhay sa anekdota?

ang talambuhay at anekdota ay parehong may kinalaman sa pagkukuwento tungkol sa buhay ng isang tao, ngunit may malaking kaibahan sila. Talambuhay ito ay isang detalyadong paglalahad ng buhay ng isang tao mula sa kanyang kapanganakan hanggang sa kaslukuyan o hanggang sa kanyang kamatayan. ito ay naglalaman ng mga pangyayari, karanasan, at mga kontribusyon ng isang tao na may malaking epekto sa kanyang buhay. anekdoto sa kabilang banda, ang anekdota ay isang partikular na kaganapan o pangyayari sa buhay ng isang tao. karaniwang mayroon itong katatawana, kahulugan, o aral. ito ay isang segment lamang ng buong buhay ng isang tao at hindi nagbibigay ng kabuuang larawan ng kanyang buhay.


Ano ang kahalagahan ng pag sulat sa ating pang araw araw na pamumuhay?

kung titingnan nyo po yung ibang halimbawa ng talambuhay, nagsisimula yun sa kapanganakan, hanggang sa kamatayan. Or kung buhay pa yung ginawan ng talambuhay, yung kasalukuyang estado nya. kung gagawan mo ang sarili mo ng isang talambuhay, parang magkukwento ka lang ng mga pinagdaanan mo o yung mga importanteng bagay sa iyong buhay, tulad ng edukasyon, mga awards or achievements na na-aacomplish.